Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)

47.6K 875 74
By wistfulpromise


(A/N: ok sasagarin ko na ang mga revelations haha pasensya na kung medjo mdrama yung mga huling chapters pero this time last revelation na 'to at tayo'y magmo2ve-on na sa LOVE )

Dedicated sa kanya. Thank u thank u thank u talaga for supporting my story!

Chapter 46 continuation....

***

Chapter 47

(Not super Revised & Edited. Dispensa mi amigos. LOL.)

Serene's POV

Napalingon kaming lahat sa mga dumating. Sobrang dami ng mga lalaki at nakapila sila sa dalawang linya na para bang naglalakad sa isang army style. Naukupa nila ang buong hallway at sa mga mukha pa lang mukha ng nakakatakot dahil sa mga suot nilang itim na damit at may mga hikaw sa mukha. Gangster na gangster ang look at mukhang anytime handa na para makipaglaban. Pero ang mas kinagulat ko ay ang biglaang pagyuko nila sa harapan namin.

Tinignan ko sila mama pero parang napakanormal lang sa kanila ito. Ibinaling ko muli ang tingin sa kanila, nag-iisip kung ano ba talaga ang nangyayari dito nang bigla nilang hinawi ang daan at nakita ko ang sagot sa tanong ko ng dumaan ito sa gitna papalapit sa kinatatayuan namin.

"It's nice to see you again Lady Magdaleine."

"Same to you my dear friend, Jena."

Tama ba ang narinig ko? Si mama at si Lady Magdaleine magkakilala?? Mas lalo pa akong nagulat ng makita silang nagngitian sa isa't isa-- isang bagay na hindi normal sa kanila para gawin.

Lumapit sa akin si mama at saka hinawakan ako sa balikat. "Magdaleine I want you to meet Serene, my daughter."

Sa pagkakasambit ng pangalan ko, doon lang ako napansin ni Lady Magdaleine. Halata ang gulat sa kanyang mga mata pero nakita ko pa rin syang ngumiti para kay mama. Pagkatapos saka ko lang napansin na kanina pa pala nakatayo si Nathan sa likod nya.

Pati si Nathan?! Anong ginagawa nya rito?! Napahawak naman ako sa GClef pendant na suot ko sa dibdib na tila ba nakasanayan ko ng hawakan sa tuwing kinakabahan ako.

"I'm giving you three days Serene para makapag-isip. I really really like you for my grandson" --Lady Magdaleine.

Huwaaaat?!! Muntik ko ng makalimutan! Anong araw na ba ngayon? Tama, ito na ang ikatlong araw. Di kaya-- oh no! Nandito ba sila para ipagkasundo kami?

Lady Magdaleine's POV

Si S-Serene ang anak ni Jena? Pero hindi maaari--

(way back to 'Chapter 44: Puzzle Pieces')

Ano na nga ba ang pangalan nya ulit? Clarene? Corine? Noreen? tsk sa tagal ng panahon mukhang nakalimutan ko na nga talaga. Basta ang alam ko ang tunog ng huli nyang pangalan ay 'rin'

 

What? sya nga? Se'rene'-- 'rin'. Serene Lopez. Bakit hindi ko naisip yun? sabi ko na nga ba pamilyar ang mukha nya. Pero bakit? sa yaman ng pamilya nila bakit nasa mababang Section at estado ang nakatala sa mga papeles nya na pinahalungkat ko? This can't be. Sya pa man din ang gusto ko para sa apo ko pero hindi maaari. Masyadong magulo ang buhay ng mga Avana at Lopez ayaw ko ng madawit ang pamilya namin dahil doon.

I thought I will surprise Jena with a great news pero ako pa pala ang mas nasurpresa dahil dito.

Serene's POV

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Ito na ba yun? Yung kinakatakutan namin ni Nathan? Aissh! Sya naman kasi eh. Nakita ko rin ang gulat sa kanyang mga mata ng makita ako pero agad din iyong napawi ng nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Ano na?

"Serene I invite Lady Magdaleine to say that she will be your mentor before your upcoming 17th birthday." 

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si mama, Mr. Valdez, Niel, Lady Magdaleine, Nathan at yung mga lalaki na kasama nila kanina lahat kami nasa iisang silid.

"Serene are you listening? This is important."

"Ah...eh sorry po?" lumilipad ang utak ko kaya ayan tuloy hindi ko narinig ang sinabi ni mama.

"I said Lady Magdaleine will be you mentor" ulit nya.

"Mentor? Mentor po para saan?"

"Kailangan mong magsanay para makapaghanda dahil hindi biro ang pagdadaanan mo pagkatapos ng 17th birthday mo." sumbat ni Lady Magdaleine na nakaupo sa harap namin, katabi si Nathan.

"Hindi ko po kayo maintindihan."

Waaah! Masyado akong nagugulantang! Hanuba! Ang gulo ng buhay ko.

"It's been in your family for generation Serene na bago ka tumuntong sa ikalabing-pitong taon mo ay kailangan mong magtraining. Training dahil ikaw ang magiging tagapagmana ng trono ng mama mo...walang iba kundi ang pagiging Gangster Queen." si Mr. Valdez

Training? Hala! Ipapasok na ba nila ako sa millitary? Pssh gangster queen daw--

Teka, wait. Tama ba ang narinig ko? 

Gangster-- Huwaaaat?! Ansaveh? G-Gangster Queen??! A-ako??!

Naibaling ko ang tingin ko kay mama halatang halata sa aking mukha ang pagkagulat dahil sa narinig at saka ko ibinaling ang sarili sa paligid

"T-teka po kailangan po ba natin itong pag-usapan sa harapan nila?" what I mean is sa harap nila Nathan at Niel na nasa iisang kwarto din tulad ko.

"Don't worry Serene we already know everything." pacool na sabi ni Nathan habang nakasandal pa sa upuan

"Tama si Nathan Serene, alam na namin ang lahat tungkol sayo." ngiti naman ni Niel.

"W-wait, what?! Teka kailan pa?" Ang tagal kong itinago ito tapos alam na rin pala nila all along? Naglolokohan ba tayo o gusto lang nilang maglaro ng hide and seek?

"Hindi pa naman ganun katagal, kamakailan lang." --Nathan

Tumingin naman ako kay Niel para marinig ang sagot nya pero sa halip iniwas lang ang tingin sa akin. 

"Don't worry their lips are sealed. Kahit anong mangyari hindi mabubuko ang sikreto mo" sabi ni Mr. Valdez pero hindi sya nakatingin sa akin kundi kay mama. Akala ba nila hindi ko napapansin? na kung may anong kislap na lang ang mga mata ni Mr. Valdez kapag nahahagip nito si mama kahit hindi ito nakatingin sa kanya? Hmmmm...

"Kung alam nila Niel at Nathan ang sikreto ko, alam rin ba nila Jace at ng iba nating kabanda ang tungkol sa bagay na 'to?"

"Nope. Kami lang ang nakakaalam nun" dahil sa reassurance ni Nathan kahit papano nakahinga ako ng maluwag.

"B-but how? Paano nyo nalaman? At tsaka ano pong ibig nyong sabihin na Gangster Queen?" 

Hindi nga? ako? Si mama Gangster Queen? Oh my!

"Listen, to make this simple to you Serene is that, ang pamilya natin ay pamilya ng mga gangsters. Wala ka pa rito sa mundo ang pangalang Avana na ang namamayagpag sa larangang ito. Nasa pamilya na natin na bago tumuntong ang nag-iisang anak sa ikalabing pitong kaarawan ay kailangan ng magsanay para sa mga darating hamon para lang maagaw ang titolo sa pamilya natin. And you really need to take this seriously dahil once na nagpabaya ka, maaagaw sa atin ito ng mortal na kaaway natin at kapag nangyari iyon, isang napakalaking kahihiyan at gulo ang mangyayari." paliwanag ni mama.

"P-pero bakit ako pa? Bakit ngayon nyo lang sa akin sinabi 'to?" 

Kami? pamilya ng mga gangster's? tss I can't believe this. Itinago nila sa akin 'to ng napakatagal? bakit? sobrang dami kong tanong pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa kaka-isip ng mga sagot.

"Sa totoo nyan ay ang kailangan talaga ay ang pinakapanganay sa pamilya. 17 sa babae at kung lalaki naman ay 18. Ikaw na lang ang nag-iisang natitirang anak since--"

"--wala na si kuya." ako na mismo ang nagtapos ng sinasabi ni Mr. Valdez "Si kuya dapat hindi ba ma? Si kuya dapat at hindi ako. Nasa tamang edad na si kuya para dito pero bigla na lang syang nawala kaya ngayon ako-- ako, kasi ako naman ang may kasalan, ganun ba ang ibig nyong sabihin?" Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Hindi na sa akin nakatingin si mama pero halata sa mukha nya na tulad ko ay pinipigilan na rin nya ang pagtulo ng mga luha dahil namayapa kong kapatid

"Pamilya tayo ng mga gangster pero bakit? Bakit noong sinabi ko sa inyo na gusto kong magkaroon ng sarili kong gang noon pinipigilan nyo ako? Bakit hindi nyo man lang sinabi sa akin na nasa pamilya na pala natin ito?"

 

"Because I don't want you to end up like me." Napahinto ako sa sinabi nya. Tumingin sa akin si mama at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. 

"Magulo. Napakagulo ng mundo na kinalakihan ko. Tulad mo rin ako noon na sa edad na labing pito ay kailangan magtraining. Napakahirap kung alam mo lang, natuto akong madumihan ang sarili kong mga kamay manalo lang sa lahat ng humamon sa akin at para mapanghawakan ang pagiging Gangster Queen. Ginawa ko yun kahit na sa totoo lang ayaw kong manakit ng kahit na sino."

Nakinig lang kami sa kanya lalo na ako 

"Hindi tahimik ang buhay, lagi na lang kailangang tumakbo dahil sa kaaway ng pamilya. Ayaw kong maranasan nyo yun dahil ang gusto ko lang ay maganda at tahimik na buhay para sa inyo. Kaya noon pa lang napag-usapan na namin ng papa mo na kung magkakaanak man kami hinding hindi nyo mararanasan ang dinanas naming hirap. Kahit anong mangyari magiging normal ang inyong pamumuhay. Pinili namin itong isikreto para sa inyo at pinilit din namin na huwag ng dumating ang araw na ito para sayo. Pero hindi na pwede... Siguro nga what runs on the blood will always be on it. Dahil hindi ka namin napigilan, hindi ka namin napigilan ng bigla ka na lang pumasok sa mundo na pilit naming inilalayo sa inyo."

Naiiyak na ako. So kasalanan ko talaga, kasalan ko na nawala si kuya. Kasalan ko "It's my fault. I'm so sorry mama dahil sa akin nawala si kuya, dahil sa akin nawala lahat ng pinaghirapan nyo, dahil sa akin..." hindi ko na nga napigilan at umiyak na ako sa harapan nilang lahat sabay hawak kong muli sa pendant ko.

"Sshhh it's never been your fault darling." naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni mama.

"Pero galit kayo sa akin ni papa. Di ba nga kaya nyo ako pinauwi dito sa Pilipinas para mabigyan ng leksyon?"

"It's not like that, it's never been like that at hindi kami galit sayo ng papa mo" pagpapaliwanag nya.

"Hindi kayo galit? pero bakit all this time--"

"Pinauwi ka namin ng papa mo dahil gusto ka naming iligtas. Nawala na ang kuya mo sa amin at ayaw namin na pati ikaw mawala rin sa amin. Its never been your fault because the truth is, its our fault. Mga mortal na kaaway ng pamilya natin ang may gawa nun sa kuya mo at nahanap nila tayo kahit anong pilit na tago ang gawin natin para lang wag kayong mapahamak. Ayaw na ng pamilya natin ng gulo pero dahil sa ginawa nila bumalik kami sa nakagisnan naming buhay ng papa mo."

Hindi ko na maintindahan ang nararamdaman ko. Para bang may malaking bahagi sa puso ko na nawalan ng tinik dahil sa paglalahad nila sa akin ng katotohanan.

"Kung kayo po ang Gangster Queen sa ngayon, ano po ang pangalan ng gang na kinabibilanagn ng pamilya natin?" nacucurious lang ako. May 'The Intricate' na nga ako tapos meron pang isa? 

"Ellipses. Ellipses Gang ang pinamumunaan ko at ng papa mo. At kasama sa Gang na yun ang pamilya ng mga Rodriquez which is Lady Magdaleine's family with her one and only grandson Nathan, na tulad mo ay papalit din sa posisyon nya sa takdang panahon."

Napatingin ako kay Nathan at sumaludo sya sa akin habang hindi pa rin maalis alis ang ngisi sa kanyang mga labi. Ibinaling ko naman ang tingin kay Niel at Mr. Valdez. Para namang naunawan ni mama ang tingin kong yun sa kanila.

"Valdez family is in special case. Tulad ng mga Rodriguez ally din natin sila pero," ngumiti na lang si mama habang nakatingin kay Mr. Valdez "I think Aldrin will be the one who will explain that to you." 

Aldrin? Aldrin pala ang pangalan ni Mr. Valdez? ngayon ko lang nalaman yun ah.

Tumango lang sa akin si Mr. Valdez.

"To summon it all up, you really need to train with me before your 17th birthday" sabi ni Lady Magdaleine sa akin "Ikaw ang papalit sa posisyon ng mama mo so you need to be strong but I think base on the last battle that we had, nagmana ka sa mama mo pagdating sa husay sa pakikipaglaban." napangiti na lang sya pagkatapos sabihin yun.

"Kung mortal po nating kaaway ang may dahilan sa pagkamatay ni kuya, sino sila?" naging seryoso ang boses ko. Sino sila? bumabalik sa isipan ko ang mga nakaitim na lalaki ng araw na yun.

"Sa ngayon you don't need to know. Mas mabuting wala ka munang alam tungkol sa bagay na yun para na rin makaiwas sa mas malaking gulo. All you need to do is to focus. As Magdeleine said, she will be your mentor para mapaghandaan ang papasukin mong hamon to be the new Gangster Queen."

 

Pagkatapos ng lahat ng yun nag-usap pa sandali si mama at Lady Magdaleine at bago pa man sila tuluyang umalis muling yumuko ang mga lalaki kay mama bilang paggalang. Sa ikalawang banda inimbitahan ako ni Mr. Valdez na maglakad lakad muna sa labas.

"Masyado bang mabilis ang lahat ng ito sayo Serene?" tanong nya sa akin habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Opo hindi ko po akalain na ganun pala kalalim. Nandito po ba tayo tungkol sa sinasabi ni mama kanina tungkol sa pamilya nyo?

"

Nakangiti lang sya sabay tango sa akin "As you know your family has been in this situation  since a very long time ago. Dahil doon gusto ng bawat pamilya na masecure ang mga anak nila lalo na ang papalit sa posiyon na pinag-aagawan ng lahat. Ang Gangster Queen or King kung lalaki man."

 

Masinsinan lang akong nakinig sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad "In this case kung ang family nyo ay family ng mga gangsters, ang family namin ay pamilya ng mga guardians. Misyon namin na bantayan kung sino man ang papalit na Gangster Queen which means sya ang magiging gabay mo sa pagtratraining kasama si Lady Magdaleine. Ika nga forever na kayong nakatali sa isa't-isa at kahit anong gawin mo hindi ka iiwan ng guardian na para sayo dahil iyon ang patakaran. Lopez and Valdez will always have a special bond to each other, and I'm so lucky to be part of it." Napahinto ako saglit sa paglalakad. Wow meghanun? Ang antaray pala ng pamilya namin eh! 

Revelations 101: 

First.. Magtratraining ako at magiging mentor si Lady Magdaleine before ng 17th birthday ko.

Second.. Gangster Queen lang naman ang aking mother dear. hansaveh?

and last but not the least... may guardian pa ang lola nyo! Wow bongga! parang napapanood ko lang sa tv ah. astig!

"Ibig pong sabihin kayo po ang magiging guardian ko?"

Natutuwa namang umiling iling si Mr. Valdez dahil sa sinabi ko. 

"Hindi ako dahil matagal na akong tapos jan. At isa pa, isang tao lang ang nakadestino sa amin. And in my case, it was your mom."

"Kung hindi po kayo sino?" kunot noo kong tanong

"Your guardian will be Niel, my son."

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
47K 6K 38
Vlogger Series #1 : Shendily Crizelle Lara is a popular college girl from Quaranton College. She has thousands of followers and everybody's admiring...
130K 3.5K 56
(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?
24K 2.7K 62
The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay...