My First and Last (JaDine) CO...

By ohitsme15

73.8K 2.4K 74

Si Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson To... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 48

837 38 7
By ohitsme15

Sinimulan ko ng magtrabaho para sa boutique na gagawin ko para kay Thea. Inilapag ko yung blue print sa malaking table ko at nagdrawing na ako. Gusto kasi ni Thea na Vintage yung theme sa boutique niya. Makalipas ang ilang oras ang tapos na rin ako sa exterior design ng boutique ni Thea. Tumingin ako sa oras at 1 pm na pala. Nakalimutan kong kumain. Hindi naman ako nagugutom. Umupo ako at nagpahinga muna bago bumalik sa pagtratrabaho. May lalakeng pumasok sa office ko

“May dala akong pagkain para sayo” sabay ngiti ni Xavier

Nagulat ako “Anong ginagawa mo dito?”

“Sabi kasi ng secretary mo na hindi ka pa daw naglunch kaya dinalhan na kita”

Tumayo ako at kinuha yung pagkain na dala niya “Salamat”

Tumingin siya sa blue print na nakalapag sa malaking table “Ang ganda naman nito. Para saan ito?”

“Para yan sa boutique ni Thea”

Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata “Thea?”

“Oo. Si Thea Young. Kilala mo ba siya?”

“Kilala mo si Thea?”

“Oo. Friend ko siya”

“Wala ka bang ibang naalala sa kanya?”

Nagkunot yung noo ko “Friend ko nga siya. Nagkakilala kami two years ago kasi business partners yung parents namin”

“Bukod pa don. May iba pa?”

“Kasintahan niya si Harry at doon rin siya nagkolehiyo kasama silang dala---” hindi ko natapos yung pagsasalita ko

“Bago pa nangyari lahat ng yan, may naalala ka ba?”

Huminga ako ng malalim “Alam mo, kahapon ka pa. Wala akong panahon para sagutin lahat ng tanong mo. Salamat pala sa pagkain. Makakaalis ka na”

“Janica…”

“Xavier, tama na. Nakakainis ka na. Hindi ka pa nga kita kilala tapos kahit ano ano na yung pinagsasabi mo sa akin. Tinawag mo pa akong tanga? Gago ka ba?! Kailan pa ba ako naging proud para tawagin ko ang sarili ko na tanga? Pwede ka ng umalis. Bukas yung pintuan ko”

Hindi siya nagsalita at umalis na sa office ko. Umupo ako at hinawakan ang ulo ko “Arrghhh!!! Nakakainis talaga siya!!!”

Nagmamadaling pumasok si Kara sa office ko “Ms. Marquez, may problema ba?”

Tumingin ako sa kanya “Wala”

“Bakit po kayo sumisigaw?”

“Wala lang. Okay lang ako. Bumalik ka na sa trabaho mo”

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay nakita ko si papa sa mini office niya sa bahay namin. Dito siya nagpapalipas ng oras at minsan rin ay dito siya nagtratrabaho kapag andito na siya sa bahay. Pumasok ako sa mini office niya at umupo sa harapan niya. Tumingin siya sa akin

“Janica, may kailangan ka ba?”

Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. Hindi na kasi ako mapakali sa mga pinagsasabi ni Xavier sa akin kaya gusto kong tanungin si papa baka alam niya kung bakit ganon si Xavier “May tanong po ako sa inyo”

“Ano yun?”

“Bakit palaging nagtatanong si Xavier sa akin ng kahit ano? Katulad ng nagmamahalan daw kami noon tapos bakit kilala ko si Thea at iba pa. Hindi ko nga siya maintindihan. May alam ka ba dito pa?”

Huminga siya ng malalim at umupo sa tabi ko “Nica, may sasabihin ako sayo pero sana huwag kang magalit”

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. May dapat ba akong malaman?

“Naaksidente ka kasi noon tapos nagka amnesia ka. Nakalimutan mo kami lahat”

Nagulat ako sa sinabi ng papa ko. Nagka amnesia ako? Totoo ba ang sinasabi niya? “Ba…ba…baki..bakit hindi ninyo ako sinabihan tungkol dito?”

“Kasi habang tumatagal, nakikita ka naming masaya ngayon sa buhay mo”

“Pero pa! Karapatan ko pa rin malaman ito lahat!” tumayo ako “Ayaw kong magalit sa inyo pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I feel betrayed. Galit na galit na ako sa inyo”

Umalis ako at pumasok sa kwarto ko. Hindi ako umiiyak pero galit na galit talaga ako sa kanila. All this time, tinago nila ito sa akin? Nakakainis talaga sila! Pumasok si Duke sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya

“Alam mo rin na nagka amnesia ako?”

Tumango si Duke. Tumayo ako at hinawakan ang ulo ko “Bakit ba hindi mo ako sinabihan nito?! Bakit itinago niyo ito sa akin?”

“Ate, gusto ko nga sabihin sayo pero natatakot ako baka maging complicated yung buhay mo ngayon dahil sa nakaraan mo”

“Bakit mo nasabi yan? Ano bang meron sa nakaraan ko?”

Huminga siya ng malalim “Hindi ako makakasagot niyan. Tanungin mo si kuya Kevin. Siya lang yung makakasabi sayo”

“Anong meron kay Kevin? Kung ikaw nalang kaya ang magsabi sa akin”

“Ayoko. Mas mabuti kung si kuya Kevin yung tatanungin mo”

Kinabukasan ay hindi ako kumain ng agahan sa bahay dahil iniiwasan ko sina mama at papa. Galit pa rin ako sa kanila dahil hindi nila ako sinabihan na nagka amnesia ako. Habang papunta na ako sa office ko ay napag isipan kong pumunta kay Jefferson. Nagtratrabaho si  Jefferson sa restaurant ni mama. Si mama ang may ari ng restaurant habang si Jefferson yung chef. Tamang tama! Wala pa don si mama. Pumasok ako sa restaurant at hinanap si Jefferson. Nakita ko si Jefferson na naghihiwa ng baboy. Lumapit ako sa kanya at nagulat siya “Anong ginagawa mo dito?”

“Pwede ba tayong magusap?”

“Teka lang. Roy! Ikaw muna maghiwa nito”

Pumunta kami sa labas at iniwan ni Jefferson yung apron niya

“Ano bang paguusapan natin?” tanong niya

“May alam ka ba tungkol sa pagka amnesia ko?”

“Janica…”

“Alam ko na alam mo ito pero may tanong ako sayo”

“Hindi ka ba galit sa akin?”

“Kakausapin ba kita ngayon kung galit ako sayo? Hay nako! Tinanong ko si Duke kagabi kung bakit hindi nila ako sinabihan na nagka amnesia ako pati na rin ikaw. So, here it is. Sabi niya ayaw niya daw maging complicated yung buhay ko ngayon ng dahil sa nakaraan ko. Ano bang meron sa nakaraan ko?”

“Umm…” hindi makasagot si Jefferson sa tanong ko

“Sabi ni Duke si Kevin daw ang dapat kong tanungin”

“Hindi naman ako si Kevin pero bakit ako yung tinatanong mo?”

Sinapak ko yung braso niya at hinawakan niya ito “Aray!”

“Ano ka ba Jefferson! Ayaw kong magtanong sa kanya dahil natatakot ako”

“Natatakot ka sa saan?”

“Sa kung ano yung malalaman ko”

“Hay nako Janica! Paano mo malalaman yung dapat mong malaman kung natatakot ka? Tama si Duke. Si Kevin lang yung makakasagot sa mga tanong mo. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko baka dumating na yung mama mo. Bye” pumasok siya ulit

Hay nako! Kailangan ko ba talagang tanungin si Kevin tungkol dito? Si Cloe! Oo nga. Si Cloe! Pero busy siya. Pumunta ako sa office ko at tinapos yung pinapagawa ni Thea. Inalagay ko yung blue print sa sasakyan ko at pumunta sa office ng mama ni Thea. Nung nakarating na ako ay nakita ko si Thea na nagaayos ng mga mannequin. Nagusap kami sa table katabi sa cashier at binigay sa kanya yung plot at blue print ko para sa boutique na pinapagawa niya

“Ang ganda nito Janica! Thank you so much! I owe you a lot! Babayaran kita! Magkano ba ito lahat?”

Ngumiti ako sa kanya “Huwag na. Libre na yan”

Nanlaki yung mga mata niya “Ano?! No! Babayaran kita. Ayaw kasi ni mom at dad na hindi kita babayaran”

“Umm…I’ll think about it”

“Okay. Just tell me kung magkano” iniligpit niya ulit yung plot at blue print

Gusto kong tanungin si Thea tungkol sa pagka amnesia ko. Alam ba niya yun? Sana nga alam niya at sana siya na yung makakasagot sa mga tanong ko “Thea…”

“Hmm??” tumingin siya sa akin

“May tanong ako sayo”

“Sure. What is it?”

“May alam ka ba tungkol sa pagka amnesia ko?”

“Oh…about that. I was in the States at that time nung nalaman ko na naaksidente ka and I was really shocked nung nalaman ko yon. When I came back here in the Philippines, when you thought that was our first meeting, don ko palang nalaman na may amnesia ka. Dad told me sa airport na that I should be careful about asking you a lot of things about your past…”

“About my past. Anong meron sa past ko?”

“Ummm…I hardly remember about it na. Nakalimutan ko na kasi yung iba kasi you know, I was in the States when I was in college. I’m so sorry, Janica”

“No, it’s okay” sabay ngiti ko. Akala ko siya na yung makakasagot sa mga tanong ko pero hindi pala. Si Kevin lang ba talaga yung kailangan ko ngayon? Pero natatakot akong tanungin siya. Natatakot ako kung ano yung dapat kong malaman.

Pumasok ako sa sasakyan ko at biglang nagtext si Kevin sa akin. Magkikita daw kami ngayon sa café. Huminga ako ng malalim at sinimulang magdrive. Habang nagdridrive ay kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pagkikita namin ni Kevin. Tatanungin ko ba siya tungkol sa nakaraan ko? Nung nakarating na ako sa café ay lumabas ako sa sasakyan at huminga ng malalim. Nung pumasok na ako sa café ay nakita ko si Kevin na may kasamang babae. Naguusap silang dalawa. Lumapit ako at nakita ako kaagad ni Kevin. Tumayo siya “Ito pala yung girlfriend ko, si Janica”

“Oh, hi Janica! You’re so beautiful. Good catch, Kevin” sabi ng babae

Ngumiti nalang ako sa kanya. Sino ba itong babae?

“Janica, this is Alexa”

Alexa? Hmmm…sounds familiar. Nagoffer siya ng kamay niya para magshake hands kaming dalawa. Tinanggap ko yung kamay niya at nagshake hands kami. Umupo kaming dalawa ni Kevin

“Janica, si Alexa ay matagal ko ng kaibigan. Galing pa siya ng Canada”

Tumango ako at ngumiti dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko

“She’s still beautiful…like before” sabi ni Alexa

VOTE.COMMENT^^

Continue Reading

You'll Also Like

318K 5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
8.6M 319K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
8.9K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
7.1K 494 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...