Lacking Brightness

De kweenlheng

207K 8.8K 2.7K

Does he really feel complete? Mai multe

one
two
three
four
five
six
seven
eight
nine
ten
eleven
twelve
thirteen
fourteen
fifteen
seventeen
eighteen
nineteen
twenty
twenty one
twenty two
twenty three
twenty four
twenty five
twenty six
twenty seven
twenty eight
twenty nine
thirty
thirty one
thirty two
thirty three
thirty three
thirty four
thirty five
thirty six
ANNOUNCEMENT
thirty eight
thirty nine
forty
forty-one
forty-two
forty-three
forty-four
forty-five
forty-six
forty-seven
forty-eight
forty-nine
fifty
fifty-one
fifty-two
fifty-three
fifty-four
fifty-five
fifty-six
fifty-seven
fifty-eight
fifty-nine
sixty
sixty-one
sixty-two
sixty-three
sixty-four
sixty-five
sixty-six
sixty-seven
sixty-eight
sixty-nine
seventy
seventy-one
seventy-two
seventy-three
seventy-four
seventy-five
seventy-six
seventy-seven
seventy-eight
seventy-nine
eight
eighty-one
eighty-two
eighty-three
eighty-four
eighty-five
eighty-six
eighty-seven
The End 🥀
Special Chapter

sixteen

4.8K 212 81
De kweenlheng



sixteen

















Ala una na nang madaling araw when Vice decided to send Karylle home. Pinababa muna nila ang tama ng dalaga bago nila naisipang iuwi ito. Besides, ayaw naman nilang ma-bad shot sa ina nito lalo na't maayos ang pakikitungo nito sa kanila.

Sa ilang minuto nila sa loob ng sasakyan, tahimik lamang si Karylle at nakatuon ang tingin sa bintana. Alam ni Vice na narinig ng kaibigan ang lahat ng sinabi ni Yael, maging ang naging confrontation nito with the Showtime hosts. Matapos umalis si Yael ay patuloy ang pagdaloy ng luha ni Karylle na hindi na nagawang magsalita to explain what she really feels.

"He seems to be so insensitive na hindi manlang inisip kung anong posible mong maramdaman once makita mo siya. Ang kapal ng pagmumukha," bulong ni Vice but loud enough para marinig ni Karylle. "There, I've already given him my pasalubong. Kulang pa nga 'yun e! I wanted to--

"Enough," mahina ngunit madiing sabi ni Karylle.

Hindi alam ni Vice kung paano tatanggapin ang naging sagot ng kaibigan? Enough? What does she mean by that?

"Are you mad because of what I did? What do you mean by enough?"

"No, Vice. Hindi naman dapat kayo nadadamay sa issue naming dalawa e. What happened between me and Yael, sa 'min lang dapat 'yun." she replied. Kunot noong napailing si Vice.

"So ang sinasabi mo ba, hindi dapat kami nangialam?"

"Vice, that's not what I mean. Yung kanina? We were in a public place and I am sure, ang daming taong nakakita at nakarinig. Vice, kababalik mo lang o! Kapag kumalat 'yung nangyari, paano ka? Paano kayo? Imbis na problema nalang namin, nadamay pa kayo. Nadamay pa 'yung buong Showtime," nag-aalalang sabi ni Karylle.

Totoo nga. Karylle always choose what's best for others. Kahit pa malugmok siya sa sarili niyang kalungkutan, basta masiguradong safe at hindi madadamay ang mga kaibigan niya, magtitiis siya.

"Kapag may problema ako, you always tell me that everything's gonna be fine. You always assure me that in time, I'll learn to accept na hindi lahat ng bagay ay para sa akin. You didn't leave me, Karylle. Never kong naramdaman na wala ka sa tabi ko," Vice said. "Huwag mo naman akong pigilan na gawin sa 'yo ngayon 'yung mga bagay na hindi ko nagawa noong apat na taong wala ako sa tabi mo. I wasn't here when he left. Wala ako sa tabi mo when you needed me. Hayaan mo akong maging kaibigan sa 'yo,"

Hindi agad nakapagsalita si Karylle dahil sa sobrang pagka-overwhelmed sa sinabi ni Vice. On-cam, siya ang pinaka-pasaway sa grupo at parang walang pakialam, pero kapag off-cam na, isa siya sa pinaka-caring at pinaka-nag-aalala para sa lahat.

Napatakip na lamang ng mukha si Karylle using her palms, trying to detain her tears pero hindi na niya talaga kaya. Punong puno na siya. Lahat naman ng container, kapag napupuno, umaapaw.

Nababahala man sa mga naririnig na hikbi, hindi pinigilan ni Vice ang kaibigan dahil alam niyang kailangang ilabas ni Karylle ang kinikimkim. There's nothing wrong with crying. It's actually one of the best ways to ease the pain you have inside.

"H-hindi ko lang kasi talaga maintindihan," she managed to say in between her sobs. "Bakit hindi ko kayang magalit? I should be mad at him! Walang kapatawaran 'yung ginawa niya sa 'kin but why couldn't I feel the anger?"

Hindi alam ni Vice kung paano sasagutin ang sinabi ng kaibigan. She's really an angel. Kahit gaano pa kalaki ang kasalanang nagagawa sa kaniya, ni hindi manlang yata siya marunong magtanim ng galit.

Hinayaan na lamang niyang magsalita ang kaibigan.

"All my life, I've always wanted to reach everyone's expectations. Pinagbuti ko 'yung pag-aaral ko so my parents could be proud of me. When I was told to enter show business, ginawa ko even if it wasn't really what I wanted to do. When my Dad told me to break up with Dong, ginawa ko just because I didn't want to disappoint him." she continued. "They want me to be married with someone who also has a name in Showbiz. They want me to marry, Yael."

Gulat na nilingon ni Vice ang kaibigan na hanggang ngayon ay nakabaon parin ang mukha sa dalawang palad. Ngayon niya lang nalaman. She was forced to break up with Dingdong. Was she also forced to marry Yael?

"Yael is one of the closest friends of Paolo. Everytime we were having family getaways with Valencianos, Paolo always brings Yael with him. I didn't know it was his way para mapalapit sa'kin. I didn't know he already had a plan. Hindi ko alam." mas lalo pang lumala ang pag-iyak niya. "Pero hindi ako nagalit. Hindi naman siya mahirap mahalin. He actually has some of the characteristics of my ideal guy. I fell inlove with him. I loved him."

Vice decided to stop his car sa gilid ng daan, dahil hindi niya kinakaya ang mga nalalaman sa kaibigan. He wanted to listen. Gusto niyang mag-focus sa pakikinig.

"Hindi naman ako nagkulang diba? Sinunod ko naman lahat ng gusto nila. Pero bakit ganito? Kahit anong pagsunod ang ginawa ko sa gusto nila, bakit ito ang kapalit? Anong bang nagawa kong mali?" pagpapatuloy pa niya.

In-extend ni Vice ang kamay pa-ikot sa balikat ni Karylle. Dahan-dahan niya itong hinila pasandal sa kaniya at niyakap. As a person who's in need of comfort, sobrang laking bagay ng yakap na 'yon to calm her down. Ramdam niya ang pagpapahalaga ni Vice bilang kaibigan.

"Karylle, it takes time for you to see the stars. Ikaw na ang nagsabi sa 'kin noon diba? Hindi sa lahat ng oras, masuwerte ka. You first have to pass through sloping roads. Hindi pwedeng smooth agad." he tried to comfort her. "All of these weren't because of what you did in the past. Take this as a challenge. Take this as a battle you have to prevail."

Nang hindi pa humuhupa mula sa pag-iyak, Vice cupped both of her cheeks and made her face him.

"Look at me, K." utos niya na sinunod naman ng huli.

Looking at her face, hindi maiwasan ni Vice ang maawa lalo na sa pamumugto nang mga mata ng kaibigan.

"Don't let this failure wins over you. Mas matatag ka kaysa sa sakit na nararamdaman mo. Lalaban ka naman diba?"

She can see how worried he is. Ramdam niya ang takot na nananalaytay sa mga mata ng kaibigan. Takot na baka tuluyan siyang magpatalo sa sakit na nararamdaman niya. Takot na baka tuluyan siyang bumitaw sa natitira pang pag-asa na meron siya.

"Karylle, lalaban ka diba?"

Mariing ipinikit ni Karylle ang mga mata. She can feel the warmth of his hands that sends her the assurance that he's with her; he's not leaving her.

Matapos ang ilang segundo'y itinango niya ang ulo as an answer to his question.

"L-lalaban ako." she almost whispered.

Napangiti siya sa naging sagot ng kaibigan.

Vice slowly wiped her tears using his thumbs. Wearing the sweetest smile he could ever give, muli niyang hinila palapit si Karylle upang mayakap. This time, Karylle hugged him back.

"T-thank you," Karylle closed her eyes as she said those words.

"No need to thank me for this, Karylle. It's my responsibility to catch you kapag bumabagsak ka na. That's what friends are for," he told her.

Si Karylle ang unang nag-pull away sa pagkakayakap. She smiled at him bago muling ituon ang atensyon sa bintana. Nang masiguro na kahit paano'y ayos na ang pakiramdam ng dalaga, muling pinaandar ni Vice ang sasakyan.

"Gusto mo bang kumain muna? Parang gusto ko ng lugaw," Vice said.

Mabilis na napalingon sa kaniya si Karylle.

"Gusto ko ng lumpia," sagot ng dalaga."


















Dahil sabay na nag-crave ang dalawa sa lugaw at lumpia, naghanap sila ng place kung saan makikita ang mga hinahanap nila.

Quarter to 3 o'clock na nang makauwi si Vice. Lights were still on kaya alam niyang mayroon pang gising sa loob ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ay dinig na dinig niya ang halakhak ng anak, maging ang boses ni Babot sa loob ng kusina.

"Ba't gising pa 'yon?" tanong niya sa sarili while heading in the kitchen.

Pagdating sa kusina ay naabutan niya ang anak na umiinom ng gatas, with Babot beside her and Emma, standing behind her.

"Adi! Where have you been?" nakangusong tanong ni Snow sa ama.

"Hey! Bakit gising ka pa?" tanong niya sa anak. Lumapit ito sa bata upang mahalikan ito sa ulo.

"That's not the answer to my question,"

"I was with your Ninang Anne, Ninong Billy, Ninong Vhong and Tita Kawylle." he said dahil alam niyang tatanungin din ng anak kung sinu-sino ang mga kasama niya. "Your turn to answer my question. Bakit gising ka pa?"

"I got hungwy." sagot nito. "Tito Emman gave me pancakes and Tito Babot gave me milk." pagkukwento nito while showing her Adi her plate and glass.

"Are you done eating yet? Tulog na ikaw ulit."

"I'll finish my milk first, okay?"

"Okay. Akyat ka na after you finish your food ha? Magbibihis lang si daddy," sunod-sunod naman ang naging pagtango ni Snow as an answer.

Tumalikod na si Vice at umakyat sa kwarto to change his clothes. Inayos narin niya ang bedsheet na bahagyang nagulo dahil narin siguro sa likot matulog ng anak.

Ngayon na lamang ulit niya naranasan ang gumimik at mukhang nanibago ulit siya dahil ramdam niya agad ang pagod at antok. Noon kasi, kahit ilang oras na ang nakakalipas matapos nilang rumampa ay mataas parin ang energy niyang makipagkulitan. Iba nga yata talaga pag tumatanda na.

Pahiga na sana siya nang marinig niya ang sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan. Sa pag-aakalang ang anak na iyon ay nagmamadaling binuksan ni Vice ang pinto.

"Emma," gulat niyang bungad.

"When are you planning to tell us?" Seryosong tanong nito.

Hindi naman agad nakasagot si Vice dahil hindi niya alam kung patungkol saan ang tinutukoy ng kapatid. Isa pa, Emma looks really serious.

"Planning to tell you what?" confused na tanong ni Vice.

"I don't know, Vice. You tell me. Ano nga bang hindi mo sinasabi sa amin?"

Sa tanong na 'yon at pati narin sa tono ng pananalita ng kapatid, hindi na naiwasan ni Vice ang makaramdam ng kaba. Emma only gets this serious kapag sobrang laking bagay na ang pinag-uusapan.

"You know that kids's don't lie."

With that, napasapo na lamang ng noo si Vice nang mapagtanto na maaaring may nabanggit nga ang anak tungkol sa kaniya. Si Terrence. It's about him.

"Pwede bang bukas nalang tayo mag-usap---

"So ano? Tatalikuran mo 'ko? Humarap ka nga sa 'kin!"

Mabilis na hinila ni Emma ang kapatid nang tangkain nitong tumalikod at umiwas sa tanong niya.

"Kuya, I'm tired."

"No, Vice! I won't let you sleep without explaining everything to me!" pabulong ngunit may diing sabi ni Emma. "Kung hindi pa nagising 'yung anak mo para humingi ng pagkain, hindi ko pa malalaman? She was so happy, telling us that her Papa's coming home! Sobrang saya nung bata na halos hindi na nga namin maintindihan dahil stucked kaming dalawa ni Babot kakaisip who is she referring to! Ano? Habang buhay mo bang itatago 'to?"

"Wag ka ngang, OA! Noon at noon pa man walang sikreto ko ang hindi niyo nalalaman. Matutulog na 'ko,"

Muling sinubukan ni Vice ang umiwas sa pang-uusisa ng kapatid ngunit mas humigpit lang ang hawak ni Emma sa braso niya. Nakaramdam siya ng kirot kaya pabalibag niya itong inalis; still shocked kung paano siya pinakikitunguhan ng kapatid ngayon.

"Hiwalayan mo 'yan." ma-awtoridad nitong utos.

"What?!"

"You heard me, Vice! I want him out of your life!"

"No!" may diing sagot niya. Pansin niya ang pagkunot ng noo ni Emma at ang mas lumalang galit sa mga mata nito. "I won't do that,"

"At ano? You'll let him ruin your life again? Paulit-ulit nalang ba tayo dito ha? Ilang beses ba? Ilang beses ka pa ba niyang dapat iwanan at ipagpalit before you could finally realize that he's not worth it?" dire-diretsong sabi nito. Napapikit na lamang si Vice, trying to ignore what he's saying. "Vice! The first time you told me na may relasyon kayo, hindi ako tumutol because I want you to be happy. Nung unang beses na sinaktan ka niya, hindi ka nakarinig ng kahit ano sa 'kin. The second time na nagkabalikan kayo, wala parin akong sinabi na pwedeng makasakit sayo pero pinaalalahanan kita! As your older brother, gusto kong maging masaya ka but I also want you to be free from pain. Pinaalalahanan kita pero hindi ka nakinig sa 'kin. And what happened? Hindi ba't sinaktan ka ulit? You even told me, that would be the last time you'd let him hurt you. Wala kang paninindigan, Vice!"

"I'm not in the mood to talk to you. Makakalabas ka na," it was stern and cold.

Hindi naman nagpatinag si Emma at sinundan na lamang ang kapatid na pumasok sa walk-in closet niya.

"Stupid." Emma said.

Sa narinig ay hindi na napigilan ni Vice ang lumaban pabalik. Sa lahat ng ayaw niya'y sinasabihan siya ng hindi maganda. Hangga't kaya niya, hindi siya lalaban lalo na't kapatid pa niya ang kausap, pero sobra na. He wants to fight back, for him.

"Oo na! Tanga na! Okay ka na ba? Masaya ka na?" he answered.

Hindi niya alam kung bakit. What he only knew, he has to fight back this time. Kailangan niyang lumaban for him. For four years of being together in Canada, nakita niya kung paano nagbago ang nobyo. He was able to see those changes na ginawa ni Terrence para sa kaniya.

He wants to be free.

Ayaw na niyang magtago.

He wants to be fully happy.

"All my life, ang iniisip ko lang eh kung paano ko kayo pasasayahin at kung paano ko kayo iaahon! Buong buhay ko, wala na akong ibang inisip kundi ang trabaho ko, si nanay, pati na kayo!" sigaw niya sa kapatid na ngayon ay napa-step back dahil sa gulat. "Akala mo ba madali para sa 'kin na hindi ako malaya? Akala mo ba masaya ako kahit kaya ko ng bilhin lahat ng gusto ko? Emma, hindi! Hindi ako masaya dahil hawak niyo ako sa leeg! Bawal ang ganito, bawal ang ganyan dahil baka masira kung anong meron ako! Kahit nga mga taong hindi ko naman kilala, ang higpit ng pagkakasakal sa 'kin eh! Hindi ako masaya!"

Saying those words, unti-unti ng nilamon ng kalungkutan si Vice. Pakiramdam niya'y hindi niya makukuha ang kalayaan na gusto niya hangga't nabubuhay siya. He has the name, at habang nandito siya, hindi siya mawawala sa paningin ng ibang tao.

Hindi siya makawala, bagay na mas nagpapalungkot sa kaniya.

His eyes started to get wet. Napasabunot siya sa buhok dahil sa frustration.

"I didn't tell you dahil alam kong ganiyan ang magiging reaksyon mo! Bakit? Pag sinabi ko ba, matatanggap mo? Matatanggap niyo ba? Hindi naman diba? What's the difference between telling you and not?" may hinanakit na sabi nito.

"You should've tried."

"Ganoon na lang ba lagi? Kailangan bang lagi nalang ako ang magta-try? Ako na lang ba ang laging mag a-adjust? Ako na lang ba ang laging kikilos?" dagdag ni Vice. "Sa apat na taon kong pananatili sa Canada, did you even try visiting me? Ni minsan ba pumasok sa isip niyong puntahan ako o isipin manlang kung paano ang buhay ko don? Si Nanay! Si Nanay lang ang nakakaisip na puntahan ako doon! Yung matanda pa na dapat eh nagpapahinga nalang dito sa bahay!"

"Tumatawag naman kami diba? We asked you how was your life in Canada and you said you were okay!"

"Dahil nga ayokong mag-alala kayo sa akin!" madiing sigaw ni Vice sa kapatid. "Laging kayo ang inaalala ko! Laging 'yung nararamdaman niyo ang mahalaga sa 'kin kaya lagi kong sinasabi na okay ako kahit hindi! Those times na may sakit ako, wala akong ibang mayakap kundi 'yung mga unan ko! Wala akong ibang maiyakan kundi 'yung mga kumot ko! Wala akong ibang kasama doon habang kayo dito, kumpleto, masaya, sama-sama!"

"Hindi namin sinabing umalis ka,"

"But you also didn't ask me to stay!"

Dahil sa naging sagot ni Vice ay hindi na nakaimik pa si Emma. Totoo din naman. When Vice told them na gusto niyang magkaanak, pumayag sila. Nang sinabi ng kapatid na sa Canada gaganapin ang insemination and he might spend his life there for how many years, hindi sila umalma. Ni hindi nga yata nila inalam kung magiging safe ba ang kapatid sa lugar na iyon.

"You made me feel inconsiderable." pahabol pa ni Vice.

"Alam mong mahalaga ka sa 'min!"

"Ako lang ang mahalaga sa inyo, hindi ang nararamdaman ko. Magkaiba 'yon!"

Dire-diretso ang naging pag-agos ng mga luha ni Vice. Gustuhin man ni Emma ang sumagot ay hindi na niya nagawa dahil mas umiral ang awa niya sa kapatid. Hindi niya alam. Ni wala siyang ideya na ganito na pala ang nararamdaman ni Vice. Bakit?

"And now you're asking me to break up with Terrence? My decision's final. I won't do that," may pinalidad na sabi ni Vice.

"Vice, wag mong pahirapan ang sarili mo."

"That's what I am doing. Nahihirapan akong itago ang mga bagay na nakakapagpasaya sa 'kin kaya lumalaban ako ngayon. Lalaban ako para sa taong kinalimutan ang buhay niya dito sa Pilipinas para samahan ako sa ibang bansa. Lalaban ako para sa taong lumaban din para sa akin!" dagdag pa nito. Pinunasan niya ang mga luhang nagsi-alpasan at matamang tinitigan ang kapatid, mata sa mata. "Don't let me choose of whom should I leave, dahil sinasabi ko na sa 'yo ngayon palang... I won't leave the one who stayed with me."

Matapos sabihin iyon ay tumalikod na si Vice at naglakad palabas ng kwarto. Nakasalubong niya ang ina na may bakas pa ng luha sa magkabila nitong pisngi. Malamang ay narinig nito ang naging pagtatalo nilang magkapatid.

He wants to stay for her, pero gusto niyang magpalamig muna dahil alam niyang baka lumala lamang ang away nilang magkapatid.

"I'm sorry," bulong niya sa ina habang hinahalikan ito sa noo. Sa lahat ng ayaw niya ay ang nakikitang nasasaktan ang ina.

After kissing the old woman ay nagmamadaling bumaba ng hagdan si Vice at pinuntahan ang anak sa kusina.

"Niyebe, let's go." ani Vice sabay buhat sa anak na puno ng pagtataka ang mukha.

"We going to sleep yet?" tanong ng bata.

"No. We're going somewhere." sagot nito.

Napatayo naman si Babot at akmang pipigilan ang kapatid nang magsalita si Vice.

"Ikaw na munang bahala kay Nanay," bilin nito bago tuluyang umalis.

















Dahil ayaw namang maistorbo ang mga kaibigan, Vice decided na bumalik na lamang sa dating Condo-ng inuupahan. Mabuti na lamang at may nakausap na siya two days after niyang makabalik ng Pilipinas na anytime soon ay kukunin niyang muli ang Condo upang doon magstay.

Habang lumalalim ang gabi ay lumalalim rin ang sakit at lungkot na nararamdaman ni Vice.

Noon, ang akala niya ay makukuha na niya ang kasiyahan kapag nagkaanak siya. Yes, he is happy... pero parang may kulang parin.

At hindi niya maisip kung anong kulang.

Habang pinagmamasdan si Niyebe na mahimbing ang tulog. Hindi naiwasan ni Vice ang muling maiyak.

Sa wakas.

Natuto na siyang labanan ang isang bagay na kinatatakutan niya. Ang aminin ang totoong nararamdaman kahit against ito sa gusto ng ibang tao. He respects his family's opinion so much pero paano naman ang sa kaniya? Habang buhay na lang ba siyang magpapa-tali sa gusto ng iba? Paano naman ang gusto niya? Paano naman ang kasiyahan niya?

Ilang taon na siyang hawak ng mga tao sa leeg.

He knows that they have the right to atleast tell their opinions about how his life goes, dahil kung wala naman ang madla, hindi niya makakamit ang kasikatan na meron siya.

Pero lagi nalang ba?

Maski na lang ba ang sarili niyang kasiyahan ay hahayaan niyang hawakan ng iba?

Matapos punasan ang mga luha ay lumabas siya ng kwarto, leaving her daughter peacefully sleeping. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isang taong alam niyang makakapagpagaan ng loob niya ngayon.

Ilang ring lang naman ay sumagot na ang tao sa kabilang linya.

"Babe?"

That voice. He won't get tired of hearing that voice. It's his own music.

"U-uwi ka na."

Hindi niya alam kung bakit niya nasabi 'yon. Ang alam lang niya, he misses him so much and he wants to be with him again, forever.

"Hey, love? Are you crying?"

Hindi man niya gustuhing umiyak ay hindi niya napigilan as he heard how worried he is.

Sobrang dami na nilang napagdaanan.

Ilang beses na silang nagtalo, nagkabati, nagkasakitan, nagkabalikan, pero ngayon lamang niya naramdaman ang ibang klaseng pagmamahal, pagpapahalaga at pag-aalaga mula sa kaniya.

"I'm okay," nasabi na lamang niya dahil ayaw naman niyang mas mag-alala pa ang kasintahan.

"That's not the answer to my question, Vice. What happened?" mas lumakas ang boses ni Terrence dahil sa pag-aalala.

"A-alam na nila. And they hate me." tila batang pagsusumbong ni Vice. Dinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng binata sa kabilang linya. "Terrence, uwi ka na."

"Okay. Okay. Ipapa-resched ko 'yung ticket ko. Uuwi na 'ko. Aayusin natin 'to ha? Wag ka ng umiyak. Uuwi na 'ko." paninigurado nito. "Stop crying, okay? I love you. Ako ng bahala sa pagpapaliwanag sa kanila."

"Natatakot ako," umiiling na sabi ni Vice, still couldn't detain his tears.

"Babe, wag kang matatakot. Uuwi na 'ko. Hintayin mo 'ko. Ako ang aayos," dagdag pa nito using the sweetest voice he could ever give. "Matulog ka na. I'll call you later when you wake up. Kailangan mong magpahinga,"

"O-okay. I love you," Vice said.

"I love you too. Don't think too much, okay? We'll get through this. Mahal kita. Hindi kita iiwan."

Mahal kita.

It's the only thing he wants to hear right now.

Hindi kita iiwan.

Tama lang na lumaban siya. Tama lang na ipinaglaban niya, dahil kung may isang tao man siyang hindi dapat talikuran sa ngayon, iyon ay si Terrence.



























A/N: Virence for the win! 💚

Tweet me bebes - @lhengvcrl

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
11.7K 340 41
Tatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lam...
120K 1.5K 21
The story of a man met a woman who was rich but have a bad attitude. He can change the life of a Girl or Girl can change His Life? What if you fall i...