Stanford University [COMPLETE...

By AliceChuaIsNotMyName

93.5K 2.1K 66

WELCOME Date Created: November 17, 2017 Date End: February 19, 2019 ~ Hello Guys im just one of the small au... More

Pink
Boy Character Profile
Girl & Other Character Profile
PROLOGUE
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Stanford University
Chapter 3: They're back
Chapter 4: Hot war of Bitches
Chapter 5: Charm's Lucky day
Chapter 6: The Transfer Students
Chapter 7: Mark of the Devil
Chapter 8: School Clinic
Chapter 9: Guilt
Chapter 10: Encounter
Chapter 11: Lucia Joaquin
Chapter 12: Rumors
Chapter 13: She's Back
Chapter 14: 7 vs Female Dogs
Chapter 15: Punishment
Chapter 16: Black box
Chapter 18: Letter
Chapter 19: Blood
Chapter 20: Medicine
Chapter 21: Rank One
Chapter 22: Confession
Chapter 23: Confession pt. 2
Chapter 24: The Demon Inside Him
Chapter 25: Confession pt. 3
Chapter 26: Tournament D1
Chapter 27: Tournament D2
Chapter 28: Tournament D3
Chapter 29: His Past
Chapter 30: The Day
Chapter 31: Havoc
Chapter 32: Burden
Chapter 33: Miracle
Chapter 34: Dying
Chapter 35: Do I Know You?
EPILOGUE
Pink Note: Gomawo

Chapter 17: Pool

1.6K 47 0
By AliceChuaIsNotMyName
















"SAAN ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Charm habang sinusundan sa paglalakad si Dwight.

Ilang segundong katahimikan ay hindi pa rin sumasagot si Dwight sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" pag ulit na tanong niya.

Imbis na sumagot si Dwight ay mas binilisan pa nito ang paglalakad niya kaya naman parang napapatakbo na si Charm para lang mahabol sa paglalakad si Dwight dahil sa laki ng mga hakbang nito.

"Hoy! pansinin mo naman ako!" anito saka kinulbit niya ito sa balikat.

"Aish!" singhal ni Dwight kay Charm dahil nakukulitan na ito sa kanya.

"Halimaw tinatanong kita." inis na sabi ni Charm dito saka tumigil sa paglalakad.

Naramdaman naman ni Dwight ang pag tigil ni Charm kaya naman napatigil din siya sa paglalakad at nakapamulsang humarap kay Charm.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa at mga ilang segundo lang ay napaiwas din kaagad ng tingin si Charm at napahawak sa kanyang dibdib.

"Why?" tanong ni Dwight sa kanya dahil sa reaksyon ni Charm.

Hindi naman maipaliwanag ni Charm kung ano ba ang naramdaman niyang kuryente na dumaloy sa katawan niya matapos magtama ang mga mata nila ni Dwight.

Bago para sa kanya ang pakiramdam na yon. Nagtataka siya dahil hindi naman niya naramdaman yon nung mga panahong nakikipagmatigasan siya ng tingin kay Dwight.

"Dimwit! I said why?" ulit na tanong ni Dwight.

Umiling lang si Charm dito bilang sagot at naglakad palapit kay Dwight ngunit hindi niya ito magawang tingnan.

"Aish! Stupid." anito at pinagpatuloy ang paglalakad.

Tahimik na sumunod lang sa kanya si Charm.

Nakayukong naglalakad si Charm habang si Dwight naman ay kalmadong naglalakad.

Papunta sila sa pool area ngayon ng Stanford, para i-check ang facilities doon kung maayos ba. Dahil kinabukasan ay doon gaganapin ang kanilang p.e. class.

Napatigil sa paglalakad ang dalawa ng biglang may tumamang bola ng basketball sa ulo ni Dwight at nanggaling ito sa entrance ng silver building.

Halata ni Charm ang pagkainis ni Dwight dahil kitang kita ito sa ekspresyon ng mukha nito.

"Omo!"

Gulat na ekspresyon ni Charm at napatakip pa ito ng kanyang bibig.

Lumabas kasi mula sa entrance ng silver building ang buong grupo ng madblack gang na pinangungunahan ng leader nilang si Zeb.

"D-dwight tara na. Di ba nagmamadali ka? Tara na."

Sabi ni Charm saka hinawakan sa braso si Dwight at saka hinila paalis sana sa lugar na yon at para na rin maiwasan ang gulo.

Pero kahit na anong pag hila ang gawin niya ay hindi pa rin niya kayang paalisin sa kinatatayuan nito si Dwight.

"Tara na sabi." pagpilit pa rin ni Charm sa kanya.

Nahuli ng mga mata ni Charm ang pag yukom ng kamao ni Dwight pati na rin ang pag lunok nito.

Mataman lang na nakatingin si Dwight sa papalapit sa kanilang grupo ng Madblack gang. Naagaw rin ng pansin ni Charm ang hawak hawak ni Brandon na baseball bat.

Paulit ulit nitong pinapalo ng mahina sa palad niya ang baseball bat habang maangas na nakatingin kay Dwight.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Dwight ang hawak ni Jb na dalawang bola ng baseball na kaagad na itinago nito sa kanyang likuran ng mapansin nitong nakatingin dito si Dwight.

"Dwi--"

Napatigil sa kanyang sasabihin ang kinakabahang si Charm dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Kung kanina ay hinihila niya si Dwight, ngayon ay biglang nasa likuran na siya nito. Isang katamtamang pwersa lang ang pinakawalan ni Dwight sa paghila sa kanya at sa isang iglap ay nakatayo na siya sa likuran nito.

Hinila ni Dwight si Charm papunta sa likuran niya matapos mapansin na balak itong lapitan ng nakangising mapang asar na si Zeb.

"Woah! Our super protective superior." nakangising bati ni Zeb kay Dwight matapos malapitan ito.

"Hi Charm! Do you still have that bullsh*t mark?"

Mahinahong tanong nito kay Charm at saka idiniin ang salitang bullshit ng mapa-dako ang tingin niya kay Dwight.

Dahil sa narinig niya ay naningkit ang mga mata ni Dwight, tumingin ito ng masama kay Zeb at saka humakbang palapit dito.

Napakapit naman bigla si Charm sa braso ni Dwight nang humakbang ito paabante palapit sa mortal na kaaway nitong si Zeb.

Matinding kaba ang nararamdaman niya sa mga sandaling yon. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tawagin ang buong Luminaries para tulungan si Dwight, dahil hindi rin niya ito mapigil sa gusto nitong gawin. Lalo na at hindi niya kayang awatin ang mga ito kapag nagkagulo.

Naiinis din siya sa sarili niya dahil hindi niya maiwasang hindi mag alala kay Dwight lalo na at mag isa lang siya at pito ang posibleng makaaway nito.

"Dwight tara na!" kinulbit kulbit nito sa likuran si Dwight at saka halos pabulong na sinabi ang litanya niya.

"Dimwit step back." utos nito na kaagad namang sinunod ni Charm.

Pagkaatras ni Charm ay siya namang pag abante ni Zeb.

"Kaya mo na bang lumaban mag isa? Buhay na ba ang demonyo sa loob mo?" ani Zeb at sadyang inaasar nito si Dwight.

Saglit na tumingin si Zeb kay Charm at bakas niya ang kaba at pag aalala sa ekspresyon nito.

"Charm..nag aalala ka ba na baka mabugbog namin ang demonyong to?" sabi pa nito saka idinuro si Dwight na ikina tiim bagang ni Dwight.

"Itigil niyo na yan Zeb!" humakbang palapit si Charm ng biglang hinawakan siya ni Damon para pigilan sa pag awat kay Dwight at Zeb.

"Damon bitiwan mo ko!" galit na litanya niya dito saka tiningnan ng masama.

"Charm makinig ka muna sa sasabihin ni Zeb." seryosong sabi ni Damon dito.

Pero dahil masama ang tingin nito sa grupo ni Zeb ay patuloy pa rin siya sa pagpiglas para awatin ang dalawa.

"Charm. Kilala mo ba talaga ang sinasamahan mo?.." tanong ni Zeb sa kanya na pinutol ang kanyang sasabihin.

Dahil sa tanong ni Zeb sa kanya ay bigla siyang napaisip. Kilala nga ba talaga niya ang sinasamahan niya? Kilala nga ba talaga niya si Dwight? dahil sa tanong na yon ay bigla siyang napatigil sa pag piglas at hinayaan ang sasabihin ni Zeb.

Nabaling ang atensyon niya kay Dwight na halatang pinipigil ang kanyang sarili sa galit.

"Charm! Hindi mo ba alam na mamamatay tao ang kasama mo? Hindi mo ba alam na pinatay niya ang babaeng estudyante na may gusto sa kanya? Hindi ka ba nagtataka kung bakit pareho kaming nawala ng pansamantala sa Stanford?" ani Zeb na mataman na nakatingin kay Charm.

Dahil sa narinig niya mula kay Zeb ay nakuha pa niyang tingnan ang nakatalikod sa kanyang si Dwight na ngayon ay nanginginig na ang mga kamao sa sobrang galit.

Pero hindi maikakaila ni Charm na iniintay niyang ipaliwanag ni Dwight ang sarili niya.

Nanatili siyang nakatayo at hindi makapaniwala sa narinig niya. Paulit ulit na nag pa-playback sa isip niya ang mga sinabi ni Zeb.

"Dwight" pag tawag ni Zeb dito kaya napatingin si Dwight sa kanya.

"Si Charm na ba ang next target mo--"

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Dwight na nakapag patigil sa sasabihin ni Zeb.

Susugod na sana ang iba pang myembro ng Madblack pero pinigilan ito ng leader nila.

Natatawang tumingin si Zeb sa nanggagalaiti sa galit na si Dwight dahil epektibong-epektibo ang pang iinis niya rito.

"Bakit? Ayaw mo bang malaman niya?" nakangising sabi nito saka pinahid ang tumutulong dugo sa gilid ng labi nito.

"Charm. Alam mo bang mas demonyo pa sakin ang lalaking to? Kaya wala na tong mahal sa buhay. Kaya patay na ang mga magulang niya at higit sa lahat patay na ang kababata niyang si Chine Chin--"

Bago pa matapos ni Zeb ang sasabihin niya ay isang malakas na suntok na naman ang pinakawalan ni Dwight.

Napahiga si Zeb sa sahig dahil nahilo ito sa lakas ng suntok ni Dwight sa pisngi niya.

Nanatili pa ring nakatayo si Charm at hindi makapaniwala sa mga nalaman niya. Inuutos ng isip niya na tumakbo na siya paalis sa lugar na yon dahil puro masasamang tao ang mga kasama niya pero ni hindi sumusunod ang mga paa niya sa utos ng isip niya.

Bigla namang sumugod si Brandon mula sa likod ni Dwight at hinampas ito ng baseball bat na kaagad na nakapag paliyad kay Dwight dahil sa sakit.

Tinulungan muna nila Clin at Zhao na makabangon si Zeb at saka sumugod kay Dwight na namimilipit sa sakit.

Halata sa pag ngiwi ni Dwight ang sakit na nararamdaman dahil sa pag hampas sa kanya ni Brandon, pero kahit na nasasaktan ay mabilis pa rin itong tumayo at saka sabay na hinarap ang papasugod sa kanyang sila Clin at Zhao.

Sabay na sumugod ng suntok ang dalawa pero nasapo ni Dwight ang kamao ng mga ito at saka pinilipit ng madiin ang kanilang mga braso.

Sinipa ni Dwight sa sikmura si Clin habang binanatan nito ng suntok sa sikmura si Zhao.

Wala pang 30seconds ay nakahilata na agad sa sahig ang dalawa.

Sunod naman na sumugod si Brandon at humamba na naman ito ng paghampas ng baseball bat kay Dwight.

Nasapo ni Dwight ang paghampas nito gamit ang isang kamay niya pagkatapos ay sinipa nito si Brandon sa tagiliran dahilan para mabitawan nito ang baseball bat at doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Dwight na kunin ang baseball bat at inihampas din ni Dwight sa likod ni Brandon ang baseball bat na kaagad na nagpabagsak sa katawan nito.

Mabilis namang ibinato ni JB ang bola ng baseball kay Dwight pero dahil sa alerto si Dwight ay pinalo niya ito gamit ang hawak na baseball bat pabalik kay JB na tinamaan sa noo at kaagad na nawalan ng malay.

Isang malakas na suntok ang dumapo sa gilid ng labi ni Dwight dahil sa pag suntok ni Dyson sa kanya.

Walang ibang reaksyon si Dwight kundi ang tingnan lang ng nakamamatay na tingin si Dyson.

Napaatras ito at napalunok na halatang natatakot kay Dwight.

Humakbang papunta sa kanya si Dwight. Inihagis nito sa malayo ang hawak nitong baseball bat at saka inupakan din ng suntok si Dyson sa sikmura dahilan para manlambot ito.

Wala pang dalawang minuto ay nakahandusay na sa sahig ang limang sila Brandon, Clin, Zhao, JB at Dyson.

Inantay namang sumugod ni Dwight ang dalawang sila Zeb at Damon.

Tiningnan niya si Damon na halatang walang balak sumugod dahil naka sandal lang ito sa isang poste at kanina pa nanonood, sunod naman na binalingan niya ng tingin ang kaaway nitong si Zeb na nakahawak sa panga nito na halatang hilo pa rin sa suntok ni Dwight.

Tiningnan lang ni Zeb ng masama si Dwight saka naglakad paalis sa lugar pero pagewang gewang ang paglalakad nito kaya naman sumunod sa kanya si Damon para alalayan siya.

Napalunok na humarap si Dwight kay Charm at saka mataman na tiningnan ito pero halata na wala ito sa kanyang sarili at nakatayo lang habang nakatulala.

Napagpasyahan ni Dwight na lapitan si Charm.

Nang makalapit siya sa harap nito ay saka lang ito nabalik sa sarili nito. Dahan dahan iniangat ni Charm ang tingin niya papunta sa mukha at mga mata ni Dwight.

Napadura ng dugo si Dwight saka sinalubong ang mga tingin ni Charm sa kanyang mga mata.

Ngunit kagaya ng naramdaman niya kanina ay nakaramdam na naman ng kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan si Charm kaya napaiwas ito kaagad ng tingin at nabaling ang atensyon sa gilid ng labi ni Dwight na may sugat.

Napalitan ng pag aalala ang ekspresyon sa mukha niya lalo na at napadako naman ang kanyang mga mata sa kamao nito na nagdudugo.

"T-tara na sa clinic!" pagyaya niya dito saka hinila ulit sa braso si Dwight pero gaya ng ginawa niya kanina ay hindi pa rin umubra ang ginawa niyang pag hila dito.

Kahit na sa kabila ng mga nalaman niya ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mag alala kay Dwight.

Gusto rin niya na kay Dwight mismo manggaling kung totoo ba ang mga sinabi ni Zeb sa kanya.

"I don't waste my time. May pupuntahan pa tayo." anito saka hinawakan ang wrist ni Charm na nakakapit sa braso niya.

Hinila niya si Charm papunta sa pool area.


























KASALUKUYANG naka upo ang dalawa gilid ng pool.

Hinubad ni Charm ang kanyang sapatos at saka inilubog sa tubig ang kanyang mga paa at ganoon din ang ginawa ni Dwight. Inilihis nito ang kanyang pants para hindi mabasa.

Nakaupo ang dalawa dahil sa pagkakataong yon ay hindi nanalo si Dwight sa pangungulit sa kanya ni Charm na gagamutin nito ang sugat niya sa kamay at gilid ng labi habang naka upo sila sa gilid ng pool.

Patapos na sa pag gamot si Charm sa kamay ni Dwight at nilalagyan nalang niya ito ng band aid.

Sunod naman na binalingan nito ay sugat sa gilid ng labi ni Dwight.

Halos sabay na napalunok ang dalawa at parang nagkakailangan pa dahil bago para sa kanila ang ganoong senaryo.

Napangiwi nalang si Dwight ng idinampi ni Charm ang cottonball na may alcohol sa gilid ng labi nito.

"Masakit ba?" tanong ni Charm sa kanya.

Pero imbis na sumagot si Dwight ay tiningnan lang niya sa mga mata si Charm.

Kaagad na nakaramdam ng hiya at kaba si Charm sa pag titig nito sa kanya kaya naman hindi nito namalayan na napadiin ang pag dampi nito ng cottonball sa sugat ni Dwight.

"Hala sorry." anito kahit na hindi naman umiimik si Dwight na nasaktan siya.

"Hoy dimwit! Kinikilig ka ba? Bakit ka namumula?" usisa ni Dwight dito dahil halata niya ang namumulang pisngi ni Charm.

Kaagad na napatigil si Charm sa ginagawa niya.

"A-ako? Hindi ah." naiilang na sabi nito saka hinawakan ang dalawang pisngi niya.

"Then look at me!"

Derekta at seryosong litanya ni Dwight habang nakatingin pa rin kay Charm.

"Ayoko nga. Bakit kita titingnan?" anito saka ibinaling ang tingin sa paligid ng olympic size swimming pool ng stanford.

"Aish liar!" bulong ni Dwight pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Charm.

"Lawyer? Hoy hindi ako lawyer no." pag tatanggol nito sa kanyang sarili.

Naisawsaw nalang ni Dwight ang kanyang kamay sa pool at saka binasa si Charm dahil sa sinabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Charm nang tumama sa kanyang mukha ang tubig na inihagis ni Dwight sa kanya.

Bigla namang napangiti si Dwight sa cute na reaksyon ni Charm.

Dahil umiral na naman ang pagiging childish ni Charm ay tatayo sana siya para gantihan si Dwight nang mag sala ang kanyang pag tapak at kamuntikan na siyang malaglag sa malalim na olympic size swimming pool.

Buti nalang at kaagad na nahawakan siya ni Dwight sa braso nito.

"Waaah. Hindi ako marunong lumangoy!" kinakabahang sabi nito kay Dwight.

"Then you should be careful." ani Dwight dito.

Pero isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa labi ni Charm at mabilis na isinawsaw nito ang kanyang kamay sa pool saka binasa si Dwight.

"Ayan! Gantihan lang." natatawang litanya nito saka tumayo.

"Aish!"

Singhal ni Dwight dahil nabasa ang halos kalhati ng uniform niya.

Kaya naman tumayo na din ito para gantihan si Charm sa ginawa nito.

Napaatras si Charm at doon naghanap ng pwedeng ipang sangga sa kung ano mang gagawin ni Dwight sa kanya.

Nahagilap ng mga mata niya ang isang water hose at kaagad na kinuha yon at itinapat kay Dwight.

"Sige subukan mong lumapit!" pagbabadya niya dito pero hindi nasindak dito si Dwight bagkus ay patuloy pa rin ito sa pag lapit sa kanya.

Walang nagawa si Charm kundi ang basain gamit ang water hose si Dwight.

Gulat ang reaksyon ni Dwight dahil sa lamig ng tubig at hindi niya akalain na itutuloy ni Charm ang pananakot nito.

Natatawang pinag patuloy ni Charm ang pagbasa kay Dwight dahil tuwang tuwa siya sa reaksyon nito.

Nahagilap ng paningin ni Dwight ang isa pang water hose kaya naman nanakbo siya papunta dito at kaagad niya itong kinuha, mas malaki ang hawak nitong hose kesa sa hawak ni Charm.

Hindi maikakaila ni Dwight na nakaramdam siya ng excitement at kakaibang saya habang kasama niya si Charm ngayon, kaya naman hinayaan nalang niya ang kanyang sarili na sumunod sa gusto nitong mangyari.

Naramdaman niyang papalapit na sa kanya si Charm para basain siya kaya naman itinapat niya kaagad ang butas ng hose dito saka binasa si Charm.

Isang gwapong ngiti ang sumilay sa labi ni Dwight na kalaunay nauwi sa pag tawa nito dahil sa itsura ni Charm, basang basa na ito at parang naligo sa ulan.

"Dwiiiight nakakainis ka." reklamo ni Charm dito pero patuloy pa rin sa pagtawa at pag basa sa kanya si Dwight.

Hindi naman pumayag si Charm na hindi makakaganti kay Dwight kaya naman hinabol niya si Dwight bitbit ang hawak niyang water hose.

Matagal ding nagtawanan habang naghabulan ang dalawa na patuloy pa rin sa pagbabasaan.

Biglang namang napahinto si Charm sa pagtakbo at pagbasa kay Dwight matapos mapagtanto ang isang bagay.

Nagtaka naman si Dwight sa kanya kaya napahinto din ito.

"Why?" Takang tanong nito sa kanya.

Inihagis ni Charm ang hawak niyang hose saka lumapit kay Dwight at tiningnan ng malapitan ang mukha nito.

"Sabi ko bakit?" ulit na tanong nito sa kanya at isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Charm.

"Hindi ako makapaniwala ngumiti at tumawa ka kanina." masayang litanya nito saka pinisil sa pisngi si Dwight.

"Aish! Don't touch me." Pag suway nito sa kanya.

"Yieeeee tumawa siya kanina." pang aasar pa ulit nito pagkatapos ay sinundot sundot pa ang tagiliran ni Dwight.

"Stop it. Let's go home." Pagyaya sa kanya ni Dwight.

Pero may biglang naalala si Charm kaya napatigil ito kanina.

"D-dwight totoo ba ang lahat ng sinabi ni Zeb?" anito na kanina pa niya pinipigilan ang pagtatanong dito pero kusa na itong lumabas sa bibig niya.

"Depende sayo kung paniniwalaan mo." sagot nito kay Charm.

Pumunta si Dwight malapit sa isang maliit na cabinet at saka kinuha ang dalawang tuwalya.

Lumapit ito kay Charm at saka ibinalabal ang isang malaking tuwalya mula sa ulo nito hanggang sa waist.

Natigil naman saglit si Charm dahil kakaiba para sa kanya ang ginagawang kilos ngayon ni Dwight.

"Go home now and be safe!"

Mahinahon pang sabi ni Dwight mula sa malalim na boses nito at gumuhit ang isang maliit at pigil na ngiti mula sa labi nito habang nakatingin sa mga mata niya.

Tumango lang si Charm bilang sagot ngunit hindi nito magawang salubungin ang tingin ni Dwight sa kanya.

Tinapik lang siya ng mahina ni Dwight sa balikat.

"Hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko para lang paniwalaan ng mga tao dahil alam ko naman sa sarili ko ang totoo at depende nalang yon sayo kung paniniwalaan mo ako."

Paliwanag niya saka naglakad na ito paalis ng pool area.

"Be safe dimwit!"

Pahabol pa nito at naiwan doon na nakatulala at namumula ang pisngi na si Charm.

Continue Reading

You'll Also Like

93.5K 2.1K 41
WELCOME Date Created: November 17, 2017 Date End: February 19, 2019 ~ Hello Guys im just one of the small authors here in wattpad that want to be on...
105K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.6M 31.9K 57
PROBINSYANA GIRL MARRIED MAFIA BOSS (EDITED DESCRIPTION) HER Nagmula lang naman ako sa isang simpleng bayan at napadpad sa MANILA para maghanap ng tr...
1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...