Just Like Before

By moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. More

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 29: Selfish.

2.6K 34 10
By moisel

Chapter 29

“Ahm, s-sabay ka na sa’min ni Royce, Dana.” Mas humigpit ang pagkakahawak ni Royce sa kamay ko. Bumaling siya sa’kin nang nakakunot ang noo. Gusto ko siyang sipain. Ayaw niya bang isama ang bestfriend ko.

“Ahh, h-hindi na. Sasabay nalang ako kay na Gina.” Sumulyap siya kay Royce bago tumingin ulit sa’kin. “S-sabihin ko nalang sa kanila na ihahatid ka ni R-Royce. Sige… ingat kayo ha?

Hindi na ‘ko nakapagsalita dahil nakaalis na siya sa harapan namin. Bigla akong hinila ni Royce papunta sa sasakyan niya. Kumaway nalang ako sa van nina Gina. Maya-maya ay nauna na sila.

“Sundan mo nalang yung dalawang van sa harapan.” Sabi ko kay Royce habang kinakabit ang seatbelt ko. “At bakit naman ganun ka kay Dana? Hindi naman sinasadya nung tao.”

“I don’t want someone else to hold my hand.” Seryoso niyang sabi bago nagdrive. So bawal ko ring hawakan ang kamay ko? Eh bakit niya hinawakan yung akin kanina? Oh my! Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng pisngi ko.

‘Gusto niyang kamay ko lang ang hawakan niya?’ Pinilig ko agad ang ulo ko. Ano ba ‘tong iniisip ko?

Tahimik lang niyang sinundan yung van sa harap. Nang hindi ako makatiis, pinakialaman ko na yung iPod sa sasakyan niya. Tinignan ko ang huling kantang pinagtugtog niya. ‘Heavenly Beautiful’. Yun nalang ang pinlay ko. Napasulyap siya sa’kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ulit siya sa unahan pero nandun na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya.

“Anong nakakatawa?”

You look just like heaven when I saw you on the train today. I couldn't tell you nothing. Got a million words I wanna say. You were smiling at me. Sitting with another guy. And I can't stop comparing you to an angel in the sky~

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Habang nakikinig sa music ay nakangiti lang siyang parang tanga.

Cupids don't do this, put the arrow down and walk away. Don't make me look stupid. I say the things I was gonna say. I see you're taken. I see you got a man. So why am I falling? I don't understand, no. I wish I could hold your hand~

Pinigilan ko ang pagwawala ng puso ko nang maramdaman ko na naman ang kamay niya sa kamay ko. Hindi ko na yata kayang tumingin pa sa kanya. Tss.

‘You’re beautiful, you’re beautiful it’s true. I saw your face in the crowded place and I don’t know what to do. ‘cause I’d like to be with you.’

Lumipat na ng music sa playlist niya pero hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Kapag kasama ko si Royce, palagi nalang sigurong parang aatikihin ako sa puso. Tss.

“We’re here.” Nakaparada na yung dalawang van sa harapan ng bahay nina Kath. Nakababa na yung iba. Mabilis akong lumabas ng sasakyan ni Royce para makalayo agad ako sa kanya. Damn heart. Damn butterflies in my stomach.

Si Royce ang nagdala ng backpack ko. Nasa likod ko lang siya palagi. Hindi kasi pumapayag na humiwalay ako sa kanya.

“Kain muna tayo, guys. Dito nalang tayo sa pool area. Nandito yung foods.”

Iniwan namin ang mga gamit namin sa loob bago kami pumunta sa pool area. Bigla akong nakaramdam na naman ng gutom nung makita ko ang nakahain na mga pagkain.

Naka-upo ako sa gilid ng pool habang kumakain. Katabi ko sina Nami na panay ang kulbit sa’kin dahil sa isang side ko naman nakaupo si Royce. Wala siyang dalang extrang damit kaya alam kong hindi siya magsi-swimming.

“Ang gwapo talaga. Hindi nakakasawang tignan.” Bulong ni Nami. Napatawa ako ng malakas dahil don. Nagtaka si Royce sa biglaan kong pagtawa kaya napatingin agad siya sa’kin. Tumigil ako at tumingin sa paligid. Ito na naman kasi ang titig ni Royce.

Natahimik ako ng tuluyan nang makita ko si Dana. Kasama niya ang iba kong kaklaseng lalaki na nag-iinuman na. At umiinom na rin ang magaling kong bestfriend.

“Kumain na ba si Dana?” Tanong ko kay Nami. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ‘ko.

“Hayaan mo na siya, Hailey. Mukhang problemado rin siya eh. Nagkasagutan pa nga kami kanina sa van.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi naman palaaway si Dana. Never ko pa ngang naalala na nag-away kami ng sobra. Siguro nga problemado lang siya. Hahayaan ko nalang muna siya. Tsaka ko na siya kakausapin kapag gusto na niyang pag-usapan ang tungkol sa kung anumang problema niya.

“Hindi ka pa tapos kumain, Hailey.” Narinig kong sabi ni Royce sa tabi ko. Umiling lang ako sa kanya. Hindi ko na yata kayang kumain pa. Sobrang busog na ko. “Kaklase mo si Levi?”

“Sinong Levi?” Tapos bigla kong naalala yung transferee naming classmate. Tumango ako sa kanya. Tumingin ako sa paligid para tignan kung nandon siya pero wala naman. “Pa’no mo siya nakilala?”

“Wala.” Ngumiti lang siya sa’kin. Hindi na ko nagpumilit. Baka kaklase niya dati? Hindi naman talaga kami close non eh. Never ko pa rin yatang nakausap yon sa klase.

“Inom na us!” Sigaw ni Gina sa’min ni Nami. Hinawakan ni Nami ang kamay ko para yayain akong lumapit kina Gina pero biglang humarang ang kamay ni Royce.

“Hindi siya pwedeng uminom.” Kinurot ko ang braso niya. Tumingin siya sa’kin. “Nag-usap na tayo, diba?”

“Sasama lang ako sa kanila.”

“Alright.”

“Halika.”

Hindi na siya nakapagsalita nung hinigit ko na siya papunta sa table kung na’san ang mga ‘nagse-session’ kong mga classmate. Inabutan agad nila ng beer si Royce. Pinandilatan ko sya ng mata. Hindi ako iinom tapos siya iinom? Tss.

Gusto kong higitin yung bote nung ininuman ‘to ni Royce. Nakipagkwentuhan na siya sa mga kaklase kong boys. Mukhang yung girls ay nahihiya pa kay Royce.

“Hey, babe.” Naramdaman ko agad yung pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. Feeling ko tumaas ang balahibo ko. Hindi naman ako nagkamali. Napatawa siya ng mahina sa naging reaksyon ko. “I need to take this call.”

Pinakita niya sa’kin ang phone niya. Mom. Tumango agad ako. Lumayo siya ng kaunti sa’min.

“My Hailey, baby!” Lumapit si Dana sa’kin. Naaamoy ko na ang alcohol sa kanya. Lasing na agad siya. Of course. Hindi naman sanay uminom ‘to eh. “Inom tayo!”

Umiling lang ako. Sumimangot siya dahil don.

“Sige na, Hailey. Nandito ka naman para magsaya eh! Don’t worry, susunduin tayo ni Kuya Dino.”

“Pero Dana…”

“Isa lang.”

Sumulyap ako kay Royce. Seryoso pa rin siyang nakikipag-usap sa Mommy niya. Tumango ako at ininom ang binigay niya. Ngumiwi ako nang malasahan ko ‘yon. Parang gusto kong ilabas agad.

“Isa pa, Hailey!”

“Ayoko na, Dana.”

“Na-uh!”

Natuwa na siya sa tatlo kong shots. Uminit agad ang katawan ko dahil don. Gosh. Ganito ba talaga ang epekto nito?

Iinom na sana ulit ako nang biglang may umagaw sa kamay ko ng baso. Nakita ko agad ang galit na mata ni Royce.

“Hailey, sabi ko hindi ka pwedeng uminom.”

“Konti lang naman.” Ngumiti ako sa kanya. “Hindi naman ako maglalasing.”

“Of course. Sa tingin mo ba papayagan kita?”

“Hailey… pwede ba tayong mag-usap?” Lumingon agad ako kay Dana. “Yung tayong dalawa lang?” Tumango ako bago nagpaalam kay Royce.  Kitang kita ko na gusto niyang sumama pero pinigilan ko na siya bago pa siya magsalita. Pumasok kami sa loob ng bahay nina Kath.

Sa living room kami tumuloy. Kaming dalawa lang ang tao dito. Naririnig ko pa rin ang tawanan nila at kulitan kahit nandito na kami sa loob.

Sinundan ko ng tingin si Dana na papunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na naman siyang bote ng beer.

“Dana, akala ko mag-uusap tayo?” Kumunot ang noo ko.

“Mag-uusap tayo at iinom. Ayoko sa labas. Sumisikip ang dibdib ko.”

“May masakit ba sa’yo?”

“Yes. Ito.” Sabay turo sa puso niya. What? May sakit sa puso si Dana? “What are you thinking, Hailey?”

“May sakit ka sa puso?”

Bigla siyang humagalpak ng tawa. Napangiwi ako. Wala? Uhh!

“Wala no! Grabe ka naman mag-isip.” Uminom ulit siya. “Hindi ko lang ma-take ang view don kaya gusto ko dito sa loob.”

“Bakit? Ano namang hindi kaaya-aya don sa labas?”

“Secret.” She chuckled. Halos maubos na niya yung liquor.

Umiling ako nung inabutan niya ulit ako. Pero hindi siya tumitigil hangga’t hindi ako umiinom. Nakailang abot na siya sa’kin ng baso. Feeling ko umiikot na yung paligid ko.

“Alam mo ba… may nagugustuhan ako, Hailey.” Pinilit ko siyang maaninag. Damn. Konti palang naman ang naiinom ko ah? “Bawal kong sabihin sa’yo kasi… secret yon.”

“C’mon, bestfriend mo ko, di ba?” Sumandal ako sa upuan. Nakapikit na ang mata ko. “Ang init, best.”

“Oo nga eh…” Minulat ko ang isa kong mata. Nakita kong tinanggal niya ang suot niyang polo. Naka-sleeveless na siya ngayon. “Yung gusto ko? Gwapo. K-kaya lang bawal kami.”

Uminom ulit siya sa baso.

“Dahil gwapo siya?” Tanong ko.

Tumingin siya sa’kin bago ngumiti. “Silly girl. No, because he belongs to someone else.”

“Then? Agawin mo!” This time, ako naman ang tumawa. Tumigil lang ako nang maramdaman ko ulit ang pag-ikot ng mundo.

“Nagawa ko na ‘yon dati. Lahat na ng pwede kong sabihin ay nasabi ko na. Pero wala. Matigas siya eh.”

“Edi move on nalang, best.”

“I can’t.” She sighed. “Pero kung kelangan ko ulit gawin ang ginawa ko dati, gagawin ko. Gosh! I’m so selfish, but I don’t care. I love him.”

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko kasi maintindihan eh.

“Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dati.”

“Ano bang ginawa mo?”

“Pinaglayo ko sila.”

“Bakit hindi mo yata sinabi ‘to sa’kin dati?”

“Hindi mo na kelangang malaman ‘yon, Hailey. Hindi naman importante yon eh.”

“No, Dana. Pinaglayo mo sila? Hindi ka ba naawa sa kanila?”

“Hindi. Bakit naman ako maaawa kung yun naman talaga ang gusto kong mangyari?”

Napatitig ako ng matagal sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Nabigla ako ng tinungga niya ang bote ng alak. Umayos ako ng upo para agawin ang bote pero mas mabilis siya.

“Let me, Hailey. Gusto kong makalimot kahit ngayong araw lang.” Tumingin siya sa’kin. “Ikaw? M-May pag-asa ba ulit si Royce sa’yo?”

Unti-unti akong tumango. Nanlaki agad ang mata niya. Umiwas siya ng tingin.

“Kelan mo siya sasagutin? Pa’no kung gawin niya yung ginawa niya dati? Pa’no kung iwan ka ulit niya at ipagpalit sa ibang babae?”

“Hindi niya ko pinagpalit, Dana…”

“Bulag ka ba, Hailey?! Nakalimutan mo na ba nung makita natin siya sa mall na may kasamang babae dati?!”

“Bakit nagagalit ka, Dana?” Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ko naman sinabing ngayon na eh. Syempre pinag-isipan ko rin to.”

“S-sorry… lasing na yata ako.”

Continue Reading

You'll Also Like

94K 1.5K 15
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
28.5K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...