Chapter 18

250K 4.4K 229
                                    

18

“Doc naubusan ka na ng chocolates?” Tanong sa akin ng secretary ko. Napatingin ako sa kanya habang inaayos niya ang laman ng ref ko sa loob ng clinic.

“Naglilihi ka ba?” I scrutinized her pero wala naman akong nakitang signs and symptoms na buntis nga siya.

“Hindi Doc. Nakakamiss lang kasi ang mga flowers at chocolates. Dati araw araw, ngayon wala na. Nakakalungkot. At saka Doc, sayang yung dalawa. Ang popogi at ang mamacho.” I just rolled my eyes at her.

“Eh di magpaligaw ka sa kanila kung maatim mong makiharap sa isang uto uto at sa isang manloloko.” And yes, I am referring to Jaysonsa and Emerson. Isang linggo na din nahindi nagpaparamdam ang dalawa. Nung unang linggo, they tried to talk to me pero inireport ko sila sa guard ng building para hindi na sila makakapunta sa clinic ko. Kaya sa lobby pa lang hinaharang na silang dalawa. Pinagbawal ko din ang pagtanggap ng kahit na anong bagay mula sa kanila.

Tuluyan ko na ding pinacancel ang kasal namin ni Emerson at pinabalik ang singsing niya. Wala na ding akong balita kay Jayson. Kaya naging tahimik na ang buhay ko.

Or so I thought. Dahil isang buwan pagkatapos ng lahat ng nangyari, I saw Jayson leaning on the hood of my car.

Agad na nangunot ang noo ko. Anong ginagawang manlolokong ito dito? Sumimangot na din ako.

“Anong ginagawa mo dito? Di ba sinabi kong ayaw na kitang makita?” Agad na bulyaw ko sa kanya pagkalapit ko.

“Tinawagan ako ni Marianne.” Tumaas ang isang kilay ko.

“So?” Binaliwala ko ang sinabi niya at pinindot na ang lock ng kotse ko.

“At dahil ako ang fiance mo she invited us to…”

“Correction!   You were never my fiance in words, thoughts and actions.” Nakita kong tumaas din ang isang kilay niya at tumaas ang isang bahagi ng labi niya indicating that he is fighting the urge to smile.

What a lethal smile. Kaya madami ang nahuhumaling dito kay Jayson, walang pakundangan kung maglandi. At kahit sa ayos niya ngayon na naka tight fitting jeans at simpleng white shirt mapagkakamalan mo pa siyang model ng kotse na kinasasandalan niya ngayon.   Lalo na at nililipad pa ng hangin ang medyo mahaba niyang kulot na buhok. I’ve never seen a guy with a lock like his? At tingin pa lang alam mo na agad na silky smooth ang buhok niya. Kaya siguro grabe ang pang iistalk ko sa kanya nung highschool. Pero ika nga nila habang tumatanda ang isang babae, nag iiba na ang gusto niyang lalaki. At sa edad ko ngayon, hindi ko na hanap ang mga pacute at mga playboy. Mas gusto ko na ang lalaki na makakapagbigay sa akin ng security sa isang relasyon. Ang isang lalaking makakasama ko habang buhay and definitely, Jayson is not that type of guy.

“Woah! Easy sa pagtitig. Matunaw ako. Madami ang iiyak. Manghihinayang ang mundo.” Natatawang sabi niya. Siyempre napahiya ako kasi nahuli niya akong nakatingin sa kanya pero imbes na umamin, sinamaan ko siya ng tingin.  

“Walang manghihinayang kung matunaw ka man  kasi wala kang bilang sa humanrace. Wala ka namang capacity na magmultipy.” Maanghang na sabi ko sa kanya.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon