Run, While You Still Can

By BlackLily

12M 229K 21.3K

More

Run While You Still Can
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14.
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 24

209K 4.2K 221
By BlackLily

24.

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa din ako makapaniwalang sinabi niya yun sa akin.  What he said put me in my place. Oo nga naman, girlfriend nga lang ako. Ano ang pakialam ko sa personal na buhay niya.

Hindi kesyo, pinakilala niya ako sa Mommy niya ay naiiba na ako sa dating mga girlfriends niya. In his perspective, I am just like the rest. Just a companion and a bed warmer if I allow it. Nothing special. And somehow, kumirot ang puso ko sa isiping yun. At yun ang di nagpapatulog sa akin. I am making up a decision. Kung ipagpapatuloy ko ba ang pagiging ‘just a girlfriend’ niya o makikipaghiwalay na sa kanya. Kasi kung tutuusin, kung ganyan ang tingin niya sa relasyon namin, wala rin kaming patutunguhan.  Bakit pa kami magsasayang ng oras?

Yan ang pinaka logical na gagawin pero tuwing naiisip ko, may kunting kirot sa puso ko. It is not much, yet enough for me to have second thoughts about breaking up with him.

Ahhh…what am I supposed to do?

Nasa ganyan akong pag iisip nung mag ring ang phone ko na nasa bedside table. Sinilip ko ito and it was Jayson.

Hinayaan kong magring ng ilang beses and then I pick it up.

“Hello.” Malamig na bati ko.

“Hey, Rose, I’m sorry.” Napapikit ako at napabuntunghininga.

“It’s okay.” Mahinang sabi ko. And it is indeed okay. I have decided that it is okay once I have accepted the fact that I am just one of of his girlfriends. A girlfriend who don’t expect anything, who doesn’t demand and the one who do not assume. Kung yan ang gusto niya, then so be it.

Natahimik sa kabilang line na para bang nagulat pa siya sa sinabi ko.

“It’s okay?” Hindi makapaniwalang sabi niya. Sino nga ba naman ang maniniwalang okay lang sa isang tao ang masigawan?

“Yes. It is.”

“Are you okay?” Tanong pa niya.

“Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay? Ang totoo niyan inaantok na ako.” Sabi ko para matapos na ang usapan. At mukhang nakaintindi naman siya. 

“Ah nagising ba kita? I’m sorry. I was just worried. Sige, sleeptight.”

“Goodnight.” Then naghikab ako.

“Rose…” There was uncertainty in his voice pero binaliwala ko lang yun kahit na ang lakas na ng tibok ng puso ko.

“Hmmm..?” Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang bilis ng heartbeat ko but the same time parang may bumabara sa lalamunan ko. And I am fighting the urge to cry. Bakit ako iiyak? Hindi naman ganun kasakit ang ginawa. It’s not as if pinagpalit niya ako sa ibang babae o kaya pinutol niya ang engagement namin. He just told me to mind my own business. Ano ang masama dun? Bakit pakiramdam ko, something is clogging my chest.

“I love you.” Mahinang mahina ang pagkakasabi niya. Gusto kong ibato ang cellphone ko sa pader. Gusto ko siyang kontrahin pero di ko nagawa ang lahat ng yun because I am just a girlfriend. Kaya ang nagawa ko ay ang umismid na lang.

“Okay. Goodnight.” At binaba ko na ang phone , I put it in a silent mode at inilagay sa loob ng drawer ng side table para hindi makunsensiya kung tatawag o magtetext siya. Matagal tagal pa ako bago nakatulog pagkatapos nun at kating kati ako na kunin ang cellphone ko pero di ko nagawa hanggang sa nakatulog ako.

Kinaumagahan, nangangalumata pa akong dumating sa clinic ko at nakita ko na siyang nakaupo sa patient’s waiting area. Mas nauna pa ata siyang dumating sa mga pasyente ko pero sinabi niyang maghihintay siya hanggang sa matapos ako. And naghintay nga siya kaya pinapasok ko na siya pagkatapos ng pangalawang patient ko.

“Ang aga mo.” Sabi ko habang binabasa ang record ng huling patient.

“It’s because you are not answering your phone.” Nagkunyari naman akong hindi alam at kinuha ang phone ko na kanina nilagay ko sa bag ko.

“Drained.” Pinakita ko sa kanya ang lowbat kong cellphone.

“I see. Mukhang wala kang tulog.” Tiningnan niya ako at agad akong naasiwa.

“Napuyat ako.” Iniwas ko naman ang mga mata ko.

We tried to strike a conversation hanggang sa may dumating na patient but it was awkward. Hindi ko alam kung nararamdam niya ang awkwardness kasi wala naman siyang sinasabi. Nung pumasok na ang patient lumabas na siya at nagsabing babalik na lang siya during lunchtime. Tumango lang ako at hinarap na ang pasyente.

“Doc, mukhang malungkot si Papa Jayson.” Sabi ni Fe nung makalabas na ang pasyente. Napatingin ako sa kanya.

“Bakit mo naman nasabi?”

“Kasi di man lang ako biniro kaninang dumating tsaka nung umalis. May LQ kayo Doc?”

“Wala naman.”Maikling sabi ko.

“Hindi ako sanay na sobrang seryoso siya Doc. Nakakapanibago.” Sabi pa nito at ngumiti lang ako.  

“You expect him to smile and joke around you?”

“Eehh. Wag kang magselos Doc pero nasanay na akong friendly si Papa Jayson.”

“Baka flirt.” Tapos bumalik na ako sa record na binabasa ko.

“Si Doc naman sinisiraan ang sariling boyfriend. Pero siguro nga po, kung ibang babae,  yun ang iisipin pero kasi  alam ko naman na ikaw ang mahal niya kaya alam kong friendly lang talaga siya. Hi Papa Jayson.” Nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Fe. At nakita ko siyang papasok ng clinic habang nakatingin sa akin. I gave him a faint smile.  

“Wala nang pasyente?”

“Wala na.” Then niyaya na niya akong maglunch. Our lunch go smoothly. So smooth na ang dalang naming mag usap. He tried to initiate a conversation and I give him  monosyllabic answers. Siguro napansin na din niya kasi panay ang tingin niya sa akin na para bang inaarok niya kung ano ang nangyayari sa akin.

Pero hindi siya nagsalita. Natapos ang lunch naming at hinatid niya ulit ako sa clinic na ganun ang sitwasyon namin. Ilang beses ko ding pinangaralan ang sarili ko na sana ayusin ko ang pakikitungo ko sa kanya pero hindi ko magawa. Bumabalik at bumabalik ang sama  ng loob ko sa kanya at ang sinabi niya sa akin.

Days past na ganun pa din ang pakiramdam ko. Masama pa din ang loob ko pero hindi na ganun kalala katulad nung unang araw. Nakakatawa na ako sa mga joke niya. Nasasakyan ko na din ang sweetness niya. Pero naramdaman ko ang pagbabago sa sarili ko. Kung nung first two weeks masyado akong nageexpect sa kanya, itong huli pinipilit ko ang sarili ko na hindi magexpect na darating siya sa clinic, wag mag assume na sasamahan niya ako sa lunch. Na wag nang hintayin ang texts at calls niya.

Kaya siguro nagulat ako nung dumating siya isang hapon sa clinic at may dalang bulaklak at chocolates. Tumaas pa ang kilay ko nung makita ko siya.

Nakangiti siyang lumapit sa akin and handed me the flowers and the chocolates. I accepted it gladly kasi natuwa naman ako sa dala niya.

“Happy monthsarry.” Sabi pa niya sabay halik sa pisngi ko. Napa-oow ako kai hindi ko naalala. I didn’t expect him to remember too. A part of me was glad na naalala nya but I dismissed it immediately.  Bago pa lang kasi kaya ganyan pa siya. Later on, makakalimutan na din niya pati anniversary namin at birthday ko.

We ended up having a romantic dinner which ended well based on my expectations which is not much when t comes to Jayson.

“Nagkausap na kami ni Mommy.” Napatingin ako sa kanya mula sa kinakain ko.

“Ganun ba? Mabuti naman.” And didn’t comment further. Nakatingin lang siya sa akin.

“Kinakamusta ka niya at tinatanong niya kung kelan daw ang balak nating magpakasal.”sinalubong ko ang tingin niya at halos malunod ako sa intensity ng titig niya. As if he is tryng to fathom something that he cannot understand.   

“Okay lang naman ako. Dapat sinabi mo yun sa kanya. Nagkikita naman tayo araw araw.”

“I told her that you are okay. But you didn’t answer her second question.” Siguro kung sa normal na sitwasyon kinikilig na ako. And totoo nga niyan, bumibilis ang tibok ng puso ko pero sadyang tinitikis ko ito. Alam ko din na nagpapahiwatig siya but I didn’t dare interpret it. Ayaw kong mag assume, masakit madisappoint.

“Isang buwan pa lang tayo. Didn’t you think it’s too early?” Hindi siya nagsalita. Tiningnan lang niya ako. His gaze are piercing me at gusto ko nang mag iwas ng tingin pero hindi ko ginawa.

“What?” Tanong ko nung ilang minuto na siyang nakatitig sa akin. Kung may laser ang mga mata niya, kanina pa siguro ako natunaw. Hindi niya sinagot ang tanong ko instead, kumunot lang ang noo niya.

“Let’s eat and go home.” Maya maya siya niya. Pero hindi na siya nagsalita pagkatapos noon hanggang sa lumabas kami ng resto. Tahimik kaming naglakad sa parking papunta sa kotse niya. At unlike kanina na nakaakbay siya sa akin nung papunta kami, ngayon ni hawak sa kamay ko ni hindi niya ginawa. As if I am expecting him to do so. At habang tumatagal, nagiging prominent ang pagkakunot ng noo niya.

Hindi ko yun pinansin. Pinalampas ko kahit na sobrang obvious na masama na ang mood niya. Katulad ng ginagawa ko these past few days. Why do I care? Ano ba ang pakialam ko sa moods niya? Baka pag nakialam ako, iisipin pa niya na sobrang pakialamera ako.

Hanggang sa nakarating kami sa apartment ko wala kaming imikan.

“Salamat sa flowers, sa chocolates at sa din..” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil lumabas na siya ng kotse. At kahit na nagtataka, sumunod ako sa kanya hanggang sa may pintuan ng apartment. He waited for me to open my apartment.  

At nung nabuksan ko na ang pinto, agad siyang pumasok at hinila ako. He closed the door at isinandal ako. Then he kissed me.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya napaawang ang labi ko which he took advantage. He give me a deep searing kiss. It was not gentle. It was full of desire and I found my eyes closed. Yet hindi ako gumagalaw, I was not responding and it took all my willpower not to respond.

I even keep my hands beside me kahit na kating kati na ang mga ito na kumanyapit sa kanya.

Pero hindi sapat ang lahat ng self control ko para sa isang Jaysonsa. It can only take so much. At unti unting nabubuwag ang will power ko, unti unti itong nanghihina. Until I let it go.

Kahit na anong sabi ko sa sarili ko na ayaw kong maging katulad ng iba niyang girlfriends kung nahaharap na pala sa sitwasyon, nawawala ang lahat ng conviction. Nalulunod katulad ng pagkalunod ko sa mga halik niya.

 And when I was about to kiss him back, he stopped kissing me at lumayo sa akin ng kunti. Nahilo hilo pa ako sa  ginawa niya, and I wonder what happened kung bakit bigla siyang tumigil.

Nung buksan ko ang mga mata ko, nasalubong ko ang tingin niya sa akin. And his look is not of desire but of confusion. He searched my face and again settled his gaze on my eyes.

   

“Rose tell me, are we okay?”

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
18.7M 126K 101
She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever change? They were both at a bar that same nig...
5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...