Hidden Desire Book 3: Gold-en...

By HoneyVilla

10.3K 676 7

• Kung may personipikasyon ng aso't pusa, iyon sina Husky at Kitty. Unang pagkikita palang nila ay nagbangaya... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
EPILOGUE

CHAPTER TEN

328 28 0
By HoneyVilla

HABANG NASA daan sila pabalik sa Maynila panay ang pagkamot ni Husky sa batok at likod nito... o mas tamang sabihin na batok niya. Hindi rin ito mapakali sa suot nito at alam ni Kitty na kung hindi lang siguro siya okupado at nag-aalala ay kung ano-ano na ang sinabi ng binata sa kanya.

Hindi kasi niya ito pinayagang magpalit ng damit o maligo man lang dahil ang isipin palang na makikita ni Husky ang katawan niya ay parang sapat na para himatayin isya. Ang tangi lamang niyang pinagyagang gawin nito ay maghilamos at tinali niya ang kanyang buhok sa paraang hindi ito makakasagabal sa binata. Nagsuot din ito ng pantalon na ipinatong nito sa shorts na suot niya.

Samatalang siya, nagpalit siya ng T-shirt at nagsuot ng pantalon matapos niyang magpunas ng nakapikit. Ayaw niyang tingnan ang katawan ng binata at bahagya lamang niyang pinadaan ng labakara iyon.

Dahil sa kanilang dalawa ni Husky ay ito lamang marunong magmaneho ay ito parin ang nakaupo sa likod ng manibela—kahit pa sabihing nagkapalit sila ng katawan. Katawan lang ang nagpalit sa kanila, ngunit ang kaaalaman, memorya at skills ay kanya kanya pa rin sila.

At sa isiping iyon, bigla siyang nag-alala. Hindi siya ang haharap sa kanyang pamilya kundi si Husky na nasa katawan niya. "Kailangan nating pag-usapan ang mga mangyayari mamaya."

Sinulyapan lamang siya ni Husky kaya naman nagpatuloy siya. "kailangan ako ng pamilya ko, kaya kailangan din kita. Hindi ako pwedeng humarap sa kanila bilang ikaw dahil malamang, hindi maniniwala yung mga iyon kahit pa ipaliwanag natin ito. Isa pa, hindi mapapalagay ang mga kapatid ko kung hindi nila ako makikita..." Sinulyapan niya ang binata nang nakikiusap. "Kailangan kitang manatili sa ospital para gumanap bilang ako."

Muli, isang sulyap lamang ang isinagot ni husky sa kanya. Alam niya, kailangan na niyang lunukin ang pride dahil masyado nang magulo ang mga nangyayari sa kanila. At kung iisipin, karamihan sa mga iyon ay kasalanan niya. Kaya naman kahit ayaw niya, alam niyang kailangan niyang humingi ng tawad dito. Alam naman niya kung kailan siya mali at sumusobra. Kaya naman, nakabuo siya ng desiyon."Alam kong napakalaking abala nang mga nangyayari sa'tin. Alam kong ang hirap ding paniwalaan at sobrang gulo dahil kahit ako, naguguluhan pero humihingi ako ng tawad sayo. Huli na ito, pangako. Kapag naayos na ang lagay kapatid ko sa ospital, pupunta tayo kay Don Aguinaldo at sasabihin nating iuurong na natin ang paghahanap sag into. Tapos saka tayo hahanap ng solusyon sa problema natin."

Alam niyang napakalaking pagkakataon ang pakakawalan niya. Pero kung ganito naman kakomplikado ang lahat, parang ayaw na niya. Mas gugustuhin nalang niyang rumaket sa mga bar at kumanta kaysa ipagpatuloy ito. Bumalik lang sila ni Husky sa normal, hindi na niya tatangkain pang kunin ang ginto ni Antonio Castro the first.

"May sarili rin akong buhay, Kitty." Gulat siyang napalingon nang magsalita si Husky. Kumamot ito bago muling nagsalita, ngunit hindi nakatingin sa kanya. "Kung kailangan mo ako, as much as I hate to admit it, kailangan din kita para gumanap bilang ako."

Nang sa wakas ay nilingon na siya nito ay hindi ang sarili niya ang nakita niya kundi si Huksy mismo. Ewan niya, parang napaka impossible kung iisipin pero parnag sobrang lakas ng katauhan ni Husky na kaya nitong ipakita ang sarili nito kahit na nasa ibang katawan pa ito.

"First we need to make a plan. Like kung paano tayo haharap mamaya sa pamilya mo. Kung anong magiging set up natin na sa palagay ko ay hindi magiging ganoon kasimple." Huminto ito sa isang stop light. "Hindi tayo pwedeng malayo sa isa't isa dahil kailangan natin ang isa't isa, tama ba?"

Natagpuan ni Kitty ang sarili na tumatango sa sinabi ni Husky. "Sa tingin ko, kailangan ko munang malaman ang basics information about sa family mo. Since makakahrap ko sila mamaya. Anu-ano ang pangalan ng mga kapatid mo?"

Hindi alam ni Kitty kung paano niya ipapakita ang kasiyahan sa ginagawang pag-initiate ni husky na tulungan siya. Hindi siya expressive na tao, lalong hindi siya masalita pagdating sa kanyang tunay na nararamdaman, pero naguumapaw ang kanyang pasasalamat para sa binata sa mga sandaling iyon.

She figured, hindi naman pala ito gaanon kasamang tao katulad noong una niyang inaakala dito. Ang dating 100 percent na pagkainis niya dito ay nabawasan ng 20 percent.

"anim kaming magkakapatid. Ako ang panganay at ang sumunod naman sakin ay si Lochan, Maya, Tiff, Willa at si Kokay, ang bunso. Lahat sila nag-aaral, pero sina Lochan at Maya na kasalukyang nasa college, working student at tumutulong sa'kin sa mga gastusin sa bahay."

"Yung parents mo?"

"kasama naman namin sila, kaya lang hindi rin gaanoong maaasahan sina nanay at tatay pagdating sa pera. Ginagamit kasi nila iyon sa sarili nilang hobbies."

"Hobbies?" nilingon siya ni Husky. "Gaya ng?"

Nag-alangan siya kung sasabihin ba niya ang impormasyon tungkol sa set up nila ng nga magulang. Parang masyadong personal ang impormasyon na iyon. Baka husgahan lamang siya nito kapag nalaman nito iyon. Pero kung kailangan ni Husky na gumanap bilang siya, kailangan niyang sabihin ang bagay na iyon.

"S-sa sugal."

Inantay niyang magbago ang ekspresyon ng mukha nito ngunit s ahalip tamihik na tumango lamang si Husky. "Ako naman, I manage my own company na kakatayo ko lamang three years ago, ang Sky Caster Land Developer Inc. I'm an only child and my parents are in states at nagmamanage ng ibang business namin doon. You don't really have to know me dahil hindi naman talaga ako ganoon ka interesanteng tao—" pagkukwento ni Husky na tila ba iniiba nito ang usapan mula sa kanya papunta dito.

Gusto niyang kontrahin ang mga sinabi nito. Sinong nagsabing hindi ito interesanteng tao? Maaring mayabang, nakakainis at mahangin si Husky, ngunit para sa kanya interesante ito. Sa mga nakalipas na araw na nakasama niya ang binata, napatunayan niya iyon. Kurimaw man ito, may mga interesanteng bagay din sa pagkatao nito. "And I have a girlfriend for four years now, si Sky. Balak ko nang magpropose sa kanya soon. O kung mapapaaga ang pagkuha natin ng ginto, baka mas maging malapit na ang soon na iyon."

Parang natigilan siya. Ibig sabihin kaya rin ito pumayag na hanapin ang ginto ay dahil balak na nitong pakasalan ang nobya nito? Pero mayaman naman na ito, diba? Gusto niyang tumawa ng pagak. Eh diba ang mga mayayaman ay wala ng ibang gusto kundi ang madagdgan pa ang yaman ng mga ito? Kung gaanon pareho para silang may agenda sa misyon na iyon. Pero mas masidhi ang pagnanais niya dahil mas malalim ang pinaghuhugutan niya.

Ano nga ba ulit ang sabi niya kanina? Interesante si Husky? Oo, interesante ito, pero wala na siyang balak i-explore ang pagiging interesting nito.

He was off limits.

HINDI kagaya nang inaasahan ni Husky ang aabutan nila ni Kitty sa ospital. He was actually thinking that her sister was admitted in a decent hospital rather than a...paano ba niya bibigyan ng deskripsyon ang maliit na ospital na iyon na sabi ni Kitty ay pinakamalapit sa tinitirhan nila?

Naka-admit ang pinakabatang kapatid nito na si Kokay—isang batang sa paningin niya ay masyado nang obese dahil sa laki nito—sa isang public hospital. Sa loob ng ward nito, mahigit dalawampung pasyente yata ang naroon at kasama nilang nakikitunghay habang nag-iyakan ang mga kapatid ni Kitty na yumayakap sa kanya—o sa katawan ni Kitty.

"Ate," yumakap sa kanya ang isang batang lalaki na halos hanggang balikat na ang taas ni Kitty. "Kailangan daw ni Kokay ng dugo para isalin sa kanya."

Hindi niya alam ang sasabihin at nanatili lamang siyang naktitg sa bata. Ngunit tumitig din ito sa kanya na tila nagaantay na may sabihin siya. NIlingon niya si Kitty—na nasa katawan niya—na agad nilapitan ang kapatid nitong nakaratay sa kama.

"Ate?" Lumingon siya. Nakita niya ang isang binatilyo at isang dalagita na hindi maitataangging kapatid nga ni Kitty. Siguro ito sina Lochan at Maya. "Sino 'yang kasama mo?"

Napaawang ang bibig niya at bigla ring napatayo si Kitty nang marinig nito ang sinabi ng mga kapatid nito. Lumapit sa kanila si Kitty. "Ako nga pala si Husky. kaibigan ako ng ate ninyo," bumaling sa kanya si Kitty at pinanlakihan siya ng mata. "Di'ba?"

"Ah," natuhan siya. "Oo. Kaibigan ko si Husky."

"Siya yung kasama mo sa Laguna ate?" sabi naman ng isa pang dalagita na mas bata kay Maya. Maikli ang buhok nito. "Siya ba 'yun ate?"

Binibigyan siya ng tingin na tila may ibig sabihin ng batang babae. Hindi niya alam kung anong sasabihin kung hindi sumingit sa usapan si Kitty. "Ang sabi ninyo, kailangan daw salinan dugo si Kokay. May babayaran ba? O may stock ba sila ng dugo para sa kanya?"

Parang iisang taong napatitig ang magkakapatid sa kanya—o sa katawan niyang si Kitty ang naroron. Labis ang pagtataka ng mga ito dahil isang estranghero ba naman ang aligaga sa nangyayari sa kaptid ng mga ito, hindi ba?

Napagtanto niyang kailangan niyang sumingit sa usapan. "A-ano, ang ibig niyang sabihin, naayos nyo na ba ang kailangan para pagsasalin ng dugo kay kokay?"

"Ahm, ate. Ayos lang ba kung kakausapin ka naming ng wala ang kasama mo? Kailangan lang kasi nating—"

"Hindi pwede!" biglang sagot ni Kitty. "Kailangang—" natigilan ito nang marahil ay marealize nito ang sitwasyon. Tiningnan siya nito na tila humihingi ng tulong. At sa lagay na iyon, pakiramdam niya ang mga kapatid ni kitty ay makikinig lamang sa anumang sasabihin ng kapatid nito.

"Sige, halina kayo sa labas." Iginaya niya ang mga kapatid ni Kitty palabas ng ward na iyon. Nakita niyang parang gusto siyang kastiguhin ni kitty sa ginawa niya. Isang kumpas ang ginawa niya. "Husky, bantayan mo muna si Kokay ha? Maguusap lang kami sa labas." Mabilis niyang tinalikuran si Kitty bago pa ito makapagsabi ng kahit anong patutol dahil sigurado siyang gagawa na naman ng paraa si Kitty para makisali sa kanilang usapan.

"Ate, nung umalis ka papuntang laguna, hidni ba nilalagnat si Kokay noon?" Panimula ni maya. "Noong una, akala ko magaling na siya. pero pagdating ng hapon lalong tumaas ang lagnat niya at nagkaroon na rin siya ng pantal sa buong katawan niya. Natakot kami ni Lochan at hindi namin alam ang gagawin. Sinabi naming kay tatay ang tungkol doon at dinala naming siya dito. Pero iniwan din kami ni tatay dahil—"

"dahil may laban siya ng sabong noong araw na iyon," nakakuyom ang palad na sabi ni Lochan.

"Naconfine na si Kokay noong araw ding iyon dahil sabi ng doctor, kailangan siyang obserbahan. Dalawang araw na si Kokay sa ospital nang madetect na may dengue siya kinakailangan ng dugo. Peor hindi naming magawa iyon dahil bukod sa wala na kaming extra na pambayad, pinambayad din naming sa kuryente noong isang araw. Yung iniwan mo namang pera para sa budget namin, kinuha ni nanay."

"B-bakit niya kinuha?" May pakiramdam si Husky na hidni rin niya magugustuhan ang sasabihin ng kapatid ni Kitty kung bakit kinuha ng nanay nito ang pera.

"Nagmahjong siya ate," ani ng dalagitang isa. "May patay kasi sa kanto nila mang berting. Nandoon yung mga barkada ni nanay, naglalaro sila."

Husky couldn' t believe what he was actually hearing at the moment. Totoo palang may mga magulang na hinahayaan lamang ang knilang mga anak na dumiskarte sa buhay. At parang sa unang pagkakataon, naunawaan na niya kung bakit gustong makuha ni Kitty ang ginto ni Don Aguinaldo.

"Magkano ang kailangan para sa pagsasalin ng dugo kay Kokay?"

Kumamot ng ulo si Lochan. "Trese mil, ate." Bumuntong hininga ito. "Wala pa roon ang bayad sa mga gamot para kay Kokay ate. Pasensiya na talaga, ate. Ayaw naming abalahin ka pa dahil alam naming marami ka ng kinukuhang trabaho para sa amin, pero kulang talaga ang perang mayroon kami ni Maya—"

"Wag nyo na munang isipin iyon. Ang kailangan nating gawin ngayon ay masalinan ng dugo si Kokay. Pero bago iyon, ililipat muna natin siya ng ospital. Doon tayo sa private hospital para mabigyan siya ng mas maayos—"

"Ate!" putol ng binatilyong mas bata kay Lochan. Dapat ay alamin na niya ang pangalan ng mga ito. "Wala tayong pera pambayad sa private—"

Hindi mapigilan ni husky na humanga sa mga batang ito. Sa murang edad, parang ang tatanda na mag-isip. But he figured that they were forced to think and act older than their real age because of their situation. "Ako na ang bahala roon. Pupunta na ako sa accounting at iligpit na ninyo ang mga gamit ni Kokay. Ililipat natin siya ngayon din."

Ilang segundong nanatiling nakatitig sa kanya ang mga kapatid ni Kitty. "Ano pang hinihintay nyo? Sinabi kong ako na ang bahala hindi ba? Magtiwala kayo sa ate nyo."

For the first time since he and kitty exchanged their bodies, he felt thankful. Dahil kung si Kitty siguro ang nasa katawan nito ngayon, hahayaan lamang nito ang kapatid nito sa public hospital na iyon kung saan saan na naman ito kukuha ng pera. Knowing her determination, it's not impossible.

At least, he can do something for these kids. For, Kitty. At bukal sa loob niya ang ginagawa niyang iyon ngyaon.

"ANO 'YON?" Kastigo ni Kitty kay Husky nang abutan niya ang binata sa accounting ng hospital kung saan nakaconfine si kokay. Hesitant sa pagsasabi ng detalye ng mga nangyari ang kapatid niya sa kanya pero alam niyang sinabi na ng mga ito ang buong sitwasyon kay Husky na ansa katawan niya. Kahit hindi sabihin ng mga kapatd niya, parang alam na niya kung bakit wala siyang pera ngayon. Pero ang hindi niya maunawaan ay ang sinabi ni Maya. Ililipat na daw po naming si Kokay sa private hospital, Kuya. Nasa ibaba po si Ate, nagbabayad ng bill.

"Ano?"

"Bakit mo binabayaran ang bill ni Kokay?"

"Dahil hindi siya makakalabas ng opsital kung hindi ko babayaran ang bill," simpleng sagot sa kanya ni Huksy na tila ba balewala lamang dito ang ipinupunto niya.

"Pwede ba, alam mo kung ano ang ibig kong sabihin!" Hinawakan niya ang braso ni Husky—o katawan niya. "Huwag mo ng paki-alaman ang desisyon ng pamilya para sa kapatid ko kaya—"

"Seriosuly, Kitty? Hahayaan mo lang ang kapatid mong manatili sa bulok na ospital na ito? Itatransfer natin siya para mas magamot siya ng mga doktor na mas magaling. Wag kang mag-alala sa babayaran—"

"Iyan eh! 'iyan mismo ang sinabi ko. Sino ang nagsabi sayong pumapayag akong ikaw ang magbayad ng lahat ng ito? Sino ang nagsasabing kailangan mong makialam sa desisyon ko para sa pamilya ko?!"

"Cut it off kitty! Ngayon mo pa ba iiisipin ang utang na loob at galit mo sa'kin?Kung pride mo ang paiiralin mo sa sitwasyong ganito, maaaring mamatay muna ang kapatid mo bago mo siya maipagamot. Do you want that? "

Isang sampal ang iginawad niya kay Husky. Balewala sa kanya kung sarili niyang mukha ang sinampal niya. Nasaktan siya sa sinabi nito. "Hindi ako humingi ng tulong sayo dahil ayokong may maisusumbat ka sa'kin. Ayokong magkaroon ng utang na loob sayo dahil kaya kong dalhin ang pamilya ko. At kahit kailan hinding hindi ako hihingi ng limos—"

"Bullshit! Hindi naman iyan ang ibinibigay ko kitty! Hindi limos!" Bulalas niya. "Tulong kitty! Tulong sa pamilya mo, sa kapatid mong nangangailangan ng tulong, hindi ng pride mo!"

"Ayokong tumanggap ng tulong sa isang tulad mo!" angil niya. "Kahit kailan hindi ako hihingi ng tulong sa mga mayayaman na—"

"Ang problema dito hindi si Kokay o ang mga kapatid mo kundi ikaw mismo. Hindi ka marunong lumunok ng pride mo kahit minsan. At ewan ko ba sa mga inyo kung bakit ang tingin nila sa aming mayayaman ay palaging mapangmata. Kung gusto naming tumulong sasabihin nyo pakitang tao. For once kitty, I'm doing this because I sincerely want to help your sister. Kung ayaw mong maniwala, it's your choice. Pero ilalabas ko dito ang kapatid mo at tutulungan ko siyang gumaling."

Iniwan na siya ni Husky at naglakad papunta sa ward kung saan nakaconfine ang kapatid niya. Nangihinang napaupo si Kitty sa gilid ng pader. Ayaw man niyang tanggapin, pero tama si Husky. Tumanggi man siya, parang handa na itong gawin kung ano ang gusto nito.

Bumuntong hininga siya saka tumayo sa kinauupuan. Bahala na muna. Ang mahalaga sa ngayon ay ang kalagayan ng kanyang kapatid. Saka nalang siya makikipagtuos ulit kay Husky. 

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 149 10
Ito ang second approved MS ko under PHR na hindi ko alam kung may pag-asa pa bang ma publish. Maraming mali kasi unedited. Pero sana m enjoy niyo pa...
328K 5.7K 14
This is one of my very first books, considered classic by many readers who had the chance to have a copy way back in 1999. Published by Precious...
148K 2.3K 10
My very first approved novel from Precious Hearts Romances. "Ayokong marinig mula sa iyo na hindi mo na ako mahal." Pagkalipas ng apat na taon ay nag...
48.7K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...