Hidden Desire Book 3: Gold-en...

By HoneyVilla

10.3K 676 7

• Kung may personipikasyon ng aso't pusa, iyon sina Husky at Kitty. Unang pagkikita palang nila ay nagbangaya... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
EPILOGUE

CHAPTER NINETEEN

306 27 0
By HoneyVilla


SA ISANG restaurant nagkita sina Kitty at Husky nang umagang iyon. Para kay Kitty, himala pa nga yata na nakatakas siya sa lagim ni Sky dahil matapos nilang makabalik mula sa ospital, parang gusto pa yata ng nobya ni Husky na sa bahay nito siya tumira.

Tumanggi siya, naturalmente. Kung siya siguro si Husky, hindi siya tatanggi sa alok ng babae, pero hindi siya si Husky at ang kahit anong paglalapit nila nito ay nagdadala ng kakaibang windang sa kanyag sa kanyang mundo. Paano kung biglang mag-yaya na naman si Sky nang ano...hindi niya alam kung paano pa tatanggihan ang babae.

Isa pa, maari siyang mabuko ni Sky kung magtatagal pa sila na magkasama. May mga pagkakataon kasi na bigla nalang magtatanong sa kanya si Sky ng kung ano, ngunit hindi niya magawang sumagot dito. Alam niyang nagtataka na ito, ngunit wala naman itong sinasabing kahit ano.

Pero matalino si Sky, anumang oras maaring mahuli sila nito. Kung mangyayari iyon, maniniwala naman kaya ang babae sa ikukwento nila? Maniniwala ba ito sa ada at mahiwagang bukal? Malamang, magmumukha lamang silang mga tanga ni Husky.

"So?" Tanong niya kay Husky. "Okay na ba yang braso ko?" Ipinagpapasalamat niyang wala sila sa isang mamahaling restaurant.

"You'll be fine, ang sabi ng doktor, may dalawang linggo lang at tatanggalin na ito." Sagot ni Husky sa kanya. "Paano ka nakatakas kay Sky?"

"May pasok siya ngayon diba?" Hindi nito alam kung anong torture ang sabado at linggo para sa kanya. Naisip na rin niyang ikwento kay Husky ang tungkol sa madalas na pagtatanong ni Sky tungkol sa ginto na gusto na niyang pagdudahan ngunit itinikom niya ang bibig. Malay ba naman niya kung anong gagawin ng dalawa sa ginto kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ni Sky na makuha rin iyon. "Kamusta na ang mga kapatid ko?"

"They're all fine, Kitty. Wag kang mag-alala hindi ko sila pinababayaan. Anyway, I want something," may nilabas ito sa bulsa nito. "Let's exchange our phones now."

Tiningnan niya ang kanyang cellphone na inilabas ni Husky. Wala sa loob na inilabas niya ang cell phone ng binata. Biglang nagflash sa isip niya ang mag litrato niya roon ngunit hindi an siya umimik. Baka kasi kung ano nalang ang isipin ni Husky.

"Kailangan na nating planuhin kung kailan tayo pupunta sa laguna," sabi ng binata sa kanya. "We should get our alibies straight, dahil hindi na tatalab kay Sky ang anumang dahilan na may kinalaman sa'yo—sa'kin."

Umismid siya. "Ang tinik ng bantay mo."

"I'm sorry," biglang sabi ni Husky sa kanya. "I'm sorry about Sky. Just bear with her for a while, kailangan muna nating problemahin kung paano tayo makakabalik sa katawan natin."

Tapos kapag nakabalik natyo, pakakasalan mo na siya? Anang isang atribidang bahagi ng kanyang isip. aalis ka na, ganoon?

May naalala siya. "ano palang plano natin sa ginto?"

Nakita niyang nag-isip muna si Husky bago sumagot sa kanya. "Do you have anything to do with it?" nasabi na sa kanya ni Husky na nasa posesyon nito ang ginto. "Yung mga plano mo, gusto mo na bang gawin natin ngayong nakuha na natin ang ginto?"

Hindi alam ni Kitty kung anong isasagot. Parang lahat ng mga naunang plano niya bago kunin ang ginto ay biglang naglaho. "Huwag muna siguro sa ngayon, tapusin muna natin ang unang problema natin."

Tumango sa kanya si Husky at ikinagulat niya ang biglang paghawak nito ng kamay niya. "This is the last straw, Kitty. We'll get through this somehow. We'll get through this together."

Tiningnan niya nag magkahugpong nilang mga kamay. Kapag ba nawala na ang sumpa sa kanila, magiging maayos pa kaya ang buhay niya Kapag ba nagnakabalik na sila ni Husky sa mga katawna nila, magkukrus pa kaya ang mga landas nila? Magkakaroon pa kaya siya ng tsansa para makita ito? At mahawakan ang kamay nito kagaya ngayon?

Naiinis si Kitty. Bakit kahit anong kastigo niya sa kanyang sairli na pigilan ang nararmdaman niya para kay Husky ay hayon, bumabalik at bumabalik nang mas matindi pa kaysa sa unang beses niya iyong naramdaman.

Ganoon ba talaga ang pag-ibig? Kapag pinipiglan, lalong nagpaparamdam? Kapag tinatago, mas lalong naghuhumiyaw? At kahit na alam na walang pag-asa, umaasa parin?

KASAMA sa pinag-usapan nila ni Husky na kailangan niyang pumasok sa opisina nito para masubaybayan nito ang mga nangyayari sa kumpanya. Nawindang siya nang sabihin ni Husky sa kanya ang plano nito dahil wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawa nito sa negosyo at baka mag-cause lamang siya ng kapalakan doon. Pero sinabi ni Husky sa kanya na kailangan lamang niyang iuwi ang mga dokumentong naroroon, saka sila magkikita para ito mismo ang bumasa niyon.

Ang payo nito sa kanya habang nasa opisina siya, umakto lamang siya ng natural at kung may babati man o kakausap sa kanya, ngumiti o tumango lamang siya.

Pagpasok na pagpasok palang niya sa lobby ng building nito, nakita niya ang receptionist na nagsungit sa kanya noon. Ngiting ngiti ito sa kanya, dahil si Husky ang nakikita nito ngayon. "You're name is Sheena, right?" Sinubukan niyang gayahin ang angas na mayroon si Husky kapag nagsasalita ito.

Siguro naman ay nakuha niya iyon dahil nakita niyang biglang nag-ningning ang mga mata ng receptionist. Isa iyon sa mga epekto ni Husky sa mga kababaihan na malammag ay hindi ito aware.

"K-kilala nyo po ako sir?"

Ngumiti siya. "of course, I do."

Nakita niya kung paanong magpigil ng tili ang receptionist nito. Parang gusto niyang mapangisi sa inaakto nito ngayon. "Pwedeng iwan mo muna ang reception ngayon? Pwede ka ba sa office ko?"

"P-po?"

"halika na?" Nginitian niya nito saka naunang maglakad papunta sa elevator. Nakita niyang wala sa sariling naglakad ang babae at sinundan siya. Pagdating nila sa opisnina ni Husky, nanibago siya. Isang beses palang naman siyang nakapasok roon at halos di naman niya iyon nabisitahan noon.

Pero habang pinapaikot niya ang paningin doon, pakiramdam niya nakakita siya ng extension ng bahay nito. Parang pareho lamang ang mag furniture doon at ang buong lugar ay amoy...husky. Ngunit may isang bagay palang pinagkaiba doon—mas maraming libro sa opisina ni Husky kaysa sa bahay nito.

"S-sir?"

Lumingon si Kitty at noon niya nalala ang receptionist na kasama nga pala niya. "Ah, yes, sheena."

"Ano pong gusto nyong gawin ko?"

"Ah," lumingon lingon siya. "Unang una, paki-kuha ang walis at linisin mo ang opisina ko."

"p-po?"

"At pangalawa, dito ka lang sa floor na ito, sa labas ng office ko ngayong araw. Magtitimpla ka ng kape ko kapag ubos na."

"S-sir, hindi ko po—"

"Kung mayreklamo ka, madali naman akong kausap." aniya saka umupo sa upuan ni Husky. Malambot at kumportable iyon.

"W-wla naman po akong reklamo sir," sabi ni Sheena na mukhang disappointed. Lihim siyang nagdiwang. Anong akala nito, nakalimutan na niya ang pangmamata nito sa kanya? Nagsimula na itong lumabas para marahil simulan ang gagawin nito nang muli niya itong tawagin. "Sir?"

"Sa susunod na may pumasok sa building na hindi office attire, kausapin mo sila ng maaayos. Wala ka sa lugar para magsungit at matahin sila. Lahat tayo pantay pantay, tandaan mo iyan, miss dollison."

Nakita niya ang nagtatakang tingin na ibinigay nito sa kanya. "nakuha mo ba ang sinasabi ko?"

"O-opo sir."

"Sige, simulan mo na ang paglilinis."

ANG SABI sa kanya ni Husky, basahin ang importante at iuwi niya ang mga documentong kailangan nito, pero hindi nito sinabi sa kanya na may mga biglaan itong meeting kaya naman natataranta ngayon si Kitty habang nasa loob ng conference room.

Nagdidikusyon ang mga taong naroroon na hindi naman niya kilala tungkol sa estilo, modelo, sukat, kulay at kung anu-ano pang may kinalaman sa pagtatayo ng mga nagtataasang building at naglalakihang subdibisyon.

Nahihilo rin siay sa kakasunod ng mga sinasabi ng mga ito dahil halos lahat yata ng ginagawa ng mga ito, de numero. Kanina pa niya tinawagan si Husky dahil sa sobrnag pagkataranta at sinabing pumunta ito roon. Hindi naman kasi pwedeng sa text sila mag-usap apra sa diskusyong iyon diba?

Ipacancel daw niya ang meeting. Pero nang kausapin niya ang sekretarya ni Husky, sinabi nitong hindi na daw pwedeng delay iyon dhail nagagalit na nag kliyente at kailngan na nilang masimulan ang proyekto sa lalong madaling panahon.

"Thus, we used the concrete tables and the chairs as well for the model gardens since it's stable and will be a great contrast to the land's earth construction." anang lalaking nagsasalita sa harap. "What do you think, sir?"

Na-disorient si Kitty. Anong sasabihin niya? "Ah, oo. maganda nga yan."

Nakita ni Kitty na nagpalitan ng tingin ang mga tao na naroroon sa loob. "Won't you add anything more sir?"

Parang sinisilahan si Kitty sa kanyang kinauupuan. Anong i-aadd niya eh wala nga siyang katiting na ideya kung ano ang pinaguusapan ng mga taong ito ngayon. Malay ba niya sa pagtatayo ng bahay? "Ahm—"

"Excuse me."

Parang iisang taong lumingon ang mga tao sa loob ng conference room nang biglamg pumasok doon si husky, o si husky na nasa katawan niya.

"Sorry miss, but this is a private meeting you can't just—"

"I'm sorry Mr. Edward but I'm Mr. Rodrigo's current adviser," confident na lumapit si Husky sa tabi niya. "As you all know, he had been in an accident recently so he is still not in a very good condition to work at the moment. So I am here ot cover for her—for him."

Muli, nagtatakang tingin ang ibinigay sa kanya ng mga taong nasa loob ng kwartong iyon. "Is that true, sir?"

Pakiramdam ni Kitty ay nabunutan siya ng nilulong tinik nang makita niya ang binata. Tumango siya, "si Miss Castro ang makaktulong ko pansamantala para sa project na ito."

"but she's also injured, does that make sense?"

"Hindi naman iyon nakakaapekto sa mga gagawin niyang desiyon dahil isip niya ang magiisip." Depensa niya. "Hindi nyo naman siguro kukwestiyunin ang kredibilidad niya nang hindi siya sinusubukan, hindi ba?"

Natahimik ang mga taong naroroon. "So shall we start?" biglang sabi ni Husky. "can you please give a brief summary of the presentation you did before I came in?"

Isang naguguluhang tingin pa rin ang ibinigay ni empleyado ni Husky ngunit nagpatuloy ito sa pagdidiskusyon. Nakadama siya ng relief dahil sa pagdating ni Husky at hindi nito alam kung paano nito pinakalma ang sistema niyang parang sasabog na kanina sa sobrang kaba.

Hinawakan niya ang kamay ni Husky sa ilalim ng mesa. Isa iyong tanda ng tahimik niyang pasasalamat dito. Hindi ito lumingon sa kanya ngunit naramdaman niya na pinisil ni Husky ang kamay niya.

And in that moment, narealize ni Kitty, si Husky ang tipo ng lalaki na maaaring mayabang, mahangin at maangas, ngunit kayang kaya nitong maging isang hero para sa isang babae. Nakakatawang ngayon lamang niya narealize iyon gayong halos ilang beses na siyang iniligtas ni Husky.

Biglang mas lalong tumindi ang inggit na nararmdaman niya para kay Sky. Napakaswerte nito kay Husky.

HABANG pinag-aaralan ni Husky ang mga hawak niyang dokumento nang mga nabibinbin niyang trabaho, pakiramdam niya napakaraming problema ng Sky Caster. Makukulit na mga kliyente, demanding na mga artist at madugong land acquisition—lahat iyon ay parang mga blokeng dumadagdag sa dami ng problema niya.

Sinulyapan niya si Kitty na kanina lamang ay kausap niya at nagbabalak na tulungan siya sa mga ginagawa niya. Tulog na ito sa sofa niya. Tumayo siya at binitawan ang mga binabasang dokumento.

Nang marinig niya ang desperasyon sa boses nito noong tumawag ito sa kanya kanina,pakiramdam niay nilagay niya sa isang alanganing sitwayson si Kity. Hindi niya naisip na maaring magkaroon ng ganoon sa panahong iyon dahil sa ilang linggong pagkawala niya sa kompanya.

Kaya naman mabilis siyang sumugod sa opisina and as expected they worked perfectly with each other. Nilapitan niya si Kitty at pinakatitigan. Basically, ang tinititigan niya ay ang sarili niyang mukha, ngunit ang nadarama niya, habang naiisip na si Kitty ang babaeng kasama niya ngayon ay nagkukumpirmang malala na nga yata nag sapak niya.

He was not in the right mind and this is not the right situation to think of this mess at the moment but god, he was practically wanting to see more of Kitty in the future.

Future.

Nakkatawang isipin na naiiassociate lamang niya ang future sa isang babae noon. But being with Kitty, looking at her and imagining seeing her face was like seeing his future right in front of his eyes.

He used to think that Kitty and trouble were tangled up with each other—they always came as a package. Katunayan, totoo iyon. Pero kung gulo, komplikasyon lang din naman ang pag-uusapan, wala na yatang hihigit pa sa dami ng mga pinagdaan nilang dalawa.

At kung ang kagustuhan niyang pagsamahin si Kitty at ang future niya... para na rin siya humiling sa pagdaan sa libo-libong trouble. At ewan niya pero handa siyang gawin iyon. Because just being with kitty was enough reason for him to go through a lot of troubles, even over and over again.

Pakiramdam ni husky, binabali niya ang lahat ng mga batas, regulasyon at pangakong binitiwan niya noon. Alam rin niyang maaring malaking gulo ang kalalabasan nito, but for once, he was feeling fierce and fearless.

He knew why.

Dahil kung anu't anuman ang mangyari sa hinaharap, maaari niyang piliin si Kitty. Hindi ilang beses sa buhay ng isang tao na makakita siya ng taong magparamdam sa kanya na maaari niyang gawin ang kahit ano, basta sundin lamang niya ang dikta nang kanyang damdamin. At sa lifetime niyang iyon, si Kitty lamang ang gumawa niyon sa kanya. Not even sky.

Thus, he knew that Kitty was worth it.

But is risking his heart over his mind worth it?

He was yet to find out. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 41.2K 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang s...
1.5M 30K 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyan...
1.3M 31.5K 48
"Higit sa takot na masaktan at mahirapan, mas takot akong mabuhay na wala ka." Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magula...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...