CHAPTER EIGHT

1.4K 28 1

Maagang nagising si Ria dahil hindi naman siya masyadong nakatulog kakaisip na naman sa lalaking iyon, pero this time, in the bad romance.

Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang view mula sa balcony. Ipinatong niya ang baba niya sa palad niya habang nakabalintataw sa malawak na tanawin.

Iniisip pa rin niya ang nangyari noong nakaraang araw. Siguro masyado lang siyang defensive at hindi niya naisip na baka concern lang ito sa kanya. Pero ang panget lang kasi pakinggan lalo na't galing pa sa lalaking iyon.

Hay Ria, bakit ka ba masyadong affected?

Kaya minabuti na lang niyang mag-ayos na para simulan ang araw niya na malamang ay magiging mahaba na naman dahil sa mga naka-line up na meet ups at follow ups patungkol pa rin sa wedding prep.

Pumasok na siya sa shower room habang iniisa-isa sa isip niya ang pagkakasunod-sunod ng mga appointments na kailangan niyang unahin.

Una na sa listahan niya ang kitain si Sir Quillan para sa production at sa mga props na kakailanganin. Siyempre, dahil nga pinalalabas na isang wedding commercial iyon, kailangan talagang may extra paandar at bonggang bongga ang mga facilities na gagamitin. At yaman na ring lang nasa TV production at directing ang linya ng trabaho ni Sir Quillan, kinaladkad na rin siya para sa palabas.

Medyo gamay na niya itong kausapin. Yung mga makakatrabaho niyang team ang medyo nag-aalangan pa siya lalo't puro mga bagets. Ngayon pa lang kasi ang unang briefing at line up ng over all shoot maging yung gagawing prenup video. Siyempre present dun yung pinsan niya maging ilang crew nito. Sinabihan na rin niya yung mga tao niya pero dahil may iba pa silang hawak na account sa Manila, hindi na muna niya pinasunod ang iba niyang staff maliban na lang sa mga photographers na ba-back up kay Rave.

Habang nagkukuskos ng likod gamit ang body scrubber, sumagi na naman sa isip niya ang lalaking iyon. May kung ano sa loob niya ang pilit na t-um-olerate na patambayin ito sa sulok ng isipan niya.

Kahit ano yatang gawin niya, hinding hindi na ito maalis sa ulo niya na animo'y parang kuto. Pinepeste ang buhok niya. Pero speaking of, ang healthy ng hair niya simula nang gumamit siya ng shampoo na ina-apply niya ngayon. Mabango at napakabola. Nare-relax siya kapag ginagamit niya ito lalo na kapag iminamasahe niya sa anit niya. May scalp problem kasi siya at madalas binabalakubak kapag hindi hiyang sa shampoo na ginagamit pero simula nang gumamit siya ng Stallion Shampoo, nawala ang mga iyon at talagang nahiyang siya.

Balak niyang bumili ng kahon-kahon niyon para na rin may stock siya at panregalo na rin. Medyo malapit-lapit na rin kasi ang pasko.

Matapos sabunin ang buong katawan at mag-apply ng Stallion conditioner, nagbanlaw na siya at habang bumabagsak ang sumasagitsit na tulo ng shower, naulinigan niyang tumunog ang telepono. Hindi na lang niya pinansin at pinagpatuloy ang paliligo.

Matapos ang nice shower ay nagpatuloy pa siya sa morning routine niya. Nag-toothbrush, nagmumog ng mouth wash, nag-apply ng moisturizing serum, BB cream at pinantay gamit ang press powder. Nagkilay, nag-apply ng matte lipstick in coral red, nanalamin bago kinuha ang blouse at cream colored, pleated square pants. Nagbihis na siya at sinunod ang buhok. Matapos i-blow dry ang buhok ay lumabas na siya ng lodge niya bitbit ang folders ng summary reports, laptop at bag niya.

Pasakay na siya sa parating na E-jeepney nang umalingawngaw ang phone sa loob ng bag niya. Awtomatikong dinukot at sinagot niya ito.

"Hello, Ginger kamusta." Masiglang bati niya.

"Annyeong, balita? Okay ka pa ba dyan?"

Napangiti siya habang humahakbang. "Eto, okay pa naman. Medyo nakaka-get over na rin sa stress ng work ko. Ikaw, ongoing na ba yung program mo? Hindi na kasi ako ka-updated eh."

Stallion Island Adaptation series Trent CastilloRead this story for FREE!