MY 4 BAD BOSSES

By MissAzi01

148K 5.9K 514

This story is unedited This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents... More

CHAPTER 1 : WANTED YAYA
CHAPTER 2 : RUN AWAY
CHAPTER 3: NEW LIFE
CHAPTER 4: TRANSFORMATION
CHAPTER 5: OPPAHLICIOUS
CHAPTER 6: KAGAT SA TENGA
CHAPTER 7: THE TEN RIGHTS AND CONDITIONS OF GALE ANDRES PART 1.
CHAPTER 8: ANG SAMPUNG UTOS NI GALE ANDRES ( PART 2)
CHAPTER 9 :GALE AT YOUR SERVICE
CHAPTER 10: JEYDEIB SIDE STORY
CHAPTER 11: THANK YOU GALE ANDRES
CHAPTER 12: SECRET JOB?
CHAPTER 13: TEAMBATCHOY VS TEAMPAKSIW
CHAPTER 14 : POPOY AND BASHA
CHAPTER 15: GALE AT WHITE HOUSE PART 1
CHAPTER 16: GALE AT WHITE HOUSE PART 2
CHAPTER 17: GALE AT WHITE HOUSE PART 3
CHAPTER 18: FAST TALK
CHAPTER 19: ALGAE GOES TO LAGUNA
CHAPTER 20: LAGUNA
CHAPTER 21: GUSTO KITA
CHAPTER 22: POOR ALAS
CHAPTER 23: MARKY TEJANO
CHAPTER 24: HOTEL
CHAPTER 25: QUENITO
CHAPTER 26: FAKE TO REAL
CHAPTER 27: INTERVIEW PART 1
CHAPTER 28: INTERVIEW PART 2
CHAPTER 29: ROUND 2
CHAPTER 30 TEAMDARLING
CHAPTER 31: ANERISH OR GALE
CHAPTER 32: CORNYto
CHAPTER 33: SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 34: TEAMBABY
CHAPTER 35: THE DECISION
CHAPTER 36: DADDY
CHAPTER 37: ROUND 3
CHAPTER 38: TEAM BABY
CHAPTER 39 : TEAMLOVES
CHAPTER 40: THE TRUTH
CHAPTER 41: SPOKEN WORDS PERFORMANCE
CHAPTER 42: TEAMDARLING
CHAPTER 43: BESTFRIEND
CHAPTER 44: WELCOME BACK GEORGINA
CHAPTER 45: INIGO TO THE RESCUE
CHAPTER 46: TRUE COLORS
CHAPTER 47: GEORGINA VS ANERISH
CHAPTER 48: JEALOUSY
CHAPTER 49: SUNDALO
CHAPTER 50: QUENITO IS BACK
CHAPTER 51: MONTEREAL
CHAPTER 52: BULATE
CHAPTER 53: TUNAY NA KAIBIGAN
CHAPTER 54: ROUND 4
CHAPTER 55: RESULT
CHAPTER 56: MOMMY QUEENY MEETS GEORGINA
CHAPTER 57: ATHENA IS BACK
CHAPTER 58: GOODBYE
CHAPTER 59: THE KISS
CHAPTER 60: BATANGAS PART 1
CHAPTER 61 & 62: BATANGAS PART 2 &3
CHAPTER 63: SACRIFICES
CHAPTER 64: MARRY, KISS AND KILL
CHAPTER 65: KAPATID PART 1
CHAPTER 66: KAPATID PART 2
CHAPTER 67: INIGO VS MARKY
CHAPTER 68: SUPERINIGO
CHAPTER 69: FATHER AND SON
CHAPTER 70: FINDING GEORGINA
CHAPTER 71: THE DEAL
CHAPTER 72: GEORGINA MONTEREAL
CHAPTER 73: BODYGUARDS
CHAPTER 74: BABY ACE VS DARLING KOH
CHAPTER 75: AMA'T INA
CHAPTER 76: THE PLAN
CHAPTER 77: REUNION
CHAPTER 79: THE WEDDING
CHAPTER 80: THE END

CHAPTER 78: BRIDAL SHOWER

1.4K 35 0
By MissAzi01

MR. PARK POV

"Maliwanag na ba kung ano ang inyong gagawin, siguraduhin nyong malinis at magiging ayos ang trabaho nyo dahil buhay ng anak ko ang nakataya dito," maawtoridad kung sambit.

Nandito ako ngayon, nagtitipon kasama ang ilang doctor, nurses at mga tauhan ko.
Nagpaplano kami kung paano namin itatakas si Inigo sa hospital bago ang kasal nila Marky.

FLASHBACK

Pagkapasok ko sa ICU room nadatnan kung nakatulala si Inigo kaya dali dali lumapit ako sa kanya.

"Anak gising ka na," umiiyak na sambit ko.

Dahan dahan namang bumaling ng tingin sa akin ang aking anak.
Bakas din sa mga mata na sya ay umiyak.

"P--a--pa," nauutal nyang sambit.

Bahagya kong hinaplos ang mukha nya .
At mas lalong bumugso ang mga luha nya.

"Tatawag ako ng Doctor huh," sambit ko sa kanya.

Paalis na sana ako upang tumawag ng doctor ngunit iling ang sinagot nya sa akin.

"Wa-g k-ayo--ng t-u--mawag ng doctor," pagmamakaawa nya.

"Anak naman kailangan kang matingnan," ngumangalngal na pagsusumamo ko.

Ngunit umiiling na naman sa sinambit ko si Inigo.

"K-apag n-a-lam-an ni M-ark-y na gising na a-ko m-as m-ahihira-pan a-kong ma-katakas," sambit nya.

"Anak naman bakit ka ba tatakas pa huh?" angal ko.

"D-ahil ka-ilangan p-ang i-lig-tas ni Super Ini-go ang lov-es nya," umiiyak nyang sambit.

Ngayon napagtanto ko nang kung bakit isinugal ng anak ko ang buhay nya para kay Georgina.
Ngayon alam ko na, na nagmamahal na ang anak ko.

"Pero anak ikakasal na sya wala ka nang magagawa baka ikamatay mo lang," pagsusumamo ko kay Inigo.

"Ma-s ika-ka-matay ko kung map-apa-hawak sya, kaya Papa -pl-ease wa-g nyong ipaalam ka-hit ka-ni-no na gising na ako.Ta-pos ba-go si loves da-pat nakalabas na a-ko di-to pa-ra a-ko mismo ang maglayo sa kanya kay Marky," umiiyak na sambit nya.

Halos madurog ang puso ko sa sinasambit ng aking anak.
Ni minsan hindi ko nagawang isugal ang buhay ko para sa mga taong mahal ko.
Pero kahit paulit-ulit kahit mamatay mas pinipili pa rin nyang magpakasuperhero.

"Anak mahina ka pa at wag kang magaalala alam ko ililigtas ng mga kaibigan mo si Georgina, " pagsusumamo ko kay Inigo.

"Ma-lakas na a-ko ka-ka-ya-nin ko para ka-y loves.Kaya p-lease Pa-pa ila-bas nyo na a-ko dito kailangan nya na a-ko," pagsusumamo ng anak ko.

Halos nadurog na ang puso ko.
Alam kong wala na akong magagawa kung hindi tulungan nalang ang anak ko .
At siguraduhin hindi sya mapapahawak sa kung anuman ang gagawin nya.

"Oo ayaw ko man na isugal ang buhay mo.Pero nakikita kong mas masasaktan ka kapag hindi kita pinagbigyan," umiiyak na sambit ko.

Bakas sa mga mata ang kasiyahan sa naging desisyon ko.
Bahagya ko syang hinalikan sa kanyang noo.
Aaminin ko ngayon lang ulit ako nagpaka-ama sa aking anak.
At sana hindi pa ito ang huli, sana maraming oras pa ang dumating nang sa ganoon mapawi ko ang mga pagkukulang ko sa kanila.

END OF FLASHBACK

Ngayon sinisigurado kong magiging maayos ang lahat.
Samantalang si Inigo nagpapanggap na nasa kritikal na sitwasyon pa rin.
Habang kami inaayos ang lahat kung paano sya mailalabas ng walang sabit.
Para kay Inigo para sa anak ko gagawin ko ang nararapat na ginagawa ng isang ama.

GEORGINA POV

Nandito ako ngayon sa isang kwarto dahil dito ako dinala ni Mommy Queeny.
Sabi nya magbihis at mag-ayos daw ako.
Ngayong mismo na ang bridal shower na hinanda nila para sa akin.
Mabuti nalang pumayag si Marky at syempre wala sya dito dahil nga Bridal shower ito para sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at napatitig ako sa isang wedding gown na nakalatag sa kama.
Napakaaganda nito kaya dali dali lumapit ako dito.
Habang tinitigan ko ito tumulo nalang ang luha ko.

"Napakaganda mo ngunit ayaw kitang suotin dahil ayoko namang ikasal eh sa taong hindi ko mahal," umiiyak na sambit ko

Ayoko mang isuot ang gown na ito ngunit isusuot ko ito hindi para kay Marky.
Isusuot ko ito para sa mga taong mahal ko.
Kaya nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko.
Sobra akong nahirapan lalo na sa pagsusuot ng gown dahil wala akong katulong pero kinaya naman.
Konting make up lang din ang inilagay ko sa mukha ko.
Itinali ko rin ng maayos ang aking buhok.
Ilang minuto pa handa na ako.

Sabi ni Mommy Queeny na kapag tapos na raw ako magdirestyo daw ako sa may garden.
Kaya kinuha ko na rin ang flower bouquet.
At dahan dahang tinungo ang daan papuntang Garden.
At nang makarating ako dito tanging dilim ang nadatnan ko.

"Mommy Queeny!!!" sigaw ko habang nililibot ang paningin ko.

Hanggang sa nagbukas ang mga kumukutitap kutitap na ilaw.
Napansin ko ring nakapwesto ako sa may arko na puno ng mga bulaklak at sa harap ko ay may red carpet at sa dulo nito ay may arko din na may nakasabit na kurtina.
Hanggang sa may biglang tumugtog.

"WHEN THE VISIONS AROUD YOU,
BRING TEARS TO YOUR EYES,"  boses na ni Baby yun.

Nilibot ko ang paningin ko para makita sya ngunit si Kiby ang nakita ko lumabas sya sa may kurtina sa may arko sa dulo ng carpet.

"AND ALL THAT SURROUNDS YOU
ARE SECRETS AND LIES ," boses naman ni Darling ang kumakanta.

First time kung marinig na kumanta si Darling at napalamig din ng boses nya.
Habang si Kiby ay dahan dahang lumalakad sa carpet na nakasuot na barong na pang-abay.
Nakangiti sya habang lumalakad at matapos ito ay ay puwesto sya sa may gilid ng carpet.

" ILL BE YOUR STRENGTH 
ILL GIVE YOU HOPE KEEPING YOUR FAITH WHEN ITS GONE," patuloy na kanta ni Baby.

Hanggang sa si Dj naman ang lumabas sa may kurtina.
Nakangiti rin nyang tinatahak ang red carpet at nakablack suit naman sya.

"THE ONE YOU SHOULD CALL WHEN YOURE HERE ALL ALONE," punong puno ng emosyon na kanta ni Darling.

Pumuwesto naman si Dj sa left side ng carpet na katapat lang ni Kiby.

"AND I WILL TAKE YOU IN MY ARMS AND HOLD YOU RIGHT WHERE YOU BELONG TILL THE DAY MY LIFE IS THROUGH THIS I PROMISE YOU THIS I PROMISE YOU," kanta ni Baby sa nabibiyak na boses.

Kasabay ng pagkanta nya ang paglabas ni Athena at Quenito.
Tulak tulak ni Athena si Quenito habang tinatahak ang red carpet na pasalubong sa akin.
Wagas na ngiti rin ang ibinigay nila sa akin.
Samantalang ako, nandito at nakatayo sa ilalim ng arko habang pinanonood lang sila.
Matapos ito pumuwesto sila sa right side ng carpet na katabi lang ni Kiby.

"IVE LOVE YOU FOREVER IN LIFETIMES BEFORE AND I PROMISE YOU NEVER WILL YOU HURT ANYMORE ," umiiyak na kanta ni Darling.

Kasabay ng pagkanta nya ang paglabas naman ni Anerish.
Isang purong ngiti at mga matang naluluha ang salubong nya sa akin.
Hanggang sa marahan nyang tinahak ang red carpet at matapos ito puwesto sya katabi ni Dj.

"I GIVE YOU MY WORD I GIVE YOU MY HEART THIS IS A BATTLE WEVE WON AND WITH VOW, FOREVER HAS NOW BEGUN," kanta ulit ni Baby.

Kasabay ng pagkanta nya ang paglabas ni Mommy Queeny.
Napakanda sya sa simpeng white gown na suot nya.
Isang purong ngiti ang salubong nya at matapos ito pumuwesto sya sa right side ng carpet kasama sila Athena, Quenito at Kiby.

" JUST CLOSE YOUR EYES EACH LOVING DAY AND I KNOW THIS FEELING WONT GO AWAY TILL THE MY DAY MY LIFE IS THROUGH THIS I PROMISE YOU OOOHHH THIS I PROMISE YOU," kanta ni Darling.

Kasabay ng pagkanta ni Darling ang paglabas ni Beshiemon.
Hindi ko mapigilang matawa sapagkat naka-half gown at half suit ang suot nya.
Kung baga half lalaki at babae ang ayos nya.
Malandi nyang tinahak ang red carpet na halos ikatawa ko.
Matapos ito puwesto sya katabi nila Anerish at Dj

"OVER AND OVER I FALL WHEN I HEAR YOU CALL WITHOUT YOU IN MY LIFE BABY I JUST WOULDN'T BE LIVING AT ALL," kanta ni Baby kasabay ng paglabas nya.

Pumuwesto sya sa right side ng arko sa dulo ng carpet.
Nakabarong sya at sobrang gwapong tingnan.
Pinoy na pinoy talaga ang angkin kagwapuhan nya.
Kasabay din ng awit nya ang paglakad ko sa red carpet.
Habang lumalakad ako sinasabuyan nila ako ng mga petals ng bulaklak

"AND I WILL TAKE YOU IN MY ARMS AND HOLD YOU RIGHT WHERE YOU BELONG TILL THE DAY MY LIFE IS THROUGH THIS I PROMISE YOU THIS I PROMISE YOU," kanta ni Darling kasabay din nang paglabas sya.

Pumuwesto sya sa may left side ng arko sa dulo ng carpet na katapat lang ni Baby.
Napagwapo rin nya sa black suit na suot nya.
Punong puno na rin ng luha ang mga mata nya.
Habang sya ay umaawit patuloy rin ang pagtahak ko sa red carpet patungo sa dalawa.

Ang swerte kong bride dahil dalawang mokong na gwapo ang naghihintay sa akin.
Habang tinatahak ko ang carpet hindi ko mapigilang maluha.
Dahil sa dalawang lalaking alam ko mahal na mahal ako.

"JUST CLOSE YOUR EYES EACH LOVING DAY AND I KNOW THIS FEELING WONT GO AWAY TILL THE MY DAY MY LIFE IS THROUGH THIS I PROMISE YOU OOOHHH THIS I PROMISE YOU ," kanta ulit ni Baby.

Hanggang sa makarating na ako sa may dulo at ngayon kaharap ko na si Baby at Darling.

EVERY WORD I SAY IS TRUE THIS I PROMISE YOU ," sabay na kanta ng dalawa.

Lumulundag ang puso ko sa sayang nadarama ko.

"Thank you," emosyonal na usal ko sa dalawa.

Hanggang sa tinanguhan nila ako at sinenyasang humarap .
Kaya dali dali humarap ako kila Mommy  Queeny Kiby, Dj, Anerish, Beshiemon, Athena at Quenito.
Salubong naman nila sa akin ay mga emosyonal na ngiti.

"Magandang gabi sa inyong lahat," malambing na sambit ni Baby.

Unti unti akong bumaling sa kanya at sya naman ay hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Nandito kami upang balikan ang nakaraan, sariwain ang ngayon at higit sa lahat ipangako ang bukas sa babaeng pinakamamahal ko este natin," napakalambing na sambit ni Baby.

Bahagya akong napangiti sa sinambit nya.
At ang iba naman ay nangangatyaw pa.
Hanggang sa isang iglap hinawakan naman ni Darling ang kanang kamay ko.
At napabaling ako ng tingin sa kanya.

"Darling tanda mo ba kung gaano ako ka disappointed nung una kitang makita," natatawang sambit nya.

"Oo diring diri ka sa kanya nun tapos sabi mo mas maganda pa ako sa kanya," natatawang hirit ni  Beshiemon.

Halos magtawanan kaming lahat sa sinambit ni Beshiemon.
Totoo naman diring diri sya nung unang beses nya akong makita.
Kung ano-anung panglalait ang natanggap ko mula sa kanya.

"Oo naman tandang tanda ko kaya nga kita tinawag na Jeydimonyo eh," natatawang sambit ko sa kanya.

Napakagat sya sa kanyang labi na mas lalong nagpapula dito.
Bumuntong hininga nya ng malalim .

"Ayoko sayo nun kasi mahilig ako sa magaganda. Pero sa bawat magagandang nakikita ko at nakakapiling ko ni isa walang nakapagtibok sa puso ko katulad ng ginawa mo sa puso, " malambing nyang sambit.

Itsura palang ni Darling pang badboy na talaga yung tipong kaya nyang saktan ang lahat ng babae.
At hindi mo aakalaing na ang badboy na ito ay minsang namatay nang dahil sa pag ibig.

"Pero isang araw mahal na kita. Oo Darling mahal na kita noon at kada lumilipas ang bawat araw mas minamahal pa kita," malambing na sambit nya.

Kitang kita mo sa mga mata nya ang pagsusumamo.
Kitang kita mo sa mukha nya ang pagiging totoo.
Noon hindi ako naniniwalang mahal nya ako pero ngayon alam ko oo ramdam ko na mahal nya talaga ako.

"Ehem ehem ako naman," pagsingit ni Baby.

Bahagya akong iniharap ni Baby sa kanya, kaya nabitawan ko si Darling.
Isang nakaklaokong ngiti ang salubong nya sa akin.

"Baby kaya wag mo syang pipiliin kasi nilait ka ni Kuys noon," mapangasar na sambit ni Baby.

"Fuck you akala mong inosente eh ikaw din naman ah nilait mo sya," inis na sambit ni Darling.

"Bunsoy be serious!!!" hirit ni Mommy Queeny.

Napangiti nalang ako sa kanila, ang kukulit nila para silang si Dj at si Kiby.

"Mommy naman seryoso naman ako kay Baby, sya nga lang ang sineryoso ko," hirit ni Baby.

Hanggang sa tumititig sa akin si Baby at ganun din ako sa kanya.

"Tanda mo ba nung una kitang nakita inasar para kay Inigo. Akala ko ako ang number 1 fan ng loveteam nyo pero mabuti nalang hindi. Dahil ang gusto ko,  ako ang makaloveteam mo," nakangiting sambit nya.

Kitang kita ko sa mukha nya ang pagkakilig na nararamdaman.
Kitang kita ko rin kung gaano sya kasaya ngayon.

"Nagsimula ang lahat sa pagpapanggap. Nadala na kita sa bahay namin nahalikan pa kita at alam ko nabitin ka," natatawa nyang sambit.

Bahagya ko syang hinampas sa balikat nya .
Ang kapal ng mukha eh alam ko namang sya yung nabitin.

"Nagsama na tayo sa hirap. Lalo na nung mga panahong nanganganak ka. Sampung mahahaba at matatabang bata ang inilabas mo na halos ikamatay ko," natatawang sambit nya ulit.

"Hahahahhaah Bunsoy tumae pala si Georgina noon nung kinulong ko kayo hahahaha!!!" natatawang pangaasar ni Mommy Queeny.

"Hahahhahaha mabuti pa yung tae mahahaba at matataba eh yung kay Hon hahahhaahha nevermind," natatawang sambit ni Athena.

Samantalang si Quenito bakas ang pagkapahiya at yung iba ayun nagpipigil ng tawa.
Hanggang sa marahang akong hinarap ulit ni Baby.

"Inuwi pa kitang Laguna at ikaw lang yung babaeng inuwi ko sa laguna. Nakipaglaro pa tayo sa mga bata nagenjoy tayo pareho at yun pala unti unti nahuhulog na ako sayo," malambing na sambit ni Baby.

Hanggang sa  maraha akong hinila ni Darling paharap sa kanya.

"Hanggang sa binawi kita sa kanya. Hanggang sa nagkaroon ng kumpetisyon para sa puso mo. At hanggang sa paulit ulit kitang nasaktan," emosyonal na sambit ni Darling.

"Hayysss sayang lang dahil hindi natapos ang paligsahan nyo," malungkot na sambit ni Beshiemon.

Oo hindi nga natapos yun .
Pero sapat na rin upang mapatunayan kung tunay nila akong minamahal.
Pero inaamin ko sa pagitan nilang dalawa hindi ko pa kayang mamili.
Dahil pareho ko silang mahal ko.

"At ngayon sundalo mo na ako. At alam mo ba kung anong paulit ulit na dasal ng sundalong ito na sana pagdating ng panahon ikaw at ako sa harap ng altar ,sa harap ni father, sa harap ng pamilya natin at mga kaibigan natin, sa harap ni Lord tayo ay magiisang dibdib," nagsusumamong sambit nya.

"Ang swerte mo Georgina," naiiyak na hirit ni Anerish.

"Mommy dont cry," pagsusumamo ni Dj.

Hanggang sa bumaling ulit ako ng tingin kay Darling.

"Alam ko isa lang ang pwede mong pakasalan. Alam ko isa lang ang pipiliin mo sa aming dalawa at kung dumating sa puntong sya ang pinili mo. Hayaan mong palayain ka ng sundalong ito .Hayaan mong tanggapin nya ang pagkatalo nya  pero kahit na hawak mo na ang ang kamay nya nandito pa rin ang sundalong ito paulit ulit na ipaglalaban ka," malambing na sambit nya.

This time mas umagos ang mga likido sa mga mata ko.
At ngayon  tanging hikbi nila ang mga naririnig ko.

"Kung sya ang pipiliin mo bibitiwan kita pero hindi ibig sabihin titigil ako sa pagmamahal sayo. Kaya please kung sakali sakali hayaan mo nalang ako na mahalin kita kahit na may mahal ka nang iba," umiiyak na sambit nya.

Marahang kong pinusan ang mga luha nya.
Hanggang sa sinenyasan nya akong humarap kay Baby.
Marahan akong humarap kay Baby at isang ngiti ang salubong nya sa akin.

"Ganun din ako kung sakaling sya ang piliin mo, bibitawan kita. Kahit masakit bibitawan kita dahil ang mahalaga  para sa akin ay mapasaya ka. Kaya wag kang  mag alala kung masasaktan mo ko tandaan mo joker ako, ang misyon ko lang eh ang  pasayahin ang bawat isa," umiiyak na sambit ni Baby.

"Kuya bading ka ba wag ka ngang umiyak," saway ni Kiby sa kanya.

Halos manikip na ang dibdib ko sa sari saring emosyon na nararamdaman ko.
At this time lumuhod si Baby sa harap ko kasabay ng paghawak nya sa kanang kamay ko.

"Baby, ako si Alas Ace Montereal este Alonzo ay nangangako bilang masungid mong manliligaw na araw araw patatawanin kita kapag boring kana. Kapag nasasaktan kana pwede mong suntukin ang mga abs ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Ipagluluto kita kahit hindi ako marunong, ipaglalaba kita kahit may dugo pa yang mga panty mo. Higit sa lahat mamahalin kita, mamahalin kita, mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko," umiiyak na sambit nya kasabay ng paghalik nya sa kamay ko.

"Yun oh nagseryoso na ang fuckboy," pangaasar ni Quenito.

Sa pagtayo nya isang yakap ang salubong ko sa kanya.

"Kung sakaling handa na akong mamili pangako ko sayo ibibigay ko ang pagmamahal ko na higit pa sa sapat," bulong ko sa kanya.

Matapos ang ilan minuto naming yakapan nagbitaw na rin kami.
At bumaling naman ako ng tingin kay Darling.
Dahan dahan nya akong hinawakan sa bewang.
Marahang nagdikit ang aming noo.
Amoy na amoy ko ang hininga nya.

"Darling, ako si Jeydeib Smith na walang ginawa kung hindi ang paulit-ulit sirain ang pangako nya," sambit nya in a frustrated tone.

Ramdam kong humugot muna sya ng malalim na hininga bago magpatuloy sa sinasabi nya.

"Ilang beses na kitang sinaktan, ilang beses na kitang pinaiyak. Hindi sapat ang pagluhod lang kaya hindi na ako lumuhod.Pero tandaan mo yayakapin kita kapag may nanakit sayo gagawin kung panangga ang katawan ko laban sa mga ibabato nila sayo. Bubuhatin kita kapag pagod na pagod kanang harapin at lakarin ang bukas. Darling hindi sapat ang mga salita bagkus hayaan mo nalang ang sundalong ito na idaan ang lahat sa aksyon," malambing na sambit nya.

"Ako si Jeydeib Smith handa ng mamatay para sa pagmamahal nya sa nagiisang Darling ng buhay nya," malambing na sambit nya kasabay ng pagtulo ng mga luha nya.

Sa puntong ito niyakap ko rin sya.

"Kung ikaw ang mamahalin ko sa huli Darling pangako ko hinding hindi kita bibitawan hinding hindi kita iiwan kahit na nasasaktan at masasaktan mo pa ako," bulong ko sa kanya

Ilang minuto kaming nagyakapan.

"Group hug!!!" sigaw ko.

Kaya lahat sila ay sabik na nagsilapit sa amin kahit si Quenito ay ginawa ang lahat makisali lang sa group hug.
Nagyakapan kami at kasabay nun ang pagtulo ng mga luha namin.
Sana nandito rin si Super Inigo.
Sana nga habang buhay tayong magkakayakap.
Sana nga hindi ko kayo mabitawan .
Sana nga hindi ko kayo iiwanan.
Matapos ang ilang minuto ,nagsisigaw na si Beshiemon

"PARTY PARTY PARTY NA!!!" sisigaw ni Beshiemon

Sabay sabay kaming nagsibitaw sa aming yakapan .
Kasabay ng malakas na pagtugtog.

"DUBI DUBIDAP DUBI DAPA DAPAP DAPAP !!!" yan ang tugtog

Lahat kami ay napaindak.
Lahat kami ay magsasaya ngayong gabi.
Lahat kami iiwan muna ang sakit para sa panandaliang ligaya.
Lahat kami lahat kami at sana pagkatapos ng lahat ay buo pa rin ang salitang "lahat kami."

Continue Reading

You'll Also Like

89.5K 494 9
18နှစ်အထက်အပြာစာရေးတာမို့ချင့်ချိန်ဖတ်ပေးပါ။ညီအကိုချင်းလိုးတဲ့ intersex အပြာစာမို့ မကြိုက်သူတွေကျော်သွားနိုင်ပါတယ်။ Price 3000. Ch. 7.
945K 22.7K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
61.3K 3K 16
"who's up for a little high adventure?" in which a Muggle girl looking to start fresh winds up with far more excitement than she bargained for upon m...
95.4K 4.1K 12
A thief stole your first kiss, but was that the only thing he stole? I know you guys may find it weird Jungkook and Jessica. But nope I'm not shippi...