I'm With Him (ON-GOING)

By mysecretsunshine

3.3K 160 147

Kwentong walang patutunguhan. HAHAHA. Deh, biro lang. Sabi nga nila, LOVE IS BLIND. Eeew. Makaluma na yan! Sa... More

I'm With Him Introduction
01 - Namatay si..
02 - Butt & Balls
03 - Piso.. Dos... Tres... Presyo mo?
04 - Violators
05 - Aliens
06 - Ang Perlas ni...
07.1 - Asungot On The Loose
07.2 - Asungot On The Loose
08- Date?
09 - Together
10.1 - Nightmare?
10.2 - Sweet Dreams?
11 - Interesting..
12 - Opportunity
13 - Good Morning!
14 - Bugaw
15 - Operation
16 - Karen
18 - Rumor Has It
19 - Kambal nga?
20 - Ang Creamer ng Buhay ko
21- Tomby

17 - Taken?

100 4 5
By mysecretsunshine

SARAHTOT: Hi! Hello? Paramdam kayo? Hahaha! 

VOTE & COMMENT kung feel niyo tong chappie na to! Tenkyooo~

-----------------------------------------------------------------------------------

17 – Taken?

 ^^^PAU’s POV

“STOOOOOOOOOOOOOP!” I shouted at the top of my lungs.

*SCREEEEEEEEEEECH*

Halos masubsob ang mukha ko sa dashboard ng sasakyan. Buti na lang talaga naimbento ang seatbelt.

“WHAT THE HELL PAU?!”

“Look Lizzy, kanina ka pa drive ng drive... SAAN BA TALAGA TAYO PUPUNTA HA?”

“Are you that stupid? Pau? Kakasabi ko lang kanina na pupuntahan natin si Karen!”

“O sige, if you’re really that smart... where the hell are we going to find that Karen?”

Katahimikan. Nagkatinginan lang kami and “Ooooh” lang ang naging sagot niya. Really? ‘Oh’ lang ang masasabi niya after almost 30 minutes of driving na walang pupuntahan? Ugh, ang sarap kurutin sa hita nitong babaeng ‘to.Hindi pa nga namin alam kung sino talaga yang Karen sa buhay ni Cedric. Malay natin kapatid, pinsan o di naman kaya lolang bagets! -__-

 ^^^RIO’s POV

♪Sexy, Free & Single

I'm ready too, Bingo♪

“SEXY, FREE & SINGLE~  WOOOH! ANG GAGWAPO NG MGA ASAWA KO!!!”

Shemay lang oh, laglag ang Patrick Starfish panties ko! Hahaha!

Nandito kasi ako sa kwarto, pinapanood yung dinownload kong performances ng Super Junior! Sorry lang, super busy kasi with school and ‘operation’ kaya ayan... hindi ko napanood ang comeback performances ng mga asawa kong kay gagwapo! Nagsisisi ako kung bakit ngayon ko lang napanood. ‘ 3’

“SEXY, FREE & SINGLE!” Feel na feel kong isa ako sa mga ELF na nasa audience at nakikisabay sa fanchant!  “Good time... Party time!”  Ooh... such a beautiful day! *u*

*BLAG!*

Hindi pala beautiful day kung yan ang mukhang bumulabog sa napakaganda kong fangirling mode.

“ANO NANAMAN BA ASUNGOT?! Have you ever heard of the phrase‘knock before you enter’? Paano kung pumasok ka habang nagbibihis ako?!” Singhal ko habang pinandilatan ko siya.

Okaaaay, bat ba mukhang seryoso ‘tong isang ‘to? Hindi man lang sumiogaw ng ‘babes’ o nangulit pagkapasok dito sa kwarto ko.

“Rio” mahinahon niyang pagkasabi habang nakayukom ang kamao niya.  Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaksyon ko.  Galit ba ‘to sa akin?

Lumapit siya bigla sa aking kinauupuan.

“Rio” tapos bumuntong hininga “Ano ba talagang gusto mong gawin ko?”

“What do you mean?” sabay taas ng isang kilay.

“Sa tingin mo ba hindi ko nahahalata ang pinaggagawa mo this past few weeks? You know, I’m not that stupid”

“Huh? Ano nanaman ‘tong pakulo mo?” Ano ba naman ‘to! Hindi ako sanay sa seryosong usapan with Kian!

“Mga babaeng lumalapit sa akin tuwing ini-indian mo ako sa mga lakad natin? Set-up dates? Does that ring any bell to you?”

“What?? Huh? Hindi kita maintindihan” Sige lang Rio, magmaangmaangan ka lang diyan. Susme naman oh, mabubuking na ata ang ‘operation’ ko. NO.

“...and today we were supposed to meet for lunch at ibang babae nanaman ang nakasama ko! She said ako daw ang kadate niya! What the hell was that? Sabi pa niya nagsign-up pa raw siya online at natanggap daw siya sa screening and other things I simply can’t understand!”

Okay. GUILTY much here. Gumawa kasi ako ng page sa FB inviting those girls na alam kong type na type si Kian. Sumali kasi siya sa inter-org pageant ng university last year kaya grabe ang naging exposure, may fanpage pa nga siya sa FB eh. Pinagpilian ko yung mga applicants at kinontact sila. Alam rin nila na hindi alam ni Kian itong so-called dates. Naki-ride rin sila sa pinaggagawa ko. Bat ba kasi ayaw humanap ng lablayp ng isang ‘to? SUPER magaganda kaya yung nirereto ko sa kanya. SUSME, bakla kaya ‘to kaya ayaw niya sa mga babae?

“Wala akong alam diyan” at nagtitigan contest na kami. Bumuntong hininga ulit siya.

 “Look, I know hindi mo pa rin ako napapatawad with what happened 2 years ago---“

“SHUT UP! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na tapos na yun! Move on! Move on!” sabay takip sa tenga ko “MOVE ON AND DON’T EVER MENTION IT AGAIN!”

Bigla na lang niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at pilit na pinaglayo sa tenga ko “You have to listen! Makinig ka nga!”

“NO!”

“You’re so stubborn! LISTEN!”

“Ano ba! I’m just doing you a favor!” Napatayo na ako “You need to go out there and mingle! Hindi yung ako lang ang binabantayan mo! I’m no longer that naïve Rio na kailangan mo pang alagaan! Hindi mo na ako kailangang bantayan!”

Lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

“Rio, I’ve been trying… trying hard na’ mapansin mo ako… na maibalik ang dating tayo. We used to be partners in crime. Pero bakit ngayon, parang diring-diri ka sa akin? Bakit tinatakwil mo ako? Pinagtatabuyan sa iba? It feels like you’ve been pushing me away these past few years”

Hindi ko alam, hindi ko talaga alam. Hindi ko naman sinasadya kung sakaling naramdaman niyang pinagtatabuyan ko siya.  I guess I was just…

“Why can’t you just forget about the past? Ikaw ang hindi pa nakakapagmove-on sa ating dalawa, Rio”

“Look Kian, I’m sorry. Hindi ko sinasadya, maybe I was blaming you all this time. Alam kong hindi naman dapat, pero maybe I was looking for someone to blame it all.”

Tapos bigla na lang siyang ngumiti ng pagkalapad-lapad. “O? Anong ningingiti mo diyan?”

“You..y-you actually called me Kian?” napakunot ang noo ko “First time to nangyari in 2 years”

“So? Ano naman kung tinawag kitang Kian?” Tinopak nanaman ‘to.

“Wala lang, hehehe, asungot lang kasi ang tawag mo sa akin” sabay kamot sa batok niya na para bang nahihiya “Feeling ko tuloy asungot talaga ako sa buhay mo eh” sabay pout.

“ARAY!” Binatukan ko nga! Kainis, ang hirap mag sorry pero mas binigyan niya ng importansya ang pagtawag ko ng Kian.

“Tss. AMPANGET NG POUT MO! Hindi bagay!”

“Ooows, come here nga” sabay yakap sa akin “I miss you babes”

“ARAY! Ano ba?!” Binatukan ko nga ulit. “Hoy Kian, wag kang feeling ha! Makalambing parang syota mo lang ako”

“Eh wala naman kasi akong lalambinging iba, pagtyatyagaan muna kita babes”

“Hay naku, ang daming nagkakandarapa sa’yo… sila na lang ang i-babes mo!”

“Oo na, iset-up mo na lang ako sa maganda. Yung malaki ang hinaharap ha! Voluptuous ang--- ARAY BABAES! Pangatlo na ah!”

“TIGIL KA NGA! MANYAK! MANYAK! MANYAK KA TALAGA!”

****

♪Tinamaan na ako

Walang hiya ka, Kupido

Nasirang schedule ko

Putres na kabaliwan... 

Tinamaan ako (my papa)

Pansinin mo ako (ohh sana)

Oras ko'y iyong-iyo (kaloka)

Sabihin mo lang sa akin na mahal mo ako, 

Ililibre ko ang tropa mo♪

♪Tinamaan na ako

Walang hiya ka, Kupido

Nasirang schedule ko

Putres na kabaliwang ito ♪

Napuno ng palakpakan ang buong café. “Thank you! Have a good night!” at bumaba na ako sa platform. Charot, feel na feel ko ring napuno talaga ng palakpakan. Ang sarap sabihing dedicated to kay Cedric ko! Hahaha!

Nilapitan ko ang manager sabay lahad ng kamay ko “Sweldo ko”

“Oh! Ayan ha” sabay bigay ng envelope “Tumawag nga pala kuya mo, pinapsabi na hindi ka raw niya masusundo”

“Okay, thank you po!” Hindi naman ako nagpapasundo ah. Hello? 3rd year college na ako... marunong naman akong sumakay ng jeep pauwi.

Nasa may pintuan na ako palabas ng pigilan niya ako “Ay teka lang Rio! Sabi ni Kian hintayin mo daw dito yung kaibigan niya. Siya daw susundo sa’yo”

“Huh? Sino raw po?” Pero hindi rin niya alam. Kaya umupo na lang ako sa labas ng café, may mauupuan naman doon. Tsk. 11pm na pala oh. Antok na antok na talaga ako. Asan na ba yun?

Ang pinagtataka ko lang, sinong susundo sa akin? Wala namang kaibigan si Kian ah. Deh, biro lang. Wala naman kasi talagang barkada si Kian eh, buntot ng buntot lang naman yun sa akin. -__-

Speaking of Kian, naalala ko nanaman yung drama niya kaninang umaga. May pa ‘push away’ pa siyang drama. Tseh! Hmm, siguro naging harsh ako sa kanya... slight lang. O sige na nga, medyo? Super harsh ba? Hindi oy! Anyway, i’ll TRY na maging mabait. Pero hindi ko talaga maiiwasang mabatukan o masuntok yun, nakasanayan na eh.

“Rio” tumindig lahat ng balahibo ko nung marinig ang boses niya. “Tara na, ako daw maghahatid sa iyo”

What!? Siya ang susundo sa akin? Kailan pa sila naging close ni Kian para utusan siyang sunduin ako? Susme! Bakit hindi sinabi ni Kian? *u*

Sumunod na lang ako sa kanya papuntang parking area. Masaya na sana ako kaya lang pagkarating namin doon, may nakita akong babaeng nakasandal sa kotse niya.

“Hi Rio! I’m Karen, Cedric’s...”

Saan ko nga ba siya nakita? Familiar face?

“...special friend?” then she chuckled.

Oh, siya yung babaeng humabol kay Cedric sa park! Yung first time kong makita si Cedric! Siya yun! Hindi ko namalayang nakikipagshake hands na ako sa kanya. Nakakatibo naman ‘to. Sobrang ganda eh, wala akong panama sa kanya.

At this moment, a realization hit me. Is Cedric already taken?

*end of chappie*

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...