I am Underdosed (MingKit Fanf...

By kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit More

Prologue
Chapter 1: Hydroxyethylrutoside
Chapter 2: Loperamide
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 5: Aripiprazole
Chapter 6: Risperidone
Chapter 7: Midazolam
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 9: Methylphenidate
Chapter 10: Mefenamic Acid
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 14: Sildenafil
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 20: Amphetamine

164 14 5
By kellskellay

Vocabulary!!!

Narcolepsy - A sleeping disorder wherein the patient is experiencing too much sleep. Antonym of Insomnia. Hypersomnia.

Amphetamine - A prodrug of Methamphetamine. Intended to use for the treatment of Narcolepsy.

•••

It's been a week mula nang makalabas ako sa ospital. Stable na ako sa ngayon dahil sa mga meds ko. Hindi nga lang masyadong maganda sa pakiramdam dahil madalas akong mahilo at magsuka.

Madalas na side effects ng mga gamot. Kahit na gusto ko namang itigil, hindi naman pwede. Salamat nalang kay yaya Didith dahil lagi niya akong pinapa-alalahanan na laging uminom ng gamot.

Masyado akong natatakot sa mga boses na ako lang ang nakakarinig.

Madalas na akong magkaroon ng panic attacks kapag nakakalimutan kong uminom ng gamot ko. Ganito pala ang feeling kapag isa kang baliw.

Tatawagin ko nang baliw ang sarili ko dahil alam ko namang hindi na ako normal. Hindi na ako normal mag-isip at hindi na normal ang tumatakbo sa isip ko.

This is actually depression and anxiety.

Pumapasok na din ako sa school. Parte na din ng rehabilitation ko. Kailangan kong maki-halubilo sa ibang tao. Pero kahit na isang linggo na, hindi parin naaalis ang takot ko sa tao. Lalo na sa mga lalaki.

Mabuti nalang at puro babae ang faculty ng Pharmacy at isa lang ang bakla. Kaya naman sa mga kapwa ko estudyante ako natatakot.

"Uy! Kanina ka pa nakatulala diyan. Anong iniisip mo?" Nanumbalik ako sa realidad nang kalabitin ako ni Marianne. Yung kalabit niyang kayang tanggalin ang epidermis mo.

"Wala naman." Sagot ko.

"Kung kailangan mo ng kausap, kausapin mo lang ako."

Tumango lang ako. Bumalik na siya sa pagsusulat at ako naman, hindi ko alam kung tutunganga parin ba ako o sisimulan ko nang magsulat?

Bakit ba kasi napakahaba ng seatwork ngayon? Tinatamad na ako.

"Nasaan nga pala si Ming? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ni Marianne.

Oo nga? Nasaan ba si Ming? Kita niyo na? Baliw na ako. Hindi ko man lang alam kung nasaan ang boyfriend ko.

"Hindi ko nga alam eh. Kanina pa ako tumatawag sa kanya, hindi naman siya nagrereply." Sagot ko.

"Sayang naman kasi 'tong seatwork. 100 points daw 'to sabi ni Sir Bacud." Sabi ni Marianne.

"Wala namang bago. Kahit seatwork or quiz pa 'yan lagi namang 100 points."

Stressful na din talaga ang pag-aaral ngayon. Lalo na yung subject namin na Quality Control 1. Although madali lang ang mga computation. Pero ang isang problem statement na kailangang isolve, ay 50 points na.

Iba din talaga magpa-quiz itong professor namin. Isang mali lang, wala ka nang 50 points sa quiz.

Bumalik na din ako sa pagsusulat. Natapos ko ang dalawang paragraph nang magreply na sa akin si Ming.

"Kagigising ko lang baby. Sorry na. Papasok na ako sa school."

Bakit naman ba siya nagso-sorry? Tinignan ko tuloy yung thread niya sa phone ko.

"Ano ba?! Hindi ka ba magre-reply?!"

"Magreply ka naman!"

"Huwag mo akong inisin Richard!"

Wtf? Bakit ganyan na ang mga text ko kay Ming? Kailan ko pa siya tinawag na Richard?

At tsaka, 8 am? Sinong nagtext nito kay Ming? Ang pagkakaalam ko kasi, 9:30 am ako gumising.

"Bakit ka naman nakasimangot diyan?" Tanong ni Marianne. Once again, parang nawala ako sa sarili ko.

"Nalilito kasi ako."

"Tungkol saan?"

Inabot ko kay Marianne ang phone ko para makita niya yung sinasabi ko.

"Oh? Ano naman meron dito?" Tanong niya.

"Ang gulo lang. 8 am ko sinend yung mga text ko kay Ming. Pero, 9:30 ako nagising kanina."

Pati siya ay napasimangot din dahil sa sinabi ko.

"Sira na ba ulo mo?" Sarkastiko niyang tanong.

"Gusto mong sirain ko ulo mo?"

"Mukhang ikaw parin si Kit."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. 'Wag mo nalang intindihin."

Bumalik na siya ulit sa pagsusulat. Hindi niya man lang pinansin yung pinakita ko sa kanya.

Nagreply ulit si Ming sa text ko.

"Sorry na. Huwag ka na magalit baby."

Naguguluhan na ako. Wala akong choice sa ngayon kung hindi ang magreply.

"Hindi ako galit baby. Okay lang. Pumasok ka na para makagawa ka ng seatwork."

"Huy! Nakatulala ka nanaman diyan! Magsulat ka na nga." Sabi ni Marianne.

"Pagtapos kong gawin itong seatwork, may pupuntahan ako. Ako nalang ang bahala magsabi kay Ming kung nasaan ako."

Binilisan ko na ang pagsulat ko para matapos na ako sa ginagawa ko.

Tumayo na ako agad at nagayos ng gamit matapos kong gawin ang seatwork ko.

"Ikaw nalang ang magpasa niyan ah. Aalis na ako." Sabi ko.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Marianne.

"Hindi ko alam."

Tumayo na ako at umalis nang maligpit ko na ang mga gamit ko. Sa totoo lang, alam ko kung saan ako pupunta.

Nagbook na ako sa Uber papunta sa naisip kong lugar na pwedeng makatulong sa akin.

I think it is much better if I'm going to talk with my doctors. Pero mukhang hindi nila ako matutulungan ngayon.

Agad kong kinuha ang phone ko para itext si Ming. Hindi nalang muna siguro kami magkikita ngayong araw. Importante itong pupuntahan ko.

Kalahating oras lang ang ibinyahe ko. Mas okay siguro kung magpakonsulta ako sa isang Psychiatrist. Although, psychology graduate ang doktor ko last week sa ospital. Kailangan ko lang talaga ng second opinion.

Nandito na ako ngayon sa harap ng psychiatric clinic. Naghihintay na gumalaw ang mga paa ko papunta sa loob.

"Kit? Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Si Aris pala. Ang anak ng psychiatrist na pupuntahan ko ngayon. Schoolmate ko din siya studying BS Psychology.

"Ikaw pala 'yan. Magpapa-consult sana ako sa daddy mo. Ang kaso nga lang wala akong na-set na appointment sa kanya." Paliwanag ko.

"Okay lang. Tara na sa loob. Ako na ang bahala kay daddy."

Sumunod na ako kay Aris papunta sa loob. Agad kaming dumiretso sa isang kwarto.

Hindi naman ako takot kay Aris dahil kaibigan ko din naman siya. Schoolmate ko din at alam kong mapagkakatiwalaan.

Sinabihan niya ako na maghintay lang para kausapin ang daddy niya. Binuksan niya na ang pinto at dumungaw lang sa loob.

"Dad, may magpapaconsult daw sa'yo today. Kaso lang wala siyang nai-set na appointment sa'yo. Okay lang naman 'di ba dad?" Sabi ni Aris. Kinakabahan ako ngayon. Baka kasi hindi pumayag ang daddy niya.

"Sino ba 'yan? Kaibigan mo ba?"

"Special someone."

Nabigla ako dahil sa sinabi ni Aris, pero hindi ko nalang pinansin. Paraan niya lang siguro yun para mapapayag ang daddy niya.

"Okay. Come in."

So we did.

Bumati ako ng good morning at para namang gulat si Mr. Ramos nang makita ako.

"You are Francis Kit Felaez! Sige maupo ka hijo."

Umupo ako sa harap ng desk niya. Napansin ko namang halos lahat ng upuan dito ay sofa chairs. Maski itong inuupuan ko ngayon. Ang naiba lang ay ang inuupuan ni Mr. Ramos.

Mistulang isa itong library dahil sa dami ng librong nandito. Bawat pader ay may book shelf. Napaisip tuloy ako kung lahat ba ng mga librong ito ay nagagawang basahin ni Mr. Ramos.

Hinayaan lang muna ako ni Aris na kausapin ng daddy niya. Umupo lang siya sa sofa sa tabi at nanonood ng session namin ng daddy niya.

Nagsimula na ang session nang magtanong si Mr. Ramos sa akin. Nagsimula ang lahat sa isang tanong.

"Ano bang nasa isip mo ngayon?"

Siyempre sinagot ko kung ano ang nasa isip ko. Yung ari ni Ming.

Joke lang!

Binanggit ko yung nakakalitong pangyayari nitong umaga. Pinakita ko pa yung thread ni Ming sa cellphone ko para maipaliwanag ko nang maayos.

"Sa tingin mo ba..."

Everything went blurry until I felt my eyes were closed. I fell asleep within a glimpse of second.

This is weird. Nananaginip ba ako? I am hearing voices right now. Boses ng isang babae at boses ni Mr. Ramos. Hindi malinaw sa akin kung ano ang pinaguusapan nila.

Their conversation ended within several minutes.

I gained my consciousness again.

"Pasensya na po Mr. Ramos kung nakatulog ako. Narcoleptic po siguro ako. Baka kailangan ko po ng Amphetamine." Sabi ko.

Para namang gulat na gulat yung mag-ama sa harap ko ngayon.

"Ano pong problema?"

"Wala namang problema." Sabi ni Aris.

This is weird. What's actually happening right now?

"Paguwi mo, you're going to meet Kristina. I hope maging friends kayo."

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 271 17
AshMatt fanfic
31K 1.6K 49
Dana once thought that she would be happy with her boyfriend, Luis. She thought that he was the one. She thought that they would be one big happy fam...
355K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys
11.8K 429 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...