Chapter 14.

267K 4.6K 310
                                    

14.

“Pwede bang tumigil ka kakangisi dyan? Para kang adik.” Naiiritang sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi. Kanina pa yan. Simula nung sinundo niya ako sa condo ko, wala na siyang ginawa kundi ang ngumisi. Nakakabwisit.

“Bawal ba ang maging masaya? Anong magagawa ko kung sobrang tuwa ko kasi ang bilis ng promotion ko?” Tumingin pa siya at kumindat sa akin. Nanayo ang lahat ng balahibo ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang malisyoso ang kindat na inigay niya sa akin.

“Anong promotion ang pinagsasabi mo? Baka nananaginip ka pa? Alam mo naman na ginagamit lang kita. At ikaw lang ata ang taong nakilala ko na ginagamit na nga, tuwang tuwa pa.”  Pagkatapos ng gabing pinakilala ko siyang fiance, sinakyan naman niya ang ginawa ko. Sa tingin ko nga, kahit ako ang nanggamit, mukhang mas dehado pa ako kasi may paakbay akbay pa siyang nalalaman, may paamoy amoy ng buhok at may yakap pa. Sa tingin ko minolestiya ako ni Jayson nung gabing yun. Pero hindi ako makareklamo kasi ako ang may pakana ng lahat at nasa harap kami ng pinsan at tiyahin ko. AT hindi din ako nakareklamo nung tinanggap ni Jayson ang invitation ni Marianne na mag overnight sa beach nila kasi may party daw.

Kaya ito kami ngayon, nagbabyahe papuntang Zambales para pumunta sa beach nila Marianne.

“Alam mo Roselyn, okay lang sa akin na gamitin mo ako sa kahit na anong sitwasyon. Kahit saan pa yan. Kahit sa kama pa. My body is at your disposal.” And he grinned. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

“At talagang idi-dispose ko yang body mo kapag di ka pa tumigil.” Asar na sabi ko. Kulang na lang din paypayan ko ang sarili ko dahil sa naeeskandalo ako sa pinagsasabi niya.

At mukhang natakot naman siya sa sinabi ko kasi tumahimik na nga siya. Yun nga lang hindi pa din maalis ang pagtingin tingin niya sa akin tapos ang pagngisi pagkatapos. Hindi ko na lang pinatulan kasi alam kong hahaba na naman ang usapan namin at mapipikon na naman ako. Kaya ang ginawa ko, nag isip na lang ako ng paraan kung paano ko malulusutan ang kaguluhang kinasasangkutan ko ngayon.

Pero mali ang prioritization ko ng problema. Kasi dapat pala ang pinoproblema ko dapat ay ang magiging sitwasyon naming dalawa sa beach resort nila Marianne. Katulad na lang ngayon, nakatingin ako sa nag iisang queen sized bed sa gitna ng kwarto na inassign sa amin ni Marianne. Hindi ko naman magawang magreklamo.

“Alam mo, bakit ba inis ka kay Marianne? Ang bait naman pala ng pinsan mo. Tingnan mo ang kwartong binigay sa atin? Ang ganda. Ang ganda pa ng view. Kitang kita ang dagat. May terrace pa.” Tuwang tuwa na sabi niya habang binubuksan ang glass door sa may terrace. Ni hindi niya naisip ang tutulugan namin mamaya.

“Nagpapapimpress lang yun sa’yo.” Which is totoo naman. Halatang halata nung makita ni Marianne si Jayson. She was smitten by him. Panay ang pa cute nito kay Jayson nung gabing yun at kahit kanina nung dumating kami, panay pa din ang pa cute nito sa kay Jayson. Siguro kung hindi ko pinakilala si Jayson as may fiance, baka sa kwarto nito pina stay si Jayson.

“Talaga? Ibig sabihin type niya ako?” Bigla siyang napatingin sa akin. Bigla akong nairita. Sabunutan ko kaya ang kulot niyang buhok?


“Oh ano ngayon? Papatulan mo? Baka mapahiya ka lang pag magkaharap na kayo at hindi mo kayang itayo yang bandila mo.” Umismid pa ako.

Run, While You Still CanWhere stories live. Discover now