CHAPTER FOUR

2.9K 37 19

"Can you tell me what happened back there? Ano yun, bakit nanggagalaiti si Jasper sa'yo?" Namutawi sa labi ni Ginger habang ikinakabit ang seatbelt sa driver seat.

Sa lagay kasi ng kaisipan niya ng mga oras na iyon, hindi niya kakayaning magmaneho ng matino. Isa pa ay medyo may tama na siya ng alak.

Tulala pa rin siya at hindi pa rin makapaniwala sa pagtatagpong iyon.

"HOY!" Bulyaw nito at niyugyog pa ang balikat niya. "Ano bang nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?"

Saka lang siya natauhan. Pero tuliro pa rin siya at tila hindi pa niya matanggap ang kinasapitan niya. Mamaya pa ay nag-umpisa na siyang maging emosyonal. Biglang nag-turn up yun nang hindi niya inaasahan.

"Hey, are you okay? Ria bakit ba?" Nag-aalala na ito sa ikinikilos niya. Naguguluhan na rin ito sa kanya pero dinamayan siya at niyapos. "It's fine, you can talk to me, pero ilabas mo muna yan."

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nahulasan. "Let's get out of here. Uwi na tayo," sumisinghap niyang usal.

Tiningnan lang siya nito nang mataman at tumango saka binuhay at pinasibad na ang sasakyan.

Nasa kalagitnaan na sila ng Ayala Avenue nang simulan niyang mag-open dito.

"Nakita ko siya dun sa bar, hindi niya 'ko nakilala."

"Ha? Sino?" Nagtatakang tanong nito. "At saka ang babaw ah, di ka lang nakilala, umiyak ka na?" Natatawang hirit nito.

"It's him, he's with the girl named Jasper." Huminga siya ng malalim at tumingin sa windshield ng sasakyan.

"Teka, teka, yung boylet ni Jasper? Magkakilala kayo?"

"Siya yung kinukwento ko sa'yo," binitin niya. Akala niya kasi mage-gets agad nito

"Sino dun?"

"Si Johnnie Walker, si Mr. Hottie."

Napapitlag siya nang bigla nitong apakan yung preno. Buti na lang naka-seatbelt siya kundi, nasubsob na siya sa dashboard.

Hindi nga? Siya yun?!" Gulat na gulat nitong bulalas.

"Hoy, ano ka ba? Dahan-dahan naman, lasing ka na ba?"

Hindi lang nito pinansin ang sinabi niya. "Seryoso? Siya yung first guy mo?"

"Oo, mag-drive ka na, 'tamo oh, nagta-traffic na."

Panay na kasi busina ang nasa likuran nila. "Sandali, taeng-tae?" Galit na banat nito sa driver na busina ng busina sa likuran samantalang maluwag naman yung lane.

"Hangmun! (Asshole!)" Pahabol na trash talk nito.

Di talaga ito pwedeng mag-drive, mainitin kasi ang ulo nito. Nakalagpas na sila sa Kalayaan Flyover ng pinili nitong tumabi sa gilid.

"Oh, ba't tayo tumabi?"

"Sandali lang, hindi ako mapakale hangga't di mo sinasabi lahat. Ano ba talagang nangyari?"

Huminga siya ng marahan. "Ganito kasi, di ba nag-CR ako. Pagkabalik ko, medyo nahilo ako tapos muntik nang matumba. Hindi ko alam na nasa likod ko siya. Ayun, nasalo niya 'ko tapos nung una, naguluhan pa ako. Pero nakilala ko siya sa boses niya. It's him, I know it. Saka hindi ako basta nakakalimot ng mukha. Nagkabanggaan din kami yesterday sa One of the Island, hapon na yun. I just knew it's him." Pagtatapat niya.

"Oh, hindi ka man lang namukhaan? Grabe ah, kung ako yun, baka nasapak ko pa siya. Aba! Nakuha niya yung virginity mo tapos ganun-ganun lang? Wala man lang pa-thank you?" Hirit nitong biro.

Stallion Island Adaptation series Trent CastilloRead this story for FREE!