Chapter 16

237K 4.3K 309
                                    

16

“Doc, flowers and chocolates for you.” Napatingin ako sa secretary ko na may iniabot na bulaklak at chocolates na naman. Ang laki pa ng ngisi niya.

“Sige, ilapag mo lang dyan ang chocolates.” Sabi ko sabay tingin sa chart na tinitingnan ko. Simula nung araw na umuwi kami galing sa beach nina Marianne a week ago, wala ng palya ang pagbigay sa akin ng bulaklak at chocolates ni Jayson. Kilig na kilig naman ang secretary ko dahil sa kanya ko binibigay ang bulaklak dahil hindi naman ako mahilig dun. Chocolates lang ang kinukuha ko.

“Eeehhh Doc…” napaangat uli ang tingin ko sa secretary ko.

“Pwede po bang palit naman tayo? Sa akin na ang chocolates, sayo na ang bulaklak?” Hirit pa niya.

“Tumigil ka!” Singhal ko sa kanya.

“Baka kako makalusot Doc.” Tapos lumabas na siya sa room ko at pumunta na sa reception dala dala ang bulaklak. Napatingin naman ako sa chocolates na nilapag niya sa table ko at napangiti ako. Tinototoo nga ata ng sira ulong Jayson na yun ang sinabi niyang liligawan niya ako. Aba, kung gugustuhin pala niya, nagiging masugid din siya.

Tumigil na ako sa pagbasa ng patient chart at kinuha na ang chocolate at binuksan ito tapos kinagat. Hindi na din maalis alis sa mga labi ko ang ngiti habang kumakain ng binigay niya.

Nasa ganung estado ako nung may kumatok sa pinto ng office ko. Hinayaan ko na lang kasi baka ang secretary ko na naman yun at manghihingi ng chocolate. Pero nagulat ako nung pumasok si Emerson. May dala dalang isang malaking bouquet ng flowers, may balloon, may bear at kung ano ano pa.

Napakaamo ng mukha niya at kulang na lang lumuhod siya at magmumukha na siyang si San Pedro Calungsod. Hindi napigilan ang pagtaas ng kilay ko pagkakita ko sa kanya pero agad kong kinontrol ang inis na naramdaman ko. Imagine, 2 weeks ago pa kami nag away tapos ngayon lang siya pupunta para suyuin ako?

Oo, nag expect talaga ako na suyuin niya ako. Hindi yun maiiwasan kasi babae ako at  karapatan ng mga babae ang suyuin at magpakipot. Pero itong si Emerson, pinatagal pa ng dalawang linggo!

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa table ko dala dala ang props niya.

“Hannah, I’m sorry. Alam kong mali ang ginawa ko. I realized that I’ve overreacted over a simple thing.” Talaga! Pero hindi pa din ako nagpakita ng expression. Inilapag niya ang mga dala niya sa table ko. Tumingin ako sa chocolate na katulad ng chocolate na kabibigay lang ni Jayson.

“I’m sorry.” Sabi pa niya. Huminga ako ng malalim.

“Umupo ka.” Naupo naman siya sa kaharap ko na upuan. Tiningnan ko lang siya. Tiningnan ko ang nagsusumamo niyang mukha. Gusto ko ng maawa at gusto ko na na magbati kami. Gusto kong i-consider ang pinagsamahan namin. Kung tutuusin nagging mabuting boyfriend at fiancé naman sa akin si Emerson. Pero yun nga, hindi ko inakalang magiging ganun kahina ang disposition niya sa buhay.

Aaminin ko na madalas sa relasyon namin, sinusunod niya ang gusto ko. Na kadalasan I get the upper hand on our relationship, nasanay na ata ako na ako ang nagdedesisyon. Yun ay dahil sa akala kong okay lang yun sa kanya. That he won’t take it against me. Hindi ko inakala na ayaw niya pala sa ganun and worst kinikimkim niya ang pakiramdam na yun. Okay lang naman kontrahin niya ang mga desisyon ko at ipagpilitan ang gusto niya. We could always compromise. Ganun naman sa isang relasyon.

“Hannah, honey…” Sabi niya sa nagsusumamong boses. He would make a good husband. A good and obedient husband. But I don’t want an obedient husband. Gusto ko ng asawa na may paninindigan. Who can stand up to me at hindi yung pati ako pinaplastic niya. What more kung mag asawa na kami? Ano pa kayang ugali niya ang ipapakita niya sa akin?

“Emerson, we need to talk about what happened and what do we need to do about it.” Mahinahong sabi ko na para bang nakikipag usap ako sa isa kong pasyente.

“Anything you want Honey.” Sabi pa niya at nagdududa na ako sa tuwing sasabihin niya ang salitang yan. Hindi kaya masama ang loob niya habang sinasabi niya yan? Hindi kaya sinasabi niya yan para lang pagbigyan ako? 

The situation is freaking me out to think na engage na ako sa kanya. Bigla bigla natatakot ako sa future ko with him.

“Emer…” Napatigil ako sa pagsasalita nung biglang may kumatok sa pinto at sumilip ang secretary ko.

“Doc, may bisita po kayo.” At hindi pa nga nabubuksan ng maayos ng secretary ko ang pinto ay nakita ko na ang pagsilip ni Jayson.

“Hi!” Nakangiti at preskong sabi nito sabay bukas ng pinto at walang ano ano na pumasok sa office ko. Kumunot ang noo ko kasi 10AM pa laang at usually tanghali siya pumupunta dito para yayain akong maglunch.

“Hi.” Sabi ko din.

“Did you receive the flowers and the chocolates?” Napatingin siya sa bulaklak at sa ibang paraphernalia na nasa table ko at biglang kumunot ang noo niya. Siyempre, dahil alam niya na hindi galing sa kanya ang mga bulaklak sa mesa ko. The his darted upon Emerson na nakatingin din kay Jayson na may pagtataka sa mukha.

“Jayson!” Bigla sabi ni Emerson which caused me to look at him. Kilala niya siya Jayson? Napatingin din ako sa kay Jayson and I saw his smile fade at mukhang gulat na gulat siya ng makita si Emerson. If I am not mistaken, mukhang namutla pa ata siya.

“Emerson, pare!” He said half heartedly. Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero nung hindi ko na napigilan ang sarili ko…

“Magkakilala kayong dalawa?” But at the same time, nagsalita din si Emerson.

“What are you doing here? At bakit mo  binibigyan ng bulaklak at chocolates ang fiancee ko?” Lalo atang namutla si Jayson sa paningin ko dahil sa sinabi ni Emerson.

“Ahhh… let me explain…” Pero hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinalubong na siya ng suntok ni Emerson. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon