Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 13: Travis

1K 18 1
By AyhenPey

Chapter 13

Ayaw ko nang alalahanin pa ang nangyari noong isang araw basta ang alam ko, sinipa ko ang mahalagang bagay sa pagkakalaki niya at dumaan sa parlor. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noon basta ang sinabi ko doon sa nag gugupit, lagyan ako ng bangs at kulayan ng brown ang buhok ko. Muntikan na akong mapalo ni Papa pagkauwi ko dahil sa itsura ko, wala naman akong madahilan. 

Uwian na namin ngayon, nagpapasalamat na din ako dahil tapos na ang Exam, sa tuwing makikita ko siya iniiwasan ko siya ng tingin, hindi ko pa din siya napapatawad sa ginawa niya sa akin. Marami din sa aking nagagalit,hindi ko naman alam ang dahilan.

Deredecho na muna ako sa Club baka nagagalit na sa akin sila Hannah. Habang lumalakad ako.

"Serah!" hindi ko siya pinansin... Malamang alam na din niya yung tungkol doon sa nangyari, wala naman akong sasabihin sa kanya.

"Serah! Oy! Pansinin mo ako..." malapit na ako sa room..

"Serah naman oh! Pinaghirapan ko 'to. Kung galit ka sa kanya sa kanya na lang wag mo na akong idamay. Pinapangako ko sayo iba ako sa kanya. Please naman..." kahit hindi ko siya nakikita parang naguilty na ako doon. Tama siya, iba nga siya kay Zac. Liningon ko siya at nakita kong may hawak hawak siyang papel.

"Tignan mo." inabot niya sa akin yung papel. Apat iyon. Nagulat naman ako dahil puro perfect ang score niya. English, Math, Physics at Filipino. Wow, as in! Genius ata ito eh. 

"Galing..." kinakabahan ata ako, naalala ko iyong napag usapan namin dito. 

"So, uhm... Yung dare.. Ako ang nanalo..." sabi niya ng nakatungo, pero bakit kaya ganoon? Bakit ganyan ang kilos niya? Di ba dapat ako ang kinakabahan.

"Ano iyon?"  tapos huminga siya ng malalim.

"MAKIPAG DATE KA SA AKIN FOR THE WHOLE DAY THIS SATURDAY!" lumakas ata kabog ng dibdib ko sa narinig ko. DATE? Never pa akong naka experience dyan. Naku, ano ang sasabihin ko sa kanya? He's looking into me straight in my eyes.  Papayag ba ako? Paano iyong sinabi sa akin ni Bethina... 

"Okay." mahina kong sabi. Umoo ako sa dare niya kaya dapat kong panindigan iyon. Siguro naman friendly date iyon, I trust Travis. I smiled into him at nag simula na ako maglakad pero narinig ko pa siyang nag salita. 

"Saan ang bahay mo? Susunduin kita?" nung narinig ko iyon bigla na lang gumalaw ang paa ko para tumakbo sa Journalism room. 

Pagkarating ko doon, nanlaki ang mga mata nila sa akin. Kompleto na sila doon at may ginagawa sila. Naku patay! Ilang segundo ata silang hindi nag salita. Nang biglang

"OHMYF******GOD!" sigaw ni Carla, bigla silang tumakbo palapit sa akin, akala ko yayapusin nila ako pero bigla nilang hinawakan ang buhok ko at inamoy. 

"Wow, Ate Serah! Ang ganda ganda mo!!! Bagay na bagay!" sabi ni Hannah.

"Brown hair with full bangs! Pwede ka na sa Ulzzang!" sabi ni Irish, kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila tumatango tango na lang ako. Hayss, nakahinga din ako ng malalim kala ko kasi galit sila eh. 

Kumuha ako ng isang letter doon at binuksan iyon.

Dear, Teacher

Pwede po ba nyo akong tulungan? Kasi po may type po ako dito sa school no, LOVE pala. I almost transferred here para makasama siya. He said na kapag dito daw ako nag-aral mas lalo daw siyang mapapalapit sa akin the way na nag assumed ako. Pero ngayon po nag iba na ang lahat. Hindi na niya ako pinapansin, mabuti pa noong hindi ako nag-aaral dito. What will I do? 

 -Mara

Akala nga talaga ng mga students Teacher ang nagbibigay ng advice. Kumuha ako ng papel at kahit hindi ako sigurado sa ibibigay kong advice. Kailangan ko pa din siyang bigyan. 

Hi Mara, Don't be hard for yourself. Kung naiisip mong mag gave up na dahil you're tired pwede mong gawin iyon. Pero kung malakas ang determination mo na the two of you still can work out. Then go for it. Walang masamang mag try. Sometimes trying can lead you to your happiness. Sabi nga nung Globe. Go-lang-Go. 

If you find this is unhelpful. Write again. 

-xoxo. 

Grabe, muntikan ko nang malagyan ng 'S' yung sa ilalim ng xoxo pero mabuti na lang lumapit sa akin si Hannah. 

"Hi Ate Serah, may nalaman kami sa'yo..." tapos nag sad face siya, alam nga pala ng lahat. Ano kayang sasabihin nila sa akin? Di ba favorite nila ang Switch.

"Haysss..." naglapitan na sila sa akin... "-baka nagagalit kayo sa akin, pwede nyo na akong kuyugin." 

"OMG! Ate Serah! You changed a lot! Noon hindi ka gumagamit ng mga ganyang words, tapos tignan mo 'tong advice mo. Guys look oh, tignan mo yung sentence niya... Kakaiba na!" tinignan naman nila yung reply ko kay Mara. 

Nag iba ba ako? 

"Ate, hindi kami nagagalit sayo." sabi ni Irish sa akin. "--nagulat lang kami na interested ang crush ng bayan sa isang Serah." sabi niya ng seryoso, kinakabahan ako dito...

"Galit nga ako sa kanya kasi ninakaw niya yung first ko. Pagkatapos niyang gawin sa akin iyon hindi man lang siya nag sorry. Pati may sinabi din sa akin si Bethina..." kinuwento ko sa kanila yung sinabi sa akin ni Bethina, dahilan para maiyak na naman ako.

"Ate, wag mong kaawan ang sarili mo. Wag kang maniwala doon! Bruha lang talaga iyon!"

"Oo nga ate! Pati mukha namang hindi totoo iyon kasi tignan mo naging close na din kayo ni Zac nung Acquaintance palang tapos sinabi niya na gusto ka niya. Nandoon kaya kami sa scene na iyon!" sabi ni Carla

"Hoy tumigil ka nga sa pang-aasar kay Ate. Pero ate advice ko lang sayo wag ka munang maniniwala sa sasabihin ng iba. Bakit hindi mo alamin o tanungin sila para malaman mo ang totoo?" sabi ni Hannah, nag nod na lang ako. Ngayon ko lang napansin si Hannah pala ang pinaka matured sa kanila no wonder kaya President siya. 

Marami pa kaming sinagot na Letters. Wow nag i-improved na ang aming Advice Column! Tatayo na sana ako ng mapatingin ako sa loob ng bag ko. Nakabukas kasi ito. Nakita ko iyong Bible. 

Bigla na lang akong napaiyak... Napahagulgol. 

Sorry.....Sorry... Naging makasalanan ako! Ngayon ko lang narealize dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko nagawang isipin kung sino ang pinapahalagan ng buhay ko. Hindi man lang ako humingi ng tulong kay Lord naging makasarili ako ngayong araw na ito pati kahapon. Hindi ko nasabi ang mga problema ko sa kanya na dapat sa kanya muna sabihin bago sa iba. 

Iniba ko din ang itsura ko na binigay niya.

Ano ang dapat kong gawin?

 Biglang nagplay sa utak ko ang lyrics ng Power of your Love

Lord I come to you, let my heart be changed renewed. Which makes me cry harder. Nagpaiwan na ako kila Hannah, ako na lang ang bahala dito sa room, gusto ko munang mapag-isa.

*   *   * 

Sabado na ngayon at kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Travis kasi naman kinuha niya yung address ko sa office kaya wala talaga akong lusot. Hindi din ako makakapunta mamaya sa Youth Worship namin kasi nga sa 'date' kuno na yan. 

Tapos nandito pa si Mama at Papa. Susunduin daw niya ako bago mag 12. Haysss, paano ba ito? Baka mapagalitan ko ni Mama! First time kasing may pupuntang lalaki dito. Ang masama pa doon ... Hindi ko masabi . 

Tao po. 

Kinabahan na naman ako, to the whole na sasabog na ang dibdib ko! Si Travis na iyon for sure! Alam na alam ko ang boses niya!  Nag-uusap na ata sila! Naku naman! Ano na ang sasabihin ni Papa? Natatakot talaga ako! Ano ba naman kasi itong pinasok ko! 

Tapos narinig ko silang nagtawanan. Hala? 

"Serah! May bisita ka! Bumaba ka nga dito!" naku si Papa. Sa totoo lang kanina pa ako naka-ayos hindi naman ako excited pero nahihiya ako na pag antayin pa siya. Bumababa na ako at nakita ko si Travis na kinakausap si Mama. 

"Oh nandito ka na pala anak! Di mo sinabi na may bisita ka." sabi ni Mama, ano ang sasabihin ko? Paano ko sasabihin iyon......... 

"Ah Mama.. " hindi ko na napagpatuloy kasi...

"Uhm, kaya po pala ako nandito kasi po gusto ko pong isama si Serah.." tapos bigla siyang bumulong kay MAMA! Nanlaki ang mga mata ni Mama. Tapos si Papa din... Nagulat na lang ako nang lumapit si Mama kay Papa at nagbulungan din. 

Hala,... Tumingin ako kay Travis hindi siya sa akin nakatingin kung hindi kila Mama at Papa na nagbubulungan pa din. Ano kaya ang isasagot nila? Wag kayong pumayag Ma! 

"Sige basta uuwi ng maaga!" sinabi ni Mama at Papa ng sabay.

"Oh siya tara na!" tumayo na si Travis at hinigit na ako palabas. Teka, nakangiti siya? 

"Uyyy, san tayo pupunta?" tanong ko.

"Kakain." grabe, ang layo ng sagot niya..

Nabigla naman ako... May kotse na nakaparada sa harapan namin. 

"Sakay na." nakatingin pa din ako sa kotse, believe it or not hindi pa ako nakakasakay sa kotse! Sa jeep, tricycle at bus lang! Pero kotse never! "Oyyy!" 

Pininch kasi ni Travis ang pisngi ko kanina pa pala siya nakatayo doon sa pintuan ng kotse. Pumasok naman ako pati siya. Nagulat naman ako. Dahil may driver na!

"Ah Serah, siya pala si Ka Dadong driver ni Mama." tapos bigla niyang kinamot ang batok niya. Magkatabi pala kami. Awkward. Umandar na yung kotse, nakatingin lang ako sa dinadaanan. Parang way papuntang Maynila ito ah? Hindi ko kasi alam itong dinadaanan namin, hindi pa din ako nakakapunta dito since. Bahay, School at Church lang ang pinupuntahan ko. Nahihiya naman ako magtanong kung nasaan na kami. 

Huminto na lang ang kotse sa tapat ng Alfredo's Steak! 

Sa pagkakaalam ko mahal daw yung Steak! Kasi sa tuwing kumakain kami minsan si Kuya nangangarap na may Steak sa hapag kainan namin. So, kakain kami ni Steak?! 

"Laway  mo, Serah..." bigla naman niyang hinawakan ang baba ko, kunyari nakanganga ako at sinasarado niya.

Iniwan na namin si Ka Dadong doon sa kotse, at pumasok na kami sa loob. Pagkapasok namin doon feel ko ang ambiance nitong place na ito. Humanap na kami ng mauupuan. Nung nakahanap na kami. 

"Wait." sabi niya tapos hinigit niya yung upuan para sa akin. Hindi ako sanay... Nakakakita ako ng ganitong scene sa TV ganito pala ang feeling nakakahiya. 

"-ang tahimik mo, hindi ako sanay." tapos nag pout siya. naka lean yung elbow niya sa table habang nakapalumbaba siya at nakatingin sa akin. 

Ngayon ko na lang ulit nakita si Travis na naka civilian. Haysss naalala ko na naman yung nakaraan ko! Nung una ko siyang makita! Bigla namang dumating yung waitress at inabot yung Menu. 

Hindi na sa akin pinakita ni Travis yung Menu at umorder na lang siya ng "All-you-can-beef" daw at ice tea? with 2 rice?! 

Kwento lang ng kwento si Travis about sa sarili niya at sa family niya. Mabuti at hindi niya nababanggit ang kaibigan niya. Napag alaman ko na may kapatid siyang mukhang mongoloid, napatawa naman ako doon. 

"Mamaya pagkakain natin punta tayo sa amin! Papakita ko sayo ung mga kapatid ko, tapos maglalaro tayo ng Xbox! Wag kang mag-alala, makakalimutan mo siya....." may isang tao ang pumapasok sa isip ko nung sinabi niya iyon... tapos dumating na yung order namin! 

Parehas pala kami ng food, pagkakitang pagkakita ko doon sa pagkain, parang naglalaway na ako.  

Grabe ang sarap! Naubos ko yung buong steak na inorder sa akin ni Travis! Pero naiilang talaga ako habang kumakain kasi si Travis nakatingin sa akin. Aaminin ko ang pogi niya ngayon. 

"Buuuuuurrrrrrrrpppp!" naku, napasarap ako sa pagkain tapos nakalimutan ko ding magdasal! argh!! at ang masama pa doon ang lakas ng dighay ko. 

"HAHAHAHA, ayos yan tataba ka na!" pang gagalit ni Travis sa akin

Nahihiya ako kasi ang mahal ng binayaran ni Travis mga isang libo ata. Sana man lang pinag sharan niya lang ako ng babayaran. 

Sumakay na kami sa kotse, mga ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay nila! Grabe ang laki!!!!!  Mansion ba ito? Never din akong nakapasok sa ganitong kalaking at kagandang bahay.

"Wow.." pero bigla akong inakbayan ni Travis , tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Naiilang talaga ako. Pumasok na kami sa bahay nila tapos biglang may dalawang lalaki ang nag sisigawan na para bang mag-aaway na. 

Ang pogi nila. Pero bakit ang layo ng mukha nila kay Travis? Nung nakita nila kami bigla namang umakbay yung isa sa isa. At kinisan sa pisngi! 

"Kuya, bati kami!!" tapos noon nagtakbuhan na sila

"HAHAHA, baluga talaga iyong mga iyon, yung black ang buhok ay si Troy at yung blonde ay si Tim." So sila pala ay lahat ay letter T ang name,

"Bakit iba ang itsura ng mga iyon sa iyo?" tanong ko

"Eh kasi ulzzang wanna be sila, ayun nag paretoke ang mga g*** at nagpakulay ng buhok."

"Ulzzang?" nung isang araw ko pa naririnig iyon. Sabi nila Carla pwede na daw ako doon. Ano ba iyon?

"Ah, yun ung mga pretty boys and girls na sumisikat sa internet." sagot niya

"Teka, Anong sabi mo kanina? Retoke? Retokado ang mga kapatid mo? Ilang taon na sila?"

"12 at 13." 

"Ano?!" 

"Ang ganda mo! Pa-kiss!" nang may pumasok sa bahay nila at biglang sinuntok si Travis!  

Continue Reading

You'll Also Like

159K 2.6K 59
Ms. Simple dreaming for a HAPPY ENDING... meets Mr. Popular... She fell in love in with him... Pero mukhang wala namang paki si Guy.. Mangyayare ba a...
54.8K 1.1K 123
ALL YOUR FIRST ARE WORTH REMEMBER
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
257K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...