Chapter 10

297K 5.1K 545
                                    

10

“Kapag dumating yung pasyente kong si Jaysonsa Aldueger, sabihin mong nasa abroad ako ng isang linggo ha! Sabihin mong may seminar ako.” Yun ang kabilin bilinan ko sa secretary ko kanina pagkadating ko.  Hay naku, kung pwede nga lang itakwil ang mga pasyente. Pero hindi eh. Dahil sa Hypocratic Oath na yan, hindi ko pwedeng tanggihan si jayson. Pero swear, I don’t want to see him.

And true enough after an hour dumating nga siya. Mabuti na lang at nasa CR ako nun kaya hindi niya ako nasilip sa clinic kasi talaga namang ayaw pa niyang maniwala sa secretary ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nung lumabas na siya ng clinic.

Naging matiwasay na ang clinic ko sa umagang yun kasi alam kong di na babalik pa si Jayson. I am confident na hindi ko siya makikita sa loob ng isang linggo.

Kaya naman, nakangiti pa ako habang naglalakad sa hallway palabas ng building para pumunta na sa kabilang clinic ko.

Binabati ko pa ang lahat ng bumabati sa akin. Ang laki ng ngisi ko.

Pero nawala ang ngising yun nung may makita akong naglalakad papunta sa akin. Si Jayson! Napatigil ako sa paglalakad. Nawala ang ngiti ko at nagpanic ang sistema ko. Dali dali akong tumalikod at nagmamadaling naglakad pabalik pero hindi ako pumunta sa clinic ko. Pumunta ako sa CR ng girls. Siguro naman hindi naman siya papasok dito di ba?

Nagkukunyari akong nagreretouch pero abot abot ang kaba ko. Tae! Ganito pala ang feeling ng hinahabol. I mean hindi naman niya ako hinahabol, pero ito pala ng feeling ng may pinatataguan.  Ganito din ba ang feeling niya dati? My God! It is so creepy. Nagstay pa ako sa CR for another 10 minutes.

Siguro hindi naman niya ako nakita ano? Kasi hindi naman siya nakatingin sa akin kanina di ba? Baka nga hindi niya ako napansin kasi mukhang galing siya sa clinic ni Dr. Sia. Baka  masyado lang akong paranoid kaya nagreact ako ng ganun.

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng CR.

My God! Paano kung nakita niya ako? Tapos sinabi naming nasa abroad ako? Malalaman niyang pinagtataguan ko siya. Napakaunprofessional ng gawain na yun as a doctor.

“Whew! That was close.” Mahinang bulong ko sa sarili nung makalabas na ako ng CR at nakita kong wala namang jaysonsa sa paligid.

“Yeah! Really close!” Literal na napatalon ako.

“What the fuck!” Bigla ko na lang naibulalas. Napatingin ang ibang tao sa akin. Nag init ang pisngi ko. Then I looked at Jaysonsa beside me. He is smirking at me. Saan siya nanggaling? Bakit nakita niya ako? He is really creepy.

“Nasa abroad pala ha!” Nakangisi pang sabi niya.

“Kakarating ko lang!” Defensive na sabi ko.

“Isang linggo?”

“Uwian ako!” Damn! Ano ba ang pinagsasabi ko? At bakit ba ako nagpapanic ngayong nahuli niya ako?

“Ano yun? Nagboboard ka sa abroad? Estudyante lang Doc?” It was very obvious that he is insulting me. Pinandilatan ko siya ng mata.

“Pakialam mo ba sa mga trip ko sa buhay? Don’t tell me na ikaw na naman ngayon ang mang iistalk sa akin!” Napatakip ako ng bibig when I saw him smirked as if I have just given him a splendid idea.

“Hmmm…what a good suggestion.” Hinimas himas pa niya ang chin niya habang sinasabi niya yun.

“Hindi yun suggestion. Pwede ba Jayson, just…jusr get out of my life. Maghanap ka na lang ng ibang doctor. I don’t want to do monkey business with you.” Nagsimula na akong maglakad at at sumunod naman siya.

“Doc naman. Hindi ka man lang ba naaawa sa akin? Sa isang pasyente na katulad ko? Akala ko ba bawala sa inyo ang tumanggi sa pasyente? Hindi ka ba nakukunsensiya?” May paawa effect pa na sabi niya but I know better. Alam kong inaartehan lang niya ako.

“Alam mo Jayson. Kung ang pagpapagaling lang sayo ang sadya mo sa akin, walang problema. Tutulungan kita hanggat sa makakaya ko. Pero hindi eh. Ikaw na mismo ang may sabi. Iba ang sadya mo sa akin and I don’t want it. I don’t want anything to do with you. At may fiance na ako.” I said fuming.

“I know. Kailangan paulit ulit? Naka unli ka Doc?” Tiningnan ko siya ng masama. Nakangisi pa din siya.

“Pero paano yun Doc kung ikaw lang ang solusyon sa problema ko? Paano kung ikaw lang ang magiging rason ng muling pagtayo ng bandila ng Pilipinas?” Ahhh..gusto ko na siyang sabunutan.

“It’s all in your mind. And it’s impossible. Just think about the times that I run after you. Isipin mo ang mga bagay na ayaw mo sa akin dati kaya mo ako tinatakbuhan and for sure hindi tatauo yang bandila mo.”

“On the contrary. I find it cute. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi kita pinansin dati.” Nagulat ako sa sinabi niya. Seriously?

Pero agad ko ding inalis ang curiosity na unti unting umuusbong sa pag iisip ko. I don’t want my mind to wonder especially when it involves Jaysonsa.

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Pero napatigil ulit ako sa sinabi niya.

“Tell me Roselyn, why are you so bent up on avoiding me? Could it be that you’re afraid to fall for me? Or maybe you haven’t gotten over me yet. Alam mo na may kasabihan, First love never dies.” Punong puno ang humor ang boses niya.

“You are not my first love! For God’s sake!” This time matalim na ang tingin niya sa akin.

Tumaas lang ang kilay niya. At sa sobrang inis ko. Nagwalkout ako.

Pero tumayo talaga ang mga balahibo ko nung marinig ko ang huling sinabi niya.

“You can run, you can hide, but you can’t escape my love Roselyn.” Ugh! What the hell! Why am I even affected? 

Run, While You Still CanWhere stories live. Discover now