Everything About Stars And Yo...

By eggboy16

4.1K 114 34

Two Brokenhearts wished in one star to find their true love. Paano kung ang wish na hindi mo inaasahang mang... More

Everything About Stars and You
Chapter 1: The Broken
Chapter 2: Wish
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Perfect Strangers
Chapter 5: Meteor Shower
Chapter 6: Plan L
Chapter 7: Time Machine is real
Chapter 8: Oplan Break Up
Chapter 9: Went Wrong
Chapter 10: Snatched!
Chapter 11: Perya
Chapter 12: Midnight Blues
Chapter 13: Red Thorns
Chapter 14: Sold Out!
Chapter 15: Fall
Chapter 16: Cotton Candies
Chapter 17: Tension

Chapter 18: Unwind?

103 4 3
By eggboy16

Chapter 18: Unwind?

"You're still into him?" Said Felix out of the blue while driving. The traffic light became red so we stopped. He lift up the hand break and eyed me.

"I don't know. It's just that... argh!" I closed my eyes and sighed. I don't know what to answer. Maybe, I really am still inlove with Seth. No, I am still inlove with him.

"You are still into him." He continued driving when the green light appeared. Hindi na ako umiimik pa. May pag asa pa bang makabalik kami sa dati?

Mukhang nagbago na ngayon si Seth kaya panigurado kapag nandito na rin kami sa taon na 'to, magbabago na rin siya para sa akin. Siguro sa panahon na to hindi na siya babaero.

"Hindi pa rin ba tapos 'yung time machine?" I asked. Napatingin siya sa akin. I'm being desperate now.

"Gusto mo pa ring bumalik sa kaniya?" Tumango lang ako.

"Sa nanakit sayo?"

"Oo gusto ko pa ring bumalik sa nanakit sakin. Gusto ko pa rin magpakatanga. Kung masasaktan lang din ako gusto ko sa kaniya mang gagaling yung sakit na yon. Ano bang pakialam mo? Buhay ko 'to." At sumabog na ako.

"Yrene?! Look at yourself. You're too desperate." Inihinto niya ang sasakyan sa gilid.

"Alam ko. Desperada na kung desperada. Mahal ko pa rin siya! Bakit ba ganyan k-"

"Dahil ayaw kitang masaktan ulit!"

***

Felix's POV

Pag kauwi namin ay dumiretso siya ng kwarto at nagkulong. Gusto ko sanang katukin pero 'wag nalang, baka mas gusto niyang mapag isa muna.

Idinikit ko ang tainga ko sa pintuan at tama ako, umiiyak pa rin siya. Gustuhin ko man siyang icomfort, hindi ko magawa dahil alam kong pagtatabuyan lang ako nito. Wala akong magawa para pasayahin siya.

***

Nagising ako sa ingay na nang gagaling sa kusina. Bigla akong nagutom sa naamoy ko. Pumunta ako agad ng kusina para tignan iyon. Nakita ko si Yrene na nagluluto ng agahan. Sumandal lang ako sa may pintuan at patuloy siyang pinanuod. Ilang sandali pa ay napansin na rin niya ang presensiya ko.

"Good morning! Halika umupo ka na rito malapit na akong matapos." Umupo ako malapit sa kaniya.

"Anong meron bakit may pa-breakfast?"

"Wala lang masama na bang magluto ngayon? Saka sorry sa pagpapatulog sayo sa sala." Inihain na niya ang niluto sa akin. Fried rice na may egg at bacon. Tinignan ko siya at ngumiti.

"Apology accepted kapag masarap." Biro ko.

"Ang arte ha? Tirahan mo sila mama baka maubos na pag dating nila galing palengke." Tinanggal niya ang apron niya at pumunta sa sala, may kinuha ata.

Tinikman ko na ang luto niya. Nothing's special kasi karaniwan lang naman to pero naging special kasi siya ang nagluto. Maya maya pa'y bumalik na siya.

Naglock si yrene sa kwarto sa sala natulog si felix pag gising niya may handa si yrene sa kaniya. Sorry chuchu. Magpapasama si Yrene sa subic eh interview ni Felix. Makikita niya si Yrene na nasa sakayan ng bus. Kukunin niya.

"Apology accepted."

"I told you. Ahm nga pala Felix." Tinignan ko lang siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"May pakiusap sana ako..." kaya naman pala ako pinagluto, may pabor kala ko pa-sorry lang.

"Anything, ano 'yon?"

"Gusto ko pumunta ng subic. Pwede mo ba akong samahan?" Parang nahihiya pa siya sa pagkakasabi niya. Teka, anong nakain nito at gusto niya mag subic?

"Anong gagawin mo don?"

"Gusto ko lang kasi sana mag unwind kung okay lang."

"Okay sure, kailan?" Tanong ko.

"Ngayon sana?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ba puwede bukas? Ngayon kasi 'yung interview ko 'di ba? Promise ako bahala bukas." Hindi siya umimik at umalis nalang bigla. Tinopak na naman siguro 'to.

Ilang sandali pa ay nag ayos na ako para sa interview na pupuntahan ko mamaya. Hindi pa rin niya ako inimikan hanggang sa maka alis ako. Hinayaan ko nalang din muna dahil tiyak akong lahat na ng galit sa mundo na sa kaniya ngayon kaya mahirap na magkaroon ng panibagong world war.

Na-stuck ako sa traffic. Tinignan ko ang relo ko at mukhang hindi na ako makaka abot. I should've left the house earlier. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Yrene papasok ng isang bus liner. Ayaw talaga papigil nito ngayon.

Yrene's POV

Halos matumba ako sa pagkuha ko ng maleta ko sa likuran ng taxi. Hindi man lang ako tinulungan ng driver alam na ang laki nitong dala ko. Bakit kasi ngayon pa 'yung job interview ni Felix hindi ko naman din siya pwedeng pilitin dahil kung malaman niya ang totoong dahilan bakit kailangan kong umalis ngayon ay 'di rin naman 'yon papayag kaya ako nalang aalis mag isa.

It's already past 3 pm pero ang haba pa rin ng pila sa bilihan ng ticket kaya no choice akong pumili sa ilalim ng init ng araw.

"Miss anong oras 'yung biyahe niyo papuntang subic?" Agad kong tanong nang ako na ang una sa pila.

"Ay naka alis na po kaninang alas dos ang sunod pong biyahe bukas na po." Hindi na ako nag salita pa at umalis na sa pila dahil baka sumabog lang ako dito na parang dragon. Hindi 'to puwede, kailangan kong maka alis ngayon. Walang kwenta 'yung pagpila ko nang halos isang oras. Dapat kasi nagtanong muna ako.

Pumunta ako sa may waiting shed at umupo. Bigla nalang may kumalabit sa akin. Si Felix.

"Akala ko ba may interview ka ngayon?" Bungad ko sa kaniya.

"Wala, hindi ko na rin mahahabol. Oh eh akala ko rin ba aalis ka? Bakit ka naka upo diyan?" Pinagmamasdan ko siya, bagay pala sa kaniya kapag nakasuot siya ng pormal.

"Wala na raw biyahe na pa-subic ngayo- teka? Wala ka ng pupuntahan so ibig sabihin puwede mo na akong samahan?" Tumango siya.

"Pero bumalik muna tayo sa bahay at mag iimpake lang ako ng damit. Nakaka hiya naman kung pormal akong pupunta doon baka akalain nilang mayor ako."

"'Wag na! Halika na, doon nalang tayo bumili ng mga damit mo." Agad ko siyang hinatak palabas ng bus liner na 'to. Sa wakas, dumating na rin ang knight in shining armor ko.

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Continue Reading

You'll Also Like

211K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
258K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
173K 684 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
99K 4.3K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...