CHAPTER NINE

3.1K 71 31

Nagpatuloy ang busy schedule ni Ria maging ang pang-usisa ng pinsan niya tungkol kay Trent. Halos maloka siya nang sabihin nito na may gusto siya sa binata. Muntik-muntikan na niyang maibuga yung hot choco na iniinom niya nung mga oras na iyon.

Makalipas ang ilang araw ay nagawa niyang iwasan ang topic na iyon at nagpatuloy sa buhay niya ngunit minsan napapaisip din siya. Totoo nga kaya? Nagkakagusto na ba siya sa lalaking iyon?

Lagi namang tama ang mga desisyon at mga personal convictions niya sa mga bagay bagay, bakit ngayon hindi siya makapag-decide at makapag-isip ng maayos?

Umeepekto na nga kaya ang charm nito sa kanya o sadyang mahina lang talaga siya pagdating dito o dala lang ng matagal na pagiging single niya kaya confuse siya?

Panandalian niyang inilapag yung clipboard na hawak niya at sandaling huminga. Humarap siya sa may bintana at hinarap si haring araw. It was a fine, sunny Tuesday and she was making a final look to the lists needed for the shoot this coming week.

May six days pa namang allowance pero dahil nga advance siyang mag-isip, sinisigurado na niya dahil mahirap na kung may idagdag o aalisin na naman sa shoot, madali niyang maaaksyunan. Mahirap nang magahol at maghabol.

Nakabalintataw siya nang lumapit sa kanya si Dani. "Ma'am Ria, sa'n ko ise-set yung lights? Paharap ba sa east o mas feel mo sa south?"

Matagal bago siya nakasagot.

"Miss Ria,"

"Ha?"

"Ang sabi ko po, sa'n ko po ipupuwesto yung focus ng lights." Saka ito tumitig sa kanya. "Okay lang po ba kayo?"

"Yeah, ahm.. Dun mo na lang siguro malapit sa engraved wall. Para makuhanan din saka para maganda yung back drop."

"Okay po." Nagpahabol pa ito ng nagdudang tingin bago nito sinunod yung sinabi niya.

"Ria, yung mga dresses sa next room ko na lang ilalagay. Are you all guys good?" Singit ni Ayumi. Habang hila-hila ng mga stylists at staff nito yung ilang moving rack kung saan naka-hang yung mga gown.

"Yeah," sagot nilang lahat.

"Okay," saka humarap sa kanya. "Can I talk to you for a minute?"

"Sure," maikling tugon niya.

Dinala siya nito sa may sulok. "Ano kasi, about 'to sa bachelorette party. Tutal nasimulan ko na rin lang, I would like to include some of my works, my lace work undies and evening undergarments. I also talked to Illiana and Jazzmire, they will also sponsor the goodies for the party. So, apart of being the major sponsor nitong shoot, I want to be part of her bridal shower na rin. Okay lang ba?"

"Oh, yes yes. Okay na okay yun! Bale yung mga garments and evening wear nila, sa'yo manggagaling. Is this part of a catalogue? Kailangan pa ba naming i-cover yung buong compilation? I sho-shoot rin namin as showcase?"

"No, actually kahit hindi na besides patent na at this early month ko na i-re-release yung collection ko. The garments are under my complete package present para sa sister-in law ko. Anyway, hindi naman yun ang major concern ko." Huminga ito ng malalim. "Gusto ko sanang i-update mo rin ako sa mga gagawin ninyo sa party para mai-ready ko yung mga nararapat na style para angkop sa theme. Gusto kong maging memorable ito sa kanya and sa amin na rin."

"Alright. I get your point. Gosh, teka lang nae-excite ako!" Pareho pa silang tumili.

Napahinto at napatingin tuloy yung mga staff sa direksyon nila. Kasalukuyan pa namang nag-iimis na ng gamit at nagliligpitan na dahil tapos na yung set up.

"So mabalik tayo sa usapan, ano na bang latest development? May kailangan pa bang baguhin? May idadagdag pa ba? May kulang pa?"

"Actually, one at a time ko siya inaasikaso." Ngumiti siya. "As of now, yung shoot yung first agenda ko pero don't worry, di naman ako nauubusan ng ideas, kaso kailangan ko lang munang mag-focus sa shoot. Malapit na rin kasi."

Stallion Island Adaptation series Trent CastilloRead this story for FREE!