[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #4

761 14 0
By lettersfromdee

Revenge #4: Play Time.

"And the best actress award goes to..tentenenen.." Tumawa si Faye habang nakatayo sa kama niya at may hawak na suklay bilang microphone. "None other than Snow Agatha Vasquez. Wuhooo!"

Pumalakpak naman si Rain bilang suporta at ako na kunwaring nanalo ay umakyat sa kama niya at tinanggap ang kunwaring award. Kumaway pa ako na parang beauty queen at nagbow.

Inabot sa akin ni Faye ang hawak niyang suklay at walang pag-aalinlangang tinanggap ko naman iyon.

"Speech! Speech!" Pagchant ni Rain na ikina-iling ko naman. But still, I decided to make a speech.

Huminga ako ng malalim. Rain and Faye chuckled while Denisse remained silent.

"First of all, I would like to thank all those people who supported me all throughout this journey. I love you all!" I send kisses to them and both girls caught it. Except Den, of course.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ni Faye. Nagpunta ako dito dahil wala namang pasok at linggo ngayon. Ikwinento ko na rin sa kanila ang nangyari sa paglabas namin ni Miguel dahil kahapon pa nila ako kinukulit.

Napatigil sa pagtawa si Faye at tinignan ako ng seryoso. "But then Snow you should do better." Bumaba si Faye sa kama niya at nakapamaywang akong tinitigan.

Napataas ang kilay ko sa tinuran niya. "Hindi pa ba better yun Faye? Kung nakita mo lang yung itsura niya. He looks so sad and guilty. Oh and and pale too." I added.

Nakita ko kung paano sumimangot si Den at umiling. I know she's against this plan but she can't do anything about it. Unang-una, hindi naman siya ang boss rito at si Rain ang dapat magdesisyon ng lahat dahil siya naman ang niloko.

"But the damage is not permanent. Sooner or later he'll forget about it. Kung maghihiganti ka dapat yung pangmatagalan." She smiled evilly na ikina-iling na naman ni Den.

Pero kasalungat ang naging reaksiyon ni Rain na ngayo'y nakaupo sa mini sofa at may hawak na cellphone. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay for a thumbs up.

Actually iyon talaga ang plano ko. Yung maghiganti para kay Rain. Yung higanting masakit, yung babaon. Yung magiging dahilan kung bakit hindi na ulit siya makikipagpustahan sa mga kaibigan niya kung ilang araw niya ba mapapasagot ang kung sinong babae. Yung magiging dahilan nang pagtakwil niya sa pinaniniwalaan niyang pag-ibig. That's my goal right now and I will do whatever it takes to achieve it.

This fight is for Rain and I don't wanna lose this battle.

**

Sa mga sumunod na araw hindi na nagpakita sa akin si Migs. I don't know why. Maybe he's still affected of what I've told him before. Kaya ngayon itong lintek na Hans Ford ang kasama ko. Na walang ibang ginawa kundi sundan ako at bwisitin.

"Will you stop following me?! Seriously Hans you're scaring the shits out of me! You are such a creep." Singhal ko sa kaniya.

Papunta ako ngayon sa ground floor para magpaphotocopy ng hand-outs sa Psychology at hindi ko alam kung bakit nakasunod siya.

"Magpapa-xerox din ako!" Sagot niya.

"Xerox? FYI hindi xerox ang tawag dun, photocopy. Xerox ang tawag dun sa machine."

Habang sinasabi ko yun ay ginagaya niya ang paraan ng pagsasalita ko.

"What the hell! Will you stop that?!" Napatigil ako sa paglalakad para sigawan siya.

"Stop what?" Inosenteng tanong niya.

"Stop following me. Stop mimicking me! Stop pissing me! Isa pa may kopya ka na nito ah!" Hinampas ko sa kaniya ang papel na hiniram ko lang kay Jewel. Wala akong pakialam kung nalukot man yun.

Hinawakan niya ang braso niya at kunwaring nasaktan. "Aray ha! Masama bang magpa-xerox ng isa pa?"

"Sabing photocopy eh!"

"Eh di photocopy, masama ba?"

"Oo, masama! At lalong sasama ang lahat kung susundan mo pa ako dahil kanina pa ko iritang-irita sayo!" Nanggigigil na saad ko. Parang ang sarap niyang tirisin. Tirisin na parang kuto. Gwapong kuto pero nakakabwiset.

"I'm trying to help here. Ayaw mo nun may kasama ka. You won't be alone. Hindi tulad ng iba diyan na kawawa't nag-iisa. Tignan mo yun." Itinuro niya sa akin ang babaeng naka-upo sa pinakahuling baitang ng hagdan na nadaanan namin. Nag-iisa siya at kumakain ng sandwich.

"She looks so sad and obviously lonely. Gusto mo bang maging ganyan? Ayaw mo di ba?" Tinignan niya ako at ngumiti. Ngiting nagpupumilit na sumang-ayon ako sa sinasabi niya.

"Oh ayun naman tignan mo!"

Nang mapadaan kami sa garden ng school ay itinuro niya naman ang babaeng naka-upo sa bench habang nakatitig sa kaharap niyang naglalampungan.

Her face shows both envy and jealousy. Panay din ang buntong-hininga nung babae. Nairita ako bigla. I really hate seeing sweet couples who can't get enough of each other. I know sooner or later they will be apart because nothing last forever. Might as well ruin it now.

Walang pag-aalinlangang nilapitan ko ang dalawang freshmen na kulang na lang ay kainin nila ang mukha ng isa't isa. By the looks of it, mukhang nursing student itong dalawa base sa suot nilang uniporme.

Tumayo ako sa mismong harap nila at nagsalita. "Gosh, public display of lust in broad daylight. I can't believe it!" Di makapaniwalang utas ko.

Napatigil ang dalawa at nakanga-ngang tinitigan ako. Napataas ako ng kilay at napahalukipkip. Ramdam ko ang titig ng mga nasa paligid but hell, I don't give a shit about it.

Nang makabawi ang dalawa ay tinarayan ako nung babae. "So? Anong pakialam mo? Inggit ka?"

"Me?" Itinuro ko ang sarili ko. "Hindi. Ako. Naiinggit." I said slowly but surely. "In fact, I find it disgusting. According to my Biology Professor, our mouth is the dirtiest part of our body kaya sana alam niyo kung gaano ka-nakakadiri ang ginagawa niyo. Isipin niyo na lang kung ilang milyong bacteria ang pinagpasapasahan niyong dalawa. Ew, naturingang nursing student di 'yon alam?" I looked at them with disgust and then I turned around. I even flip my black hair with red highlights to emphasized my point.

"Bakit ba nangingialam ka?!" Narinig kong sigaw nung babae pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Maya-maya ay naramdaman kong may humawak sa dulo ng buhok ko. Agad akong lumingon at sasampalin na sana ang may gawa non nang marinig ko ang boses ni Hans.

"Stop!" He said with so much authority. Hindi iyon pasigaw pero malakas ang boses niya.

Napatigil ang kanang kamay ko sa ere. "Why would I?" I asked him. Ikinuyom ko na lang ang palad ko. Ughno one touches my hair.

"Gusto mo bang pulutin sa guidance?" Tanong niya.

"Not that I want to but damn, I don't mind. Hell, if it's the punishment of slapping this bitch then it's a yes."

Napa-iling siya sa sagot ko. "Kung mapupunta ka sa guidance ngayon, magkakaroon ka ng bad record at ipapatawag ang mga magulang mo. You want that?"

I shake my head indicating a no. Yes, I maybe a bitch, I don't believe in love but I care for my parents. And I know that they will get disappointed if they found out that I've been sent to the guidance office because of slapping this ugly bitch' face.

"Good." Ngumisi siya at itinuro ang dalawa. "You both go to the guidance office because of PDA. You know it's against the school rules right?"

"What?! Wag namang ganyan pare. Ikaw din naman nakikipag-PDA bakit hindi ka napapatawag sa guidance?" Asar na tanong nung lalaki.

He smirked again and folded his arms. "Because I am Hans Ford and you are?"

"Nothing." Yumuko ito.

"Yes, you are nothing. Make sure that I'll see your name in the office when I go there. Kay?" Tinitigan niya ang bar pin na nakasabit sa kaliwang bagahi ng uniporme ng lalaki bago niya inilipat ang tingin sa babaeng kasama nito. "And drag that bitch too. Now!"

Walang nagawa ang dalawa. Nanlulumo silang naglakad patungo sa direksiyon ng Guidance Office. I smirked. Nilapitan ko si Hans. Sa ilang araw kong nakasama itong mokong na 'to, ngayon lang siya gumawa ng matino.

“It’s awesome. How did you do that? Are you the boss or something?” I asked.

Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti sa akin. “Maybe yes, maybe not.”

“Nge? Ano kaya ‘yun?” Tanong ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating kami sa parte ng school kung saan maraming computer shops ay agad kaming nagpa-photocopy.

Medyo natagalan kami kaya halos 15 minutes na kaming late ni Hans sa klase. Kinakabahan akong umakyat ng klase pero itong kasama ko ay parang wala lang. Kalmado siyang naglalakad at pasipol-sipol pa. Minsan kumakaway siya sa mga babaeng nadadaanan namin na bumabati sa kaniya at minsan naman ay nakikipaghigh-five siya sa mga lalaking kakilala niya.

"Hey Snow, stop fidgeting. Chill lang." He suddenly winked at me that sent shiver to my whole body. I mean, I don't like him but he looks like a pervert when he did that stunt.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong chill lang? Alam mo Hans, okay lang sa akin umabsent, wag lang malate.  Ayokong mapahiya." Kahit umabsent ako buong araw wala akong pakialam. Pwede namang humingi ako ng excuse letter sa guidance and tell them lame reasons I personally invented. Huwag lang talaga akong malate dahil eksperto sa pamamahiya itong susunod na prof namin.

"Pag-kasama mo ako, siguradong hindi ka mapapahiya. Ako pa. Trust me." He said proudly.

"Mukha mo pa lang di na kapani-paniwala. Trust me your face!" Singhal ko sa kaniya at mas binilisan ko pa ang lakad. Oh please, I hope we are not yet late.

Kinabahan ako ng makita kong maraming tao sa corridor pero ni-isa don ay hindi ko kaklase. Madalas kasing tumambay ang mga ka-blockmates ko sa labas tuwing wala pang prof pero ngayo'y walang 'sila' roon. Malalagot na talaga kami.

Pagkapasok namin ng room nagulat ako. Wala ng katao-tao roon maliban kay Jewel. Wala din 'yung mga bag nila.

"Told ya! Hindi ka malalagot." Bulong sa akin ni Hans.

"Teka asan sila?" Tanong ko kay Jewel.

Napatayo siya mula sa pagkaka-upo at kinuha ang hand-outs sa akin. "Absent si Sir Hilario kaya walang Math. Free cut." Saad nito na sinundan ng ngiti.

"Oh good. Makakapag-basketball ako." Sabat naman ni Hans.

"Pero di ba may English tsaka Management pa tayo, nasan sila?" Tanong ko ulit kay Jewel.

"Nasa AVR. Isasabay na lang daw ni Miss Gomez yung klase natin sa isa niya pang klase. Kailngan niya raw kasi umuwi ng maaga."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Niyaya ko silang dalawa na umakyat na sa AVR pero tumanggi siya. Pupuntahan pa raw niya ang mga kaibigan niya. So I ended up going with Hans upstairs.

Paglabas namin ng room ay nakasalubong namin si Miguel. He looks depressed but handsome at the same time. He is wearing a black v-neck plain shirt and maong pants. May nakasabit pang dog tag. His black hair is kinda messy and he look so sexy with that look. Kaya hindi nakakapagtakang halos mabali na ang leeg ng mga babae sa department namin kakatingin sa kaniya.

Lumiwanag ang mukha niya nang makita kami. O ako lang. Yata.

"Snow did you see Jana? Kanina ko pa siya hinahanap kaso hindi ko siya makita." Malungkot na saad nito at hinawakan ako sa braso.

"Idilat mo kasi ng maigi yang singkit mong mata nang makita mo." Pabulong na sabi ng katabi ko. Nasiko ko tuloy siya ng wala sa oras. Mabuti na lang at hindi iyon narinig ni Migs. Ang gago talaga.

"Hindi ko alam. Kakaakyat ko lang. Free cut kasi namin." I smiled. A fake one.

"Ganun ba? Sige salamat." Sabi niya at nilagpasan na kami.

Nilingon ko si Hans at ngumiti. "Magbasketball ka na."

"Ha?"

"Sabi ko magbasketball ka na. Di ba gusto mo?"

Tumango siya. "Oo pero pag-umalis ako wala kang kasama."

"So? Kailan ka pa naging concerned sa akin? Sanay naman akong mag-isa kaya walang problema kung mag-iisa ako ulit." I smirked at tumakbo na palayo sa kaniya.

"Snow!" Sigaw niya kaya napalingon ako.

"What?"

"Why?"

Napangisi na naman ako. Yung nakakaloko. "It's none of your business. Bye Hans. Enjoy playing!"

Kumaway pa ako patalikod bago mas binilisan ang takbo.

Laking tuwa ko ng makita ko ang pamilyar na likod niya.

"Migs!" Sigaw ko sa mataong corridor.

Napahinto siya at kunot-noong hinanap ang tumawag sa kaniya.

"Snow?" Sigaw niya pabalik ng magtama ang mga mata namin.

Umismid lang ako habang dahan-dahang lumapit sa kaniya.

Nang magkaharap na kami ay ngumisi ako. "Hi Migs."

"Hello Snow."

"Pwedeng pasabay?" Malambing kong tanong.

"Sure." Napangiti ako sa sagot niya.

It's time to play again Migs! smirked at my thoughts.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 20.2K 29
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
79.8K 3.8K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...