Not Your Ordinary Cliché Story

By annexpearl

283 141 39

Typical girl fell in love with the not-so-typical exchange student. And the not-so-typical basketball player... More

Not Your Ordinary Cliché Story
Prologue
I.
II.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.

III.

22 17 7
By annexpearl

Ang unang beses na pagtutor namin sa isa't isa ay nasundan pa nang nasundan. Ginawa naming MWF ang schedule ng session para narin may time pa kaming gawin ang kanya kanya namin business. Habang tumatagal ay lalo kong nagiging crush si Xavier dahil napakagwapo niya talaga at gentleman pa.

Ngayon ay Saturday, meaning wala kaming session ngayon pero may klase parin ako ngayong umaga. Lumabas na ko at nilock ang gate saka sinimulang maglakad papalabas ng subdivision habang pakanta kanta.

Hindi pa ako nakakalayo nang may marinig akong pagkalakas lakas na busina na nanggaling sa likod ko. Agad kong nilingon yung pinanggalingan ng busina. Tinted yung sasakyan kaya hindi ko nakita kung sinong tao. Baka naman hindi ako ang binubusinahan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napatalon ako nang marinig nanaman yung busina. Ano bang problema nito!?

Napatigil ako nang huminto yung sasakyan sa harap ko. Binaba yung bintana at nasira ang araw ko nang makita ko kung sino yung nasa loob. Walang iba kundi ang bwisit na si Gio.

"Tara, sabay na tayo." tinanggal niya yung suot niyang shades sabay kindat.

"No, thanks." inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Feeling close siya.

Patuloy ang busina niya pero hindi ko parin siya pinapansin. Nagtitinginan na yung mga ibang tao pero wala parin siyang tigil. Dahil sa inis ko ay hinarap ko siya. Bukas parin yung bintana kaya maririnig niya ako.

"Hindi ako sasabay, okay? Mas gugustuhin kong magjeep at makipagsiksikan sa bus kesa makasama ka dyan sa loob ng kotse mo!" pasalamat ay tinablan siya at mabilis na pinaharurot yung sasakyan niya.

Binilisan ko nalang maglakad dahil baka malate pa ko. Nang sa wakas ay nakarating na ako sa labas ng subdivision. Habang naghihintay ng dadaang bus ay nagstay muna ako sa waiting shed para hindi mainit.

Pero lumipas ang ilang minuto ay wala paring bus. Pasulyap sulyap ako sa wrist watch ko dahil baka malate ako. Nagpanic ako dahil 20 minutes nalang ay magsstart na ang klase ko nang huminto sa harap ko ang kotseng may malakas na busina kanina. Lumabas si Gio at binuksan ang pinto sa front seat. Being gentleman, huh?

"Sakay na. Wala naman akong gagawing masama sayo eh. Nagmamagandang loob lang ako bilang kapitbahay mo. Peace offering narin para sa nangyari nung nakaraang araw." nagpeace sign siya.

Ano raw? Kapitbahay? Kahitbahay ko tong kumag na to? Kelan pa?

"Kung gusto mo, maging kapitbuhay mo narin." banat niya sabay kindat. Aba! Nasasanay na siyang kumindat sakin ah.

Inirapan ko siya at sumakay sa kotse niya. Wala akong choice dahil pag di pa ko sumabay, siguradong malalate ako.

"Alam mo nung araw na yon, hindi talaga kita pinatid. Sinabi ko namang mahaba lang talaga legs ko." sabay tawa niya na parang walang humpay. Hindi ako naniniwala! Alam ko sinadya niya yun.

Binatukan ko siya nang malakas.

"ARAY!! OUCHHH!" sabi niya habang hawak hawak yung likod ng ulo niya.

"Ang bigat naman ng kamay mo! Amazona kaba ha!? HAHAHAAHAHA" aba! Nakuha niya pang tumawa ah.

"Para yun sa pagtisod mo sakin! At ano!? Mahaba legs mo? Helloooo. Walang wala ka kumpara kay Xavier no! Try mo tumabi sakanya mukha kang dwarf HAHAAHAHAAH!" napahawak ako sa tyan ko habang tumatawa. Napatahimik siya bigla habang nakatitig sakin. Buti nalang naka red light kundi lagot na.

Teka, did I just mention Xavier? Pinagmalaki ko siya at lumalabas na.... no! Act normally. Hindi pwedeng malaman ni Gio dahil siguradong aasarin niya ako.

"Anong tinitingin tingin mo? Green light na oh!" turo ko kaya medyo nagpanic siya pero pagtingin niya nakared light padin. Lumingon ulit siya sakin.

"Fakerrrr!! HAHAHHAHAHA!" napeke ko siya don. Tawa ako ng tawa hanggang sa sumakit yung tyan ko. Siya naman ay napailing nalang dahil totoong nag green light na. Ginawa ko yon para maiba yung usapan. I can't believe na binanggit ko si Xavier sakanya. At lalong hindi ako makapaniwalang nakikipagbiruan ako sa lalaking to.

Mabilis ang takbo nang oras dahil dalawang subject lang ang meron ako ngayon. Hindi ko nakita maghapon si Xavier. Baka busy day niya ngayong araw. Inalis ko siya sa isipan ko dahil ayokong magtuloy tuloy ang pagkacrush ko sakanya. Hindi ko dapat siya masyadong iniisip dahil hanggang doon lang dapat yon.

Hindi pa ako uuwi dahil magkikita kami ngayon ni Angie at kakain sa labas. Hinihintay ko siya ngayon sa usual na pinagkakainan namin palagi. Ilang sandali pa ay dumating na siya. Kagaya ng dating gawi, kwentuhan tungkol sa academics, sa mga bagay bagay na nangyayari sa buhay, tawanan nang bigla may grupo ng mga lalaki na pumasok sa resto at base sa pare parehas nilang jacket, mga basketball player to ng LPU..

What? Basketball players? So ibig sabihin malaki ang tsansa na andito din si Gio. No, hindi lang malaking tsansa kundi nandito talaga siya at nakatingin siya sakin habang nakangiti. Papalingon na si Angie sa tinitingnan ko pero bigla kong inagaw yung attention niya.

"Anj!! Hindi mo ba kakamustahin yung pagtututor ko kay Xavier Evans?" pag-oopen ko ng topic at hindi na pinansin pa ulit si Gio. Hindi porket sumabay ako kanina ay close na kami at pwede niya akong kausapin in public. No way! Ayokong dumugin at pagchismisan ng fangirls niya.

"Ay oo nga pala! So, kamusta? Pakilala mo naman ako sakanya." kinikilig niyang sabi.

"Sige one of these days papakilala kita." napangiti siya at kinurot ang pisngi ko.

"Mukhang nasasanay kana mag English ah." napatawa ako. Siguro dahil sa matagal na nakakasama ko si Xavier ay nahahawa ako.

Ilang sandali lang ay sumenyas na ako sa waiter para sa bill namin. Sumulyap ako kay Gio at sa nakitang mukhang paalis narin siya at nagpapaalam na sa mga teammates niya. Dirediretso lang siya sa paglabas at hindi na muling tumingin pa sakin. Hindi ko nalang rin siya pinansin.

Pagtapos namin magbayad at lumabas nadin kami ng resto at parehas kaming nagulat ni Angie sa nakita.

Nakasandal sa kotse niya si Gio at biglang umayos ng tayo nang makita niya kami. Bubuksan niya na sana yung pintuan sa front seat nang may biglang bumisina at patungo ito sa direksyon namin at hindi ako pwedeng magkamali. Kotse iyon ni Xavier.

Bumaba siya ng kotse at humarap sakin.

"Hi, Summer. Tara, hatid na kita." uy wow ginamit niya yung mga natutunan niya sakin at with accent pa.

"Summer, dito kana magkapitbahay naman tayo eh." tuluyan nang binuksan ni Gio yung front seat.

Omg, what to doooooo??

Napatingin ako kay Angie at binigyan ko siya ng save-me-from-this look. Pero imbis na tulungan ako ay humakbang siya paatras.

"Una na ko, byeeeeee!!" saka siya mabilis na tumakbo palayo.

"ANGELINAAAA!!!!" sigaw ko sakanya pero wa-effect.

Hinarap ko yung dalawa.

"Hmm, sige una nadin ako ha. May dadaanan pa ko eh." pinilit kong ngumiti at dahan dahang tumalikod.

"Samahan na kita." sabay pa nilang sabi kaya lumingon ulit ako at nakitang parehas pang nakaturo sa mga sasakyan nila.

"Come on, Summer. Get in to my Maserati Ghibli." full of confidence na sabi ni Xavier. Pa-fall naman masyado to.

"Ayaw mo ba sa BMW 4 ko Summer? It's a lot comfortable here." hinimas himas pa ni Gio yung sasakyan niya sabay kindat. Yabang.

Mukha akong tangang nakatayo sa harapan nila not until someone grab my wrist at pinilit na pinapasok sa loob ng kotse.

Natagpuan ko ang sarili kong nasa loob ng kotse ni Xavier. So siya ang nagwagi? Hehe. Joke ang feeler ko.

Tahimik lang buong byahe. Nagiisip ako ng pwede kong sabihin. Nagpop sa utak ko yung tanong na paano niya nalamang andon ako.

"Hmm, Xavier." tawag ko sakanya habang nagtatype pa ako sa Google Translate. Ito na ang naging bestfriend ko pag kasama ko si Xavier. Kaya kong mag English sa sarili ko pero hindi ako confident. Though minsan hindi rin tama yung Google Translate hahaha.

"How did you know that we were there?" tumingin ako sakanya, nakafocus parin sa daan.

"Well, I was on my way home and I happened to pass by where you are. I thought someone was bothering you so I decide to save you from him." awww sweet.

"Do you know that guy from earlier? Kilala mo ba?" dugtong niya pa. Slang parin yung Tagalog.

"Ah, yeah. He's my neighbor and he is a basketball player from our university." oh sa sarili ko yan ah. Pag mga basic lang ay yakang yaka kong English-in pero pag complicated na, kailangan na ng tulong ni bestfriend.

"Ah, he likes you?" medyo nagulat ako sa tanong niya kaya umiling lang ako bilang sagot.

"You like him?" mas kinagulat ko ang tanong na yon kaya agad agad ay umiling ako.

Bigla nalang siyang ngumiti ng nakakaloko at parang may ibang ibig sabihin.

Is he shipping for us!?

-----

Kung kayo, anong pipiliin nyo? BMW or Maserati? HAHAHHA LOL.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
32.3K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
55K 906 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: