Just Like Before

By moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. More

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 35: Distracted.

2.5K 36 13
By moisel

Chapter 35

“Dana, naririnig mo ba ang sinasabi mo? That isn’t measure one’s friendship. Susubukan ko naman eh. Lalayo ako dahil ayokong masaktan ka, pero hindi ko kelangan gumamit ng iba…”

“Sa tingin mo ba lalayuan ka ni Royce kung alam niyang mahal mo siya? Hindi, Hailey! Lalo lang siyang lalapit sa’yo. Mag-isip ka nga, Hailey! Hindi ka lalayuan ni Royce!”

“Hindi mo ba inaalala si Kuya Dino? Pa’no kapag nalaman niyang pinakiusap mo lang sa’kin para pumayag akong magpaligaw sa kanya, kung totoo man ang sinasabi mong may gusto nga siya sa’kin. Mas lalo siyang masasaktan, Dana. Kapatid mo siya, alam kong mahal mo siya kaya hindi mo gugustuhin na masaktan siya.”

“Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Enough with this, Hailey.” Inayos niya ang sarili niya habang nakatitig sa salamin sa harap namin. “We need to go. Baka hinahanap na nila tayo.”

“M-mauna ka na, Dana…”

“Fine.”

Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Dire-diretso siyang lumabas ng cr. Napasandal ako sa wall. Ngayon lang ako nakaramdaman ng pagod. Pagod dahil sa kulang ako sa tulog at pagod mula sa sagutan namin ni Dana. Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Nang dahil lang sa lalaki, mag-aaway kami. Willing akong piliin siya over Royce. Siya ang mas nauna kong nakilala kesa kay Royce. Ilang taon na kaming magkaibigan.

Pinipili ko siya kahit mahal ko si Royce. Kapag nilayuan ko siya, matatapos na lahat.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng cr. Naglalakad ako papunta sa oval nang may biglang tumabi sa’kin. Nagulat ako nang makitang si Harley yon.

“Kaibigan mo siya pero mas pinipili niya ang sarili niyang kasiyahan kesa sa’yo. Tss. What the?”

“Nakikinig ka sa usapan namin, Harley?”

“Pasalamat ka dahil ako lang ang nakarinig. Usap ba ang ginagawa niyo? Akala ko kasi sigawan. Kung kausapin ka kasi ng kaibigan mo parang alipin ka niya. At ikaw si tanga, nagpapaalipin naman. Imagine, nasa labas ako ng comfort room.”

“Igalang mo ko, Harley. Ate mo pa rin ako!”

“Wag mo kong sigawan, malapit lang ako sa’yo.”

Naglakad siya ng mabilis paalis. Napaupo nalang ako sa sobrang frustrate. Kahit kapatid ko hindi ko na alam kung anong nangyayari. Nilagay ko ang kamay ko sa mukha ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao sa paligid. Pagod na ko. Pagod na pagod.

“Skyla Hailey…”

Nanatili lang akong nakaupo. Lintek na luha, hindi maubos-ubos!

“What?! Sisigawan mo rin ako?!”

“Shhh…”

Hinigit niya ko pero hindi ako nagpatinag. Nang magsawa siya ay tumigil rin siya kahihigit. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa’kin.

“Sabi ni Mommy, kapag nalulungkot daw ang kaibigan mo, yakapin mo lang siya. Hindi ko alam kung pa’no ka pasasayahin. Kapag nalaman ‘to ni Royce, mapapatay ako non. Quiet lang ah?”

Hinayaan niya kong umiyak sa balikat niya. Hinayaan niya kong kumalma. Yun naman ang kelangan ko ngayon. Humiwalay lang ako sa kanya nang makarinig ako ng reklamo sa mga nasa paligid namin. Akala nila boyfriend ko si Levi at dito pa mismo kami naglalandian sa harap nila. Tss.

“Don’t mind them. You okay?”

“No.” Diretsa kong sagot bago pinunasan ang luha ko. “Akala ko galit ka sa’kin?”

“Sinong may sabi?”

“Ako. May iba pa ba tayong kasama? Tss.”

Tumayo ako. Nagsimula na ‘kong maglakad paalis. Alam kong sinundan agad ako ni Levi. Malapit na kami sa oval nang bigla akong tumigil. Parang ayoko nang tumuloy…

“San ka pupunta, Skyla Hailey?”

“Tigilan mo nga yang kaka-Skyla Hailey mo!”

“Bakit, huh? Yun naman talaga ang pangalan mo!”

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa University mall. Bumili ako maraming pagkain bago nagpunta sa food court. Kinain ko lahat yon. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng tao sa paligid. Magandang diversion ang pagkain.

Naramdaman ko na naman ang masamang aura ni Levi sa harap ko. Walang hiya hiya siyang umupo sa harapan ko.

“Penge naman.” Sabi niya bago dumampot ng sandwich na malapit sa pwesto niya. Hindi ko pa siya pinapayagan pero kumuha agad siya. Kapal talaga! Hindi ko nalang inintindi. Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya. Naiwang nasa bibig niya yung sandwich. Binaba niya lang ‘to nung kakausapin niya yung tumatawag sa kanya. Napangiti ako at napailing nung makitang may mayo sa labi niya. Messy eater. “Okay… hmm.” Tumingin siya sa’kin bago sa pagkaing kinakain ko. “Tacos at… frappe.”

Binaba niya yung cellphone niya pagkatapos i-end ang call. Pinagpatuloy niya ang pagkain ng sandwich. Nang matapos siya ay pinunasan niya ng tissue ang bibig niya. Maya-maya ay tumayo na siya. Good thing. At least mawawalan—

“God, Levi! Bakit ba bigla bigla kang nanghihila?”

“Mags-start na daw ang game. Let’s go!”

“Kaya kong maglakad nang hindi mo hinahawakan.” Umirap siya bago binitawan ang kamay ko. Parang sasabog ang puso ko nang makitang malapit na kami sa open court. Mas maluwang ito kaysa sa gym. Magkatabi ang basketball court at volleyball court.

Nakita ko agad ang kapatid ko sa bleachers na parang may hinahanap. Nung makita niya ko ay nanlaki agad ang mata niya. Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya. Nakita ko na nasa tapat siya ng basketball court. Huminga ako ng malalim bago nagdesisyon na lumapit. Ngunit hindi pa ko nakakalayo ay may humila na sa’kin.

“Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita tinatawagan. Dito tayo.” Hindi ko napansin na nasa tabi ko pala si Dana. Hinila niya ko paupo sa bleachers sa tapat ng volleyball court. Pagtingin ko kay Harley ay nakakunot na ang noo niya.

“Skyla Hailey.” Napatingin ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Levi. “What are you doing here? You are supposed to sit there.” Tumuro siya sa kabilang court. Umiling ako. Ayokong marinig ni Dana ang pinag-uusapan namin. “Damn. Sana hinayaan nalang kitang kumain ng kumain don kesa panoorin pa ‘tong game! Tss.”

Badtrip na umalis si Levi. Pag tingin ko kay Dana ay seryoso siyang nakatingin sa court habang pinapanood ang nag-aayos na players.

Napatingin ako sa kabilang court. Nakita ko agad si Royce na mukhang badtrip din habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Nakita kong namumula ang leeg niya. It’s either, naiinitan siya o nagagalit siya. Hindi ko pa rin nakakalimutan yon.

“GO, ROYCE! PAPA ROYCE! PAPA ROYCE!” Napatingin agad ako sa mga nagchi-cheer. Parang gustong umusok ng bumbunan ko sa galit. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa’kin. Tss.

“Stop staring at him, Skyla Hailey!” Narinig kong madiin na sabi Dana sa tabi ko.

“What, Dana? Tinitignan ko lang ang kapatid ko.” Umiling siya bago nagtaas ng kilay.

“Hindi ko akalain na magsisinungaling ka ng ganito para lang makita si Royce. I can’t believe you, Hailey.”

Napapikit ako bago hinawakan ang noo ko. Ano pa bang dapat kong gawin? Damn.

“Hailey?” Kumaway si Nami para makita ko kung na’san siya. Nakita kong kasama niya rin ang iba kong kaklase. Lahat sila ay naka-black. “Dana!”

Nasa may volleyball court siya pero sigurado akong dadaan lang siya doon para makapunta sa basketball court. Tumaas siya sa bleachers para makalapit sa’min. Nauna nang humanap ng pwesto ang iba kong kaklase sa harap ng basketball court.

“Bakit nandito kayo?” Tanong niya.

“Manonood kami ng game nina Kuya.” Sagot ni Dana.

“YOU ARE SO STUPID, DANA!” Nagulat ako sa sinabi ni Nami. Tumawa siya pagkatapos non. Nakita ko agad na dumaan ang galit sa mata ni Dana. “Bakit Kuya mo ang panonoorin eh sa CSPE naman siya? Look, galing satellite campus ang kalaban nila. Dun tayo sa kabila, COE vs. COM!”

Dun ko lang napansin na naka-black at red na jersey nga ang kalaban nina Royce. Sila naman ay combination ng dark blue at white. Yun ang official color ng COE.

“Tapos hihigitin mo pa si Hailey eh alam mo namang nasa kabilang court si Royce, sana nagsolo ka nalang, Dana!” Tumawa ulit siya. Gusto ko siyang patigilin kahit na alam kong biro niya lang yon. Sineseryoso niya kasi ang sinasabi ni Nami. Parang kakaiba lang, dahil dati pa man, sanay na kami sa talas ng dila ni Nami.

“Alright.” Yun nalang ang sinabi ni Dana bago naunang tumayo at naglakad papunta sa basketball court. Nagkibit balikat si Nami bago hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami palapit sa kabilang court.

“Masarap ka talagang kasama, Hailey. Feeling ko tuloy ako ang tinitignan ni Royce.” Bulong niya sa’kin. Napatingin ako kay Royce dahil don. Napangisi siya nung makitang umuupo ako malapit sa kapatid ko. “Shet! For sure, mananalo na sila niyan. I-cheer mo pa rin ang COM ah?”

Nag-umpisa na ang first quarter. Mainit agad ang laban. Napapatalon ako sa kinauupuan ko kapag nakikita kong naagaw ang bola. Damn! Hindi ako mahilig sa sports nito ah!

Lumakas ang cheer nang makashoot ang COE. At ang unang nakagawa ng score ay si Royce! Three point shot!

Nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya. Nagyayabang pa ang loko! Unti-unti siyang tumingin sa pwesto ko. Ngumiti siya habang kagat pa rin ang lower lip niya! Inaakit pa ko! Damn you, Royce!

Nag-iwas ako agad ng tingin. Binalewala ko ang nakakabinging tili ni Nami sa tabi ko. Nakita ko ang seryosong mukha ni Dana habang nakatutok pa rin ang mata sa court. Nasa right side siya ni Nami. Na-guilty ako. Habang nagtatatalon na ang kung anumang meron sa tiyan ko ay nasasaktan naman ang bestfriend ko.

“Akala ko ba nandito tayo para i-cheer ang COM, eh bakit mas chinicheer mo pa ang COE?” Rinig kong sabi ni Dana kay Nami. Tumahimik sandali dahil tapos na magpasikat si Royce. Tss.

“Duh! COE kaya ang naka-shoot, edi sila ichi-cheer. Kapag nakashoot ang COM magwawala pa ako dito, if you want.”

Todo irit ulit ang ginawa ni Nami nang makashoot naman ang COM. Mas lamang pa rin ang COE. Sila ang nagchampion last year kahit wala pa si Royce. Hindi na ko magtataka kung magchampion ulit sila ngayon.

“GO PAPA ROYCEEEEE!” Sigawan ulit nang makashoot si Royce. Mabuti naman at hindi na siya tumingin sa pwesto ko. Lalong nagwala si Nami. Feeling ko pulang pula na ang kamay ko sa sobrang higpit ng kapit niya.

“Nami, cheer for COM, for Pete’s sake!” Sigaw ni Dana dahil hindi na halos magkarinigan.

“Dana, just watch okay? Hindi mo ba nakikita?! Ang gwapo ni Royce lalo na kapag nakakashoot! GO PAPA ROYCE!!!”

“Eh ano naman? Wala naman yan sa mukha—”

“Kunwari ka pa eh! Kung hindi ang bestfriend mo ang gusto ni Royce edi sana inaakit mo na rin si Royce! Malas lang natin dahil si Hailey ang gusto. Pero okay lang, hindi naman selosa si Hailey! OH MYY! Three points again!”

Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Watch your mouth, Nami! Damn! Hindi ko mapagsasabihan si Nami dahil malalaman niyang may gusto talaga si Dana kay Royce. Oh, dear.

“I like Ate Nami, ate.” Malaki ang ngisi ni Harley pero nakatutok pa rin ang mata sa court.

“Narinig ko ang maganda kong pangalan, Harley. May sinasabi ka?” Dumungaw si Nami sa harap ko para makita si Harley ng maayos. Umiling si Harley bago tumuro sa court.

“Nakashoot ang COM.”

“OH MYYY! GO PAPA DYLAN!” Cheer ni Nami sa kaklase namin na player din.

Pinili ko nalang na manood ng game at wag pansinin ang sagutan nina Nami at Dana. Mas naging mainit ang game. Feeling ko ay nagkakapersonalan na rin ang cheerers ng COM at COE.

“LINTEK! NATATALO NA ANG COM!” Sigaw ulit ni Nami. Tinignan ko ang scores. Malaki na ang lamang ng COE. “ISAIAH LEVI!”

Napatingin ako sa tinawag ni Nami. Nasa likod lang pala namin si Levi.

“What? Shut up, Namiah. Rinig Mars ang boses mo.”

“WOW HA! Galing kang Mars?!” Sarkastikong sabi ni Nami. “Dito ka, dali!”

Hinigit niya si Levi sa tabi ko. Medyo maluwang pa naman kaya nakaupo siya ng ayos.

“Akbayan mo si Hailey.”

“WHAT?!” Sabay naming sigaw ni Levi. Ano ba ‘tong pinagsasasabi ni Nami.

“Napaka-inosente niyong dalawa. Para mawala sa sarili si Royce. Kahit crush na crush ko yon, mas gusto ko pa ring manalo ang COM no. Go na!”

Siya na mismo ang naglagay ng kamay ni Levi sa balikat ko. Yun ang scene na naabutan ni Royce. Kumunot agad ang noo niya. Napatigil siya sa gitna ng court habang ang iba ay seryoso pa rin sa game. Binagsak agad ni Levi ang kamay niya. Nagkunwari siyang walang nangyari.

Maya-maya ay nakipagsabayan na ulit si Royce. Pero hindi katulad nang kanina, mas maraming sablay sa mga tira niya ngayon.

Napairit din ako nang lumampas sa ring ang bola. Padiretso na ito sa’ming nanonood. Umilag agad ako. I hate balls!

“OH DIBA?! DISTRACTED! GO PAPA ROYCE! KAHIT WALA SA’MIN ANG RING, GO PA RIN NG GO!”

Hinila ko ng mahina ang buhok ni Nami. Tumawa lang siya sa ginawa ko. Lumayo agad sa’kin si Levi. Pagtingin ko sa kanya ay masama na ang tingin niya kay Nami. Nang maramdaman ni Nami ang titig ni Levi ay tumingin siya dito bago nag-peace sign.

“I’m so smart!”

Babatukan ko sana si Nami nang mahagip ng mata ko si Dana. Seryoso siyang tumingin sa’kin. Maya-maya ay umirap siya. Tumingin siya sa kabilang court. Nandon naglalaro sina kuya Dino.

Napapikit ako ng madiin. Ano pa bang pwede kong gawin? Hindi ko akalain na mahihirapan ako ng ganito sa buong buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 272K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
1.8M 92.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...