Hidden Desire Book 3: Gold-en...

By HoneyVilla

10.3K 676 7

• Kung may personipikasyon ng aso't pusa, iyon sina Husky at Kitty. Unang pagkikita palang nila ay nagbangaya... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
EPILOGUE

CHAPTER NINE

356 25 0
By HoneyVilla


NAKAPIKIT ngunit marahang kinapa ni Husky ang noo ni Kitty para damahin kung mainit pa rin ang temperatura nito. Kagabi, matapos niyang mabungaran ang dalaga na basang basa matapos itong biglang mawala ay agad niyang inutusan itong maligo. Nag-alala siya ng lubos dito dahil sandali lamang niyang nakausap si Sky ay bigla nalang nawala si Kitty. He even alerted the security to look for her.

Walang imik ang dalaga hanggang sa matulog silang dalawa. Ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nagising siya dahil narinig niyang umuungol ito. Bumaba siya sa palapag nito para icheck kung anong nangyayari sa dalaga, ngunit ganoon nalang ang pagkabigla niya nang makita niyang namamaluktot ito. Nang akmang kukumutan niya ang dalaga ay nakita niya ang butil butil ng pawis sa noo nito kaya naman dinama niya iyon. Noon niya napagtanto na nilalagnat si Kitty.

Magdamag niyang binantayan ang dalaga at bawat oras ay pinapalitan niya ang bimpo na nasa noo nito para kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito. Ngayon ay nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman niyang tila normal na ang temperatura nito.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa tabi nito saka pikit matang tinunton ang banyo para maglabas ng tawag ng kalikasan. Napakunot noo siya ng maramdaman niyang may kung anong pumitik sa kanyang sentido. Pakiramdam niya ay dahil sa kakulangan ng tulog ay masakit na rin ang ulo niya.

Tumapat siya sa toilet bowl saka kinapa ang kanyang kayamanan nang natigilan siya saka dumilat nang tuluyan. Napalunok si Husky. Bakit wala siyang makapang—

Una niyang nakita ay maikling puting shorts, mahaba at maputing legs at kulay pink na pang itaas. Hindi iyon ang suot niya kagabi pero ganoon ang suot ni Kitty...muli niyang kinapa ang kanyang kayamanan at nahindik siya nang wala talaga siyang makapa sa halip ang naroroon ay...

Sumigaw siya, pero hindi sigaw ang lumabas sa kanya kundi tili. Bakit siya tumitili? Bakit wala ang kanyang kayamanan? Bakit may boobs siya? Nang humarap siya sa salamin ay bakit si Kitty ang nakikita niya?

Lalong lumakas ang tili niya. At bago pa niya namalayan nakita niya ang kanyang sairli na humahangos na pumasok doon. Napanganga siya saka nanlalaki ang matang tinignan ang sarili. Bakit...? Anong nangyayari?

"K-Kitty?" maingat na tanong niya sa kanyang sarili. Parang nakakabaliw isipin na tinatawag niyang Kitty ang kanyang sarili gayong alam niyang siya iyon. Ilang segundong nakatutok lamang sa kanya ang ano, ano ba? Kanyang mga mata na si Kitty! Fuck ang gulo! "K-Kitty, anong nakikita mo ngayon?"

"B-bakit...a-anong...i-kaw..." walang kahit anong nabuong pangungusap si Kitty dahil bumaba ang tingin nito sa sarili nito...o mas tamang sabihin sa katawan niya. Saka dumako ang tingin nito sa salamin sa likod niya. Bago pa niya namalayan, sumigaw na ito ang sigaw na pagmamay-ari niya.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito—niya. "K-Kitty, relax, please."

"Relax? Relax? Paano ako magrerelax? Anong nangyari sa atin?" HIndik na sabi nito sa kanya. "Bakit nakikita ko ang sairli ko? Bakit nasa katawan mo ako? Wait, baka panaginip lang ito! Panaginip lang ito." Walang babalang sinampal nito ang pisngi niya bago pa niya napigilan ang dalaga. Napakislot siya dahil sa lutong ng ginawa nito. Naiinis na hinila niya ang kanyang kamay. "Wag mo akong sampalin, mabilis na namumula ang mukha ko—"

"Alangan namang ang pisngi ko ang sampalin ko!" Asik nito sa kanya saka nito hinawakan ang pisnging sinampal. "Paksyet, totoo nga ito. Masakit."

Pinigilan niyang mapaismid. Hindi niya maaaring sabayan ang init ng ulo nito dahil hindi sila makakapag-isip ng maaayos kung ganoon. Kailangan nilang pareho na kumalma para maanalyze nila ang sitwasyon. "Okay, relax. Will you?" Saway niya kay Kitty saka ito iginaya para tumayo at lumabas ng banyo.

Husky couldn't help but notice how her hands perfectly fit in his kahit pa parang magkabaliktad ang katawan nila ng mga oras na iyon. Nang makalabas sila ng banyo ay tinitigan niya ang kanyang sarili, which was really awkward dahil hindi niya alam na maaari niyang makita ang kabuuan ng kanyang sarili, maliban sa salamin.

"Huwag ka ngang tumitig ng ganyan," saway sa kanya ni Kitty.

"Bakit? Sarili ko naman ang tinititigan ko," aniya.

"Yun na nga eh, yung tintitigan mo ang sarili mo gamit mo ang mata ko. Kung ako ang nasa kalagayan mo, hinding hindi kita titigan."

Bumuntong hininga si Husky saka itinaas ang kanyang kamay tanda ng kanyang pagsuko. Hindi ito ang tamang oras para mag-away sila ni Kitty. "Let's analyze what happened. Bakit tayo nakapalit ng...katawan?"

"Hindi ko alam!" Ani ni Kitty sa kanya, hysterical at tila iiyak na.

"May ginawa ka ba? Kinain o kaya naman ay may mga kakaibang nangyari kagabi?" tanong niya sa kalmadong paraan pero sa loob loob niya gustong gusto na niyang pagsabihan si Kitty, magpaulan ng pagsusungit at isisi dito ang lahat. Pero hindi niya kayang gawin iyon. Hindi ngayon.

"Wala na—" natigilan si Kitty at napatitig sa kanya.Parang may naisip ito. "Yung Hidden Spring..." mahinang bulalas nito.

Natulala siya dito. "Hidden spring? Ano 'yon?"

PROBLEMADO si Kitty kung anong susunod na mangyayari sa sitwasyon nila ni Husky. Parang gusto niyang sisihin ang kanyang sarili dahil nagpapaniwala siya sa babaeng baliw, sinundan ang mga alitaptap at naligo sa lintik na spring na iyon.

Mabilis na ipinaliwanag niya sa binata ang tungkol sa mahiwang hidden spring. Noong una ay ayaw nitong maniwala sa kanya, dahil kahit siya, ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi niyang kababalaghan. Pero wala siyang ibang maisip na kakaiba sa mga nangyari kagabi maliban doon. Kaya naman kahit parehong hindi sila naniniwala ay wala silang ibang choice kundi pansamantalang maging option ang lintik na bukal na iyon.

Ngayon nga ay lumabas sila ni Husky sa villa nila para hanapin ang spring. Pareho pa silang hindi nagbibihis at kapwa nakasuot ng pantulog. Nunca niyang papayagan si Husky na bihisan ang kayang katawan at nunca niyang hahawakan ang katawan nito!

"Nakakainis naman ito!" reklamo sa ni Husky saka hinawi ang buhok niya. "bakit ba kasi ang haba haba ng buhok mo?!"

Pinanlakihan niya ito ng mata. "paki-alam mo ba? Wag mo ngang paki-alaman ang buhok ko!" Hinawakan niya ang mahaba niyag buhok saka kinuha ang ponytail na nasa braso niya at sininop iyon. "Utang na loob, wag na wag mong gagalawin ang katawan ko."

Tiningnan siya ni Husky, gamit ang sarili niyang mga mata sa paraang nagasabing tila na bibiro ba siya. "Hindi ko tatangkain, pwede ba?"

Nainsulto siya nang slight. "Mabuti na ang malinaw."

"Nasaan na ba kasi ang hidden spring na iyon?" Anito sa kanya at maya't maya ay hinahawakan ang noo niya. "Gusto ko ng bumalik sa katawan ko, utang na loob."

"Sino ba ang hindi," bulong niya. Pilit niyang inaalala ang daan na tinahak niya kagabi. Nang sigurado siyang sa isa bahagi ng masukal na daan bandang kanan niya nakita ang daan na iyon kagabi, huminto siya. "Dito 'yon eh," aniya saka sinubukang hawiin ang mga dahon. ngunit wala siyang nakitang kahit anong daan. "sigurado ako dito iyon."

"Baka naman hindi dyan," sabi sa kanya ni Husky habang nakikihanap din ito sa gilid gilid. Nakakunot ang noo nito—niya, at sigurado siyang sa isip isip nito ay pinapatay na siya nito sa dami ng mga salitang gusto nitong ipaulan sa kanya.

Naiiyaka na siya, bakit hindi niya makita ang daan papunta sa spring? Nakita niya iyon sa tabi ng puno kagabi. At kahit madilim, maliwanag ang buwan kagabi kaya naman sigurado siyang hindi siya nagkakamali sa pinuntahan nilang lugar. Pero bakit wala roon?

Nanghihinanag napaupo siya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang—ng pisngi ni Husky. Naiiyak na talaga siya. Tinakpan niya ang mukha ng kamay saka suminghot. Ang gusto lang naman niya ay makuha ang ginto ah, bakit nagkaroon pa sila ng ganitong problema?

"Kitty!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Husky, pero tinig niya iyon. Hindi nagtagal ay naramdamaman niyang hinawakan siya nito. "Anong ginagawa mo?"

Hindi siya sumagot, sa halip ay nanatili lamang siyag nakasubsob sa palad nito habang umiiyak. Hindi na niya maalala ang huling beses na umiyak siya dahil siya ang klase ng tao na hindi kailanman magpapatalo sa kanyang emosyon, pero heto, parang sobra sobra naman ang nangyari sa kanila kaya hindi niya mapigilan ang emosyon.

"Will you please stop crying! Katawan ko iyan Kitty at kung may makakakita sa'kin sa ganyang kalagayan ay ano sa tingin mo ang iisipin nila?" Galit na asik sa kanya ni Husky saka pilit na tinanggal ang kamay nito sa mukha niya.

Ang weird lang na dahil sa mga sinabi ni Husky sa kanya, parang biglang umurong ang mga luha niya. Tinitigan niya si Husky—ang sarili niya—at katakatakang hindi ang mga mata oniya ang nakikita niya, it was his eyes.

"Please, ang huling bagay na kailangan natin ay magbreak down ka. Kailangan natin ng presence of mind para makahanap tayo ang solusyon." Bumuntong hininga ito, marahas. "Magagawan natin to ng paraan, ngayong araw din."

"A-anong gagawin natin?"

"Puntahan natin yung matanda. Ang sabi mo hindi ba sa katabi lang nating villa siya tumutuloy?"

Tumango siya saka nagpahinayon sa binata. Sabay silang naglakad papunta sa villa ng matandang babae na nakausap niya kahapon. Ngunit pagdating nila doon ni Husky, nakalock ang pinto ng villa at kahit anong gawin nilang pagkatok ay walang sumasagot doon.

Biglang nagkaroon ng hindi magandnag kutob si Kitty. Paano kung yung matanda ay isang guni-guni lamang niya? Pinilig niya ang kanyang ulo para itaboy ang ganoong isipin.

Mukhang nahalata ni Husky na hindi siya mapakali kaya naman nakatitig na naman ito sa kanya. "Ano?" aniya dito.

"I hate to say this, pero parang walang tao dito," anito sa kanya nang muli nitong sinubukan ang pagkatok at pagpihit sa seradura ng pinto. "Sigurado ka bang 15 C ang sinabi niya?"

"Oo nga," naiinis na sabi niya. "Iyon mismo ang sinabi niya."

Bumuntong hininga si Husky, siguro para pakalmahin ang sarili nito. Alam niyang malapit nang masagad ang pasensiya nito sa kanya. "Pumunta muna tayo sa reception para itanong kung sino ang guest dito." Iyon nga ang nangyari, pagdating nila sa reception area, nagtanong sila roon kung sino ang babaeng nasa 15 C. Pero parang pareho silang hindi makapaniwala sa sinabi ng babaeng empleyado sa kanila.

"Sir, Ma'am, wala naman po kaming guest na nag-iistay sa 15 C. Infact, kayo lang po ang occupants ng buong block 15. Ang ibang guest po naming ay nasa 13 and 14."

Napalunok si Kitty. "Sigurado ka ba diyan? Walang babae roon na nasa—"

"Wala po sir," sagot ng empleyado sa kanya. Hindi niya mapigilang mapakislot nang tawagin siya nitong 'sir'. "I assure you po. Mayroon po bang nanggugulo sa villa ninyo?"

Umiling siya. Paano ba niya ipapaliwanag iyon sa babae? Impossible namang guni-guni lang niya ang babae dahil hindi eh, nakausap niya iyon at hinawakan pa nga siya nito hindi ba? Ano ito, may kinalaman na naman sa magic? Pero hindi siya naniniwala sa ma—muli, marahas siyang umiling. Paanong hindi siya maniniwala sa magic,eh heto na sila ni Husky at nagkapalit na ng katawan hindi ba?

Nagbuga siya ng malalim na buntong hininga saka naupo sa tabi ni Husky na ngayon ay parang nawaalan na rin ng pag-asa. "Sigurado akong nandoon yung babae kahapon," buong depresyon niyang sabi. "Hindi ko alam kung anong nangyari."

Hindi sumagot ang binata, ngunit nakakunot nag noo nito—niya. Mukhang nag-iisip ng malalim si Husky. "Ang sabi mo may magic ang spring na iyon hindi ba, paano kung sa gabi lang pala nagpapakita iyon?"

Napatitig siya dito. Maaaring tama si Husky pero umaga palang ngayon. Maghihintay pa ba sila ng gabi para makapagpalitan ulit? "So anong gagawin natin, buong araw tayong ganito?"

"Sino nagsabing papayag akong ganito lang tayo?" tumayo si Husky sa kinauupuan nito saka ito nagsimulang maglakad palabas ng reception. Sinundan niya ito. "Magtanong tanong tayo sa mga tao rito."

Sa kabila ng sitwasyon nila, hindi niya mapigilang matawa ng pagak. "Anong sasabihin mo? Nang dahil sa isang magic spring, nakapalit tayo ng katawan? May maniniwala ba sa atin non?"

Nameywang sa kanyang harap si Huksy—gamit nag katawan niya. "tatanungin nga kita, sino ba ang puno't dulo nito, ha?"

"Bakit ginusto ko bang magkapalit tayo? Ang gusto ko lang naman ay ang makuha ang mapabilis ang pakuha ko ng ginto—"

"Alam mo kaya siguro tayo pinarurusahan ng spring na yon dahil sa sobrang lakas ng kagustuhan mong makuha ang gintong 'yon."

Matalim na titig ang ipinukol niya kay Husky. "Hindi mo alam kung bakit ko gustong makuha ang ginto kaya wala kang karapatan na husgahan ako."

"Makasarili ka lang," balik sa kanya ng binata. "Kaya ginusto mong pumunta doon sa spring na iyon at—"

"Pwede ba?" Marahas niyang putol kay Husky. "Wala kang alam sa buhay ko kaya wala kang karapatang husgahan ako kung naniwala ako sa magic nung spring—"

"Hidden spring?"

Sabay pa silang napatingin nang marinig nila ang nagsalita. Isang matandang lalaki ang nabungaran nila, may hawak itong walis at nakasuot ng uniporme ng resort. Mukhang empleyado ito doon.

"Alam nyo po ang tungkol sa spring?" Tanong niya sa matanda.

"Hindi hijo," sagot sa kanya ng matandang lalaki. "Pero palagi kong naririnig ang tungkol diyan sa mga kapitbahay ko sa labasan."

"Ano po ang kwento ng spring na iyon?" tanong naman ni Husky na lumapit sa kinatatayuan nila ng matanda. "May makakapagsabi po ba kung saan namin mahahanap ang spring na iyon?"

Umiling ang matandang lalaki. "Ang alam ko hija, nagpapakita lamang ang spring na iyon sa piling tao at hindi basta basta makikita nang kung sinong may gusto. Kung hinahanap ninyo ang spring na iyon ngunit hindi kayo ang piling tao, hindi ninyo makikita iyon kahit anong gawin ninyo."

Napalunok si Kitty. Gaano man kaweirdo isipin ang sinabi ng matanda sa kanya, hidni niya maiwasang mabagabag. Ibig sabihin, pinili siya ng spring para pakitaan? Bakit? "Pero paano kung nakita ko na po minsan ang spring? Paano magpapakita ulit sa'kin iyon?"

Tinitigan siya ng matandan na tila ba hindi ito makapaniwala sa sinasabi niya. "Hijo, sa palagay ko, naghahanap kayong dalawa ng sagot. Hindi ako ang taong makapapagbibigay niyon sa inyo, pero may kilala ako na maaaring makatulong sa inyo."

"Sino po?"

PAULIT ULIT na kinastigo ni Husky ang kanyang sarili. Ano bang klaseng gulo ang pinasok niya? Ang gusto lang naman niya noong una ay...ano ba? Hindi naman talaga niya gustong tulungan si Don Aguilado. Pinilit lamang siya ni Kitty na sumama sa misyon na ibinigay nito sa kanila. He agreed because he wanted to annoy the hell out of her.

Pero anong napala niya?

Bukod sa palagi siyang nabobother sa mga mata ni Kitty, naabala ang kanyang trabaho, nalayo siya kay Sky at ngayon, hindi niya alam kung paanong bibigyan ng deskripsyon ang nangyayari sa kanila ngayon. This is the worse and the last straw if you would ask him.

Parang isang malaking kalokohan ang nangyayari sa kanila ni Kitty. May magic spring, mga alitaptap, babaeng hindi nageexist at heto, pagpapalit ng katawan. Matapos nilang makausap ang matandang empleyado ng resort kanina ay itinuro sila sa bahay ng isa sa mga napagtanungan nila kung nasaan si Narcissa Herrera. Iyong bahay na may dalagita.

Balak pa sana sila nitong pagsarhan kanina nang makitang sila na naman ni Kitty ang nasa likod ng pinto. pero mabilis na naiharang ni kitty ang katawan nito na katawan niya. Nang banggitin nito ang tungkol sa hidden spring ay biglang nagkainteres ang dalagita at pinapasok sila.

At ngayon nga, heto sila, kinukwentuhan ni Mayumi—ang dalagita—tungkol sa kasaysayan umano ng mahiwagang bukal. And for the heck of it, gustong gusto ng umalis ni Husky dahil parang wala siyang kahit anong gustong paniwalaan sa mga sinabi nito: Ada at sumpa. Iyon lamang ang natatandaan niya.

"Sabi sa amin ni Nana, isinalin pa ng kanyang mga lola ang tungkol sa istorya ng isang prinsesang ada ang naninirahan at nagbabantay sa hidden spring na iyon," sabi ni Mayumi. "Paraluman ang pangalan niya at noong unang panahon ay umibig ito sa isang lalaking mortal."

Sinulyapan ni Husky si Kitty—na nasa katawan niya. Mataman na mataman itong nakikinig sa pagkukwento ni Mayumi. Pakiramdam niya, tumatayo ang buhok sa kanyang batok ahbang pinagmamasdan ito. Never niyang inisip na magiging interesado siya sa mga ganoong kwento. Fuck, for all he know baka kwentong bayan o gawa gawa lamang ng mga tao iyon.

Pero kung gawa gawa lamang iyon, bakit nagkapalit nga sila ni Kitty ngayon?

"Labag noon sa batas ng mga ada ang pagmamahal ni Paraluman sa lalaking mortal, ngunit binalewala niya ang lahat ng iyon at ipinagpalit niya ang kanyang kapangyarihan at pagiging immortal para makasama ang lalaki," pagpapatuloy ni Mayumi. "Noong magkasama naman sila ng lalaking mahal niya, noong una, naging maligaya siya sa piling nito. At dahil sobrang tiwala siya sa lalaki, sinabi niya dito ang lihim ng kagubatan pati na ang mga tinatago nilang kayamanan doon."

Buhat nang sinabi ni Mayumi ang tungkol sa kayamanan ay nagkatinginan sila ni Kitty. Ewan ba niya, kahit na nasa katawan na niya si Kitty, parang ang mga mata parin ng dalaga ang nakikita niya sa tuwing titigan niya ito. It was really absurd if you would think about it dahil nasa katawan na niya si Kitty at katawan niya ang gamit nito, kung ganoon bakit ang mga mata pa rin ni Kitty ang nakikita niya?

"Ngunit natuklasan ni Paraluman na hindi naman talaga siya mahal ng lalaki, bagkus ang kayaman lamang ang habol nito sa kanya at may iba itong iniibig. Ginamit lamang siya ng lalaki para malaman ang tungkol sa kagubatang binabantayan ng lahi nila. Huli na nang mapagtanto niya ang gustong gawin ng lalaki dahil itinali nito si Paraluman at ikinulong para hindi maging sagabal sa maitim nitong balak." salaysay ni Mayumi. "Kasama ang mga kabaryo ng lalaki ay sumugod sila sa gubat upang sirain iyon at kunin ang kayamanan. At kahit nanlaban ang mga ada, hindi nila nagawang magapi ang mga mortal dahil alam din ng mga ito ang tungkol sa kahinaan nila--ang ingay na nagmumula sa sungay ng kalabaw."

"So kung sinira ng lalaki ang gubat, nasaan si Paraluman? I'm sure nakasurvive siya sa nangyaring pagsugod dahil itinali siya, hindi ba?" Hindi nakatiis na singit niya. Pakiramdam niya, mababaliw na siya habang patuloy na pinakikinggan ang kwentong iyon. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang umalis na roon.

"Natakas si Paraluman mula sa paggapos sa kanya, ngunit huli na ang lahat ng dumating siya," sagot ni Mayumi sa kanya. "Sira na ang gubat at patay na ang lahi nila. Nagsasaya ang mga tao nang abutan niya ang mga ito habang nagpapakasasa sa mga nakuhang kayaman sa kanila."

"Dahil sa galit ni Paraluman sa lalaking mortal at sa mga kalahi nito, sumumpa siya sa bathala ng kalikasan na sa kanyang pagpapakamatay ang dugo niya ay magsisilbing isnag lihim na bukal na tutupad ng kahilingan ng isang taong may masidhing kahilingan." Pagpapatuloy ni Mayumi. "namatay daw si Paraluman nang gabing iyon pati na ang lahat ng taong naroroon sa kagubatan dahil sa isang landslide na nagsilbing hagupit ng galit ni Bathala dahil sa mga nangyari. Kaya ang sabi sabi, kung sino raw ang magtatangkang maligo sa bukal na iyon ay bibiyayaan ng ada ang kanyang pinakatago tagong kagustuhan ngunit may kapalit..."

"ang pagpapalit ng katauhan?" Hindi niya mapigilang bulalas. Hindi naman siya nadadala sa kwento, pero parang nakikinita na niya ang katapusan ng kwento ni Mayumi. "Tama ba?"

Tumango ito s akanya. "Iyon po ang sabi sabi nila ate. Ngunit hanggang ngayon wala namang nagpapatunay doon. Mayroong mga kwento na may mga nakakita ng bukal ngunit walang nakapagpatunay niyon."

"Y-yung mga nakakita daw ng bukal, bakit sila yung pinipili?"

Nagkibit balikat si Mayumi sa tanong ni Kitty. "Ang sabi ni Nana, kapag daw masyadong malakas ang kagustuhan at pagnanais ng isang taong iyon, pinapanigan siya ni Paraluman para makuha ang gusto niya. Hindi gusto ng ada ang magandang pagnanais, minsan kung hindi kagandahan ang kagustuhan doon mas nagpapakita ang bukal at dahil iyon sa galit niya at kagustuhan niyang makaganti."

Muli, tinitigan niya si Kitty. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Mukhang naguguilty ito sa mga sinabi ni Mayumi. "Paano kung nakita ng isang tao ang bukal at nangyari nga sa kanila ang pagpapalit ng katawan, paano sila babalik sa normal?"

Nagkibit balikat muli si Mayumi. "Walang pang nakakapagsabi dahil wala pa namamg naitatalang kaso tungkol doon para patotohanan ang hiwaga ng bukal. Pero ang sabi nila, kapag nakuha na daw ang kagustuhan ng mga taong nagkapalit ay saka lang daw mawawala nag bisa ng mahika." Nagpalipat lipat sa kanilang dalawa ni Kitty ang tingin ni Mayumi. "Hindi naman siguro...?"

"Hindi," mabilis niyang tanggi at tumayo sa kanyang kinauupuan para hilahin ang kamay niya—o ni kitty—ewan, para tumayo. Hindi na niya hinayaan si Kitty na sabihin ang sitwasyon nila dahil baka kung anu-anong kaweirduhan na naman ang marinig niya. Or worse, baka mas marami pang makaalam sa mga nangyayari sa kanila ngayon. It was the last thing he ever needed at the moment. "Naitanong lamang naming dahil sabi ng mga tao sa resort may ganoon ngang legend dito."

Nagdududang tiningnan sila ni mayumi. Muli siyang nagsalita. At dahil nasa katawan siya ni Kitty, alam nyang mas maniniwala ito sa kanya. "Hindi ba noong huling beses kaming nagpunta dito, hinahanap naming ang nana mo? Nangangalap kasi kami ng impromasyon tungkol sa bukal at ang nana mo ang may alam, hindi ba?"

"Sana po ay sinabi na ninyo noong una dahil masasbi ko naman sa inyo," ani Mayumi. Alam niyang hindi pa rin kumbinsido ang dalgita. "Magiingat nalang po kayo sa loob ng resort na iyan. Maganda nga ngunit marami ang mga bagay na hindi maipaliwanag diyan."

Tumago siya at hinila na si Kitty. "Halina Husky, may kailangan pa tayong puntahan hindi ba?" Aniya sa dalaga saka pinanlakihan ito ng mata. "Maraming salamat sa pag-entertain mo samin, Mayumi. Pasensiya na rin sa abala."

Nang makalayo layo na sila sa bahay ni Mayumi ay saka niya hinarap si Kitty. "Yung ginto, ada at kung anu-ano pang kalokohan na 'yan...wala akong maintindihan!"

"H-Hindi ko rin maintindihan," sabi ni Kitty. "Ganoon na ba ako kasama?"

"Iyan pa ba ang iisipin mo ngayon? Paano tayo babalik sa normal? Paano tayo babalik sa katawan natin?" Sigaw niya dahil wala na siyang mapaglagyan ng galit niya. "We can't stay like this any longer, please. Ano ba ang hiniling mo sa bukal na iyon?"

"N-na makuha ko na ang gintong sinasabi ni Don Aguinaldo."

Napabuntong hininga siya, Sinasabi na nga ba niya. "Ayoko nang madamay sa gulo mo dahil in the first place hindi ko naman na gustong poatulan ang gusto ni Don Aguinaldo, ikaw lang ang may gusto noon! Bakit pati ako nadadamay?" exasperadong wika niya.

Hinilamos ni Kitty ang kanyang palad sa kanyang mukha. She looked puzzled, frustrated and hopeless at the same time. "H-hindi ko na alam ang gagawin."

Umismid isya. "Well ako, alam ko kung anong gagawin ko. I quit this shit!" Nagsimula na siyang maglakad palayo sa dalaga nang maramdaman niya ang pagring ng telepono nito sa kanyang blusa—eh, sa bulsa pala ng shorts ni Kitty.

Dali-daling lumapit sa kanya ang dalaga at kinuha iyon. Nakita niyag biglang nanlaki ang mata nito nang makita nito ang caller at mabilis na sinagot iyon. "Hello, Maya?" Saglit na kumunot ang noo nito saka tumingin sa kanya. "Ah, kaibigan ako ng ate mo. Nandito siya sa tabi ko. Kung anuman ang sasabihin mo ako nalang ang magsasbi sa kanya." Lalong kumunot ang noo nito ngunit pagkuwan ay tinakpan nito ang cellphone.

"Kailangan mong magsalita. Hinahanap ako ng kapatid ko. Importante ito kaya kailangan niyag mairig ang boses ko." Pinindot ni Kitty ang loudspeaker. "M-Maya?" Nagsalita siya. Hindi niya alam kung paano ilalarawan ang awkwardness na nararamdaman niya noong mga oras n iyon.

"A-ate!" Parang naiiyak at desperado ang boses ng kapatid ni Kitty. "Pasensiya ka na, ayaw ka sana naming abalahin sa dyan sa trabaho mo sa Laguna pero may emergency na nangyari."

Sinulyapan niya si Kitty. Nakatingin ito sa kanya na tila nakikiusap. Mukha rin itong antetensyon dahil sa tawag ng kapatid nito. "A-anong nangyari?"

"A-ate si Kokay, nasa ospital. Hindi na namin alam nina nanay kung saan tatakbo at hihingi ng tulong bukod sayo."

Walang salitang biglang inagaw ni Kitty ang telepono. Parnag biglang nawala sa tamang pagiisip ito. "anong nangyari sa kapatid mo?"

"Nadengue si Kokay, pakisabi naman po kay ate. Kakailanganin ng magsasalin ng dugo sa kapatid namin at..." narinig niyang biglang umiyak ang dalagita mula sa kabilang linya. Nakita rin niyang tila nahihindik si Kitty habang pinakikingan ang pag-iyak ng kapatid nito mula sa kabilang linya. "Huwag kayong aalis dyan, pupunta na ako." Binaba ni Kitty ang tawag at bumaling sa kanya. Alam na alam na niya ang sasabihin nito. Kinakilangan nilang bumalik sa maynila at pansamantalang ipagpaliban ang paghahanap sa bukal.

May parte sa kanya na nagsasabing hindi na dapat siya makialam kung anong gulo na naman ang mayroon sa buhay ni Kitty. Pero kinastigo rin siya ng kanyang konsensiya. Hindi niya kayang tiisin ang nakikita ngayon at naiinis na napakamot nalang siya sa kanyang ulo—sa ulo ni Kitty. Dahil kahit umayaw siya, wala silang choice. Hindi maaaring magpakita si Kitty roon bilang siya kaya kailangan nandoon din siya.

Ano ba itong kaguluhang napasukan niya? Bakit parang napakagulo bigla ng mundo niya?

Continue Reading

You'll Also Like

21M 768K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
48.6K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
17K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
43.2K 1.7K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...