tender touch

By aryanpel

5K 328 584

Hayskul pa lamang ay nakaalalay na si Jean kay Miro. Siya ang naging pangatlong saklay ng binata. Sa kabila n... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 10

252 17 13
By aryanpel

Hindi madaling maghanap ng mga taong nawawala. Lalo na iyong habambuhay mo nang hindi mahagilap. Minsan, nawawalan tayo ng pag-asa. Minsan, nagmumukmok sa isang tabi at sisisihin ang sarili dahil sa pagkawala nila.

Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Miro? O baka naman mas malala pa? Hindi ko alam. Hanggang hula na lamang ako dahil kahit ako na asawa niya ay hindi niya kinakausap. Para bang narito siya ngunit ang kaluluwa ay kung saan na napadpad.

Alam ko namang mahirap mawalan ng minamahal sa buhay. Naiintindihan ko naman siya, pero sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa kanyang mata, tila may ilang bagay ding unti-unti nang nawawala.

Ikatlong gabi na ngayon ng lamay ng kanyang mga magulang dito sa bahay. May iilang kapitbahay na dumadalo sa vigil ngunit ang karamihan talaga ay mga kamag-anak ni Miro na ilang araw na ring nasa bahay.

Natigilan ako sa paghugas ng mga kutsara nang may biglang tumapik sa aking balikat. Napalingon ako sa gilid at nakita si Auntie Dina, iyong kapatid ni Mama Miranda.

"Ako na dito, iha. Magpahinga ka na muna," wika niya kasabay ng marahang pag-agaw ng sponge sa aking kamay.

Wala na akong nagawa dahil nagsimula na siyang maghugas ng mga plato. Nagpasalamat na lang din ako at hinugasan ang aking kamay. Mula kagabi ay wala pa akong tulog. Nagpunta ako sa kwarto at nadatnan si Miro'ng nakatulala sa gilid ng kama. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang maupo sa kanyang tabi. Agad kong napansin ang namumula niyang mga mata.

"Miro..." Dumausdos ang aking kamay sa nakabukas niyang palad. I intertwined our fingers and held him tight. "Nandito lang ako palagi sa tabi mo. You can share with me your grief."

Bahagya siyang gumalaw, ang mga mata ay nakatutok na sa akin ngayon. May dilim sa uri ng kanyang pagtingin. "Hindi ikaw ang nawalan, Jean."

Lalong bumigat ang aking dinadala dahil sa narinig. Marahan ako umiling. "Noong pinakasalan kita, itinuring ko na ring magulang si Mama at Papa. Masakit, oo, ang biglaan nilang pagkawala sa mundong ito pero, Dy, kailangan din naman nating mag-adjust. Magmove forward."

"Hindi iyon ganoon kadali!" sigaw niya na may kasamang galit at pilit na tumayo kahit na walang saklay. "Hindi madaling kalimutan ang sakit!"

Kahit na nanginginig sa outburst ni Miro ay sinakap kong alalayan siya at inabot sa kanya ang saklay. "Alam ko naman iyon. It takes time to heal. Pero sana lang huwag mong hayaang kainin ka ng lungkot. Look at the brighter side."

Mataman niya akong tinitigan bago siya nagbitaw ng malalim at may hugot na mga salita, "Jean, hindi mo ako naiintindihan."

Hindi ko siya nagawang sagutin. Natamaan ako doon. Ayokong makitang nalulungkot ang asawa ko kaya sa bawat pagkakataong mayroon ay sinasabi kong magmove on na siya. Hindi ko man lang naisip na kahit papaano ay may karapatan siyang malungkot at magluksa.

Noong ika-anim na gabi ng lamay ay bumisita ang mga kaibigan ko sa trabaho. Kami na lang ang narito sa bahay kasama ang iilang kamag-anak ni Miro.

Tinampal ni Kris ang aking braso nang maupo ako sa kanyang tabi. "Ba't parang hindi kayo nagpapansinan ng asawa mo?"

Kumuha siya ng isang tasa ng kape. Kumuha na rin sila Ofelia. Ang kanilang mga mata ay palipat-lipat sa akin at kay Miro na ngayon ay nasa gilid ng mga bulaklak sa harap ng kabaong ng kanyang ama.

"Wala," tipid kong sagot, nagpakawala ng buntong-hininga at sumipsip na rin sa tinimpla kong kape.

"Sinungitan ka na naman 'no? Iyang asawa mong 'yan talaga!" gigil na sambit ni Kris na agad namang sinita ni Nita.

Napalingon ako kay Miro. May kung anong pana ang tumama sa aking puso nang magtama ang aming mga mata. May kislap pa rin ng lungkot sa kabila ng panlalamig niya. Agad akong umiwas at binalik ang tingin sa mga kaibigan. Hindi ko magawang sulyapan siya nang matagal ngayon.

"Seryosong usapan," kalmado namang tanong Ofelia na siyang dahilan upang umayos ako ng upo. "Ba't ngayon parang 'di mo nakikita ang asawa mo?"

Natigilan ako at bahagyang napayuko. Narito na naman kasi ang mga luhang nagbabadyang kumawala.

Nakagat ko ang ibabang labi sa pagdadalawang isip na sumagot ngunit hindi ko rin naman napigilan ang aking bibig. "He's still mourning for his loss. I am, too. Binibigyan lang muna namin ang mga sarili namin ng panahon para matanggap ang nangyari."

"At hanggang kailan?"

"Hindi ko alam."

Naramdaman ko ang maiinit na palad na pumatong sa likod ng aking kamay. Nang bumalik ang tingin ko sa mga kaibigan ay nasilayan ko ang tipid na ngiti ni Nita.

"Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niyo dapat binibigyan ang sarili niyo ng distansya. Hindi niya man sabihin ay kailangan ka niya ngayon. Asawa ka niya at ngayong wala na ang kanyang mga magulang, ikaw na lamang ang tangi niyang masasandalan," sambit ni Nita.

Pero siya mismo ang nagsabi, hindi man direktang nakalahad, na hindi niya ako kailangan dahil hindi ko naman siya naiintindihan. Gusto ko iyong sambitin ngunit natauhan ako nang tuluyang lamunin ng mga salita ni Nita ang aking isipan. She hit the point. Aaminin kong dahil sa mga pag-aaway namin ni Miro nitong nakaraan ay tila nawalan ako ng pasensiya at naging sarado ang isipan sa mga positibong bagay.

Pagkatapos ang medyo mahabang usapan ay nagpaaalam na ang apat sa akin dahil may duty pa daw sila sa umaga. Ako naman ay on-leave. Hindi ko alam kung sinong pumalit sa akin ngunit pinagbigyan ako ni Sir Wade sa nirequest kong ten days leave.

Hinatid ko ang aking mga kaibigan sa labas ng gate at pumara naman ng taxi si Kris. Nauna na sina Ofelia sa loob.

"Iyong sinabi ko..." makahulugang paalala ni Nita bago tuluyang sumakay.

Nang umabante na ang sasakyan palayo sa aking kinatatayuan ay pumasok na akong muli sa bahay. Lumingon ako sa direksyon ng mga kabaong ngunit wala na si Miro doon. Ang auntie na lamang niya ang nagbabantay.

"Si Miro po?" magalang kong tanong.

"Pinagpahinga ko muna sa kwarto niyo. Mukha kasing makakatulog na iyon dito."

Napatango na lamang ako at nagpaalam na ring papasok muna sa loob ng aming silid. Nadatnan kong nakahiga si Miro sa kaliwang bahagi ng kama. Ang braso niya ay tumatabon sa kanyang mga mata. Umuga ang kama nang humiga ako sa kanyang tabi ngunit wala akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya. It's either he's asleep or he just chooses to ignore my presence.

Ano man sa dalawa, isinantabi ko iyon sa aking isipan at humarap sa kanya. Ipinatong ko aking ang kamay sa kanyang dibdib. Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng muscles ng kanyang katawan. Tila naninigas.

"Gising ka pa, alam ko." Lalo kong idinikit ang sarili sa kanya at hinigpitan ang yakap. "I miss you so much, Dy."

He did not respond, but I assume he heard me. Bumigat ang kanyang paghinga at ako nama'y isiniksik pang lalo ang katawan sa kanya.

"I love you, Miro."

I won't stop until I make him say a word. Lalambot din siya, alam ko. Kahit ano ang marinig ko mula sa kanya ay tatanggapin ko. Kahit pangalan ko lang ang sambitin niya, it would be enough. I just want to hear his voice.

"Daddy..." I chuckled, but had my lips pursed when I felt him shift a little to my side. Ngayon magkaharap na kami.

"Magpatulog ka naman, Jean," malamig niyang bulong at huminga nang malalim.

Napatango na lamang ako at hinaplos ang kanyang pisngi. My heart aches. Ang sabi ko kanina, sapat na sa akin na marinig ang boses niya ngunit kulang na kulang pa pala iyon. I wanted to hear his replies for the magic words I uttered, but I should just suffice myself with hearing his voice.

Mariin akong pumikit at sinubukang matulog ngunit ang diwa ko ay nanatiling gising. Ilang minuto akong nagtutulog-tulugan nang maramdaman ang braso ni Miro na pumulupot sa aking beywang. Ang isang kamay naman niya ay humahaplos sa aking buhok. I felt locked in his comfort as he planted a kiss on my forehead. I could almost hear my heart screaming. Sa mismong minutong iyon ay gusto kong magdilat ng mga mata. Gusto kong makita ang ekspresyon sa kanyang mukha. I imagined his dark and manly features softening.

I can feel it. Mahal din talaga ako ng asawa ko. Hindi niya lamang sigurong magawang sabihin. Natatabunan lang din siguro ng lungkot.

Patuloy ang pagpapanggap kong tulog. Alam kong mapuputol ang kasiyahang ito kung malalaman niyang gising ako. Tonight, I'm sleeping with warm tears in the corner of my eyes and a thrift smile on my lips. I somehow feel satisfied.

Hindi ko inaaasahan ang pagdating ni Sir Wade sa bahay sa sumunod na araw. Mabilis pa sa galaw ni Flash ang  pagbihis ko nang marinig mula kay Miro na naroon nga si Sir Wade sa labas at walang nag-eentertain.

Pagkatapos kong suklayin ang aking buhok ay agad na akong lumabas sa kwarto. Tinubuan ako ng hiya nang madatnan si Sir sa aming sala, nakaupo sa couch mag-isa at nakatutok lamang sa kabaong na nasa harap.

"Sir, kanina ka pa?"

Lumingon siya sa aking gawi at marahang tumayo. Sumilay din ang ngiti sa kanyang labi. Hinintay niya akong lumapit. Isang mahinang singhap ang lumabas sa aking bibig nang bigla siyang bumeso. Kasabay noon ay ang muling pag-creak ng pinto, tunog na may taong pumasok o lumabas sa aming kwarto. At sa kaso ngayon, alam kong si Miro iyon.

Narinig ko ang kanyang pagtikhim, malalim. Agad akong napaatras kay Sir Wade at hinarap si Miro. His cold, glaring eyes darted towards our direction. Dumadabog sa sahig ang kanyang saklay nang maglakad siya palapit sa amin.

"Uh..." I tried to find formality in my tone before introducing them both to each other. "Dy, si Sir Wade, boss ko. Sir, si Miro..."

Hindi ko natapos ang aking pagpapakilala dahil pinutol iyon ni Miro.

"Asawa ni Jean," binigyan niyang emphasis ang unang salitang sinambit.

Pinamulahan ako ng pisngi sa naging asal ni Miro. He can really be rude at times, and I feel embarrassed that Sir Wade had to witness it. Tumingala ako sa mukha ng aking boss ngunit mukhang hindi naman siya naapektuhan sa biglaang sabat ng asawa ko. I saw him grinned.

"Nice to meet you, Miro." He stretched his hand for a handshake, not really sensing that Miro couldn't accept the gesture even if he wanted to. May hawak kasi siyang saklay sa magkabilang gilid. Binawi na lamang niya ito bago muling nagsalita, "Condolence."

Tango lamang ang naging sagot ni Miro. Humugot ako ng malalim na hininga at in-excuse ang sarili sa kanilang dalawa. Iniwan ko sila doon at naghanda ng merienda. Nagluluto pa kasi ng hapunan dahil alas-sais pa naman.

Pagbalik ko pareho na silang nakaupo sa couch ngunit may malaking distansiya sa pagitan. Napailing na lamang ako. Pareho silang tumingala nang maramdaman ang presensiya ko. Nangunot ang noo ko nang tumayo si Sir Wade at sinalubong ako. Marahan niyang kinuha mula sa aking kamay ang tray na bitbit. Hindi na ako nakapalag nang makitang determinado siyang gawin ang gusto. Baka kung maghilahan kami sa tray ay madisgrasya pa itong juice.

Habang inilalapag niya ang tray sa center table ay sumulyap ako kay Miro. Napansin ko ang kanyang matalim na tingin sa boss ko ngunit nabaling iyon sa akin nang umupo ako sa tabi niya. Nahuli ko ang pagtiim-bagang niya. Hindi ko na lang pinansin at inabot sa kanya ang isang baso. Pagkatapos ay si Sir Wade naman ang inasikaso ko at kinausap.

"My..." bigla niyang sabat sa gitna ng kwentuhan namin ni Sir Wade tungkol sa trabaho. "Naiinitan ako. Paliguan mo muna ako, please."

Umakyat ang lahat ng dugo sa aking mukha dahil sa mga katagang lumabas sa bibig ni Miro. Halos hindi ako makatingin sa boss ko. Narinig ko ang kanyang pagtikhim na nasundan din ng pagpapaalam. Sa hiya ay hindi ko na nahatid kahit sa pinto man lang si Sir Wade.

Nang mawala siya sa paningin ko ay si Miro nanan ang hinarap ko. Naroon pa rin ang init sa aking magkabilang pisngi. Hindi bastang nabura ang hiya at inis sa aking sistema.

"Sa dami ng pwede mong sabihin, bakit iyon pa?" mahina ngunit mariin kong sambit. "Hiyang-hiya ako sa boss ko!"

"Wala namang mali sa sinabi ko." Sumimsim siya ng juice bago muling nagsalita, "Bawal bang magrequest na paliguan ng asawa ko? Ginagawa mo naman minsan, ah? Anong mali ngayon?"

Umawang ang labi ko habang nalulunod sa dilim ng brown niyang mga mata. Sa ilang araw na walang kibuan, ito ang pinakamahabang nasabi niya sa akin. Ito talaga. Dapat akong matuwa pero...

"Hindi naman tamang sa harap mismo ng boss ko sabihin iyon. May isip iyong tao. Ano na lang sasabihin no'n?"

Nangunot ang noo ni Miro. "Why would you care about what he thinks?"

Continue Reading

You'll Also Like

15.8M 595K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
572K 12.2K 57
She was naive. He was a playboy. He gave her everything, and made her feel loved-only to break her in the end. We all know the stereotype sa mga lala...
45.6K 1.8K 41
Stubborn Love (Denny & Raikko from JABIL) is now complete and available on Dreame. Search for my profile name, Destinesia or search for "Stubborn lov...