CHAPTER TWO

3K 33 4

"If you would like sir, I will meet you tomorrow at eight sharp. I'll make sure that I put you in priority."

"Okey, I'll tell Tezuka-san about the sudden change. I guess I'll see you soon, Lizandro-san."

Pinutol na ni Ria ang tawag. Si Yukihiro Kitagawa iyon, ang assistant ng client niyang si Mr. Ryuhei Tezuka. Kasabay noon ay nagpa-research siya tungkol sa bagong kliyente at napag-alaman niyang this year lang din pala sila nagkakilala ng fiancée nito.

Naloka pa siya ng malamang ang nobya nito ay ang model na nakuha ng pinsan niya. Ang former supermodel na si Mimi Urihara na mas kilala na ngayon bilang Nayoumi Ortaleza, ang billion dollar heiress and CEO of Asia-life Capital Global.

Kaya pala dito ni-referred ng pinsan niya. Lalo tuloy siyang na-pressured. Saka lang din niya nalaman na may koneksyon din ito sa Milestone International, isang sikat at matatag na agency sa Amerika at Europa.

Feeling niya tuloy ang taas ng standard ng babae dahil sa social at family background nito.

Grabe! Ang hassle ng account na'to!

Kung yung normal set up nga mahirap na, paano pa ang isang secret-plotted-commercial-wedding? Kaloka talaga!

Bumuntong hininga siya at kinuha ang bag niya. Mamayang four pa naman yung nude photoshoot nila sa Cubao pero kailangan naka-set up na. Pinauna na niya si Dani, ang nag-iisang babaeng photographer niya sa team. Nakikipagpalit pa nga si Roy dahil sa lahat ng model sa nude photoshoot ay puro babae. Hindi siya pumayag. Saka mas may edge si Dani sa mga nude at close up shots.

Yung Vintage Hollywood shoot naman ay sa Sta. Mesa, para sa debutant photoshoot ng sikat na child star noon. Seven naman yun.

Sinipat niya ang lady watch niya. Alas dose na ng tanghali kaya tinawagan na niya ang kaibigan niya para sabay silang kumain.

"Hello Ginger, nag-lunch ka na?" Habang palabas na ng opisina nila at tinutumbok ang parking lot.

"Hmm, di pa. Libre mo 'ko."

Napangiti siya habang inilalapag ang bag niya sa passenger's seat. "Oy, ang dami mo nang utang sa'kin ah."

Tumawa lang ito. "Joke lang. Tara, sa'n tayo?"

"Sa Rockwell pa rin. Kay Kuya Paks."

"Okay, I'll see you in thirty minutes."

"Kay." Kinumpirma niya at pinasibad na ang sasakyan niya.

Medyo traffic na nang dumaan siya ng EDSA, pero dahil nakagawian na nilang magkaibigan na kumain sa paboritong restaurant na iyon, pinipilit talaga niyang makipagsiksikan sa buhol-buhol na traffic makarating lang sa restaurant.

Halos kalahating oras din ang ginugol niya marating lang ang kainan. Nginitian siya ng security guard na ipinagbukas pa siya ng pinto.

"Good afternoon Ma'am Ria! Usual table pa rin po?" Bungad ni Mich, isa sa mga staff ng Paquito's Deli.

"Oo sana kung available pa." Tiningnan niya ang kabuuan ng kainan at gaya ng dati, lagi pa rin itong puno.

"Kayo pa! VIP customer namin kayo." Agad siyang hinatid nito sa itaas at sa pribadong sulok ng restaurant.

"May hinihintay pa po ba kayo?"

"Oo meron, si Ginger. Yung usual pa rin ah."

"Okay po. Check ko po kung available pa po yung dinakdakan at adobo sa gatang manok. pearl coolers po, yung watermelon pa rin po?"

Stallion Island Adaptation series Trent CastilloRead this story for FREE!