Sweet Evil

By SaviorKitty

4.4M 146K 28.5K

Vaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 - SPG
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12 - HoneyMoon Part One
Chapter 13 - SPG
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter

Chapter 15

119K 4.1K 1.8K
By SaviorKitty


Yvette's POV

Kumaway ako kay mama palabas na siya ng bahay ni Vaughn. Nagkausap na kami at nag sorry siya dahil daw sa inasal niya sa akin.

Hindi raw nila alam na kasal na kami ni Vaughn.

Mabait naman pala siya, ito lang si Vaughn ay seryoso ang mukha sa harap ng mama niya bakit kaya? Ni hindi man siya ngumiti at nagpaalam sa mama niya.

Siguro ay pinapalo siya noong bata siya o kaya may pinabili siya tapos hindi nabili, hays nako si Vaughn talaga ang isip bata.

"Let's go inside," sabi ni Vaughn saka hinawakan ako sa kamay.

Nawiwili na siyang humawak sa kamay ko. Hehe, gusto ko naman e.

"Sabi pala ni mama bumisita raw tayo sainyo minsan," kwento ko habang papasok na kami. Gusto ko rin kasi maka-punta sa bahay nila baka marami rin doon pagkain.

Seryoso lang ang mukha ni Vaughn na nilingon ako kaya ngumiti ako.
Bakit kaya hindi man lang siya ngumiti? Hindi ba nangangawit bibig niya kakasimangot.

"Hindi tayo pupunta," malamig na usal nito kaya napasimangot ako. Ang daya naman eh! Siya pinapapunta ko sa bahay namin tapos siya hmp!

"Bakit naman? Bahala ka pupunta ako si Ben10 na lang isasama ko," wika ko bigla naman napatigil si Vaughn at hinarap ako.

"Who's that fucking Ben10?!" Natawa ako sa tanong niya, hindi nga pala nanunuod ng TV si Vaughn.

"Hindi ko sasabihin! Ble!" natatawang wika ko saka tumakbo papasok, narinig ko pa sumigaw si Vaughn pero hindi ko na siya nilingon.

"I'll kill that Ben10!" Hahaha. Loko-loko talaga si Vaughn paano niya mapapatay si Ben10 ang dami nitong alien.

Pagpasok ko ay nakita ko si Bill at Cash kumaway lang ako sa kanila naramdaman ko naman nasa likod ko na si Vaughn.

Uupo na sana ako sa isang sofa doon nang may naalala ako.

Oo nga pala nagbake ako ng cupcake! Yey!

Third Person's POV

"Diyan lang kayo ha, nagbake ako ng cupcake!" masayang pahayag ni Yvette, napangisi si Vaughn dahil alam na niya ang lasa nito.

Prente siyang umupo sa sofa, pinanuod pumasok sa kusina ang asawa. Hmm my baby, I'm sorry you have to see me like this in front of my mother. I can't forgive them. I can't.

"Ayos, makaka-tikim tayo ng cupcake!" bulong ni Cash kay Bill.

Bumalik si Yvette na may dalang isang tray ng cupcake, maganda ang itsura nito may mga design pa sa itaas.

"Sige na kuha na kayo, ako gumawa niyan!" ani Yvette na masaya dahil maganda ang istura ng gawa niya hindi siya nagpatulong sa mga maid sa bahay kahit pa nagpupumilit ang mga ito.

Hays, baka kasi makagulo lang sa creativity niya, baka pumanget ang lasa.

"Ayos!" ani ng dalawa at sabay kumuha.

Pagkasubo nila ay agad silang naduwal ngunit bago pa man nila maluwa ay nakarinig na sila ng pagkasa ng baril.

"Oh Vaughn bakit ka may baril?" takang tanong ni Yvette.

"Wala 'to. Nagpa-practice lang ako para sa pelikula ko. Hindi ba artista ako?" ani Vaughn halatang inu-uto lang si Yvette. Masyado kasi itong inosente kumbaga, hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin ang totoo.

Masyadong literal ang lahat ng bagay. Masyadong positibo.

Sabay na napa-lunok si Bill at Cash na tumingin kay Vaughn na hawak ang isang handgun na pinapaikot-ikot pa nito sa kamay.

"Sandali lang ha? Kukuha lang akong juice, kain pa kayo!" masiglang pahayag ni Yvette at tumungo sa kusina.

Naka-tingin lang ng seryoso si Vaughn sa asawa hanggang mawala sa paningin niya saka tumingin sa dalawa na namumutla na.

"Ubusin niyo 'yan! Wag na wag niyo ipapakita sa asawa ko na ayaw niyo ng gawa niya. Tatanggalan ko kayo ng dila," malamig na usal niya kaya ang dalawang tauhan ay agad na isinubo ang natirang cupcake.

Kahit ang lasa nito ay mapait na maanghang. Hindi nila alam anong flavor ba ang ginawa ng asawa ng master nila.

Hindi naman nila pwedeng iluwa dahil tiyak na magagalit si Vaughn.

"Bill, ikaw ng bahala sa mga kapatid ko ha? May ipon ako sapat na yon para makapag-aral sila." Mangiyak-ngiyak na bulong ni Cash sa katabi dahil nasa harap lang nila si Vaughn na kumakain din ng cupcake animong sarap na sarap.

"Ako ata mauuna pare. Nasa lalamunan ko lang 'yung cupcake nakiki-paglaban sa bituka ko," bulong ni Bill na pilit nilululon ang cupcake na hawak pa niya.

Feeling kasi nila ay may lason ito bakit ba kasi ganon ang lasa ng kinginang cupcake na 'to?

Lalo sila napa-lunok ng dumating si Yvette na may dalang pitsel at tatlong baso, kitang-kita nila ang juice na kulay kalawang.

Pinagsalinan sila ng dalaga. "Vaughn oh!" Una nitong inabutan ang asawa. Hinihintay naman ni Bill at Cash ang magiging reaksyon ng boss.

Uminom ito at agad naubos ang isang baso. "Perfect honeybabe." Naka-ngiting wika Vaughn at ginulo ang buhok ni Yvette na tuwang-tuwa.

"Pare  mukhang okay naman 'yong juice," bulong ni Cash at nagsalin sa baso nila.

Sabay nilang ininom ni Bill sabay rin silang napatakip ng bibig nang malasan.

Lasa itong ampalaya na amoy bawang.

Kita nila ang masamang tingin ng master nila. Nagka-tinginan na lang si Bill at Cash bago pikit matang nilunok ang juice. Papatayin ata sila ng asawa ng master nila.

"Ang sarap! Huh! Busog na Busog na ako! Ha.ha.ha," pekeng wika ni Cash at humimas-himas pa sa tiyan.

"Ako rin. Grabe madam napaka sarap! Saan mo natutunan 'to? Hehehe," dagdag ni Bill at nag pekeng ngiti.

Napapalakpak naman si Yvette.

"Yay! Thanks sige kain pa kayo next time pizza naman ang gagawin ko," bakas sa mukha nito ang saya.

Hindi maiwasan ni Vaughn na pagmasdan ang babae. Gustong-gusto niya tinitingnan ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito.

Napapansin ni Vaughn na paunti-unti ay nagiging matured na ang asawa. Ganon ba ang dapat sabihin niya? Kaunti lang naman pero minsan ay makulit pa rin at tanong nang tanong.

Masyado kasing naburo ang asawa sa probinsya at laging ang pamilya lang nito ang kasama.

Nuong araw na pinuntahan niya ang pamilya ng dalaga para hingin ang kamay nito ay binalaan na siya ng mag-asawa. Hindi magiging madali ang pagsasama nila.

Ang sabi ng ina ni Yvette, nuong bata raw ito ay nagkasakit si Yvette. Simula noon ay parang nag-iba ito, parang late ito matuto. May mga bagay na lagi itong nahuhuli, may bagay naman na mabilis nitong matutunan.

Napabuntong-hininga si Vaughn. Whatever it is, he will make sure that he will take care of her.

Nang makaalis ang asawa upang ilagay sa kusina ang pinagkainan ay hinarap niya ang dalawa na namumutla.

"May ipapagawa ako sa inyo. Hanapin niyo 'yong Ben10 at dalhin sa akin. Gusto kong makita 'yong hayop na 'yon mukhang may espesyal silang ugnayan ng asawa ko! Huwag kayong magpapakita sa akin hanggang hindi niyo dala ang lalaking 'yon!" madilim na usal ni Vaughn bago sumunod sa asawa kusina.

Nagkatinginan na lang si Bill at Cash nang mawala ang amo.

"Pare tingin mo nahawa na si Master kay madam?" bulong ni Cash.

"Paano natin dadalhin sa kaniya si Ben10," ani Bill at napakamot na lang ng ulo.

NAGKARUON ng isang party na dinaluhan ng mga sikat na mga tao. Mga pulitiko o kaya naman ay mga business man.

Ginanap ito sa isang hotel sa Manila.

Nakasakay si Vaughn at si Yvette sa isang aston martin na sasakyan. Talagang sinama ni Vaughn ang asawa. Gusto niya ipagmalaki sa lahat na ito ang asawa niya. Gusto rin niyang unti-unting lumabas sa totoong mundo ang asawa, sa mundong ginagalawan niya.

"Vaughn nahihiya ako, gaganda nila," mahinang usal ni Yvette ng naglalakad na sila sa hallway.

Hinapit ni Vaughn ang babae sa beywang. Huminga nang malalim si Yvette dahil ito na naman ang puso niya na sobrang bilis ng tibok.

"You're the most beautiful girl I've ever seen. Wag kang mahiya," bulong ni Vaughn sa asawa.

Hindi man alam ni Yvette basta nahihiya lang siya ang dami kasing tao. Sa probinsya nila ay pare-parehas na mukha lang ang nakikita niya ng lumaki siya. Hindi man kasi siya nakakapunta sa ibang bayan doon dahil tiyak na maliligaw siya.

Saka isa pa, sakitin siya noon bata siya kaya lagi lang siyang nasa bahay.

Naka-suot si Yvette ng isang black gown na may long sleeve. Ayaw na ayaw kasi ni Vaughn na may makakita ng balat ng asawa samantalang si Vaughn ay nakasuot ng armani blue suit.

"Para malaman ng lahat na asawa kita lagi mo ipapakita ang singsing mo, iyan ang tanda na akin ka." Napanguso si Yvette, edi kung ipapakita niya edi malalaman ng lahat na nagnakaw sila ng singsing ni Vaughn.

Nagtinginan sa kanila ang lahat, sino hindi mapapatingin sa isang matipunong lalaki. Ang kilalang bilyonaryo kasama ang asawa nito, simple man ang kasal nila ay nalaman pa rin ng ibang tao.

"Good evening Mr. Navarro," bati sa kanila ng isang matandang lalaki.

Bahagyang pumisil sa beywang ni Yvette ang asawa.

"Good evening Mr. Marquez," pormal na bati ni Vaughn at mas nilapit ang asawa sa kaniya.

Napatingin naman ang matanda kay Yvette.

"Sino naman itong napaka gandang dalaga na ito?" ani ng matanda kumislap ang ginto nitong ngipin sa harapan.

"Nako! Masiyado naman po kayong honest lolo," ani Yvette with matching hampas pa sa braso ng matanda.

Halatang nagulat ang matanda sa ginawa niya.

"This is my wife," ani Vaughn.

"Oh. Totoo pa lang kinasal ka na, congrats iho," ani ng matanda at nginitian sila.

Hindi maiwasan mapa-titig ni Yvette sa ngipin ng matanda. Kung i-benta kaya ito ay mahal?

"Thanks. If you don't mind, please excuse us," paalam ni Vaughn. Hindi naman kasi siya mahilig makipag-usap. Si Mr.Marquez ay isa sa mga kakilala niya sa larangan ng industriya ng negosyo.

Lumipas ang oras. Ayaw sanang iwan ni Vaughn si Yvette kaso kailangan niyang kausapin ang ibang kilala sa business saka ayaw naman niyang ipilit iharap sa madaming tao ang asawa.

Habang kausap ni Vaughn ang mga kakilala ay naglakad-lakad si Yvette, hindi niya maiwasan mamangha sa gara ng mga nakikita niya. Natakam siya sa chocolate fountain sa isang gilid.

Sumulyap pa siya sa asawa na may kausap na isang matandang lalaki bago tuluyan lumapit doon.

"Wow. Gusto ko rin may ganito sa bahay," ani Yvette paglapit.

May nakita siyang baso na iba't-ibang ang kulay kaya pinag-iinom niya ito. Akala niya'y juice lang ngunit alak pala ito.

Kumurap-kurap si Yvette ng biglang lumabo ang paningin niya, hindi niya maiwasan mapa-hagikgik.

"Hi." Napatingin siya sa lalaking sumulpot sa kaniyang gilid niya. Naka-gray na tuxedo ito.

Pumukit-pikit siya dahil nagdadalawa ang lalaki sa kaniyang paningin. Pinaningkitan niya ito ng mata dahil parang pamilyar ito sa kaniya.

"Parang kilala kita. Artista ka ba o model? Alam mo action star ang asawa ko. Teka, nagiging apat 'yung mata mo," masayang kwento ni Yvette sa lalaki bago isubo ang isang slice ng apple na isinawsaw sa chocolate at lumagok ulit ng alak.

"Really? Baka nga nakita mo na ako noon," anito at ngumiti. Para talagang nakita na niya ito hindi lang niya maalala kung saan.

Tumango lang siya.

"Sige kuya. Alis na ako!" paalam ni Yvette na nahihilo na at naglakad na paalis doon nag palinga-linga siya para hanapin ang asawa.

Umiikot na talaga ang paligid. Unang beses niya makatikim ng ganon inumin, masarap naman.

Matagal bago niya makita si Vaughn na nakatalikod,napangiti siya nang makita doon Vaughn. Tatawagin na dapat niya ito pero napatigil din ng makita niya kung sino ang nasa likod nito naglalakad.

Si Celine.

Lumabas ang mga dalawa sa hotel at pumunta sa gilid, sa may garden.

Madami rin naman tao sa paligid.

Hindi niya alam pero kinakabahan si Yvette. Parang may kung ano sa dibdib niya na hindi niya alam kung ano bang tawag doon basta nalulungkot siya iyon lang ang alam niya, sobrang bigat sa pakiramdam.

Nakita niya ang dalawang nag-uusap. Hindi man siya makalapit dahil gusto niya makita kung bakit magkasama ang dalawa, nagtago siya sa isang puno doon.

Parang napako at agad nanikip ang dibdib niya nang halikan ni Celine si Vaughn. Kagad siyang tumalikod at tumakbo kahit hindi na niya maaninag ang daan.

Masakit at nakaka-lungkot, iyon lang ang nasa isip ni Yvette habang tumatakbo nanlalabo na ang mata niya sa luha.

Bakit ba siya umiiyak?

Hindi niya namalayan na swimming pool na pala ang lalakaran niya kaya tuluyan na siyang nahulog kasabay ng pag-ikot ng paningin niya ay ang paglubog ng katawan niya sa tubig.

Sa kabilang banda. Tinulak ni Vaughn si Celine at mabilis na sinampal. Walang pag-aalinlangan, walang awa.

"Subukan mo ulitin 'yann hindi lang sampal ang gagaw⁠—" hindi na niya natapos ang sasabihin ng magsigawan sa kabilang gilid nila.

"YUNG BABAE NALULUNOD!!!"

Kaagad siyang napabaling doon. Isang tao lang ang kaagad pumasok sa isip niya.

"Fuck! My wife!"

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.2K 26
The english version of this novel has been published on NovelCat (November 2020) retitled: Twin's Contract version. Coraline Lazaro - A kind, beautif...
14.7K 568 7
Elementary Series #6 (COMPLETED) Started with a joke na sineryoso ng RM Writers🤦🏻‍♀️ Start/End: 04/04/21
758K 31.8K 15
SEVEN DEADLY SINS SERIES 3: 𝐄𝐍𝐕𝐘 Reagan is a cold-hearted womanizer. Iyon na ata ang karugtong lagi kapag binabanggit ang pangalan niya. He alway...
144K 221 1
He's innocent Pure and naive She's wild Untamed and fierce When they collide, Who will trap in INTOXICATED LOVE? Warning: Read at your own risk MATUR...