Hidden Desire Book 3: Gold-en...

By HoneyVilla

10.3K 676 7

• Kung may personipikasyon ng aso't pusa, iyon sina Husky at Kitty. Unang pagkikita palang nila ay nagbangaya... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY

343 25 0
By HoneyVilla


PIGIL na pigil ni Kitty ang kanyang pagnanais na umiyak habang niyayakap isa-isa ang kanyang mga kapatid. Ngayon lamang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon para muling makita ang mga ito matapos ang aksidente.

Halatang nagtataka nag mga bata sa inaakto niya ngunit hindi niya iyon pinansin. Pinagbigyan niya ang kanyang sarili sa kagustuhang busugin ng yakap ang mga ito na halos ilang linggo na yata niyang hindi naranasan.

"kuya husky, ayos ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Kokay. Yumakap ito sa bewang niya. "Sabi ni ate, naaksidente kayong dalawa. Wala bang masakit sayo?"

"Okay na ako, kokay. Kayo ba okay lang kayo? Wala bang nangyari sa inyo? Gumagawa ba kayo ng assignment nyo? Natutulog pa ba kayo, Maya at Lochan? Nagsasaing at naghuhugas ba kayo ng pinggan Tiff at willa? Nag—"

"Husky."

Biglang natigilan si Kitty sa pagsasalita nang marinig niyang magsalita si Husky. Nakatingin ito sa kanya nang nakakaunawa ngunit may halong pagbabanta. Bumuntong hininga siya saka muling niyakap si Kokay. "Namiss ko kayo."

"Namiss ka rin ni Ate, kuya," sabi ni Kokay. "Palagi ka niyang ikinukwento sa'min."

Dumako ang tingin niya kay Husky. "Talaga? Anong sinasabi niya?"

"Sabi niya, boto daw ba kami sayo kung magiging boyfriend ka niya."

Pakiramdam ni Kitty naging nakapamakapangyarihan ng mga naging palitan nila ni Husky ng titig. Gusto niyang isipin na may kahulugan ang mga iyon pero hindi maaari. Alam niyang hindi maaari.

"Kuya, marunong ka bang maggitara?"

Isang malaking pasasalamat ni Kitty nang biglang sumingi si Tiff sa eksena. May bitbit na gitara ang kapatid niya. Hindi niya kilala ang gitarang inabot nito sa kanya. "kaninong gitara ito?"

"Kay ate," sagot ng kapatid niya.

"Pero sira ang gitara ko ah—ang gitara ni Kitty, hindi ba?" Nagdududa niyang tiningnan si Husky, ngunit nagkibit balikat lamang ito. "saan galing ito?"

"Binili yan ni Ate kamakailan lang," sagot ni Maya. "kaya lang hindi naman siya makapaggitara dahil may benda pa ang braso niya. Marunong ka bang maggitara kuya?"

"O-oo," sagot niya. Bumili ng gitara si Husky ng hindi niya nalalaman? Bakit?

"Tumugtog ka naman kuya," si Willa. "Namimiss na naming marinig si Ate na kumanta eh."

Buhat sa pagkarinig niyon, bilang pinihit ng ubo si Husky saka pasimpleng lumayo sa grupo.

"Ate, saan ka pupunta?"

"may naiwan ayata ako sa itaas na gamit—basta!"

Natawa siya. Alam niyang iniiwasan lamang nito ang kumanta dahil hindi nito magawa iyon. Sinubukan na nila iyon noong sinabi niya sa binata na kailangan niyang rumaket sa mga bar. Noong una, ayaw nitong pumayag ngunit kalanunan, sumang-ayon nalang siya dito. Husky can't sing.

"Ang KJ ni ate ngayon, no?"

"Nahihiya lang yon kay Kuya Husky," sabi ni Maya na tila ba nanunukso. "Liligawan mo na ba si Ate, Kuya?"

"Maya!" naeeskandalong sabi nya sa kapatid. "Wag kang magsasalita ng ganyan sa harap ng ate mo ha?"

"Bakit kuya?"

Paano ba niya ipapaliwanag sa kapatid ang sitwasyon nang hindi sila mabubuko? Wala siyang maisip na paraan kaya naman angsettle nalang siya sa "basta! wag na wag!"

"Siguro gusto mo siyang surpresahin no?" gatong pa ng kapatid. "Sige kuya, hindi namin sasabihin sa kanya. Boto kami sayo kaya hindi naming sisirain ang diskarte mo kay ate."

Lihim na nitirik nalang ni Kitty ang kanyang mag mata. Mukhang hindi lamang ito ang unang beses na maaring nabanggit ng mga ito kay Husky ang bagay na iyon. Ang hirap din pala ng maraming kapatid. Mas excited pa kasi ang mga ito sa lovelife niyang non-existent naman. Kung alam lamang ng mga ito na wala nga yatang pag-asa ang pag-ibig na iyon, malamang isa-isa ng nagaklas ang mga ito. Nakakahiya.

"ANONG meron ngayon?" Takang tanong ni Kitty kay Husky matapos ang kanilang 'bonding' sa opisina nito. Hindi niya lubos akalain na sobrang nakakapagod pala ang ginagawa ng binata sa buong araw. Tinatambakan ito ng mga papel na wala na yatang katapusan at kabi-kabila din ang meeting ito.

"Gusto ko lang magrelax. I know kailangan mo rin ito," sabi nito sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay. "I'm sorry for stressing you out. Napaka-demanding ng trabaho ko."

Hindi siya umimik dahil mas busy siya sa pagdama ng hawak ni Husky sa kanyang kamay. Ngayon lamang niya lubos na napagmasdan ang magkahugpong nilang kamay. Parang eksaktong kabaliktaran niya ang binata, ngunit para silang itinakdang magtagpo.

At least, gusto niyang isipin na ganoon.

May kinuha si Husky mula sa sasakyan nito. Bago na iyon ngayon dahil ang pick up nitong nasira ay nasa paayusan parin. Sabi ng binata sa kanya, matatagalan pa iyon bago maipaayos.

Napakunot siya nang makita niya ang ang gitarang hindi niya kilala. "Kailan mo binili yan?" Kastigo niya sa binata. "At bakit ka bumili—"

"Iyan ka na naman sa pagrereklamo mo," anito sa kanya saka siya tiningnan habang nakangiti ito. "Hindi naman para sa'yo ito. Para sa'kin."

"B-bakit?"

"Tuturuan mo akong mag-gitara at kumanta," sabi ito sa kanya na lalo yatang ikinalapad ng ngiti nito.

"Ikaw? kakanta? Bakit?"

"Para fair tayo," sabi nito. "Since pumapasok ka sa office, hindi ba dapat ako rin, rumaraket kagaya mo?"

"P-pero—" nag-aalangan siya. Sa mga nakalipas na linggo, hindi siya nag-aalala pamilya dahil may iniwan pa siyang pera. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Husky. Hindi ba dapat mas nagpaplano na tayo kung paano tayo babalik sa dati kaysa—"

"Can't we just enjoy being in each other's body for a while?" SInserong sabi nito saka tumingin sa kawalan. Naroroon sila sa isang parte ng Manila Bay at pinapanuood ang pagsayaw ng tubig sa ilalim ng liwanag ng buwan. Maraming tao sa lugar ngunit iniisip ni Kitty na mas mabuti iyon, dahil kapag naiwan silang dalawa ni Husky na mag-isa, maaaring gumawa siya ng bagay na hindi niya inaasahan.

"Ang tagal na natin sa katawan ng isa't isa, Husky. Hindi ka pa ba nag-enjoy?" Aniya sa tonong nagbibiro ngunit kung siya lamang ang tatanungin, ayaw pa rin niyang bumalik sa tama nilang katawan.

"Alam mo, sa totoo lang, hindi ko na maimagine ang sarili ko kapag wala ka na sa tabi ko."

Kulang ang salitang gulantang para ilarawan an ganging reaaksyon ni Kitty sa mga narinig niya kay Husky. nagbibiro ba ang binata? Nilingon niya ito ngunit seryoso, pero nakatanaw sa malayo ang tingin nito.

"Nakakatawang isipin 'no? Pero hindi ko rin alam kung bakit ganoon Kitty. I just felt that you were a part of me now and I can't imagine myself without you in it." Nilingon siya ng binata. "Ganoon kalaki ang naging epekto sa 'kin ng pangyayaring ito sa'tin."

"H-huksy..." hindi niya alam kung paanong sisimulan ang mga gusto niyang sabihin sa binata. Sa dami niyon, tila nagsala-salabid na sa kanyang isipin ang mga salita at ni isa ay hindi magawang iusal.

"I never really thought I'd thank you for this, but thank you so much Kitty. Dahil nang makilala kita, marami akong nalamang mga bagay na hindi ko alam dati, marami akong narealize at nakita ko ang mundong iba sa mundong ginagalawan ko." Hinawakan ni Husky ang kanyang kamay saka siya tinitigan ng diretso sa mata. "Meeting you made me realize that I was happy with my life but I'm not contented."

Napalunok si Kitty ng inboluntaryo. Habang nakatitig sa kanya si Husky, maraming nagsasalimbayang emosyon sa mga mata nito na hindi niya magawang bigyan ng kahulugan. Natatakot, kinakabahan at ninenerbiyos siya sa mga maaari pa niyang marinig mula sa binata.

"At kapag kasama kita, kuntento na ako, kitty. Which is again funny dahil unang una, wala naman tayong kauganyan sa isa't isa noong una palang hindi ba? Pero bakit ngayon heto, parang hindi ko na magawang isipin ang kinabukasan ko—ah, damn it." Walang salitang hinila siya ni Husky papalapit dito hanggang sa naramdaman niyang nagtama ang kanilang mga labi.

Noong una nanlaki ang mga mata niya nang marealize niya ang nangyari, pero sa huli, kusa rin siyang pumikit at dinama ang halik ni Husky. Eh ano kung makaiba sila ng katawan ng binata? Ang mahalaga, nararamdaman niya ang kakaibang hatid niyon sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. Pakiramdam niya, inililipad siya ng halik na iyon at magagawa niyang abutin ang mga ulap—kaya niyang marating ang malalayong lugar at maaabot niya ang hindi kayang abutin nino man.

Higit sa mahikang hatid ng mga nangyari sa kanila, mas malakas pala ang mahikang hatid ng taong mahal mo—natigilan siya.

Mahal?

Mahal niya si Husky, pero ang binata ba? Pakiramdam ni Kitty, binuhusan siya ng malamig na tubig sa mga naisip niya.

Dahan-dahang siyang humiwalay sa binata. Tiningnan siya ito nang nagtatanong ngunit parang kasing gulo yata ng isip niya ang reaksyon ng binata. Bumuntong hininga ito saka muling hinawakan ang kamay niya.

"I know, nalilito ka ngayon at sa totoo lamg , maging ako nalilito. Pero kung sasabihin ko man sayo ang nararamdaman kong ito, gusto ko, nasa tama na tayong katawan ng isa't isa para mukha mo ang nakikita ko." Pinisil nito ang kanyang kamay. "I'll miss you when we get back to each other's body, but I guess it's better about to look at you with my own eyes, hold your hand with my own hands—"

"H-husky," putol niya sa binata. "Anong ibig sabihin nito?" Nakukuha niya ang gustong sabihin nito sa kanya, ngunit ayaw niyang bigyan ng kahulugan iyon ayon sa gusto niya. Kailangan niya ng malinaw na paliwanag. Dahil kung mag-aasume lamang siya, para na rin niyang sinaktan ang sarili niya sa sugat na siya lamang din naman ang gumawa.

Isang alangining ngiti ang ibingay ni Husky sa kanya. "Hindi ko rin alam, pero ikaw ang may gawa nito." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Planuhin na natin kung kailan tayo babalik sa Laguna. Gusto ko nang linawin ang lahat ng ito para sayo at para sa sarili ko."

"WOULD you please tell me what's happening?"

Biglang napalingon si Kitty nang marinig niya ang nagsalita. Napakunot noo siya nang makita niya si Sky sa loob ng kwarto niya—o ni Husky. Hindi niya matandaang nagsabi ang babae na pupunta ito roon ngayon at natatandaan niyang isinara niya ang pinto. Pero naisip rin niyang para yata kay Sky, walang imposible basta si Husky ang usapan.

Itinigil niya ang ginagawa niyang pageempake at hinarap ang babae. Bukas ang plano nila ni Husky na bumalik sa Laguna dahil bukod na mas maayos na ang lagay ng braso niya, wala ring masasagasaang schedule nila. Idagdag pang gustong gusto na niyang linawin kung ano ang ibig sabihin ni Husky sa mga sinabi nito noong huling beses silang nag-usap. "Anong problema?"

"You're asking me what the problem is? Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?"

Mataas ang boses ni Sky at alam niyang galit ito. Bakit? "Sky, hindi ko alam kung anong sinasabi—"

"Si Kitty," putol nito s akanya. "Who is she to you?"

"Si Kitty?"

"Oo. Bakit nagkikita parin kayo kung tapos na ang ordeal ninyo kay Don Aguinaldo? Hindi ka ba nadala sa mga ginawa niya sa'yo? For god's sake, she even brought you in a accident—"

"Aksidente iyon, hindi iyon kasalanan ni Kitty," madiing putol niya sa babae. Bakit galit na galit ito sa kanya? At bakit biglang bigla ang pag-aamok nito para lang sumugod pa sa bahay ni Husky?

"Tapos ipinagtatanggol mo pa siya ngayon?" Nilapitan ni Sky ang mga ineempake niyang mga damit. "At ito? Ano na naman ito? Aalis ka? Kasama mo na naman siya?"

"Kung iniisip mong mayroong namamagitan sa'min ni Kitty. Nagkakamali ka," depensa niya kahit na ang gusto niya ay dakamain at sabunutan ito dahil kinokontra niya sa loob loob niya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"I am wrong? And tell me, bakit kailangang may magcover sayo sa opsina? Bakit magkasama kayo sa bahay nila kahapon? At bakit palagi kayong nagkikita kung saan saan? Kagaya nalang sa Manila Bay kagabi? You're cheating on me, Husky."

Kinagat ni Kitty pang-ibabang labi niya. Iba pala si Sky, akala niya ang pagbabantay nito sa kanya nitong mga nakaraang araw ay sagad na ngunit, heto, may second wave pa pala. Pinasusundan ba nito si Husky?

"Sky hindi mo na iintindihan. Kami ni Kitty..." paano ba niya ipapaliwanag dito ang lahat sa paraang maiintindihan nito?

"What? magsasabi ka na naman ng kasinungalingan at para magkita kayong dalawa?" tanong sa kanya ni Kitty. "Tell me, are you actually chosing that filthy, slutty bitch over me?"

"Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Kitty!" Pakiramdam ni kitty, umangat na sa sukdulan ang galit niya dahil sa mga narinig niya mula kay Sky. "Hindi mo siya kilala at wala kang karapatan na gawin at sabihin ang kahit anong laban sa kanya. Hindi ka ba nakikinig sa mga sinasabi ko sayo? Walang namamagitan sa'min! Dahil kahit anu't anong mangyayari, ikaw ang pipiliin ni Husky!"

Nagdududang tiningnan siya ni Sky. Halatang halata kasi sa kanyang boses ang kanyang galit. Ngunit sino nga ba ang hindi magagalit sa mga narinig niyag pang-iinsulto mula sa babae? Alam niyang maaaring nagseselos ito, ngunit hindi naman siguro tamang insultuhin siya nito nang ganoon hindi ba?

"If you're gonna drag that thing with her, Husky, I'm telling you you're gonna regret this later. Madadamay pati ang babaeng iyon kung hindi mo siya lalayuan ngayon din." Lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang kwelyo ng suot niyang t-shirt. "At yung gintong sinasabi mo nasaan? Hindi kaya dahilan mo lamang iyon para—"

"Bakit ba masyado kang interesado sa ginto?" Naiinis na putol niya sa babae. "Huwag mong sabihin na ginto lamang ang habol mo kay husky?"

Kitang kita ni Kitty kung paano natigilan si Sky sa mga sinabi niya at parang bigla siyang natakot. Hindi kay Sky kundi para kay Husky. Paano kung tama nga ang akusa niya kay Sky? Paano kung ang yaman at ginto lamang ang habol nito kay Husky? Masasaktan ito ng lubos kapag ganoon nga ang sitwasyon.

Umigkas ang isang kamay ni Sky saka siya sinampal. "So sinasabi mo ngayon na ako ang masama ang hangarin, Husky? After four years? Ganoon ba talaga ang tingin mo sa'kin o dahil naimpluwensyahan ka na ng babaeng iyon? Babaeng kailan mo lamang nakilala? Didn't you ever love me?"

"H-hindi mo alam ang sinasabi mo," madiin niyang sabi. "m-mahal ka ni Husky at—"

"Quit playing games with me, Husky. Bakit na nirerefer mo ang sarili mo bilang ibang tao?" Tumawa ng pagak si Sky. "Marahil ibang tao ka na nga mula nang makilala mo si Kitty. Pero tandaan mo, Husky. Kung hindi mo siya lalayuan ngayon din, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

Iyon ang mga naging huling banta ni Sky sa kanya bago ito tuluyang umalis a unit ni Husky. Hindi niya pinansin iyon dahil nagngangalit parin ang pakiramdam niya sa mga narinig. Oras na bumalik siya sa sarili niyag katawan, siguruhin lang ni Sky na hindi magkukrus ang mga landas nila. Dahil kapag nangyari iyon, baka makalimutan niya ang mga batas ng Pilipinas at ayaw niyang gumawa ng mga bagay na pagsisisihan lamamg din niya sa huli.

HINDI sinabi ni Kitty kay Husky ang naging engkwentro niya kay Sky noong nagdaang gabi. Saka nalang siguro kapag nakabalik na sila kanilang mga katawan dahil ayaw na niyang palakihin pa ang gulo sa pagitan nila ni Sky. Hindi niya yata kaya pang matagalan ang babae.

Ngayon ay magkasama sila ni Husky sakay ng sasakyan nito papunta sa Laguna. Kailangan na nilang makabalik na mayroong solusyon sa problemang ito. Alam kasi niyang kung patuloy silang magtatagal ni Husky sa katawan ng isa't isa, darating na sa sukdulan ang pagpipigil niya nang nararamdaman. Ayaw niya noon lalo pa at hindi pa ayos ang relasyon ni Husky at ni Sky; At hindi rin malinaw ang kung anumang meron sila—na hindi magiging opisyal hangga't naroon si Sky. Kung nagkataon, baka ang labas pa ang nakikiapid siya, na hindi niya gawain dahil ayaw niyang patotohanan ang mga bintang sa kanya ni sky. Hindi siya ganoong klaseng tao. Kapag magtatagal pa sila sa sitwasyon ito, alam niyang parang ibinabaon lamang niya ang kanyang sarili sa isang kumunoy na imposible nang makaalis pa.

"Sa tingin mo, kailangan muna nating kausapin ulit si sir Fernando? He might know other ways for us to go back to our bodies." nilingon siya ni Husky. " Nakuha natin ang wish mo sa spring hindi ba? Kung ganon, bakit hindi pa rin tayo nagkakapalit?"

Bumuntong hininga siya," hindi ko alam." Nakakafrustrate. Napakaraming umiikot sa kanyang isip tungkol sa kanilang dalawa ni Husky, kay sky at sa kanyang sarili na in the first place, hindi naman niya dapat iniisip. Pero habang iniisip niya na maaring sa isang iglap, bumalik sa tamang ikot ang mga mundo nila, maaring mawala ang lahat ng mayroon sila ngayon.

Naramdaman niyang hinawakan ni Husky ang kamay niya. Sa bawat hawak ni Husky, ramdam niya ang kasiguruhan at kapanatagan na tanging ang binata lamang ang may kakayahang gumawa. "I'm sorry. Don't pressure yourself to think. Makakabalik tayo, tiwala lang."

Ngumiti siya, "Salamat at hindi ka parin sumusuko, Husky. Salamat kasi, kahit napakarami na nating gulong kinasuotan nandyan ka pairn—"

"Para kang nagpapalam naman niyan, kitty," kumento ni Husky nang nakangiti sa kanya. "We're in this together. No need to thank me."

"But still..."

"Kahit na hindi naging maganda ang simula natin, whatever happens, kung kailangan mo ng tulong, hinding hindi ako magdadalawang isip na tumakbo papalapit sayo. I really don't mind rescuing you every time because I want to be the man that will save you and the man that you'll see as your hero."

Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso ngunit sa kabila niyon may isang tanong na nagsusumiit sa kanyang puso. Paano si Sky? Paano kita magiging hero kung nandyan si Sky?

Gitna ng katahimikan nila sa loob ng sasakyan ang ingay ng kanyang cellphone ang bumasag niyon. Nakita niyang si Maya ang tumatawag at sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla siyang kinabahan.

Mukhang nakita iyon ni Husky kaya naman inagaw nito sa kanya ang cellphone at sinagot ang tawag. "Maya?"

"Ate, umuwi ka muna, please." umiiyak si maya mula sa kabilang linya. "May demolition dito sa compound. Nagrarally na sina Kapitan dahil binantaang gigibain ang mga bahay natin kung hindi tayo aalis ngayong gabi."

"Ano?" sabay pa sila ni Husky na sumagot saka nagkatinginan. Walang salitang namagitan sa kanilang dalawa ngunit alam niyang nagkaintindihan sila. Mabilis na kinabig ni Husky ang manibela pabalik sa Paraiso compound.

NAGKAKAGULO na sa bukana ng Paraiso Compound nang dumating sila ni Kitty roon. Habang nasa daan sila pabalik ng dalaga, hindi ito makausap ng maayos dahil alam niyang nag-aalala ito—nagfafast forward ang mga iniisip nito para sa pamilya nito. He couldn't blame her, they still have a problem at hand and the last thing Kitty needed was this.

"Kitty! Sumali ka na rito, hindi dapat tayo pumayag na paalisin tayo dito," biglang sabi ni Kuya Anse sa kanya, ang panadero ng Paraiso. Hinawakan nito ang kamay niya. "Hindi dapat tayo magpagapi sa mga tao dito."

"A-ano po bang nangyari, Kuya anse?"

Parang pinaglalaruan si husky ng tadhana habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Kuya Anse. Dinidemolish ang mga tirahan sa compound dahil mayroon ng bumili ng lupang kinatitirikan ng mga bahay nila roon.

Napaisip siya, kung noon siguro, ang mga insidenteng kagaya nito ay walang epekto sa kanya— wala siyang mararamdamang kahit ano, bukod sa pagkainis dahil sa mga illegal na naninirahan sa lupang iba ang may-ari.

But he had experience how it is to live in that place. To be with the people who live in there and appreciate every single thing that comes within that place.

Bigla siyang naalarma, kung itutuloy ang demoslisyon, paano ang mga tao sa Paraiso? Paano ang pamilya ni Kitty?

And speaking of Kitty, nawala nalang ito bigla sa kanyang paningin. Lumingon siya sa mga taong nasa malapit sa kanya ngunit wala ito roon kaya naman dumiretso na siya sa direksyon ng bahay ng mga ito.

Hanggang sa looban, napakarami paring tao na tila handa ring makipaglaban at ipaglaban ang lugar. He now feel for them. Ngunit hindi opsyon ang manatili sa lugar na ito. Pakiramdam niya, kailangan may gawin siya para sa mga tao dito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatulong sa mga ito at iyon mismo ang gagawin niya dahil alam niyang may kakayahan siya.

Pagdating niya sa bahay nina Kitty, pakiramdam niya ibang bahay ang pinasukan niya. A Ang dating umiilaw dahil sa kaligyahayang tahanan ay parang natakpan ng ulap ang liwanag at puno iyon ng dilim at lungkot.

"Ate," biglang yumakap sa kanya ang mga kapatid ni Kitty. "Ate, anong gagawin natin?"

Nagkatinginan sila ng dalaga. Tila nakikiusap din sa kanya si Kitty at humihingi ng tulong. Parang may kung anong masakit a kanyang dibdib habang pinagmamasdan ito. "Lumabas muna kayo. Makipagnegosasyon muna tayo sa mga taong maaring makausap."

"kanina pa dapat natin ginawa iyan. Ayokong maghintay lang dito nang walang ginagawa!" Sabat ng tatay ni Kitty saka pinangunahan nito ang paglabas ng bahay. "Halina kayo!"

Sabay sabay silang lumbas nang bahay nang magkakahawak kamay. Pakiramdam ni Husky, sabay sabay silang susugod sa giyera but they were not weaponless, rather, they have the greatest weapon they can ever have—courage and love.

Habang naglalakad sila ay nakita niyang tiningnan siya ni Kitty na tila ba nagpapasalamat ito sa kanya. Kitty's face was void of any contentment at the moment but just by looking at her eyes brought calm to his senses. Mata niya ang gamit ni Kitty ngunit ang mga nakakapanghipnotismong mga mata ni Kitty ang nakikita niya.

He smiled at her to calm her but that's the time he notice a familiar figure behind her. Nakasuot ito ng itim na hoodie jacket, baseball cap at itim na pantalon. Sa unang tingin, normal na naglalakad lamang ang taong iyon papalapit sa kanila, ngunit dahil sa apat na taon niya itong nakasama, sigurado si husky kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, si Sky ang taong iyon.

Anong ginagawa ng nobya dito na ganoon ang suot? Sinundan ba nito si Kitty? Nagmamanman?

Magrereact na sana siya sa nakikita niya nang biglang bumilis ang kilos ni Sky, saka tinawid ang distansya sa pagitan nilang dalawa. But before she could even get closer to him, Kitty threw herself out for him.

Ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang ginawa ni Sky. Kasabay ng malakas na sigaw ni Sky ay ang pag-igik ni Kitty. One minute he was looking at her walking towards him and the next minute, there was blood and kitty—his body was lying on the ground struggling for air.

"Husky! What have you done?" naghihysteriang sabi ni Sky saka yumuko at hindi magkandauto. "Bakit mo hinarang ang sarili mo? It wasn't for you—"

"What have you done, Sky?" Asik niya sa babae saka marahas itong nilayo sa kanyang katawan—kay kitty. Itinuon niya ang pansin dito. "Kitty, hang in there." Pakiramdam ni Husky, nakabitin sa ere ang sarili niya habang pinagmamasdan ang paligid nila. A knife was directly planted on his body and there was a huge pool of blood everywhere. "Dadalhin kita sa opsital, we'll get through this Kitty."

Hinakawan niya ang kamay nito, saka niya naramdaman ang mga luhang kumawala sa kanyang mag mata. "Don't leave me kitty. No. not yet, hindi ko pa nasasabi sayo ang nararamdaman ko, hindi pa—" Damn it, bakit pakiramdam niya, umiikot ang kanyag paningin at namimigat ang kanyang talukap? Hindi siya pwedeng mawalan ng malay ngayon, walang mag-aalalay kay kitty. Hindi ito pwedeng maiwang mag-isa, hindi niya ito iiwan. He was her hero.

"K-kitty, I love you..."

The chaos went on around them—Sky was screaming and crying, kitty's family was in a mess, the people was going to and fro—but Kitty's body was slowly falling apart, losing it's strength. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari, pero bago tuluyang mawalan ng malay si Husky, tiningnan niya ang mukha ni Kitty. Her eyes were closed and if she has gone somewhere other than in this place now, he wanted to go with her too.

Iyon ang huli niyang naisip bago dumilim ang lahat sa paligid niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

82.2K 1.5K 11
Meet Russell and Grace and see Hongkong! Marahil ay nakatakda si Grace na mag-isa kaya sa simula pa lang ay sinanay na siya ng tadhana upang mamuhay...
83.6K 2K 20
Elisse and her mother's life change nang magtungo sila nang maynila. Doon ay nakilala nila si Gabriel del Valle na siyang napangasawa ng kanyang ina...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
4.3K 120 13
PARANG nakalutang sa alapaap si Belle Reloza. Napakaganda ng suot niyang cream, beaded wedding gown. Ang kanyang buhok ay naka-brush up at may naiwan...