CHAPTER SEVEN

3.9K 69 39


"Thank you ulit kanina, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina." Usal nito.

Nakasakay na sila sa E-jeepney patungong Artist Village.

"You don't have to thank me, saka kanina mo pa sinasabi yan."

"Silly me, naririndi ka na ba? Ganito lang kasi talaga ako." Napabuntong hininga ito ng malalim.

"Pero honestly, ngayon lang ako nakakita ng lalaking nagtatago sa mga naghahabol na babae, I mean, yung mga kilala ko kasing guy, gustong gusto nilang dinidikitan ng mga babae." Pabirong sabi niya.

"Well, siguro natatawa ka sa'kin. Honestly, I don't really like being surrounded by girls. Masyado kasi silang attention seeker, though not all of them. Feeling ko kasi kapag di pa ako umalis, masasakal na ako sa kanila. Ayoko naman itaboy sila, I can't afford to hurt their feelings but I just don't like what they were acting, it's too...inappropriate."

"Ganun ba, bakit ayaw mo ba nun? Di mo na sila kailangang ligawan, sila na yung kusang lumalapit. Advantage na nga yun eh," pambitag niya. Hinuhuli niya lang naman ito.

Tumitig ito sa kanya. "I don't like that kind of set up. Mas gusto kong ako pa rin yun gumagawa ng first move. Saka old school kasi ako, I like those women who know their limitations and have a stronghold to their virtues. Yung masasabi mong may nice upbringing at maganda ang pananaw sa buhay. Don't get me wrong, they seem to be gorgeous and each of them have a very strong personality, it's just that, masyado silang vocal sa gusto nila at provocative yung mga ikinilos nila. I just can't take their offers. It's too out of boundary." Pag-amin nito.

Medyo naawa tuloy siya at nakisimpatya. Kung akitin at landiin kasi ito ng mga babae kanina, wagas. Kulang na lang idikit na nila yung katawan nila dito at ikiskis na. Sobrang nakaka-turn off naman talaga. Akala mo mga pokpok na ewan. Dinaig pa ang higad.

"So, you're into Dalagang Pilipina? Naku, mahirap nang makahanap ng ganung klaseng babae sa panahon ngayon. Di ko alam na you're the serious type. You seems to be the life of the party."

"Meron pa rin naman. And speaking of, I have here with me." Ngumiti ito sa kanya. "I'm looking for someone who can understand me and knows how to make relationship works. Medyo di na rin naman ako bata para makipaglaro pa, what do you think?"

"Ah, ha? Ako? Mukha ba akong Dalagang Pilipina sa'yo?" Naituro pa niya ang sarili dahil sa gulat niya. Wow! Eh di wow!

"Yes, at mukhang alam mo na rin yung tinutukoy ko." Saka nito hinawakan ang kamay niya. "Payag ka ba kung yayain kitang makipag-date sa'kin? Kahit casual date lang just to know each other and who knows, we might work things right."

"Se-seryoso ka?!" Dyus me! Ang bilis ng pangyayari wait lang! Di ako prepared!

"Mukha ba akong nagbibiro?" Sumeryoso ito at tumingin ng diretso sa kanya. "Okay lang kung hindi mo 'ko magustuhan sa ngayon, gusto lang kitang makilala. Hayaan mo lang ako na ligawan ka at baka sakaling magbago rin yung isip mo, Ano? Payag ka na bang ligawan kita?"

Teka sandali! Air please! I need air!

"Pag-iisipan ko muna," pilit niyang pinakakalma ang sarili. Unti-unti rin niyang tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya. "Saka, hindi rin ako sanay na binibigla ako. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na nadadaan sa biglaan."

"That's fine, I will take it slow if you want. Basta, ako lang ang pwedeng manligaw sa'yo ah. Ayoko kasing may kaagaw ako."

"Ha?" Okay, kamag-anak yata siya ni The Flash. Di pa mandin, possessive na!

Stallion Island Adaptation series Trent CastilloRead this story for FREE!