Hidden Desire Book 3: Gold-en...

By HoneyVilla

10.3K 676 7

• Kung may personipikasyon ng aso't pusa, iyon sina Husky at Kitty. Unang pagkikita palang nila ay nagbangaya... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
EPILOGUE

CHAPTER THIRTEEN

331 27 0
By HoneyVilla


ALMOST twenty four hours after that humiliating scene on his own home, naririto muli sina Kitty at Huksy sa daan papunta sa Laguna. Hindi alam ni Husky kung bakit parang hiyang hiya siya kay Kitty dahil sa mga sinabi ng nobya nito sa kanya.

At kagabi, para iwasan na muling mangyari ang mga nagyari ng umaga, sinabi niya kay Kitty na doon nalang ito manatili sa bahay nito. Gumawa sila ng dahilan para doon makatulog ang dalaga. Kung magtatagal pa kasi na magkasama sina Kitty at Sky, pakiramdam ni Husky ay may mangyayaring hindi maganda. Mabuti nalang at nakumbinsi nila ang pamilya ni Kitty an doon ito manatili para sa gabing iyon dahil madaling araw ay tutulak silang muli papunta sa laguna.

Anyway, wala namang sinabi na kahit ano sa kanya si Kitty tungkol kay Sky ngunit imbes na ikapanatag niya iyon, tila mas lalo siyang nabother. Anong iniisip ni kitty matapos nitong marinig ang mga tungkol sa personal na bagay sa kanila ng nobya? Anong tingin nito kay Sky at lalo na sa kanya?

He knew that it doesn't really matter but there was actually a nagging feeling inside him that it does matter. And it sucks. Big time. Dahil pakiramdam niya, biglang nagkakaroon ng malaking papel si Kitty sa buhay niya ngayon higit pa sa dapat na lugar nito.

But the worst thing was, it wasn't even her fault. It was his.

"Sa tingin mo, totoo ang sinabi ni Mayumi noon sa'tin?" pagbubukas niya ng usapan. "Na kapag nakuha na taong naligo sa spring ang pinakamasidhi niyang hiling babalik tayo sa normal?'

Nilingon siya ni Kitty. "Sana," anito na parang walang gana.

Gusto niyang mapakunot noo. Why does the air suddenly became uneasy? "So kailangan na nating makuha ang ginto sa lalong madaling panahon."

"Oo," muling sagot ni Kitty na tila wala paring gana.

Naalarma siya saka nilingon ang dalaga. "Okay ka lang ba?"

Lumilingon din ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. "Paano kung hindi tayo bumalik sa dati? Kasalanan ko ito."

Wala sa loob na humigpit ang hawak niya sa manibela. Ayaw niyang isipin na hindi na sila makakabalik ni Kitty ngunit kahit siya, natatakot. Paano nga kung hindi na? Paano kung hindi na nila makita ang sagot sa problema nilang ito? Natatakot siya, pero alam niyang mas natatakot si Kitty.

He couldn't stand that.

At kahit noong una, sinisisi niya ang dalaga, ngayon hindi na. Ngayong alam na niya kung bakit ito desperadong makuha ang ginto, hindi niya ito magawang sisihin. Kitty has her reasons and those reasons were more than enough. Kung noon, napakadali sa kanya na magalit at kainisan ang dalaga, ngayon, hinding hindi na niya magawa iyon dito. Being Kitty for a few days made him see things differently about her.

Inabot niya ang kamay nito—ang kamay niya, saka iyon hinawakan ng mahigpit. "Mababalaik tayo, Kitty. I promise you. I'm here and I'll make sure of it."

Nang tingnan sya ni Kitty ay nginitian niya ito. And in that moment again, he felt her real eyes piercing inside his heart. Kakatawa rin ang pakiramdam na ang init na hatid ng magkahugpong nilang mga kamay ay tila kaiga-igaya para sa kanya.

UNANG beses nakita ni Kitty ang painting na sinasabi ni Husky at ngayon ay naniniwala na siyang nakita na nga nila si Narcissa Herrera. Kahit kasi iba ang pangalan nito, malakas ang kutob niyang ito na nga ang babaeng hinahanap nila.

Habang nasa daan ay pinag-isipan na nilang dalawa ni Huksy ang magiging dahilan nila kung bakit hinahanap nila ang may-ari. Dating gawi, nagkunwari silang mga researchers para sa isang tabloid na balak ifeature ang istorya ng pagkakatayo ng spring.

Ngunit hindi pala kasingdali ng inaasahan nila ang balak nilang gawin. Hindi kasi madaling makausap ang makapangyarihang pamilya kagaya ng mga Tinampay. "Ma'am, sir, I'm really sorry, pero wala po talagang kasiguruhan kung papayag ang apo ni Dona Carolina na makausap kayo ngayon."

Gustong mapailing ni Kitty. Gusto na niyang matapos sa lalong madaling panahon ang misyon na ito na binigay sa kanila ni Don Aguinaldo.

"Is there any other way? Handa naman kaming maghintay, makausap lang namin siya. Importante kasi ang sadya namin sa kanya," sabi ni Husky sa receptionist na ang-aasiste sa kanila.

Alanganing tumango ang empleyado. "I'll try my best ma'am. Pero hindi po kasi basta basta lang na maaari ninyong makausap si Sir lalo po at wala kayong appointment sa kanya."

"Tell him we're here for Don Aguinaldo," hindi makatiis na sabi niya. "At tungkol kamo iyon sa Lola niya."

Hinawakan ni Husky ang kanyang braso na tila ba sinasabing bakit niya binanggit ang tungkol kay Don Aguinaldo? Hindi nila alam kung kilala ng pamilya Tinampay si Don Aguinaldo kaya naman nagkasundo sila ni Husky na saka lamang nila bubuksan ang usapang iyon kapag nakausap na nila ang sadya nila.

Marahan niyang tinapik ang kamay ni husky at hinintay ang sagot ng empleyado. Kausap nito ang anak di umano ni Carolina Tinampay. Nang banggitin nito si Don Aguinaldo ay nakita niyang nag-iba an ekspresyon ng mukha nito. Maya maya ay ibinaba na nito awditibo.

"Ma'am, Sir, kailangan nyo daw po munang maghintay. Bukas daw po ay i-me-meet kayo ni sir."

Sabay silang nagkatinginan ni Husky na tila nabununtan ng isang malaking tinik sa kanilang mga dibdib. Sisiguruhin niyang hindi masasayang ang oportunidad na ito sa kanila para makuha ang mga sagot na kailangan nila.

At dahil bukas pa nila makakausap ang apo ni Donya Carolina, wala silang choice ni Husky kundi ang pansamantalang tumuloy sa isa sa mga villa doon. Pakiramdam ni Kitty, hindi siyang magandang ideya na muli silang magsama ni Husky sa isang kwarto dahil patuloy na nag-iiba ang pagtingin niya sa binata habang nakikilala niya ito.

Iyon mismo ang naisip niya kanina habang hawak nito ang kanyang kamay. Nakakatawang isipin na nagkapalit sila ng katawan ng binata ngunit tila walang nagawa iyon para magkaroon ng epekto sa kanyang damdamin ang mga ginagawa nito.

Mas gusto pa niya ang husky na palagi siyang inaaway, palagi niyang kabangayan at hindi makasundo kaysa sa husky na nakakasama at nakikila na niya ngayon. It isn't a good idea to be with him in the first place dahil si Husky ay si Husky at siya ay siya. They were not meant to be together, like the sky and the sea, but then, they would always end up being next to each other.

"Gusto mong kumain muna?" Tanong sa kanya ni Husky sa taas. Mag-aalasiete na ng gabi at kagay noong unang beses silang pumunta roon ng binata, alam niyang nakacandle lit na naman ang dinner sa resort.

"Romantic dinner na naman," aniya saka humiga nalang sa kama. Mas gusto nalang niyang matulog at huwag pansisnin si Husky para pansamantalang mawala ang mga alinlangang nararamdaman niya.

"You haven't eaten anything since this morning, Kitty." sabi sa kanya nang binata na biglang lumitaw sa kanyang harap. Windang siya sa isinuot nito sa kanya. Bestida iyon na hanggang tuhod niya, kulay pink, fitted ngunit mayroong mga palawit mula sa bewang hanggang sa ibabaw ng tuhod niya.

"Anong isinuot mo sa'kin?"

"It's a dress I bought last time. Noong makita ko kasi, naisip kong bagay sayo, so binili ko. And I am right, am i? Bagay nga sayo ang ganitong klaseng damit."

Muli nyang pinagmasdan ang kanyang sarili. Hindi siya nagsusuot ng mga ganoong damit dahil unang una, hindi naman niya trip iyon. Alangan namang magsuot siya ng ganoon kagarbong dami habng naglalakad sa paraiso compound, hindi ba? Pangalawa, alam niyang hindi bagay sa kanya ang mga ganoong damit. Hindi naman kasi siya sosyal at lalong hindi siya maganda. Kaya walang epekto sa kanya ang damit na iyon.

Pero ngayon habang pinagmamasdan niya si Huksy na sinuotan ang kanyang damit ng ganoon, naisip niyang pwede pala sa kanya ang ganoon. Pwede, pero hindi niya gusto. "wag mo ngang paglaruan ang katawan ko, utang na loob."

Kahit na nagkasundo na sila ni Husky sa kanilang mga kondisyon para sa pagpapaligo ng kanilang mga katawan, hindi pa rin siya kumportable na tahasang ipinapakita ni Husky na kumportable ito sa katawan niya. Pakiramdam kasi niya, lahat ng mga itinatago niya, alam na nito. Literally.

"Aw, come on. I'm not playing with your body. What am I saying is that you should quit wearing dark clothes when you can easily wear clothes like this because you have the right too." Hinila siya ni Husky mula sa kaniyang hinihigaan. "You are pretty, Kitty. Dapat nakikita mo iyon at i-appreciate."

Napatitig siya kay Husky dahil sa mga sinabi nito. Siya maganda? Parang biglang nagkaroon ng marching band sa dibdib niya dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso niya—o ni husky.

"Isa pa, dressing up accordingly make people respect you. Hindi ko sinasabing hindi karespe-respeto ang mga sinusuot mo pero kung bibigyan mo iyon ng effort, people would not look down on you rather, they'd see you as someone intimidating—which you truly are. And that kind of respect is what you truly deserve." Ngumiti ng sinsero sa kanya si Husky. "Bumangon ka na riyan, bumili rin ako ng damit na isususot mo."

"Ano?"

"It's a celebration for us, dahil malapit nating makuha ang ginto."

"Ayoko," aniya saka piniksi ang kamay na nakahawak sa kanya, ngunit mapilit si Husky at hindi siya nito binitiwan. Dahil sa pwersang mayroon ang katawan ni Husky, nahila niya ito noong muli niyang tangkain na hilain ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito. Pareho silang napatumba pabalik sa kama at pumaibabaw sa kanya si Husky.

Pakiramdam ni Kitty ay parang napakatagal ng pagtakbo ng mga segundo ng magtama ang kanilang mga mata nilang dalawa. Napalunok siya ng hindi sinasadya. kahit kailan, hindi niya naisip na maaaring mangyari ang ganitong bagay.

Tumikhim si Husky. "You know, kung hindi lang tayo nagkapalit ng katawan, I would've kissed you right now. It feels weird seeing my face looking like that." Tumayo na si Huksy at lumabas ng villa. "Hihintayin nalang kita sa buffet table."

Ilang minuto na mula noong nakaalis an binata ngunit parang paulit ulit sa isip ni Kitty ang mga sinabi nito. Siya, hahalikan ni Husky?

Nababaliw na ba ito?

O baka naman mas nababaliw na siya dahil habang iniisip niya ang bagay na iyon, parang hindi niya mapigilan ang mapangiti kahit ayaw niya. Catalina, ano bang nangyayari sayo!?

KITTY survived the night. Iyon ang nasa isip niya nang magising siya kinabukasan. Matapos ang dinner na punong punong ng tatlong K—katahimikan, ka-awkward-wan at kandila—ay hindi siya nakatulog magdamag dahil pakiramdam niya, kahit na magkahiwalay pa sila ni husky ng hinihigaang kama ay ramdam niya ang presensiya ng binata sa buong pagkatao niya.

Hindi niya alam kung bakit at kailan niya naramdaman ang gaanong bagay sa buong buhay niya pero kung siya ang tatanungin gusto niyang mawala na iyon sa kanya. Hindi niya gusto ang estrangherong pakiramdam na iyon para kay Husky.

Ngayon ay pareho silang tensyonado ni Huksy habang nakaupo sa opisina ni Fernando Tinampay, ang panganay na apo ni Donya Carolina tinampay. Hinihintay nilang dumating ang lalaki.

"Do we really have to tell him about everything?" tanong sa kanya ni Husky.

Tumango siya. "Paano natin makukumpirma kung siya nga si Narcissa kung hindi natin ikukwento sa kanya ang buong pangyayari?"

"right," ani ng lalaki saka nagkamot ng batok. "What about us? Sasabihin ba natin yung tungkol sa satin?"

"h-ha?" Sasabihin ang tungkol sa kanila? Ang namamagitan sa kanila?

"I mean, sasabihin ba natin ang tungkol sa spring?"

Ngaling ngaling batukan niya ang kanyang sarili dahil sa naisip. "itanong na rin natin sa kanya kung mayroon siyang alam."

Bago pa makasagot sa kanya si Husky ay bumukas ang pinto saka sila sabay na tumayo. Pumasok doon ang isang lalaking halata na ang kantaandaan ngunit mataas parin ang tindig. Kung siya ang tatanungin, masasabi niyang napakaintimidating ng lalaking nasa harap niya ngayon.

"good morning sir," naunang nakabawi si Husky sa kanya. "thank you for agreeing to see us today."

Tumango ang lalaki kay Husky saka bumaling sa kanya. "Aren't you Huksy Rodrigo? The son of Zeus Rodrigo?"

Bigla siyang napalunok at inboluntaryong napatingin kay Husky. Malay ba niya sa pangalan ng papa nito? Nakita niyang sumenyas ang binata sa kanya na sumangayon siya sa sinabi ng matanda.

"Opo," aniya saka tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. Inisip niya kung gagawin ba nila ang panlalaking tapik na palagi niyang nakikita. But she was glad when the man just shook her hand firmly.

"Isa ang ama mo sa pinaka-unang naging guest ng resort and we've always been acquainted with each other." Hindi pa rin binibitawan ng lalaki ang kamay niya. Kung magkakilala ang papa ni Husky at si Fernando, eh di dapat hindi na sila nahirapan, hindi ba? "Kung nalaman ko lang agad kahapon na ikaw nga yun, hindi ko na sana kayo napaghintay. I deeply apologize for that."

Nakita niya ang gulat na ekspresyon ng binata, halatang hindi rin nito alam ang bagay na iyon. Nauna siyang nakabawi. "Ayos lang po, ang mahalaga narito kayo at pinaunlakan ninyo ang paanyaya namin. Nagpapasalamat kami ng lubos dahil doon."

Tumango ito. "Yesterday, you guys mentioned about Don Aguinaldo," tiningnan sila ng matanda. "Is he real?"

"Po?"

"Sinabi ninyo kahapon na si Mama at si Don Aguinaldo ay may kaugnayan sa isa't isa. We never really believed that Aguinaldo was real dahil sinimulan lamang siyang banggitin ni mama noong nag-uulyanin na siya."

Napamulagat si Kitty. "binabanggit po ni Donya Carolina si Don Aguinaldo?"

Tumango ito, "oo. she used to say that he was her first love, her true love. Pero hindi naman sila nagkatuluyan. Paulit ulit niyang ikinukwento sa'ming mga apo niya iyon. Hinayaan lamang namin noon si Mama dahil nga nag-uulayanin na siya noon at akala namin, epekto lamang iyon ng isip ni mama."

Nagkatinginan sila ni Husky at hindi mahirap basahin ang nasa isip nito. Alam niyang pareho silang parang nanalo sa lotto sa mga sinasabi ngayon ng apo ni Donya Carolina.

"Palagi niyang sinasabi noon na gusto niyang makita ulit si Aguinaldo at gusto niyang hanapin namin ito. Pero hindi namin ginawa iyon dahil hindi naman talaga namin sineryoso si Mama. And she died without having that wish fulfilled."

"P-patay na po si Dona Carolina?"

"Y-yes, just last year. And we still regret not having her last wish fulfilled. Pero naisip din namin—her children and we, her grandsons and daughters— kung hahanapin naming si Aguinaldo, wala naman kaming kasiguruhan kung totoo nga siya, dahil buong buhay namin, hindi naman siya nabanggit ni mama noon, maliban nalang noong magulyanin na siya."

Hindi alam ni Kitty kung anong klaseng lungkot ang bunalot sa kanyang sa mga narinig. So Donya Carolina was looking for Don Aguinaldo too. Hanggang sa huling mga sandali ng buhay nito. At ngayon, heto sila ni Husky, ginamit bilang kasangkapan para hanapin ang nag-iisang babaeng minahal ni Don Aguinaldo hanggang sa mga nalalabi nitong mga sandali.

"Pero totoo po si Don Aguinaldo," biglang sagot ni Husky. Ramdam niya sa paraan ng pagsasalita nito na parang nasasaktan din ito. "At nagkahiwalay sila ni Narcissa Herrera noong giyera."

Tiningnan ni Fernando si Huksy na tila ba hindi ito makapaniwala sa naririnig. "Narcissa Herrera. I haven't heard my grand mother's real name in a while now."

Siya nga.

"Huwag ninyong sabihin na kaya kayo nandito dahil ipinahahanap ng Don Aguinaldo na ito si mama?"

Tumango si Husky. "Opo, tama kayo. si Don Aguinaldo ang nobyo ng inyong mama noong bago pa sumiklab ang giyera. But during the war, they were separated from each other. Don Aguinaldo tried everything he can to find her, pero bigo siya. And now, it's his last wish to find her and be with her again in his final moments."

Ilang sandaling nanahimik ang matanda sa harap nila. Sila naman ni Husky, parang parehong hindi humihinga habang inaabangan kung ano nga ba ang sasabihin nito.

"Hindi ko alam kung tama ang hinala ko, pero base sa mga siansabi ninyo, parang nauunawaan ko na ang sitwasyon," sabi ni Fernando. "Madalas kong marinig noong bata ako ang usapan ng mga magulang ko kapag nasa ancestral house kami. It's about the man my grandmother left during the war. Ang totoo, sina Mama at Lolo at hindi naman daw talaga ang magkasintahan. Something happened that they ended up with each other. And during that event, ang alam ko, nagpalit siya ng pangalan dahil sa isang pangayayari. Namatay ang lahat ng kamag-anak ni Mama noon so she wanted to start anew after the war and forgot everything behind. Kaya naman si Narcissa Herrera, ay naging si Carolina at ikinasal sa aking lolo."

Ngayon ay nagkaroon ng linaw kung bakit hindi nila mahanap si Narcissa Herrera. And it was really now safe to assume that she was Carolina Tinampay.

"Paano ninyo nalaman na si Mama si Narcissa Herrera?"

"The painting," sagot ni Husky. Mukhang engrossed na engrossed ang bintaa sa mag pangyayaring ito ngayon. "Yung painting sa resort, may suot si Donya Carolinang singsing na kulay pula ang bato. May kapares na singsing si Don Aguinaldo na ganoon. Katunayan sir, nagbakasakali lang kami, dahil hindi kami sigurado na siya nga iyon. But now that you have confirmed it, we feel relieved. Don Aguinaldo would be happy to know about this."

Saglit na kumunot ang noo ng matanda ngunit nawala rin iyon kapag kuwan. "I guess we really have to meet him, hija. Para ikakatahimik din ni mama."

Nagkatinginan sila ni Husky saka sabay na ngumiti. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang saya at lungkot na nagsasalo ngayon sa kanyang damdamin. Hindi niya alam na makakaya nilang gawin ang tila impossibleng hiling na iyon ni Don Aguinaldo. But here they are, confirming everything.

Hindi niya alam na kaya nilang gawin iyon ni husky ng magkasama. At speaking of her and husky, noon siya biglang may naalala.

"Sir, alam nyo po ba ang tungkol sa hidden spring?"

"Hidden spring? "

Parang biglang nagpanting ang tainga niya ng marinig niya na tila nag-iba ang tono ng matanda sa sinabi nito sa kanya. "Opo, may alam po ba kayo tungkol sa spring sa resort inyo?"

"Has something happened to you concerning the spring, hijo?" Nakakunot ang noong nagpalipat lipat sa kanilang dalawa ni Husky. "Pinakitaan kayo ng spring?"

Ilang saglit na naghari sa kanila ang katahimikan. Nagkatinginan silang dalawa ni Husky na tila ba kinukumpirma nila sa isa't isa kung sasabihin na nga ba nila ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. "O-opo," aniya. "Nakita ko po ang spring."

Ilang segundong nanlaki ang mata ng ginoo sa kanya ngunit agad din nitong pinapormal ang sarili nito. "You must've heard about the legend and wished, didn't you?" Sa pagkakataong iyon, si Husky ang nilingon nito. "And a curse happened."

Napalunok si Kitty sa tinuran ng ginoo. Alam niyang may alam ito sa kung anuman ang hatid ng spring. Sumpa—iyon ang tinawag nito doon. Sumpa nga ba ang nangyari sa kanila ni Husky? Kagaya nang mga narinig nilang kwento mula kay mayumi noon? Ito nga ba ang kapalit ng hiling niya?

"Alam nyo ang tungkol sa spring," sabi ni Husky, nag-aalab ang mga mata. "Alam ninyong totoo ang tungkol sa mahiwagang spring na iyon."

"Yes," walang gatol na sabi ng ginoo sa kanilang dalawa. Sa paraan ng paglilipat ng tingin nito sa kanilang dalawa, alam niyang alam nito ang misteryong nangyari sa kanila ni Husky. "I know because it happened in the family before."

Kitty let out a slight gasp. "S-sino po?"

"It's none other than, mama—donya Carolina."

Muli, isang gulat na reaksyon lamang ang nagawa ni Kitty. Paanong nangyari na pati si Donya Carolina ay naging biktima ng spring na iyon? At parang nahuhulaan ang kanyang iniisip, muling nagpatuloy sa pagsasalita si Fernando. "Hindi ba't sinabi ko sa inyo kanina na kinakilangang magpalit ni Mama ng pangalan matapos ang giyera? Ang dahilan niyon ay isang malaking sikreto sa aming pamilya—mama did something that had put the family on the edge back then."

"Alam niya ang tungkol sa sabi-sabi noon sa spring kaya naman hinanap niya ito noon. Isang malaking kasukalan palang ang resort, pero ginawa niya iyon dahil sa isang hiling na gusto niyan matupad." Bumuntong hininga muna ang ginoo. "Sa kagustuhan niyang matakasan noon ang kahirapang hatid ng giyera, tinalikuran ni mama noon ang lahat kasama na ang kaniyang mga minamahal. At dahil nag-iisa nalang siya sa buhay noon, nag-isip siya ng paraan para makasurvive kaya humiling siya sa spring na sana siya nalang ang pakasalan ng lolo na isa mga pinakamarangyang lalaki sa lugar. Pero, nakatakda ng ikasal si Lolo sa iba noon kaya naman hiniling ni mama na mawala sa kanilang landas ang babae."

"But then, they switched their bodies instead." Si Huksy.

"yes, at dahil doon, nagawang itaboy ni Mama ang babaeng pakakasalan ni Lolo and they got married instead."

Parang nabubuo na niya sa kaniyang isip ang kwento. "Dahil sa ginawa ni Narcissa, may nangyari sa babaeng itinaboy niya, hindi ba? Ito ang rason kung bakit siya nagpalit ng pangalan? Dahil sa kahihiyan?"

Marahang tumango si Fernando. "nagpakamatay ang babaeng dapat pakakasalan ni lolo." Isang nakabibinging katahimikan muna muli ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Fernando. "Muli lamang nakabalik sa katawan nila si Mama at lolo matapos ang kasal—just like what she wished for. Hindi na nakipaghiwalay si lolo kay mama dahil naisip niya noon na wala na iyong saysay dahil wala na ang babaneg mahal niya. Lolo spent his days spiting mama and making her regret of what she did. mama lived a hard life, but she was spared from all the harsh things after war. Nagakroon sila ng tatlong anak—including my father. Naging maginhawa ang buhay niya sa piling ni lolo."

"maginhawa pero miserable," usal niya. Hindi niya alam kung bakit kinakailangang gawin ni narcissa ang bagay na iyon at sa totoo lang, parang ang mga nangyaring iyon ay kasalanan ng spring. Kagaya nag nangyayari sa kanila.

"Kung alam nyo nang naririyan ang spring at nagpapakita kung kanino, bakit nyo pa ginawang resort ang lugar na ito?" Sambit ni husky, nakakunot ang noo.

"Mama purchased the land because she wanted to have the spring at bay. Gusto niyang mabantayan ang spring at magamit sa oras ng kailangan niya."

"pero sumpa ang hatid ng spring na iyon para sa mga taong makakakita niyon, hindi ba? Isang kabaliwan ang patuloy na itago iyon gayong—"

"The spring maybe a curse, but it also bringsforth good things Hijo." Sabi ni Fernando. "Mama may have spent half of her life being spited and hated by lolo but she had found herself a family—kami. And we have loved mama until the day she died and I believed pinagsisihan na niya ang lahat. Hindi naming isinara ang resort dahil ito ang natatanging ala-ala na mayroon kami para panatilihin siyang buhay."

"pero paano ang mga taong nadadamay sa spring?" sambot niya. "anong mangyayari sa kanila?"

Bumaling sa kanya ang ginoo. "You'll be back in your rightful places when the wish is fulfilled. At kahit siguro itinuturing na sumpa ang spring, naniniwala ang aming pamilya na may hatid iyong magagandang bagay para sa mga taong nakakita niyon, just like what our family did."

Gusto niyang isipin na ngabibiro ang lalaki sa mga tinuran nito sa kanila ni Husky. anong magandang maihahatid nito sa kanila? Magbebenefit ba silang dalawa sa isa't isa? Maliban sa ginto, ano pa? Parang mababaliw si Kitty sa kakaisip at sa totoo lang, hindi rin niya maunawan kung bakit tila kinukunsinti pa ng pamilya nila ang tungkol sa spring.

"There's one thing I ask of you two," sambit ni Fernando tinampay. "Keep this a secret. At kahit na maaaring may nangyari sa inyong dalawa na kagagawan ng spring, I ask both of you to keep this a secret kahit sa ngalan lamang ng respeto kay mama."

Tahimik lamang siya at hindi na nag-abalang rumisponde. Nang muli silang magkatinginan ni Husky, parnag nabasa niya ang nasa isip nito. Kailangan nating makuha ang ginto para makabalik tayo. 

Continue Reading

You'll Also Like

95.5K 4.9K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
17.3K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
49.4K 2K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...