Just Like Before

By moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. More

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 33: I love you, Royce.

2.5K 40 19
By moisel

Chapter 33

“Na’san ka na? Nananakit na ‘tong pinsan ko.” Yun ang bungad sa’kin ni Levi nang sagutin ko ang tawag niya.

Tinanaw ko ulit ang bestfriend kong umo-order ng pagkain para sa’ming dalawa.

“Medyo sumama kasi pakiramdam ko kaya hindi na ko makakapanood ng practice ni R-Royce…”

“You’re stuttering. What’s wrong?” Sabi ni Levi kasabay non ang narinig ko ang galit na boses ni Royce sa background.

Kelangan ko siyang iwasan. Hindi para sa’kin kung hindi para sa bestfriend ko. Hindi baling ako ang masaktan, wag lang si Dana. Alam kong unfair para kay Royce. Aksidente kong nasabi na gusto ko siya. Pero lahat ng ‘to, para sa bestfriend ko.

“Burger tsaka fries in-order ko, best.” Sinuklian ko ng ngiti ang ngiting binigay sa’kin ni Dana nung makalapit siya. Oo nga, napansin ko nitong mga nakaraan na hindi na niya nagagawang ngumiti. Kasalanan ko yon.

“You still there? Skyla Hailey—”

Nawala sa kabilang linya si Levi. Napalitan yon ng boses ni Royce. Agad ko namang in-end ang call. Uumpisahan ko na rin ‘to. Uumpisahan ko na ang pag-iwas sa kanya.

“Sino yung tumawag?” Tanong ni Dana nung makaupo siya sa harap ko.

“Si Levi.” Kinagat ko ang labi ko habang kinukuha yung burger na inaabot niya.

“L-Levi?”

“Pinsan ni Royce.” Nakita ko agad ang pag-iwas niya ng tingin nung binanggit ko ang pangalan ni Royce.

“P-pinsan siya ni Royce?”

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Fake a smile while you’re hurting inside, Hailey.

“B-bakit lagi kayong magkasama? Sinabi ba ni Royce? Binilin ka ba niya kay Levi dahil busy siya?”

Tumango lang ulit ako sa tanong niya. Nagsimula na kong kumain. Nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Tinaob ko ‘to bago pa makita ni Dana na tumatawag sa’kin si Royce.

“Best, thank you.” Hinawakan niya yung kamay ko. Ngumiti ulit siya sa’kin. “Para sa’kin nagawa mo ‘to. Thank you.”

Ngumiti ako bago umiwas ng tingin. Hindi ko na iisipin ang sarili ko. Bestfriend ko siya. Siya na kasama ko simula pa nung una. Lahat ‘to para sa kanya.

**

“Gabi na Levi, bakit ka tumatawag?” Bungad ko nung tumawag si Levi. Umupo ako sa kama ko. Katatapos ko lang gumamit ng cr.

I’ve been calling you for about 60 times now. Are you ignoring me?” Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Royce. “Kung hindi pa ito ang ginamit kong number…” Humihina ang boses niya. Parang hindi gustong dugtungan ang sinasabi niya. “…hindi mo sasagutin.”

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit umiiyak na rin ako. Kinuha ko ang unan ko at tinakip sa bibig ko habang hawak pa rin ang cellphone ko. Ayokong marinig niya ko.

“Hailey…” He sighed. “Wala naman akong nagawang mali, hindi ba? Please, tell me we’re fine. Hailey…”

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak ng umiyak. Hanggang kelan ko gagawin to? Hanggang sa makalimutan siya ni Dana? Sa panahong yon, alam kong nakalimutan na rin ako ni Royce. Lalong sumikip ang dibdib ko.

“Hailey… babe, please?”

Pinilit kong pigilan ang paghikbi ko. Ayokong malaman niyang umiiyak ako.

“Y-you want to talk to L-Levi?” Umiling ako. Para akong tanga dito. Pero tanga naman talaga ako. Tanga ako para gawin ‘to kay Royce. “Answer me, Hailey…”

“We’re fine.”

Kinagat ko agad ang labi ko pagkatapos kong sabihin yon. Narinig ko agad ang malalim niyang buntong hininga. Mukhang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko.

“I miss you. Hindi kita nakita kanina.”

Hindi ako nagsalita. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita kong sumilip si Harley. Tumahimik din si Royce. Mukhang narinig niya rin ang pagbukas ng pinto sa kabilang linya.

Kakain na daw, ate.” Tumango lang ako sa kanya. Kumunot ang noo niya. “Umiiyak ka.”

Huli na bago ko mapigilan ang kapatid ko. Alam kong narinig din yon ni Royce dahil malakas ang boses ng kapatid ko.

“Fuck. We’re not, Hailey.” May narinig akong kung ano sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano yon. “Pupuntahan kita. Wait for me.”

“No, Royce!” Hindi ko mapigilang hindi magtaas ng boses. “Bakit ba ang kulit kulit mo?! Sinabi kong ayos lang, hindi ba? Ano bang hindi mo naiintindihan don?!”

Tumayo ako bago pinilit isara ang pinto kahit nandon si Harley.

“H-Hailey…”

“S-sorry… masama lang ang pakiramdam ko. Sa susunod nalang tayo mag-usap, okay?”

Pinatay ko na ang cellphone ko. Dumating ang Monday na hindi pa rin kami nag-uusap ni Royce. Gusto ko siyang makita… gusto ko siyang makasama. Kahit palihim lang. Pero hindi ko kayang magsinungaling sa bestfriend ko. Hindi ko kayang sirain ang sinabi ko sa kanya.

“Ate, wala kang pasok?” Tanong ni Harley nung makita akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng anime.

“Mamaya pa.” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

“Half day ako ngayon, Ate.” Sabi ulit ni Harley. Napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. So what? “Pwede ba kong pumunta sa NCU?”

“Anong gagawin mo don?” Tinutok ko ulit ang tingin ko sa TV. Hindi siya agad sumagot. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

“1 PM first game ni Kuya Royce. Gusto ko manood. Manonood ka ba? Suportahan mo naman si Kuya Royce.”

Hindi ko siya sinagot. Alam ko yon dahil madalas nagtetext sa’kin si Royce. Gusto niyang manood ako ng game nila. Kahit hindi ako nagrereply, hindi siya tumitigil.

“Pa’no ko siya isu-support? COM ako, COE siya.”

“Syempre, mahal mo eh. Wala yan sa college.”

“Harley.”

“Yes?”

“Shut up.”

Tumayo ako bago dumiretso ng lakad papunta sa kwarto ko. Humiga muna ako. Natulog ulit ako. 11 na nung magising ako. Naligo agad ako at sinuot ang College shirt namin. Sinuot ko rin ang baller ng COM na color red at black. Naka-backpack rin ako para mas kumportable.

“Alis na ko, La.”

“Ingat, hija.”

Nagbless ako kay lola bago umalis ng bahay. 12:30 na nang makarating ako sa school. Dumiretso agad ako sa faculty room ng Management para mag-attendance. Pagkatapos non ay lumabas agad ako. Naabutan ko ang mga kaklase kong nasa lobby ng COM.

“Nood tayo basketball mamaya, game nina Royce diba?” Sabi ni Nami. Hinawakan naman ni Dana ang kamay ko bago nginitian.

“May iba kaming gagawin ni Hailey eh, hindi kami makakapanood.” Sabi ni Dana kina Nami. Maging ako ay nagulat. May gagawin kami? “Volleyball. Panoorin natin si Kuya. First game eh.”

Tumango lang ako. Nagtatalon si Dana. Parang tuwang tuwa sa ginawa ko. Hinila niya agad ako papunta sa open court. Naiwang nakakunot ang noo nina Nami.

Bumili muna kami ng drinks. Maraming estudyanteng nagkalat dahil sa maraming satellite campuses ang NCU. May iba’t ibang colleges pa dito sa Main Campus.

“Anong kalaban nina Kuya Dino?”

“CED. Halika, dito tayo.”

Umupo kami sa bleachers. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang mga players. Nagkagulo na sa court. Hindi naman kasi matatanggi na may itsura ang mga naglalaro.

“KUYA DINO!” Winagayway ni Dana ang hawak niyang balloon na nakuha niya kanina sa katabi niya. Nakuha naman niya ang atensyon ni Kuya Dino. Mabilis siyang lumapit sa’min. Narinig ko rin ang tilian ng mga katabi namin ng makalapit siya.

“Hailey!” Ngumiti siya sa’kin. Ngumiti rin ako.

“Good luck, Kuya.”

“Thanks. Akala ko hindi ka makakapanood.” Napahawak pa siya sa batok niya na parang nahihiya. Ngumiti lang ako. Umalis din agad siya dahil tinawag na sila ng coach nila.

Nagsimula ang game. Nanood lang ako. Napapatawa nalang ako kapag nagwawala na si Dana dahil intense ang game. Nawala lang ang atensyon ko nang maramdaman kong nagvi-vibrate ang cellphone ko. Nagpaalam muna ako sandali kay Dana para masagot ang tawag. Pumunta ako sa hindi masyado maraming tao.

“Hello?”

“Skyla Hailey. What the fuck?”

“Bakit?” Binalewala ko ang sinabi niya.

“Kanina pa nag-uumpisa laro nina Royce, where are you?! Nagkakalat ang siraulo!”

“H-hindi ako makakapanood ng game…”

“What?!”

“S-sorry?”

“Damn it, Bautista. Kahit magpakita ka lang! Kailangan ka ni Royce!”

“Ano namang gagawin ko dyan—”

“I don’t get you. Really. I’m not doing this for myself. I’m doing this for my cousin!”

“Pwede ba, Levi—” Narinig ko ang sigawan sa background. Napatingin ulit ako sa open court. Nakita kong sinisilip na ko ni Dana. “I need to go. Hinahanap na ko ni Dana.”

“Dana?” Tumahimik siya sa kabilang linya. Ang naririnig ko lang ay sigawan ng mga tao. “Of course. Your most beloved bestfriend. Let me analyze everything. Sinama ka niya para hindi ka makapanood ng basketball? Sinama ka niya para hindi mo makita si Royce?”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tama siya. Pero pa’no niya nalaman yon?

“You’re not stupid, Bautista. Kung kaibigan mo siya, hindi ka niya pipigilan sa mga bagay na gusto mong gawin. Kung kaibigan mo siya, hahayaan ka niyang maging masaya.”

“Sinasabi mo bang hindi siya tunay na kaibigan—”

“You’re not stupid, Skyla Hailey. You’re not.”

Yun lang bago siya nawala sa kabilang linya. Natulala nalang ako. Pinilig ko nalang ang ulo ko. Bestfriend ko si Dana. Ano ba ‘tong sinasabi ni Levi?

Dahan-dahan akong bumalik sa bleachers. Nginitian ako ni Dana. Hindi ko magawang ngumiti pabalik. Kumunot ang noo niya.

“Dana…” Tinitigan ko siya sa mata. “Magc-cr lang ako.”

“Okay, samahan na kita.”

“Hindi. Wag na. Baka sa COM nalang ako mag-cr. Masyado kasing maraming estudyante sa may cr malapit sa Oval.”

“Oh sige. Tapusin ko lang ‘tong game ni Kuya. Bilisan mo ah?”

“Okay.”

Tumayo ako bago naglakad pabalik. Kung kaibigan mo siya, hahayaan ka niyang maging masaya. Kaibigan ako ni Dana at gusto ko siyang maging masaya kaya ko ginagawa ‘tong pag-iwas kay Royce. Pero bakit ako yung nasasaktan? Ayaw niya ba kong maging masaya?

Natagpuan ko nalang ang sarili kong naglalakad papasok sa gym. Sobrang daming estudyante. Hindi ko na halos makita ang court. Sa left side ako dumaan para madali akong makapasok. Konti lang kasi ang estudyante don. Halos faculty lahat. Nakita kong nakahawak si Royce sa tuhod niya habang bahagyang nakayuko. Mukhang pagod na pagod na siya. Sumandal ako sa pader malapit sa pwesto ko.

Nakita ko si Levi sa may bleachers na parang pinipigilan ang sarili na sugurin si Royce sa loob ng court. Nagulat ako nang makita ang kapatid ko na malapit din sa pwesto ni Levi. Nandon din ang ibang classmate ko. Todo cheer si Nami sa players ng COE.

Nakita kong sumablay ang tira ni Royce. Kinabahan agad ako. Lamang ang kalaban. Parang hindi ko gustong ipagpatuloy ang panonood. Sobrang frustrated si Royce. Parang nawala lahat ng yabang niya ngayon.

“DAMN IT, ROYCE! LUMABAS KA NA DYAN!” Narinig kong sigaw ni Levi. Agad ‘tong binatukan ni Nami.

Please, magtataksil muna ako sa COM. Hindi pa naman nila game. Sana manalo ang COE.

3rd quarter na. Lamang pa rin ang kalaban. Ayokong panoorin ang game pero hindi ko gustong umalis ng gym. Bumalik ako sa sarili ko nang marinig kong tinatawag si Royce ng coach nila. Napatingin agad ako pabalik sa court.

Nakita ko ang mga mata ni Royce na sa’kin lang nakatingin. Huminga siya ng malalim. Nakita kong papalapit na siya sa pwesto ko. Tinawag ulit siya ng coach nila pero hindi niya ‘to pinansin. Umiling ako sa kanya.

“Beat them…” Bulong ko. Alam kong naintindihan niya yon. Napatigil siya sa paglalakad. Ngumiti ako sa kanya.

Nakita ko kung pa’no bumalik ang dating Royce. Kung pa’no ulit siya nabuhayan. Hindi na ko nagtaka nang lumamang sila. Hindi pa tapos ang 4th quarter, pumunta ako sa corner. Walang estudyante dito dahil hindi na dito kita ang court. Sumandal ako at bahagyang pumikit. Napangiti ako nang narinig kong i-announce na COE ang nanalo.

“Hailey…” Nakita kong dumaan si Royce. Hindi niya napansin na nakasandal ako sa pader. Nakatutok ang tingin niya sa exit na opposite side lang ng pwesto ko. Nakatalikod siya sa pwesto ko. “Hailey…”

Napangiti ako. Bumalik na naman ang Royce kaninang first at second quarter.

Hindi na ko nagdalawang isip. Nilapitan ko siya at niyakap galing sa likod. Alam kong nagulat siya pero hindi niya tinanggal ang kamay ko. Siguro naman alam niyang ako ‘to?

Lalo akong napangiti nang hinawakan niya ang kamay ko. Nilapat ko ang pisngi ko sa sexy niyang likod.

“Nice game.” Tanging nasabi ko nalang.

“Thanks to you…”

Sinubukan niyang humarap sa’kin pero pinigilan ko siya.

“Let me see you, Hailey.” Umiling ako kahit hindi niya nakikita.

“I want to hug you…”

“You can hug me anytime. Anywhere. Gusto lang kitang makita.”

Hinayaan ko siyang humarap sa’kin. Ngumiti ako bago hinawakan ang pisngi niya. “Ang galing mo!”

Tumawa siya dahil sa ginawa ko. Sobrang tagal niyang tinitigan ang mukha ko. Nang hindi niya napigilan ang sarili niya, niyakap niya ko ng matagal.

“I missed you. Damn.”

Humiwalay agad ako sa kanya nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Dana. Hindi ko yon sinagot. Sinundan ng tingin ni Royce ang cellphone ko habang binabalik ko ‘yon sa bulsa ko.

“I need to go.” Alam kong magtatanong na si Dana kung na’san ako.

“COM ang kalaban namin sa next game. Cheer mo ko ah?”

“Duh!” Umirap ako bago tumalikod sa kanya. “Syempre sa COM ako!”

Napangisi ako nung marinig ko ang mga reklamo ni Royce. Naglakad ako palayo. Babalik na ko kay Dana. Naging masaya ako kahit sandali. Kahit nilabag ko ang sinabi ko kay Dana.

“Hailey.”

“Hmm?” Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo. Mamaya ay dadami na rin ang estudyante dito.

“Wala bang good luck?”

Tumigil ako sa paglalakad bago nakangiting humarap sa kanya. “Good luck.”

Ngumiti siya pabalik. Mukhang masaya siya dahil sa sinabi ko. Maya-maya ay kumaway siya sa’kin bago tumalikod. Kinagat ko ang labi ko nang makita ko ang likod niya. Parang ang sakit kapag tinatalikuran niya ko.

Pinatatag ko ang loob ko. Hindi ako iiyak. Hindi dapat ako masaktan. “I love you, Royce…” Bulong ko. Kahit ako ay hindi na halos marinig ang sinabi.

Nagulat ako ng tumigil sa paglalakad si Royce. Nakakunot noo siyang tumingin sa’kin. “M-may sinabi ka?”

“Wala.” Tumalikod ako. Dun na lumabas ang mga luha ko. Hanggang dito nalang yata lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.7M 74.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
214K 13.9K 69
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...