Stallion Island Adaptation se...

By Nightxshade

132K 1.8K 249

Ria has her time of her life. A blooming career and financially growing business. And she always puts her hun... More

PREFACE
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT

CHAPTER TWO

7.2K 87 7
By Nightxshade

"If you would like sir, I will meet you tomorrow at eight sharp. I'll make sure that I put you in priority."

"Okey, I'll tell Tezuka-san about the sudden change. I guess I'll see you soon, Lizandro-san."

Pinutol na ni Ria ang tawag. Si Yukihiro Kitagawa iyon, ang assistant ng client niyang si Mr. Ryuhei Tezuka. Kasabay noon ay nagpa-research siya tungkol sa bagong kliyente at napag-alaman niyang this year lang din pala sila nagkakilala ng fiancée nito.

Naloka pa siya nung malamang ang nobya nito ay ang model na nakuha ng pinsan niya. Ang former supermodel na si Mimi Urihara na mas kilala na ngayon bilang Nayoumi Ortaleza, ang billion dollar heiress and CEO of Asia-life Capital Global.

Kaya pala dito ni-referred ng pinsan niya. Lalo tuloy siyang na-pressured. Saka lang din niya nalaman na may koneksyon din ito sa Milestone International, isang sikat at matatag na agency sa Amerika at Europa.

Feeling niya tuloy ang taas ng standard ng babae dahil sa social at family background nito.

Grabe! Ang hassle ng account na'to!

Kung yung normal set up nga mahirap na, paano pa ang isang secret-plotted-commercial-wedding?
Kaloka talaga!

Bumuntong hininga siya at kinuha ang bag niya. Mamayang four pa naman yung nude photoshoot nila sa Cubao pero kailangan naka-set up na. Pinauna na niya si Dani, ang nag-iisang babaeng photographer niya sa team. Nakikipagpalit pa nga si Roy dahil sa lahat ng model sa nude photoshoot ay puro babae. Hindi siya pumayag. Tsaka mas may edge si Dani sa mga nude at close up shots.

Yung Vintage Hollywood shoot naman ay sa Sta. Mesa, para sa debutant photoshoot ng sikat na child star noon. Seven naman yun.

Sinipat niya ang lady watch niya. Alas dose na ng tanghali kaya tinawagan na niya ang kaibigan niya para sabay silang kumain.

"Hello Ginger, nag-lunch ka na?" Habang palabas na ng opisina nila at tinutumbok ang parking lot.

"Hmm, di pa. Libre mo 'ko."

Napangiti siya habang inilalapag ang bag niya sa passenger seat. "Oy, ang dami mo nang utang sa 'kin ah."

Tumawa lang ito. "Joke lang. Tara, sa'n tayo?"

"Sa Rockwell pa rin. Kay Kuya Paks."

"Okay, I'll see you in thirty minutes."

"Kay." Kinumpirma niya at pinasibad na ang sasakyan niya.

Medyo traffic na nang dumaan siya ng EDSA, pero dahil nakagawian na nilang magkaibigan na kumain sa paboritong restaurant na iyon, pinipilit talaga niyang makipagsiksikan sa buhol-buhol na traffic makarating lang sa restaurant.

Halos kalahating oras din ang ginugol niya marating lang ang kainan. Nginitian siya ng security guard na ipinagbukas pa siya ng pinto.

"Good afternoon Ma'am Ria! Usual table pa rin po?" Bungad ni Mich, isa sa mga staff ng Paquito's Deli.

"Oo sana kung available pa." Tiningnan niya ang kabuuan ng kainan at gaya ng dati, lagi pa rin itong puno.

"Kayo pa! VIP customer namin kayo." Agad siyang hinatid nito sa itaas at sa pribadong sulok ng restaurant.

"May hinihintay pa po ba kayo?"

"Oo meron, si Ginger. Yung usual pa rin ah."

"Okay po. Check ko po kung available pa po yung dinakdakan at adobo sa gatang manok. pearl coolers po, yung watermelon pa rin po?"

"Yes please and kay Ginger na rin, yung lagi niyang ino-order na lang wala pa kasi siya eh."

"Okay po, sinampalukan po ba o inasal?"

"Sinampalukan na lang saka Jasmin Iced Tea. For dessert, mamaya na lang pagdating niya. Order kami ulit."

"Yun lang po ba?"

"Oo Mich, salamat." Ngumiti siya dito habang paalis na para asikasuhin ang order niya saka inabala ang sarili sa pag-check ng calendar at built-in planner niya sa android phone.

Mayamaya pa'y dumating na rin ang kaibigan niya kasabay ng order nila.

"Grabe, ang traffic sa East Ave. Kaloka yung inabot kong kalbaryo." Bulalas nito nang makaupo na saka bumaling kay Mich na may umaalalay na waiter sa likod nito. "Magtayo na nga kayo sa may Esguerra para di na ako lumayo. Dapat may loyalty award kami. 'Asan ba si Kuya Paks?" Ungot nito sa assistant manager ng may-ari na si Kuya Paquito.

Napangiti na lang siya habang nagse-serve na yung waiter. "Thank you."

"May plano na rin po talaga kaming mag-expand po sa may bandang QC, sa Tandang Sora po saka sa may East Ave kaso next year pa po. Di pa sure yun eh," paliwanag ni Mich.

"Hayan na naman kayo eh. Dati ko pa naririnig yan. Kahit stall lang o franchise," patuloy ni Ginger habang sumisimsim ng iced tea. "Ikaw um-order?" Saka bumaling sa kanya.

Tumango siya. "Ang tagal mo kasi eh."

"Asan ba si kuya Paks?"

"Nasa Cebu po, may inaasikaso lang pong negosyo dun."

"Sosyal! Mukhang tinotoo niya yung biro ko ah." Biro nito na ikinatawa niya.

"Yun ba yung tungkol sa Cebu Lechon? Grabe ka talagang babae ka."

Napangiti na rin si Mich. "Opo. Since s-in-uggest n'yo po, plano na rin naming idagdag sa menu yung Cebu Lechon belly since may Crispy pata at Liempo na kami sa menu. Mas gusto po kasi naming makilala pa itong restaurant."

Pinoy Delicacies kasi ang specialties ng naturang kainan.

"Mabuti naman. Yung komisyon ko ah, 'wag n'yong kalilimutan." Patuloy na biro ni Ginger na ikinatawa niya at ni Mich.

"Puro ka talaga kalukohan. Ikaw nang numero unong reyna ng buraot." Komento niya pagka-alis ni Mich.

"Oy di biro yun! Totoo yun ano." Pero hindi yun seryoso. Alam naman niyang pinapatawa lang nito yung mga staff ng naturang restaurant.

At dahil halos araw-araw silang kumakain dito, halos lahat ng trabahador dito ay kilala na nila. Parati kasi talaga sila dito na nadiskubre nila nang mag-bar hop sila last year kung saan katatayo lang ng naturang kainan sa kaloob-looban ng Rockwell Tent. Wala talaga sa plano nila ang kumain pero para makapagpababa ng tama ng alak, naisipan nilang mag-bulalo at napag-tripan nila ang restaurant na bukas 24/7. Bulalo talaga yung nakapag-pa-in-love sa kanila dito na di na kailangang dumayo sa Tagaytay o sa Batangas para makatikim ng Authentic Bulalo. Kaya simula nun, dito na sila kumakain. At madalas buraotin ng kaibigan niya yung may-ari. Minsan nga nakakain sila ng libre dito sa lakas mambola at mang-buraot nitong kasama niya.

"Anong balita? May problema ka 'no?" Bungad nito ng makasubo ng kanin at inumpisahang atakehin ang manok na naka-served pa sa palayok.

Napailing na lang siya. Magaling kasi itong magbasa ng isip ng tao base sa kilos at pananalita. Natural na siguro yun dahil B.S. Psychology student ito na hindi na natapos dahil na rin sa na-bored na ito at gustong sumubok ng ibang field. Which nagamit nito ang pagiging maboka o PR expertise sa Broadcasting industry as Radio personality.

"Ginagamitan mo na naman ba ako ng Psychotherapy mo?" Biro niya saka sumubo ng dinakdakan na Ilocano specialty.

"Hindi ka naman magyaya nang walang dahilan. Trabaho?" Bago ito humigop ng sabaw.

Huminga siya nang malalim na ikinatitig nito sa kanya nang mataman. "Pwede mamaya na lang, kumakain pa tayo eh."

"Okay, sabi mo eh. Buti na lang, akala ko financial eh wala din ako ngayon."

Napangiti na lang siya. "Kaka-pay day lang ah, broke agad. Nag-bar galore ka na naman siguro."

"Hindi! Ano ka ba? Kita mong busy ako sa program ko, wala na ngang love life, puro utang pa." Ito naman ang nagbuntong hininga. "Kaunti na lang, matatapos ko nang bayaran yung condo ko. Hintay lang kayo nga candy gym men. Magpapakita na ulit si Ginger Avery Lim, ang Korean Aphrodite sa balat ng Radio universe." At nag-posed pa ito ng signature Korean finger heart saka kumindat.

"Puro ka kalukohan. Saka kailan ka pa nagkainteres sa mga batak na boys?"

"Ngayon lang. Nakakaumay na kasi yung cute at boy next door. I'm into Mr. Muscle man now."

"Hay, Ginger, Ginger, Ginger. Kailan ka kaya magma-mature?"

Umismid ito at uminom ng Iced tea. "Ikaw, may dini-date ka ba ngayon?"

"Wala, busy eh,"

"Memetey?"

"Oo nga! Masyadong time consuming yung work ko alam mo yan,"

Diskumpiyadong tingin naman ang pinukol nito. "Ibig sabihin, since ni Mark, wala pang hardinerong nagdilig sa 'yo?"

Halos mabilaukan siya nang mabanggit ang pangalan ng ex niya. Ang ex na nang-iwan at pinagpalit siya sa bakla.

"Alam mo naman," bigla siyang natahimik. Medyo masakit pa kasi yung mga nangyari. At ang itrimitidang babaeng ito, wala man lang pakundangan.

"Hay naku, di ka talaga makakapag-move on niyan. Try mo kasing mag-Tinder, malay mo, dun mo mahanap ang forever mo."

"No thanks, I don't want another fake love at my door. Kay Mark nga na di ko naman talaga minahal, nasaktan ako, paano pa yung the right one? If he really exists. Anyway, I have no time. He's not that good anyway." Saka siya sumubo ulit.

"Talaga, so hindi mo talaga minahal si Mark?"

Napaisip siya. "Sabihin na nating, naggamitan lang kami. Ako kasi, gusto ko nang lumagay sa tahimik, siya para may ipakilala siya sa family niya. We both have a good time together pero, hindi talaga totally na hundred percent kong binigay yung sarili ko sa kanya. It's more like a convenient love and not the amorous way. And we didn't have sex since day one, so, forget it. Nag-se-self abasement na naman ako dahil sa 'yo."

"So....hanggang ngayon beshie, as in since yung last sex mo was when you were just in College?"

"Alam mo, ang creepy mo na minsan."

Nainis siya bigla sa kaibigan. Dahil kasi dun, bumabalik na naman siya sa isang yugto ng buhay niya na sadyang wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo. As in inosente pa siya sa usaping pag-ibig pero dahil sa pangyayaring iyon, nabinyagan siya nang hindi sinasadya. At ang nakadagit sa kanyang kainosentihan ay isang estranghero. Ni hindi niya alam ang pangalan nito.

"Defensive ka masyado," ngingiti-ngiti nitong hirit.

"There's no big deal kung hanggang ngayon, zero pa rin ang sex life ko. Di gaya mo, puro date, wala namang serious relationship." Umasim bigla yung mood niya.

"Oh..really? Bakit hanggang ngayon walang pang ibang guy na nakatikim ng kimchi mo?" Pilyang biro pa nito.

Sinipa niya ito sa alulod. "Ano ka ba? Itanong daw yan dito!"

Natawa na lang ito at hindi ininda ang sipa niya. "Ikwento mo nga,"

Masama na ang tingin niya dito. "Ilang beses ko nang ikinuwento sa 'yo yun ah,"

"Eee, kinikilig ako, kwento mo ulit sige na.." Hirit na pangungulit nito.

Inirapan niya ito pero deep inside, nadadala na rin siya sa pangungulit nito. Kahit naman kasi not fully consented yung nangyari sa kanya at masasabing accident lang yun, napaka-memorable ng gabing yun dahil ito lang ang naging magandang pangyayari sa buhay niya bukod sa kalagayan niya ngayon. At ang lalaking iyon rin ang naging batayan niyang standard sa pagpili pagdating sa paghahanap ng Mr. Right guy.

Hindi naman sa ikinukumpara niya ang mga lalaking naka-date at nakarelasyon niya pero hindi lang kasi talaga niya makalimutan yung mukha ng guy na nagparamdam sa kanya na babaeng babae siya.

"Oy, kilala ko 'yang ngiti na 'yan. Si Mr. Hottie Johnnie Walker yan 'no?"

"Alam mo minsan napapaisip ako kung friend ba talaga kita." Inalis niya bigla ang sumilip na ngiti sa labi niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Sige na girl. Ikwento mo na yung one night stand mo kay Mr. Hottie." Sumalumbaba pa ito at hinihintay siyang mag-open ng nakasara nang yugto ng buhay niya.

Bumuntong hininga siya. "Pwede bang tapusin na lang muna natin 'to? Saka hindi naman yun ang isyu."

"Fine! Pero alam mo, feel ko lang magaling siya, kasi hanggang ngayon, may amats ka pa rin sa lalaking yun. Hindi na ba talaga kayo nagkita since then?" Patuloy nito habang sinisimot yung pitso ng manok.

Napapaisip tuloy siya tungkol dun sa lalaking walang pangalan at itinago niya sa pangalang Johnnie Walker. Nasa bar kasi siya nun time na iyon at yung bote ng Black Label ang una niyang nakita na iniinom nito.

"Stop it Ginger, you're not getting me in your blind item." She warned primly.

"He must be handsome and gorgeous. Yung tipong pang-model ang abs, toned muscles at malaki ang kargada." Sabay pilyang tumawa.

Natatawa na rin siya pero pinigil niya. "Alam mo, sign na yan na you're getting thirty. Ang horny mo na eh."

"I just know how the mindset of typical metro girls work. And for your info, age doesn't prove to define the level of your sexual urges. It's just the number, kita mo ikaw, dise-nuwebe ka pa lang nabinyagan ka na."

"Isa pa talaga Ginger, kakalimutan kong friend kita."

"Okay fine! Here goes the prudish one."

"Maiba ako, balita ko may bago kang show. Nabasa ko sa official Facebook page n'yo."

"Nagbabasa ka rin pala sa page namin kahit paano? Hindi ko kasi feel ang presence mo sa Social media. Hindi pa sure kung sino ang ilalagay sa evening spot pero feel nila akong ilipat ng time slot. Medyo okay na rin naman yung ratings namin this quarter. Siguro by the end of the month may papalit na sa'kin sa Morning Grind."

"Ganun? Pagkatapos mong palakasin yung ratings sa morning slot ililipat ka?"

"Eh, ganun ang gusto nila saka pinagdadaanan talaga yan ng sikat. Kailangan din kasi, medyo lagapak kami sa evening eh. Minsan mga puro requested songs at pabati na lang ang segment. Nauso kasi yung Confessional Drama eh."

"Oh di ba ganun din yun tema ng new show n'yo? Wala na ba kayong maisip na iba? Mapupulaan kayong nanggagaya niyan eh."

Saka nito inubos ang iced tea at humingi pa ng refill.

"Iba yung sa 'min. Generic na yung ganung tema. Sa 'min, it's more like poll survey na may related sa mga nauusong topic nowadays or yung mga dati nang problema such as traffic but in a witty and funny way.

For example, Mga nauusong Hugot line na nabubuo kapag traffic that start with Buti pa,. Okay, I made a sample on my account. And many responses bought that. One of my follower said, Buti pa ang EDSA may forever...ang traffic.

And one more, Buti pa ang bumper ng sasakyan ko, tinututukan mo. Kailan mo ba ako papansinin? And ito talaga, nakapagpahagalpak sa 'kin kanina, Buti pa ang gasolina, nagmamahal. paano naman yung puso ko? Kung hindi mo na kailangan, pakibalik naman oh, pati yung hulog ko sa Pag-ibig mo." Sabay tawa nito. Pati siya natawa na rin.

"That's so cheesy, but I like the concept, it's so interactive plus, nakakatanggal ng stress yun lalo't galing ka sa work the whole day."

"I know right! That's why they want me to host it. Mahilig ako sa mga ganung eksena."

"I think you're perfect for the job. Sana ikaw ang mapili dun. Pero honestly, mami-miss ko yung Morning Grind at yung Quotes of the day mo dun."

"Pinag-iisipan ko ngang mag-double shift eh. Sa morning 6-10, saka 7-10 pm. May five hours akong interval time to sleep."

"Ganyan ka ba kahirap ngayon? Lagare yun ah, para ka nang nag-graveyard shift niyan." Saka niya ito sinipat nang maige.

Medyo pumayat nang kaunti ang mukha nito at halata rin ang lumalaking eyebags nito na hindi naitago ng higlighter concealer.

"Nag-ho-home tutor ka na naman ano? Ang laki ng eyebags mo eh." Puna niya dito.

Hindi ito umimik pero nagkibit-balikat. "I need to pay the bills and Aaron's tuition fee. Nagmahal na naman kasi sila this year." Tipid na sagot nito.

"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa ate mo? Nasa States pa rin ba siya?"

"Alam mo namang mas malaki ang binabayaran ni ate. Kulang na kulang pang panggastos ni bunso, saka parang di mo naman alam ang istorya namin."

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Kung may bagay na ayaw na ayaw nitong pag-usapan, ito ay ang tungkol sa family problem nito. Matagal na niyang kakilala ito at sa tagal na ng pagkakaibigan nila, ngayon niya lang napagtanto na mas maswerte pa rin siya dahil may tatay at nanay pa siya samantalang ito, patay na ang daddy nito at may malubhang sakit ang mommy nito na nasa critical stage na. Ang ate nito ang tumatayong magulang nilang magkakapatid at nagpo-provide ng mga common necessities nila gaya ng bahay, pag-maintained ng medication bills ng mommy nila at ilan pang binabayaran. Malaki kasi ang naiwang utang ng nalugi nilang negosyo at hanggang ngayon, utay-utay nilang binibayaran iyon.

"If you need something or need my help, don't hesitate to ask, okay?" Ginagap niya ang kamay nito.

Tumingin lang ito at ngumiti. "Ano ka ba! Carry lang. Di pa naman ako ganun kamiserable. Pero, kung okay lang sa 'yo, ikaw muna ang taya. Bawi ako next time." At nag-peace sign pa.

"Oo naman. Para yun lang."

"Oh siguro naman, ready ka nang pag-usapan yung sa 'yo."

Kaya matapos silang kumain, inilahad niya na ang nagpapa-stress sa kanya.

"Ganito kasi yun, may ni-recommend sa 'kin si Rave, Big time client, International sports celebrity na planong magpa-book ng wedding this December." Panimula niya.

"Ah, so winter wedding, Sa'n yung venue?" Usisa nito.

"Actually, Island ang bet ng guy and not just ordinary island. Sa Stallion Island."

Pagkabanggit pa lang napasigaw na ito. "STALLION ISLAND!!! DI NGA?!"

"Hinaan mo naman yung boses mo!" Napalinga tuloy siya. Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga kumakain dun.

"Di nga girl? Stallion Island member yung client mo? Sino sa kanila?"

"As if naman kilala mo sila." Halos matawa siya dahil dito.

"Hoy kung di mo natatanong, may copy ako ng magazine nila. Ang dami kayang nagkakainteres na makapasok dun. Sayang, hindi ako nakakuha ng exclusive pass as Radio host, gusto ko pa namang i-explore yung isla para mailagay ko sa blog ko. Nagkakandarapa kaya ang maraming merlats makapasok lang dun. It's one of the biggest attraction in tourism lately, well, sa mga may balak na makapikot ng one of them."

"Ibig sabihin isa ka rin dun?"

Ngumisi lang ito. "Hindi na rin masama, malay mo naman. Hindi, siyempre as journalist at frustrated writer, gusto kong makakuha ng inspiration dun. Maganda raw kasi yung island."

Diskumpiyado siya sa sinabi nito. Kilala na kasi niya ito. Sigurado siyang magha-hunt lang ito ng boylet dun.

"Hoy! Excuse me 'no?! Hindi ako ganun ka-desperada." Pagdepensa nito na tila nababasa ang iniisip niya.

"Knowing you, I doubt it if it's just for the book or to your blog. Kilala kita, di ka magkakainteres kung wala kang maitim na balak."

"Anong maitim na balak? Excuse me po, hindi ko na kailangan. Alindog ko pa lang, maho-hook na ang guy na bet ko. I don't do dirty tactics."

Medyo tama naman ito. Witty, charming at maganda naman din ang friend niya. Half Korean, Half Filipina kasi ito at may katangkaran din. Ang dami ngang nag-aalok ditong maging model. Isa pa ay ang pagiging outspoken at open-minded nito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito nawawalan ng raket. She did some hosting, TV commercial at iba pang may kinalaman sa TV exposure. She's a book writer too. A Random, General fiction writer about sa love. Kaya nga ito nabansagang Love Guru.

"Well, you probably heard Ryuhei Tezuka. He's marrying a former International supermodel, Mimi Urihara and now known as Nayoumi Ortaleza. Sila ang client ko."

"Ahm, Ryuhei...Let me guess, Tennis player siya?"

"Yes, a grandslam champion. The lady is a magnate in finance and business solution firm. Ceo ng Asia-Life Capital."

"Oh... So rich si girl. How bout the guy?"

"Well he paid a down payment. Half a million."

Napabuga ito ng juice. Buti na lang tapos na silang kumain at medyo malayo siya. "Really! Ganyan kalaking wedding event na 'to?"

"Oo, kaso may malaking problema." Napabuntong hininga siya.

"Ano namang proproblemahin mo? Binigay na ang budget, may capital ka na.."

"It's a surprise wedding. Hindi alam ng girl na ikakasal sila. He forbids me to hint her about the wedding."

"Seryoso?"

"Oo nga. Palalabasing Wedding Commercial ang theme. Yung girl, since model siya before, siya yung kukuning model. Tapos lahat ng gagawin ay schemed at planado na nung guy. Ewan basta ang complicated ng set up."

"Wow! Hindi nga? Patawa ba yung client mo? Paano yun?"

"Yun na nga eh, kailangan kong mag-ingat. Ang malaking tanong ay kung papayag ba yung girl. May mga makakatulong naman ako sa project na kasabwat ng client ko. To make it more complicated, kailangang matapos namin ito bago mag-deadline. Sa first Sunday ng December of current year yung wedding date."

"So may...three months ka pa para magawa yun. Why not turn it down? Ang stressful na nga ng trabaho mo, mas pinalala pa ng crazy idea ng guy. Bakit kasi kailangan itago kung pwede namang sabihin na lang?"

"Eh yun yung gusto ng client. I have no choice. Saka for more exposure din 'to. I accepted it. Let's just say it's a big challenge for my career. Oy, kapag na-pull off ko 'to, it will be a grand epic."

"Eh kapag hindi, malaking epic failed. Paano kung napilitan lang yung girl? Para kasing shotgun marriage yan eh. Bakit hindi alam ng girl? At bakit kailangang ilihim? Di ba? Nakakaduda yung intention ng guy."

May punto ito. Pero wala naman siya sa posisyon para kwestiyunin ang desisyon ng klyente niya. Isa pa, hindi pa naman niya nakikilala yung girl. Baka kasi may ibang conflict kaya naman ganun ang set up na pinili ng guy. Well, anut-anupaman, trabaho ito at kailangan seryosohin. Bahala na, basta gagawin niya ang best niya.

"Bukas, magkikita na kami ng assistant ng guy. We will talk about the preparation and the costing for the event. Para ma-finalize na yung contract with his boss. Malaman bukas kung magiging mas madali siya para sa 'kin."

"May time ka pa para mag-back out. Ikaw din."

"I decided to accept it. I won't break my words and my confident just because of this complication. Saka wala ka bang bilib sa 'kin?"

"Meron naman, pero iniisip ko lang, paano kung imbes na makatulong ka, nakasama ka pa. Mayaman si girl. May obvious ulterior motive yung guy."

"Rich din naman si guy. Tezuka is also prominent business conglomerate in Japan. So drop the suspicion. Wala ring prenup agreement so I think they will get marry out of love. Malay mo, baka may reason lang talaga kung bakit niya piniling i-secret yung plano niya. I doubt if he has more hidden agenda than tying the knot. Hindi ka ba naku-curious? Ang sweet lang ng guy if his intention is pure. He seems to be a nice guy naman eh."

"Wala na akong sinabi." Uminom na ito ng tubig. "Basta kung kailangan mo ng event host o kaya assistant, andito lang ako ah."

Natawa na lang siya. "Oo ba. Actually, need ko rin talaga ng assistant. Baka pwede kang um-extra?"

"Sige ba! Sabi mo yan ah,"

Natawa siya lalo. "Sira ka talaga. 'Lika na nga, bayaran na natin yung bill."

********

Matapos nilang kumain na may kasamang usap ng kaibigan ay dumeretso na siya sa venue ng photoshoot sa may Cubao, malapit sa SM Supermarket. Isa yung private gallery at may mga contemporary artworks na itinatampok ang mga world class artist ng bansa gaya ni Ronald Ventura na sikat na pintor at skultor at kilala sa pagpapakilala sa kutura ng Pilipinas through his arts at si Eduardo Castillo sa larangan ng iskultura at bronze and metal arts.

Nakahilera na ang mga model nila na halos mga Pinay pero meron ding Foreign models. Kasalukuyang mini-make up-an ang mga ito nang lumapit ang client nilang si Dom Guevarra.

"Your team is amazing, Miss Lizandro. Very efficient and ahead of time. Monsignor De Vasco was right about you. You're very professional." Papuri nito. Halata rin sa accent nito ang thick Brazilian accent.

"We are just doing what we do best Signor Dom Guevarra. Besides, Monsignor De Vasco is one of our valuable clients. We owed a lot to him."

"I see, but De Vasco was so profuse to vouch your skills. I think I see now why. By the way, are you mixed bred? You don't seem to be pure pinay to me. Don't get me wrong, you're beautiful Ms. Lizandro. I can even mistaken you as a model."

Napangiti na lang siya sa compliment nito. "Well, yes. I'm half American. My mom is a California girl and my dad is Pinoy." She said truthfully.

"Oh, very nice combination if you ask me. Well, I think I talk too much now, I better check on the girls, excuse me Ms. Lizandro."

"Oh sure, go ahead Signor." Ngumiti na lang siya habang palayo na ang client nilang nude artist.

Ginagamit nitong canvas ang katawan ng tao as his form of arts. He resembles to a tattoo artist pero iba ang art nito. Mas may class at may tema na itinatampok ang mga halaman, puno, ibon at iba pang may koneksyon sa Mother Nature. He's a well-known Peta supporter at Greenpeace volunteer. Halos inaabot ng isa o dalawang oras ang isang artwork sa isang model gayong may labing dalawang model silang naroroon. Aabutin sila talaga ng magdamag kaya ibinilin na lang niya sa mga kasama niya ang shoot dahil pupunta na siya sa next shoot, sa Manila. Mag-aalas kwatro na rin kasi ng hapon. Siguradong aabutin siya ng traffic kapag hindi pa siya umalis.

"Dani, ikaw nang bahala dito ah, yung mga gamit saka yung mga kasama natin, mag-order na lang kayo i-charge mo na lang sa 'kin. Yung resibo ah, kailangan ko yun sa pagpapa-reimburse. Sige, una na 'ko."

"Okay, akong bahala. Ingat ka Ms. Ria." Nag-thumbs up pa ito.

Kumaway na lang siya sa iba at sumenyas sa client nila.

Papunta na siya sa parking lot ng gallery nang may makabanggang lalaki.

"Oh, sorry Miss." Mabilis na paumanhin nito.

Nasa paghahalungkat kasi siya ng bag niya para sa susi ng kotse nung mabangga niya ito.

"Sorry, I was not looking," nabitiwan tuloy niya yung susi ng sasakyan niya.

Pinulot naman ito ng lalaki. Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Halatang suki ito ng gym. Halatado kasi ang malalaking bicep at masel-masel nito kahit hindi naka-flex. "Here's your key."

"Thank you––" napahinto siya at sandaling nag-freeze ang mukha niya. Teka, familiar siya...

"Sorry ulit, ingat ka sa pag-drive." Sumilay ang napakagwapong ngiti nito at bahagyang gumuhit sa pisngi nito ang cute dimples nito.

Natulala siya. Tila hindi na rin normal ang pagtibok ng puso niya.

"Miss, okay ka lang?" Untag nito at nakalahad ang kamay nito na may susi. Nandito pa rin ang susi niya.

"Ah...ah, yeah.." Dali-dali niyang kinuha ang susi at saglit nagkadaupang palad.

Pagkakuha ay nilagpasan na niya ito pero napatigil siya nang nagsalita ulit ito.

"Miss, pwede bang magtanong? Sa'n ba yung Hall na may shoot ngayon dito?"

Napabaling ang leeg niyang nilingon ito. Model siguro siya. "Ah sa Hall D annex. Just turn right and you'll see the back stage."

"Alright, thanks." Anito saka tinungo ang direksyon na itinuro niya.

Malayo na ito pero nakatitig pa rin siya sa likuran nito.

No, he must be other person. Hindi siya yun. Huminga siya nang malalim at tinitigan ng susi niya.

How odd, he really looks like him.

Iniling na lang niya ang ulo at tinungo ang pinagparadahan ng Toyota Innova niya.

Image of Ginger

A/N:

Ang cute ni Ginger no? abangan n'yo siya gagawan ko rin siya ng bonggang bonggang story. Hulaan n'yo kung sino sa kanila... hehehe 😘😏😋

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.1K 12
The Don Juan Series Taming the Playboy Ng mawala na sa paningin si mama, bigla nalang nya kong kinabig at binigyan ng halik sa labi. Smack lang naman...
270K 3.1K 9
She's fiery, intelligent and gorgeous. Isa siya sa mga babaeng laman ng pahayagan araw-araw at sikat bilang successor at panganay na anak ng pang-apa...
138K 1.6K 12
Blurb "P-Please Vince don't leave me please....p-please, h-hindi ko kakayaning mawala ka." Sam pleaded habang hawak ang kamay nito at halos lumuhod n...
175K 3.8K 13
AUTHOR'S NOTE: Deleted ang ibang chapter. Pasensiya na. Required pong burahin ang ibang chapter sa story kapag to be published by the publishing comp...