CHAPTER SIXTEEN

2K 37 2
                                    

Malamig na hangin ang dumampi sa balat ni Ria habang naglalakad sa sidewalk bitbit ang mga ipinamiling groceries sa malapit na convenience store. Naka-loose white blouse siya na may leaflets at maiksing short na denim na tenernuhan niya ng white canvas slip on.

Napakaaliwalas ng langit na nakakagaan ng pakiramdam. Ngunit ang talagang nakakapagpasaya sa kanya ay muli nilang pagkikita ni Trent. Nagtext sa kanya ang binata na nakarating na ito sa Maynila buhat sa maiksing pananatili sa Miami para bisitahin ang kapatid at ang magulang na nataong naroon para sa isang convention.

Ria couldn't help but feel ecstatic at the moment. She was so excited to see him again that she hardly sleep last night thinking about him.

Abot-langit ang ngiti niya nang pumasok sa lobby ng condo niya hanggang sa pagsakay niya ng elevator, tangan pa rin niya ang magaan na pakiramdam at ang kaaya-ayang ngiti sa labi nang bumulaga ang isang pigura ng lalaki sa tapat ng pinto ng unit niya.

Nagulat siya at agad na humakbang palapit dito. Naramdaman nito ang paglapit niya dahil humarap ito sa kanya.

"Ria!" Bulalas nito na may bahid ng pag-aalinlangan at hiya.

"Mark," matabang na usal niya saka ito pinasadahan ng tingin.

Lukot-lukot ang suot nitong T-shirt at halatang matagal na iyong hindi nakakatikim ng laba maging ang suot nitong denim na animo'y inabanduna ng plansta. Bumalik sa mukha nito ang tingin niya. Halata na rin ang kumakapal na bigote nito maging ang makapal na eyebags nitong nangingitim na. At sa hitsura pa lang, mukhang ilang araw na itong hindi naliligo. Hindi siya sanay na makita itong ganito––karungis o di kaya, ka-dugyot.

Hindi sa mapagmalinis siya pero, she really likes his high maintenance when it comes to hygiene that can't compare to hers, kaso sa hitsura nito, mukhang may nangyaring hindi maganda.

"I know it's a bit awkward standing here in front of you for what I've done to you. To be honest, I don't even have the remaining pride to swallow. Ria, I just want to say I'm so sorry. I strung you along and promised you a life I couldn't give you." Maluha-luhang sumamo nito at hinawakan pa ang kamay niyang may hawak na supot.

Napatingin na lang siya at di malaman ang sasabihin. Sa sitwasyong gaya nito, ano bang dapat niyang maramdaman?

"Mark, what happened to you?" Matamang tanong niya at pinatatatag ang disposisyong maging kalmado. Pero sa totoo lang, naguguluminhanan siya sa biglang pagsulpot nito.

Napayuko ito at dahang-dahang bumitaw. Kagaya sa kanta. Saka niya ito ginagap. "Let's take it inside."

Napatingin ito sa kanya nang nangingilid ang luha saka tumango.

Pagkabukas ng pinto, inilapag niya ang mga pinamili niya sa kitchen counter at pumihit dito. Nasa bukana pa rin ito ng pinto at nag-aalangang pumasok.

"Go on, come in. Hindi kita cha-chop-chop-in at isisilid sa maleta tapos itatapon sa Manila Bay."

Napaamang ito saka sila sabay na napangisi. Unti-unti na ring umaliwalas ang mukha nito. Nararamdaman kasi niyang may mabigat itong dinadala.

Pinaupo niya ito sa dining chair sa kusina at pinagsalin ng ready mixed juice at hiniwaan ng apple pie na binili niya. "Here, have some. You look so pale, talo mo pa ang isang beking lumagok ng glutathione." Inilapag niya ang mga iyon sa tapat nito.

Nawala ang sigla ng mga mata nito at nalugmok na naman ulit. Umupo siya sa tabi nito at ginagap ang kamay nito. "Mark, I know we ended up in the very bad way. I'd lie if I say, it didn't hurt and devastated me. But, hear me when I say, I already moved on. For the last seven months, I finally accepted it. Alam kong pareho lang tayong biktima, nasaktan ako, oo pero hindi pa rin nun nabura yung masasayang alaala natin na magkasama. I love you as my friend before we became... Before we tried to be more than friends." Huminga siya nang malalim.

Stallion Island Adaptation series Trent CastilloWhere stories live. Discover now