SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 28 - Severe Fall

1K 35 16
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

throbbingheart says: This is dedicated to Lei. She's one of those wonderful, supportive and appreciative person I met here in watty. She's very interested in SLY, and this is making me emotional. MARAMING SALAMAT LALO NA SA IYO, na nagbabasa nito ngayon.

Your long wait is over! Here it is now. I gave my all here. Hope this will make your wait worth it :) Sobrang na-moved lang ako na pagka-published na pagka-published ko ng previous chapter, three votes agad. First time! XD

 

Imagine you were Dinelle in this case. I really feel her here.

Case 28

Severe Fall

 

 

Dinelle’s POV

 

"Suralvo, will you believe me if I said I love you?"

I was dumbfounded with what he whispered.

Kung huminto ang mundo o ang tibok ng puso ko, hindi ko sigurado.

Ito..

Ito ang unang beses na sinabi niya ito sa akin.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"I'm interested in you."

"I like you."

"I think I love you."

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Hindi niya ako kailanman diniretso.

"No. Wag mong sasabihin." napayuko ako. "Enough of lies. I'm tired, Detective."

Gusto kong marinig pero naaawa na ako sa sarili ko. Ako rin kasi ang naiiwang nasasaktan sa dulo. Masyado nang malalim ang pagkahulog na ito.

Naghintay ako. Hinintay kong isang araw, gigising ako na wala na itong nararamdaman ko. Hinintay kong lumipas o magsawa ako pero.. kabaliktaran ang nangyari.

I fall really hard. Nah, I'm falling continuously.

"Let me go, please." halos nagmamakaawa na ang tono ko.

Kailangan ko nang umalis. Tumakbo palayo. Tumakas. Hangga't may lakas akong lumayo, lalayo ako. Lalayuan ko siya.

Binitawan niya ang braso ko.

I feel something that cuts me in the heart. Pero mabuti na ito, mas masasaktan pa ako kung hindi niya pa ako bibitawan.

I was about to touch the door opener when he talks.

"Bakit pakiramdam ko gusto mong pigilan kita? Suralvo, ngayon lang ako nahirapan buong buhay ko. Ano bang dapat kong gawin?"

I hold the door opener.

"Gusto kong ibigay ang gusto mo, kaya binitawan kita. You don't want me to tell you my feelings and I'm being it."

Huminga ako nang malalim bago ko nagawang pihitin ang pintuan.

Lalabas na sana ako nang may narinig na akong bumagsak.

Napalingon ako agad sa likod ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko sa semento si Wanna Be.

Kitang-kita ko ang mabagal na pag-agos ng pulang likido sa lapag.

Isinara ko ang pinto at lumuhod ako sa tabi niya. "B-Bakit?"

Pinunasan ko ang luhaan kong mukha para malinaw ko siyang makita. "D-Detective?" hahawakan ko sana ang mukha niya nang nanginginig kong kamay pero nailayo ko iyon at naikuyom.

"Bumangon ka nga dyan. Arte ba ito para hindi ako lumabas? Halimaw ka talaga. Ganito ka na ba ka-desperado?"

Tumayo ako.

"F-Fake blood. Stop this prank! Now! Hindi mo ako maloloko." tumalikod ako.

Tahimik. Walang ingay. Walang kahit na anong boses niya.

"Bakit ba hindi ka nagsasalita?!" inis na hinarap ko uli siya. "Kapag hindi ka pa tumayo dyan, h-hindi na talaga kita kakausapin habang-buhay. Seryoso ako."

I kneeled again and reached for his hand. It's very cold.

Hinawakan ko rin ang umaagos na parang dugo sa gawing tagiliran niya, at nang tingnan ko nang malapitan ang kamay ko.. "Blood. You're bleeding!"

My heart races.

Humakbang ako gamit ang dalawang tuhod ko para hawakan ang pisngi niya. Inaaapoy siya ng lagnat.

"D-Detective! Open your eyes." kumalat na ang dugo sa pisngi niya dahil sa pagtapik na ginawa ko. "Detective!" nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko.

Tumayo ako at nagpalinga-linga. Nakita ko ang malaking bag niya at ibinuhos ko sa lapag ang laman noon.

May nakita akong panyo at kinuha ko iyon saka dinala sa faucet para basain. Nanlalambot ang buo kong katawan kaya nahirapan akong palipitan iyon.

Tarantang-taranta ako na hindi ko na alam ang gagawin ko, wala akong alam sa mga ganitong bagay.

"Iyong ipis na ito ang may gawa nito sa iyo.. curse her! Damn her!" naupo ako sa semento at ipinahid sa mukha niya ang panyo. "Sana hinayaan mo na lang siyang malunod!"

Ito pa ang suot niya kaninang umaga, walang dudang gusto niya na talagang mamatay kaya hinayaan niyang matuyo sa katawan niya ang basa niyang damit.

"Kung magpapakamatay ka, siguraduhin mong hindi ko makikita! Wala ka talagang kwenta."

Napansin ko ang patuloy na pag-agos ng dugo sa tagiliran niya kaya lalo akong nataranta.

Iniangat ko ang suot niyang t-shirt at napasinghap ako sa nakita kong bandage na nag-kulay pula na.

"Detective.." tinapik ko ang braso niya. "Detective, natatakot na ako." napayuko ako sa dibdib niya.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Papa? Why is there so many people in our house?" hila-hila ko si Twinkle nang lapitan ko si Papa sa wooden chair niya.

"They want to see your Mama."

"Oh you must call her Papa. She'll be happy when she knew that there are many people who came to see her." luminga-linga ako at nakita ko rin ang cordless phone namin.

Hila-hila pa rin si Twinkle na Teddy Bear ko, tumingkayad ako para abutin iyon, saka ko uli nilapitan si Papa.

"Papa here o. Call Mama." iniabot ko ang phone kay Papa.

Yumuko si Papa sa mga palad niya at nagsimulang gumalaw ang balikat niya.

"Papa?" inilapag ko sa sahig ang phone na hawak ko at hinaplos ko ang likod ni Papa. "Why are you crying, Papa?" inusenteng tanong ko.

Inihilamos ni Papa sa mukha ang palad niya at nginitian niya ako. "Come here, my princess." nabitawan ko ang malaking bear ko nang kargahin ako ni Papa at iupo ako sa mga hita niya.

"Your Mama left."

Kumunot ang noo ko. "Yeah. She always left for work. Then you'll fetch her and bring her home."

"Listen, my princess. Your Mama.. your Mama.." nakita ko ang magkasunod na pagpatak ng luha ni Papa. ".. your Mama is.. is.."

Bumaba ako sa kandungan ni Papa at hinila ko si Twinkle sa tenga niya.

"Mama? Mama! Mama.." tumingkayad ako para pihitin ang doorknob. Pupuntahan ko si Mama sa room nila ni Papa.

"Mama! Mama!" nakalabas na ako sa pintuan. Dati, dalawang tawag ko pa lang sumasagot na si Mama pero bakit parang hindi niya ako naririnig ngayon?

"MAMA!! MAMA!! MAMA!!" pinagtinginan ako ng mga tao sa ibaba namin.

Nilapitan ako agad ni Yaya. "Baby, let's go to your room. It's already late."

"Yaya?"

Pinantayan ni Yaya ang mukha ko. "Yes baby?"

"Have you seen Mama?" pero gaya ni Papa, may tumulong luha sa pisngi ni Yaya.

Napatingin ako uli sa ibaba at may nakita akong white rectangle na ipinapasok sa loob ng bahay namin.

"Yaya? What is that white thing?" tinuro ko iyon. "Look at that Yaya! My Mama's picture is above that thing. Is Mama already home? Huh Yaya?"

"Mama?! Mama!" nagtinginan uli sa akin ang maraming tao sa ibaba at nakikita kong pati sila umiiyak.

Napaluha na rin ako. "Papa is crying. Yaya is crying. Everyone here is crying."

Natakot ako noong gabing iyon.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Detective, gumising ka na."

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Sir! Gumising po kayo. SIR! SIR!!"

"That's Yaya. Why is Yaya shouting?" tanong ko kay Blink na Teddy Bear ko.

Tumayo ako at isinama ko si Twinkle sa paglabas ko.

"SIR!" nakatakip ng bibig si Yaya. May mga nakaputing taong inihihiga si Papa sa puting kama na may wheels.

Tumakbo ako at kinausap ko ang mga nakaputing tao. "Excuse me, where will you bring my Papa?"

"Sa ospital. Gagamutin namin siya." iyon lang at mabilis na nilang kinuha si Papa.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Natatakot na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Walang Mama! Ah.. walang Mama!!"

Napalunok ako. "Meron! Meron akong Mama!"

Paulit-ulit nilang sinasabing wala akong Mama pero alam kong meron.

Nagtatawanan sila.

"Why are you like that? I just want us to be friends." naluluhang sabi ko.

Tinulak ako noong isang babae. "Ayaw namin ng friend na walang Mommy."

Napaupo ako at humapdi ang siko at palad ko. Nakita ko ang dugo doon.

Noong mga oras na iyon, wala akong ibang gustong makita kundi ang Mama ko kaya tinawag ko uli siya.

"Mama.. Mama.."

Kahit hindi siya dumadating. Kahit hindi ko na siya nakikita. Palagi ko pa rin siyang tinatawag sa tuwing hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Ma.."

Kung nandito siya, alam niya ang gagawin.

"Detective, please wake up.."

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Wake up! Come on!" pumalakpak ng dalawang beses si Papa at gulat na napabangon ako.

"You're late! Magagalit sa atin ang Uncle mo! Di'ba sabi ko sa iyo 5am pa lang dapat nandoon na tayo?"

"Sorry Papa."

"Paano kapag tinanggal ka niya sa storya? Bago ka pa lang, pero wala kang disiplina! Ipapahiya mo ba ako? HA?!"

Napayuko ako kay Blink, natatakot ako sa hitsura ni Papa. Baka saktan niya na naman ako.

But then he harshly grabbed my bear and throw it outside the window.

"Blink!" napatakbo ako sa bintana at nakita ko ang Bear ko na madumi na.

"Enough of your toys!! Take a bath now and wear your pink jacket!"

I bite my lip. Pinipigilan ko ang pag-iyak dahil ayaw iyon ni Papa.

"Y-Yes Papa." nagmamadaling nagtungo na ako sa C.R.

Hindi agad ako naligo. Naupo ako sa nakasarang toilet at mahina akong umiyak habang hinahaplos ko ang braso ko na hanggang ngayon ay nangingitim pa sa pasa.

That's why Papa wants me to wear my jacket. He doesn't want someone to see this.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Detective pati ba ikaw? Pati ikaw iiwan mo rin ako?"

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Kaya kong iwan si Dinelle. I'm just using her."

Natigilan ako. Dapat sana'y ipapakita ko kay Kiel ang cupcake na ako mismo ang nag-design.

Pinapayagan lang akong kumain ni Kiel ng cakes kung ipapakain ko sa kanya ang icing. Kaya naman dalawang araw akong tumanggi sa pagyayaya niya ng date. Dalawang araw ko kasing pinag-praktisan ng mabuti ang paggawa nito.

"But it doesn't look like it." sabi ng co-director naming kausap niya.

"My acting skills are one of a kind. Magaling na actress si Dinelle, kailangan kong pantayan ang pag-arte niya."

Pag-arte? Kung ganoon, sa buwan na pinagsamahan namin, umarte lang akong mahal ko siya? At ganoon din siya sa akin?

I looked at my wrist. May malaking marka ng oven. Napaso ako sa ilang beses kong attempt na i-perfect ang cupcakes na ito.

"Sa nakikita ko, mahal ka niya. Kung malalaman ito ng Mom mo, sigurado akong--"

"I DON'T LOVE HER!! Wala akong pakialam sa pesteng nararamdaman niya! Ginagamit ko lang siya para mas panoorin ng tao ang mga gawa ko."

Nabitawan ko ang box ng cupcakes.

"Dinelle?"

I sarcastically smile at Kiel.

"Ka-Kanina ka pa?" nilapitan niya ako.

"Kind of. Wag kang mag-alala, hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang gawin ito." sinampal ko siya ng ubos lakas.

"Glad to hear those, Kiel. Napaka-timely. Gusto ko na kasi ng break-up. Hindi ko na pala dapat intindihing baka masaktan ka." napayuko ako. "Let's end it here."

Matagal bago siya sumagot pero hanggang ngayon nag-eecho pa sa tenga ko ang iisang salitang sinabi niya.

"Okay."

"Okay?" napatingin ako sa kanya.

"Okay, you're free."

"Haah.. thank you. Salamat! Hindi ko alam ganito kadali iyon." my lips were shaking, I've been holding my tears.

But as soon as he turn his back on me, batch by batch.. my tears strode down my cheeks.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"I'm begging you, Detective. Don't be like them. I know you can't leave me. Prove me right and wake up, please. Do you want me to be alone?"

Naramdaman kong may humaplos na kamay sa ulo ko. Lumayo ako sa dibdib niya para tingnan siya.

"You're alive.." napapikit ako ng madiin saka ko uli siya tiningnan. "Akala ko.. akala ko pati ikaw.. akala ko kagaya ka rin nila.. akala ko hindi na-- UNGAS KA TALAGANG IPIS KA! Hindi ko alam ang gagawin ko kung-- paano kapag--"

"I just fell asleep." nanghihinang putol niya sa mga sasabihin ko.

"Fell asleep? Oh you can't fool me!! Wala ka bang utak? Bakit hindi ka nagbihis pagkatapos mong magpaka-superman sa bubuyog na iyon? Sawa ka na ba sa buhay mo? Hindi mo man lang naisip na baka lagnatin ka?"

He chuckled.

"The nerrrve!! Anong itinatawa-tawa mo diyan? Nagde-deliryo ka na ba? Masaya ka dahil nag-aagaw buhay ka na? Sira yata talaga ulo mo. Nakikita mo ba ang sarili mo? You're bleeding!!"

"Yeah, and that's why I'm laughing. You can't leave me now. I'm happily bleeding, Suralvo."

"Seriously!" I blew air. "ARE YOU DAMN CRAZY?! This is not funny!! I almost die here! I was very scared!"

"You shouldn't be. Kaya kitang bitawan pero hindi kita kayang layuan. Kaya kitang iwan pero hindi ko kahit kailan aalisin ang paningin ko sa iyo. Remember those especially when you're scared. Remember I'm always here for you." he coughed blood.

"D-Detective!"

"Kung lahat ng tao hindi ka maiintindihan. Kung lahat sila iwan ka, layuan o saktan. Kahit lahat sila tumalikod sa iyo, Suralvo hindi ako."

Lalo akong napaluha sa narinig ko. Naisip ko lahat ng sakit na naranasan ko. Lahat ng taong iniwan ako. Ang mga hindi birong hirap na tiniis ko para lang sa kagustuhang mapasaya ang kaisa-isang pamilya ko. Ang Papa ko. Para ipagmalaki niya ako. Para lang mapansin niya.

Pagkatapos ng lahat, kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na may tao palang gugustuhing manatili sa tabi ko.

Pinunasan ko ang dugo sa labi niya gamit ang basang panyong hawak ko. "Kailangan mong sabihin sa akin ang gagawin ko para tulungan ka."

"Staying here with me is enough." he managed to smile.

Hindi ako tumataya sa larong hindi sigurado ang pagkapanalo ko. Hindi ko itinataya ang tiwala ko. Pero ngayon, wala na akong pakialam kung masaktan ako.

Holding back won't do.

I've decided. I will let myself fall, despite of my fear of being left behind. I will avoid regrets and take this chance to completely fall for a detective.

Bahala na.

"Stay here? To watch you slowly dying? What a brilliant idea!!" I sarcastically said.

"Kaunti na lang, Suralvo. Kaunti pa at iisipin ko na talagang gusto mo ako."

Natigilan ako.

"Kung sasabihin ko bang gusto kita, gagaling ka?"

Ito ang unang beses na tingnan niya akong parang may sinabi akong imposible.

ö~ö~ö~ö

Reyjan's POV

"Yow!" bati ko kay Tim nang pagbuksan niya ako. "Pare! Tayo na lang daw kulang sabi ni Fai." naupo ako sa kama ni Tim habang pinipindot ang phone ko.

"Wag nyo na akong isali sa kalokohang iyan."

Napatingin ako kay Tim. Naglagay siya ng malaking headphones sa tenga at naupo sa sofa.

"Ayaw mong maki-skype? Di ka ba interesado sa ipagtatapat ni Ai?"

Tinanggal niya bigla ang headphones. "WAG MO SIYANG MATAWAG-TAWAG NA AI!"

"Fine. Chill. Relax lang. Magtapat ka nga pare! Endearment mo ba 'yon sa kanya?" natawa ako. "Baduy! Ai? Parang nagulat lang. HAHAHAHA."

May tumamang throw pillow sakto sa mukha ko.

"Ano bang ikinaka-pikon mo? Tsaka bakit kayo lang ni Fai ang pwedeng tumawag kay Ailyn na 'Ai?' "

"Out of your business. Dahil kahit ipaliwanag ko, hindi maiintindihan ng manipis mong utak."

"Pare, usapang-lalaki nga.. may namamagitan ba sa inyo ni Fai?"

"What?"

"Kasi may letter A at letter I din siya sa pangalan. Tapos kayo lang ang tumatawag na Ai kay Ailyn."

"Di lang pala manipis ang utak mo, makitid pa. WALA AKONG GUSTO SA SYOTA MO!"

Tumayo ako at naupo rin sa sofa. "HAHAHAHA pare dahan-dahan! Kinikilig ako eh. Di ako prepared. Nakaka-blush. Next time, inform mo muna ako."

Kamuntik na akong mangudngod sa center table nang batukan niya ako.

Minsan nang naging kami ni Fai pero wala na kaming relasyon ngayon. Madalas nga kaming magka-ilangan kapag magkaharap, sa messages lang kami nagkakausap ng maayos hanggang ngayon.

"Sira na ulo mo. Di ko akalaing pati ako pagseselosan mong bugok ka! Lumayo-layo ka nga, baka banatan kita."

"Banat? Pick-up line? HAHAHAHAHA. Bakla ka pare? Lakas ng charm ko, minsan naiinis na rin ako e. Nakakadagdag ang ka-gwapuhan ko sa pagdami ng bakla, kaya nga palagi tuloy akong nangungumpisal."

Sinipa ako ni Tim ng tatlong beses. "Tanga! Si Pete ang type ko. HAHAHAHA."

Natawa din ako ng malakas. "HAHAHAHAHAHA magkaribal pala tayo pare. May the best man win na lang?"

"Lanya! Baka ipapatay tayo ni Phia!"

"Ayy! Wit! Baka jombagin ko ang fes niya! War na ito baklaaa!!" panggagaya ko sa boses ni Crishae na manager ni Din.

"Loko pare! Bakla ka yata talaga. HAHAHAHA."

"Positive!! Havey na havey! Halika apir tayo!! Dali!"

Nag-apir kaming dalawa ni Tim habang parehas na malakas ang mga tawa namin.

"G-Guys.."

(-.-)   (-.-)

Nakabukas na pala ang Skype.

"Ka-Kanina pa kayo?" nauutal na tanong ko.

Sumenyas si Ren ng 'medyo' gamit ang daliri niya, habang may nanunuksong ngiti.

"Ahh.. yung kanina.. ano kasi.."

"Tanga! Wag kang magpaliwanag, mukha kang defensive." hinampas ni Tim ang balikat ko. "Mag-hi na lang tayo kay Pete."

"Hindi naman iyon eh." bulong ko kay Tim. "N-Nakita tayo ni Fai, baka isipin niyang--"

"Hi Fai!!" imbes ay malakas na bati ni Tim.

"H-Hello." sagot naman ni Fai.

"Fai, iniisip mo bang bakla si Reyjan?"

(O__O)

Nakita kong umiling si Fai.

Sira-ulo talagang Timmy boy ito.

"O ayan Reyjan! Hindi naman pala. Wag ka nang mag-alala." tukso pa ni Tim.

Patagong siniko ko ang tagiliran niya.

"Hi Pete!" ibinalik ko na sa dati ang boses ko para baguhin ang sitwasyon.

Blanko ang reaksyon ni Pete, pero si Phia inirapan ako.

Sabay kaming natawa ni Tim.

"Hoy Jun! Ano iyang kinakain mo?" kanina pa kasi hindi nagre-react ang sira-ulong genius. Mukhang pinalitan niya ang role ko ng pagiging patay-gutom.

"Coo--kies. Cookies mga pare. Dala ni Fai." tumatalsik pa ang butil-butil noon sa screen.

"Tsk. Tsk." napailing si Tim.

Alam kong sa iling ni Tim, ang sunod niyang sasabihin ay naiinggit ako, kaya sinimplehan ko na siya ng senyas na manahimik siya.

"Favorite cookies ito ni Reyjan, di'ba Jun?" tanong ni Ren sa katabi niya.

Natawa ng malakas si Tim. Sinabi rin kasi nitong Ren na ito ang dapat ay sasabihin niya. Kung pumapatol lang ako sa babae, baka nasapak ko na si Ren eh.

"Oo dati nga, naka-isang kagat lang ako sa cookie na bigay ni Fai sa kanya, binanatan niya na ako e. Sabi pa niya, dadaan daw muna ako sa malamig niyang bangkay bago ako makakain."

( O//O)>

"Pare, ang obsessive mo naman pala. Mukhang ilalaban mo ng patayan ang cookie ni Fai ah?" tinapik ni Tim ang balikat ko habang matawa-tawa.

"Tsh! Shatap Timmy boy!"

"Ano bang lasa, Jun? Karapat-dapat bang ipagpalit sa buhay?" tanong ni Tim sa screen.

"Kanina ko pa nilalasahan ng mabuti, heto.. mauubos ko na nga kaso hindi ko pa rin naiintindihan anong meron dito para ipagpalit ni Reyjan ang pagkakaibigan namin at nasapak niya ako."

"Nagbabago kasi ang lasa at paningin ng isang taong inlove." singit pa ni Ren.

Loko 'tong mga ito ah? Parang pinagtutulungan ako.

Napansin kong naiilang na rin si Fai at hindi siya makatingin sa screen. "Nasaan na ba si Ailyn?" tanong ko.

"A-Ahh.. tatawagin ko na." tumayo si Fai at lumakad siya palayo, hanggang sa hindi na namin siya nakita sa screen.

"Tim! Maganda ba diyan? Magsend ka naman sa amin ng pictures." maya-maya ay sabi ni Phia.

"Sure." agad na sagot ni Tim.

"Marami bang souvenirs na mabibili? Bumili kang siyam na magkakamukhang shirt para sa atin. Ha?" masiglang sabi uli ni Phia.

"Oo ba. Marami namang pera si Reyjan."

"Pare! Parang may patago ka ah? Pero di bale. Leave that to me. Basta magkakulay ang amin ni Pete, masaya na ako. First couple shirt namin."

Lumabi si Phia at matalim na tiningnan niya ako.

"HAHAHAHA asan nga pala si Din?" pagliliko ko sa usapan.

"Dinaanan daw ni Fai sa condo kanina pero may magazine interview raw sabi ni Crishae." si Ren ang sumagot. "Oh! Ito na pala si Ailyn eh."

Nakangiting naupo si Ailyn sa couch at tinabihan naman siya ni Fai.

"Guys, thank you kasi nandito kayo. Hindi nyo ako binigo." pagsisimula ni Ailyn.

Napangiti ako. Minsan talaga humahanga ako sa pagkakaibigang meron kami. I can describe our friendship as 'nothing but amazing.'

Kapag may problema ang isa, magsasakripisyo buong barkada. Higit pa sa Ate at Kuya kung magturingan kami. Maraming problema na kaming napagdaanan, dumating sa punto na wasak na talaga ang grupo, mabuti na lang dumating si Din noong araw na iyon.

Ailyn sighed deeply.

I mean she always did. Hindi yata mabubuo ang araw niya nang hindi siya bumubuntong-hininga. It couldn't be her if she don't.

"It's all about the guy I came to be fund of ever since. Hindi ko alam, pero kapag tinitingnan ko siya.. napapangiti ako. Kapag may problema akong hindi ko masabi sa inyo, nakikita ko siya. Nakikita ko kung paano siya magtiyaga. He has this ability to inspire me unconsciously. Palagi iyon, palagi ko siyang nakikita kapag mabigat ang loob ko, pagkatapos mapapangiti na lang ako."

"I know that feeling! I always felt that everytime I see Pete." biglang singit ni Phia na kumikislap pa ang mga mata.

"Everytime I want to give up being the Student Council President, he's there to gave me strength. He played a very important role in my life. Kung wala siya, baka matagal nang wala ang Ailyn na kilala nyo."

I can see a slight yet bright smile on Ailyn's lips.

"Woah! I want to meet that person. What kind of guy could he be?" Ren eagerly asks.

"Actually you all know him. He's kind of popular. Si Fai ang unang nakaalam na gusto ko itong taong ito. Nakakatawang mas nauna pa niyang malaman kaysa sa mismong sarili ko."

Tumayo si Phia mula sa pagkakaupo sa carpet at tinabihan si Fai. "Popular? Kasama ba siya sa Popular Eleven? Ha Fai? Ha? Ha?"

"O-Oo." pagkumpirma ni Fai.

Phia snapped. "Sabi na eh! Kilala pa namin sabi mo di'ba Ailyn?"

"Is he cute?" pati si Ren ay nag-indian sit sa carpet para harapin si Fai.

"Eh.. um-um." naiilang na tumango si Fai.

"Everyone adores him, right?" tanong ni Phia.

"Yeah.."

"Kilala ko na! Kilala ko na!" pumalakpak si Phia.

"Parang kilala ko na din." komento naman ni Ren.

"WAAAA!! Iisa ba tayo ng iniisip, Ren?" inabot pa ni Phia ang dalawang kamay ni Ren.

"Nasa basketball team siya??" patanong na sabi ni Ren.

"OO!! OO!! IISA NGA TAYO NG INIISIP!! UWAAA!! ANG GALING!" kulang na lang lumundag si Phia.

"Alam mo, Ailyn? Bagay talaga kayo!" kinindatan ni Phia si Ailyn. "Natatandaan mo noong minsang mag-drawing ako ng wedding gown mo? Siya talaga ang naiisip kong katabi mo sa imagination ko."

"Phia naman." namumulang sabi ni Ailyn.

"Sa tingin ko nga, gusto ka rin niya. Ah hindi, sigurado ako. Siguradong-sigurado." side comment ko.

Tinaas-baba ko ang kilay ko kay Tim.

"Tindi mo talaga pare." mahinang tukso ko sa katabi ko.

Haba ng buhok! Pinatawag pa kaming lahat ni Ailyn para lang mag-confess sa kanya. Kampay! Mamaya tatagayan ko ito. Totorpe-torpe lang pero luma-lovelife.

"P-Paano mo nasasabi iyan Reyjan? Tingin ko nga wala akong pag-asa sa kanya e."

Tumayo si Tim at nahiga sa kama niya. Isinuot niya ang head phones niya.

Napakunot ang noo ko.

Problema ng tukmol na ito? Nahihiya ba siya?

Lahat ay nagtaka sa ikinilos ni Tim, kaya para pagaanin ang sitwasyon.. "Nahiya si Timmy the mighty boy! HAHAHA!" iyon na lang ang sinabi ko.

"Nahiya? Bago iyon! Saan niya natutunan? HAHAHA." pinangalawahan ni Jun.

Napapailing si Phia habang nakangiti.

"Basta ako!" nagtaas ng kamay si Ren. "Ako sang-ayon ako kay Reyjan! Gusto rin niya si Ailyn. Sigurado!"

"Yeah! Halata naman kung paano niya tingnan si Ailyn. Ayiiie!! Full of love!" kinikilig na sabi ni Phia.

Pero nawala ang mga ngiti ko nang mapayuko si Fai.

Si Pete naman ay yumuko rin para laruin ang PSP niya.

Bakit parang pakiramdam ko may mali?

"Kaibigan ko talaga kayo. Pinapalakas nyo ang loob ko." malawak at maganda ang mga ngiting ipinakita ni Ailyn. "Alam nyo ba nitong huli? Binilhan ako ni Justin ng gatas at ibinalik niya sa akin ang nawalang phone ko."

Natahimik kaming lahat.

Siguro..

Nilingon ko si Tim na kasalukuyang nakatulala sa kisame habang may head phones.

Siguro.. una pa lang alam na ni Tim na ito ang sasabihin ni Ailyn. Kaya pala iba ang ikinikilos niya mula pa noong umaga. Kanina nga lang siya nakipagtawanan sa akin.

"S-Si Justin kamo?" nauutal na tanong ni Phia.

Ito pala iyon. Kaya pala lately parang pinaparusahan ni Tim ang sarili niya sa basketball practice.

Bakit hindi ko agad naisip na pwedeng si Justin ang tinutukoy ni Ailyn? Parang gusto kong masapak ang sarili ko.

"Um!" tumango si Ailyn. "Si Justin nga. Bakit? May iba pa ba?"

Sinong mag-aakala na pagkatapos ng gabing ito, hindi na namin maririnig uli ang tawa ni Tim...

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Kung sasabihin ko bang gusto kita, gagaling ka?"

Gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil nasabi ko iyon, pero naisip kong balewala na rin dahil bukod sa nasabi ko na, hindi na rin ako dapat mag-alala dahil iba't-ibang klaseng kahihiyan na ang nangyari sa akin kapag itong Wanna Be na ito ang kasama ko.

Sandaling natigilan siya pero bumalik na rin uli sa dati ang expression niya.

Pero ako naman ang nabigla noong tumango siya.

"Tell me you like me."

Ilang beses kong ibinukas ang labi ko pero walang lumabas na salita sa bibig ko.

Ngumiti lang siya. "Binibiro lang kita."

I don't know but I can feel he's lying.

"Detective?"

Pumikit siya. "Hm?"

Sa hitsura at sitwasyon niya, parang.. parang.. parang malapit na. And seeing him like this, kills me. I can't just watch him!

"I don't know any medicines. I don't know first aid. H-Honestly, I don't know what will I do now."

"I know." he chuckled with his eyes still closed.

I suddenly remember my dream. I dreamt of him, bloodily laying in a pure glass coffin and fire was all over.

Sa panaginip ko, para akong sinasaksak ng paulit-ulit noong lapitan ko siya. Hinihingal pa ako noong magising ako.

"Can you still hold the pain?" I asked him again.

"Yeah."

Sa iksi ng mga sagot niya, alam kong niloloko niya lang ako at nahihirapan na talaga siya.

"Detective?"

"What.."

"I once heard Beatriz talking about how much she can sacrifice just for you to love her back. Patago ko siyang pinagtawanan noon."

He opened his eyes and meet mine.

"Sabi ko pa noon sa isip ko, napakatanga niya. Na wala siyang isip. At na kahit kailan, hindi ako magiging ganoon sa kahit na sinong lalaki. Pero gusto kong pagtawanan ang sarili ko ngayon."

"Sural--"

"Sshh!" tinakpan ko ang labi niya. "Remember that night at the sea? You said I'll sacrifice for Kiel? Sabi ko noon sa sarili ko, hindi sacrifice iyon kundi sympathy. Sabi ko awa lang iyon, naaawa lang ako sa kanya."

Binitawan ko ang labi niya.

"You always save me. You always sacrifice for me." napatingin ako sa itaas para pigilan ang luha ko habang sinasabi ko ito.

Pati ang pagdudugo ng tagiliran niya ay dahil rin sa akin. Kung hindi ako umasang mananalo siya, hindi niya gagawin ito sa sarili niya.

"And right now, walang ibang mahalaga sa akin kundi ang mabuhay ka." tumayo ako. "Hintayin mo ako."

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may humawak sa braso ko.

( O______O) S-Si Wanna Be. Nakatayo siya sa likod ko at sapo niya nang isang kamay niya ang tagiliran niya.

"Ano sa tingin mong gagawin mo?" tanong niya kahit nahihirapan sa pagsasalita.

"Kung hindi ako hihingi ng tulong sa iba, mamamatay ka!" galit na sagot ko.

Napaupo siya at nakakunot ang mga noo.

"Nakita mo na? Kailangan natin ng tulong." hinarap ko na uli ang pintuan pero inabot niya uli ang braso ko kahit nakaupo siya.

"I.. won't.. let.. you..."

"I won't let you too." hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal ko ang pagkaka-kapit niya sa akin.

"Ikaw na ang may sabi!" sigaw niya.

Natigilan ako.

"Ikaw na ang may sabi.. nahirapan kang makuha lahat ng meron ka.. at wag mo iyong itapon dahil lang sa akin." bumilis ang paghinga ni Wanna Be. Nagtataas-baba ang balikat niya.

"Hindi ko iyon itatapon."

"You're always like this since I met you in the gym. Think of the consequences, will you? Kahit ngayon lang. Mag-isip ka muna bago ka kumilos. Don't be stubborn."

"Pagkatapos ng lahat, iyan pa ang maririnig ko sa iyo?!" inis na sabi ko.

"Paglabas mo ng pintuang iyan, masisira ang pangalan mo."

"Paglabas ko ng pintuang ito, magagamot ka nila."

Mahalaga sa akin ang pangalan ko. Pinaghirapan kong marating ang pwestong ito. Para ipagpatuloy ang pangarap na sinimulan ni Mama. Para maging proud sa akin si Papa. Pero kung wala ng ibang paraan..

Napansin kong mas lalong tumindi ang pagdudugo ng tagiliran niya.

Napapikit ako ng madiin.

Kung wala nang ibang paraan.. kaya kong ipatalo lahat. If this is called stupidity, call me the princess of it.

"Ang mga taong humahanga sa iyo. Ang Papa mo." itinutulak niya ang semento at pinipilit na makatayo pero nabigo siya. "Natatakot kang maiwan, Suralvo. Hindi mo kakayanin. Mawawala sa iyo lahat."

I bite my lower lip to prevent sobs.

Noong makatayo si Wanna Be, isinandal niya ang katawan sa pader para hindi mabuwal. "It's nothing. This won't kill me." inabot niya ang kanang kamay ko.

Cold. His cold hands.

I looked at my feet.

"Matulog ka na. Bukas, sasamahan kita sa Papa mo."

"Gusto kita." sa halip ay mahinang sabi ko.

Nabitawan niya ako.

Iniangat ko ang luhaang mukha ko. "Hindi ko alam. Hindi dapat ganito. Ayoko nito. PERO GUSTO KITA!"

The Fall of the Angelic Star. This will be severe. This will hurt. But.. I'm taking it.

"Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ikaw." iyon ang huling sinabi ko bago ko hinarap uli ang pinto.

-will be continued 

throbbingheart says: Thank you for reading :D Natutuwa akong nakapag-update pa rin ako this weekend. Buong akala ko kasi, hindi ko ito matatapos dahil apat na araw rin akong na-ospital dahil sa dengue. I even missed my two days review. My platelet goes down to 100 thousand, 150 thousand is the normal platelet count. Kaya, moral lesson! Mag-off lotion at wag i-downsize ang mga lamok. Ha? XD

 

But I'm very much fine now. Thankful pa nga ako, na dahil dito.. nakita ko kung gaano kadaming tao ang nagmamahal sa akin. Hindi ko expected. Hindi ako naubusan ng bisita sa ospital ( n...n)

 

Back to SLY, who's craving for a detective case? Ayie! Raise your hands! At dahil mahal ko kayo, next case there will be one :)

 

Next update is next weekend night (Saturday or Sunday) or next next weekend night. Pinakamatagal na ang two weeks.

 

Bear with me please, my profession really needs a lot of time studying.

 

So, if you were Dinelle, will you get out of that door?

 

Hugs. Hugs. Hugs.

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
6.8M 344K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
25.8M 641K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
17.5M 655K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...