Chapter 45

179K 4.6K 401
                                    

45

“Ako ang babae, ako dapat ang masunod.” Inis na sabi ko.

“Kasal ko din yun, bakit hindi ako pwedeng mag suggest.”Nakakunot na noong sabi niya. Napatingin siya sa akin at tumingin ako sa kanya. Nagtagisan kami ng tingin. Ang maunang bumaba talo.

I shifted my weight at humarap sa kanya without breaking eye contact. Lumundo ang kama na hinihigaan namin. Nasa kwarto niya kami at nagpaplano ng kasal namin. In front of us are wedding magazines.

I bite my lower lip and moisten it with my tounge. Napanganga siya and he blinked plenty of times.

“Talo ka.” I declared.

“Rose naman…can set aside it for a moment and..” Sabi niya sabay himas at pisil ng balakang ko. Nakadapa kasi kaming dalawa sa kama.

“No. Hangga’t hindi ka pumapayag na yun ang isusuot mo sa kasal natin, hindi ka makaka score.” Madiing sabi ko.

“Rose naman, maaatim mo bang makita ng mga guest ang katawan ko at pagnasaan ako? Kaya utang na loob,  kahit saang simbahan pakakasalan kita, wag mo lang akong pagsuutin ng bahag sa araw ng kasal natin.” Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

“Pero…pero… malaki ang utang na loob ko sa tribe na yun. Nung medical mission namin dati, bago pa naging tayo at na dengue ako , sila ang tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa kanila wala ka nang papakasalan ngayon. I just want to show them how grateful I am.” Sabi ko pa.  

“Marami pa namang paraan para mapakita mo sa kanina ang pasasalamat mo. At saka maatim mo bang may ibang magnasa ng katawan ko? Wag na ako please.. yung mga groomsmen na lang.” At kumindat siya sa akin.

“Pero papaya naman kaya ang mga groomsmen mo?”

“Hindi naman sila makakatanggi kung di nila alam di ba?” And he winked again at me sabay pisil ulit sa may pwetan ko. Pumayag na lang ako. May point naman kasi siya. At isa pa, iba na ang ipinupunto ng mga hawak niya. Umayos ako ng higa at iniligpit ang mga kalat sa kama. Inayos ko na din ang isang kopya ang invitation na sobra. Naipamigay na namin ang invitation 2 weeks ago at next week na ang kasal namin. Tapos napatingin ako sa listahan ng mga groomsmen.

Groomsmen

Tamako Michael Sia

Tamadao James Sia

Juan Carlos Cariño

Napatingin ako kay jayson at ang laki ng ngisi niya habang nakatingin din sa invitation.

Kaya naman sa araw ng kasal namin. Masayang masaya ang lahat. Napakafestive ng aura dahil native ang theme ng aming kasal. Lahat nakangiti maliban sa tatlo naming groomsmen na hindi alam kung paano itatago ang sarili dahil sa mga damit nila.

Pero kalaunan, nasanay din sila. At naging proud pa nga na nakabahag pa sila at ginawa pa nilang runway ang aisle papuntang makeshift altar na nasa tabing dagat. Nagpose pa sila sa gitna and that earned them an applause from the guests.

Maayos na sana ang lahat kung hindi lang umulan ng  malakas pagkatapos na pagkatapos ng picture taking pagkatapos ng kasal. Nagtakbuhan ang mga bisita papasok sa malapit na pavilion ng resort kung saan gaganapin ang reception.

Tumakbo na din kami  ni Jayson habang tinatakpan niya ng kamay ang ulo ko para hindi ako mabasa ng ulan. Mabuti na lang at malapit lang talaga ang pavilion.

“Mga sira talaga.” Jayson murmured kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. There I saw his three groomsmen walking luxuriously towards the pavilion in the middle of the rain. Basing basa na silang tatlo pero mukhang wala silang pakialam.

“Whew! What a wedding!” Sabi ni Tamadao pagkatapat na pagkatapat niya sa akin.

“Oo nga. And it was fun. Congratulations to you both.” Baling sa amin ni Tamako. Napangiti kami sa kanila

“Enjoy di ba? Pero makakapayag ba tayo na tayo lang ang magenjoy ng sobra?” Sabi ni JC at bigla na lang hinatak ang groom ko. I shrieked.

“Siyempre hindi. Kung nakabahag ang groomsmen dapat nakabahag din ang groom.” At pinagtulungan nilang tatlo si Jayson papunta sa ulanan at sa dagat. Walang nagawa ang kaawa awa kong asawa.

But when they are about to remove his slacks, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“No..NO..NO! Not my husband!” Tili ko habang hinahabol silang apat at ako naman hinahabol ng videographer who wouldn’t miss a chance capturing that fun moment. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon