Courting Zero

By Jey_elle

20.1K 409 120

You were my YES, but I was only your MAYBE More

Courting Zero
Chapter 1 ~ Zero Cross
Chapter 2 ~ Macah Kim
Chapter 3 ~ Ang manliligaw
Chapter 4 ~ Ang mission
Chapter 5 ~ Ang payong
Chapter 6 ~ Ang ex-boyfriend
Chapter 7~ Ang cupcake
Chapter 8 ~ Ang dogtag
Chapter 9 ~ Ang taxi
Chapter 10 ~ Ang magnanakaw
Chapter 11 ~ Ang toothbrush
Chapter 12 ~ Ang uniform
Chapter 13 ~ Ang panget
Chapter 14 ~ Ang salbahe
Chapter 15 ~ Ang salamin (Last chapter)
Authors note
Finally!

♕ Special Chapter!

640 15 5
By Jey_elle

♕ Special Chapter!

Nagtatawan sina Opi habang pinapanood sa cable channel ang isang movie ni Shiki. Panay ang puri nila sa leading lady niya.

"Holy sht, she looks like Amanda Seyfried. Ang swerte mo Shiki!" Windang si Opi habang pinapanood ang halikan ni Shiki sa babae. Humilig si Shiki sa couch at nilaro sa kamay ang baso niyang may wine.

"Lanya, effortless ang pagiging magaling ni Shiki sa kama!" Humalakhak si Wacky habang panay parin ang pangtitrip nila sa kay Shiki.

Tumawa si Shiki at pinagsasapak sila. "Stop laughing assholes. Anjan si Jhoey." Ngumisi siya at binalingan ako.

Umiling ako at tumawa. "It's okay Shiks. No big deal. This is not the first time na nakapanood ako ng bedscene mo."

Nalaglag ang panga niya. Humandusay sa sahig si Opi sa kakatawa. Namumula ang mukha niya sa sobrang kasiyahan. How cute, Opi.

"Anyways, you look good with that role. Mature at tahimik. Kabaligtaran ng totoo mong pag-uugali." Sabi ko habang pinapanood siya na makisig na hinihintay ang bidang babae sa labas ng sasakyan. His role reminded me of Zed's personality. Tahimik, cold but sweet. Something that I really love about him.

"You've always like the mature ones, huh?" Tinaasan niya ako ng kilay. Natigil sa paghagikhik sina Opi. Si Ruji ay napanguso lang. Hindi ako kumibo.

"It's late already. Bakit wala pa si Zero?" tanong ko to change the topic. Dumungaw ako sa relo ko at nag-alala ng maisip na disoras na at umuulan na nanaman ng malakas sa labas. Dahil sa ulan na 'to ay hindi na natuloy ang night club party nina Ruji para sana celebration sa  basketball game kanina. Nandito ako ngaun sa condo unit ni Zero dahil gusto ko siyang i-congratulate dahil sa pagkapanalo niya sa game. Gusto ko ring ipakita sakanya ang mga pictures na kinuhanan ko.

Nakita kong tumunganga sa glass window si Ruji. Sina Wacky naman ay pinagkwentuhan ang pagiging ilag ni Zero sakanila.

"I' am worried. Ayaw niyang gumimik, ayaw niyang mag party, kahit ang basketball game na nakaugalian na nating gawin sa complex ay hindi niya sinisiputan." Wacky sigh. "Kahit ang pagsabay sa school saten ay hindi na rin niya ginagawa. He always walks, alone and without his Lexus."

"He always prefer to walk." Singit ni Shiki. "If he wants to be alone, let him be. Kilala niyo si Zero, ayaw niyang pinapakelaman."

"Tingin niyo galit ba si master?"

"Kung galit siya, ginulpi na kayo nun. Hindi naman yun basta mananahimik lang. Wild si Zero kapag iritado." Nag-agree ang lahat sa sinabi ni Shiki. Si Ruji ay tumayo na at mabilis na dinampot ang jacket niyang may hoodie.

"Hep, saan ang punta?" Pigil ni Shiki sakanya.

"I'll go find him. It's raining hard-"

"Ru, you always over react. Hayaan mo siya dahil uuwi rin siya kung kelan niya gusto. You're not his damn baby sitter."

Kumuyom ang panga ni Ruji pero wala rin siyang nagawa kaya umupo nalang siya sa tabi ko.

"You okay?"

Bumaling siya saken at tinitigan ako. Pumungay ang mga mata niya at dahan-dahang tumango. Among the boys, si Ruji ang pinaka close ko or should I say na kami talaga ang pinaka close bago naging si Zero. Too sad, naging iba ang trato niya saken simula ng naging kami ni Zero. Feeling ko ay ilag siya saken kaya nasasayangan din ako sa friendship naming dalawa. Tahimik si Ruji at talagang grabe ang loyalty niya kay Zero. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ganun siya ka solid kahit madalas ay wala naman pakelam sakanya si Zero. Si Ruji din ang dahilan kung bakit ko nakilala sina Zero at sina Zed ng mga bata pa kame.

Tumayo ako para sa ground floor ko nalang aabangan ang pag-uwi ni Zero pero kaagad na kumunot ang noo ni Shiki.

"Where are you going?"

"Down the convenience store. I want some juice." Pagsisinungaling ko. I bit my lips when realization hit me that there are plenty of juices inside the fridge. Oh, right!

"Alright, I'll buy you one." Tumayo siya pero mabilis akong umiling.

"No, Shiki. I can do this." Sabay tayo ko.

"Yeah, whatever." Ngumuso siya at tinikman ang wine niya. Ugh, ayoko talaga kay Shiki. Masyadong pa-presko. Eversince naman. Hindi rin naman kami close. Kung hindi dahil kay Zero o kay Zed ay hindi naman kami mag-uusap at wala naman din dahilan para mag-usap kami. Ramdam ko rin naman na ayaw niya saken. Hindi ko siya feel at hindi rin naman niya ako feel. The feeling is mutual.

He's just talking to me for the sake of Zero and for the sake of me bein Zed's girlfriend. Kung hindi ako na involve sa dalawa niyang pinsan ay hindi naman siya magta-try na kilalanin ako. Well, people say na Shiki's bit nicer kumpara kay Zero dahil playful siya at sweet samantalang si Zero naman daw ay magaspang ang pag-uugali at harsh. But I don't agree. Hindi ko alam kung dahil ba saken lang mabait si Zero at saken lang hindi mabait si Shiki. Pero kase pumipili ng kaibigan si Shiki. Mabait lang siya kapag gusto ka niya at kapag ayaw ka niya, ayaw ka niya. That's it! Kung mangyari man na magkasalubong kami sa corridor ng school at kaming dalawa lang, hindi talaga kami nagpapansinan. I don't really mind.

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintuan. Nag-angat ako ng tingin at tumambad saken ang si Zero. Parehas kaming nagulat. Napatingin ako sa tshirt at jersey niyang basang-basa at sa buhok niyang nakababa at medyo magulo.

"H-hi?" Ngumisi ako at awkward na kumaway.

Pumungay ang mga mata niya. Probably he's not expecting me to be at his house especially this late at night?

Tumango lang siya at pinasadahan ng tingin sina Opi na nanonood parin ng TV. Pinilig niya ang ulo niya bago hinakbang ang mga pinuputik niyang sapatos at dinaanan lang ako na para bang wala lang ako dun. Nalaglag ang panga ko habang pinanonood siyang diretso ang lakad papunta sa kwarto niya habang deadma sa bati ng mga kaibigan niya.

What was that, Zero? Kumunot ang noo ko ng matitigan si Shiki na nakangisi at pinapanood ang reaksyon ko sa hindi pagpansin saken ni Zero. Parang maligayang maliga siya sa inasal ni Zero.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ako pinansin ni Zero? No hi, no hello, no kiss in the cheeks? Really? Don't get me wrong pero nasanay kasi ako sa ganung approach ni Zero kaya ngaung hindi na niya ginagawa, naninibago ako.

Hindi ko pinansin si Shiki at naupo ako sa tabi ni Ruji. Silang lahat ay busy sa paglantak ng chips at sa panonood ng movie. Nabanas ako ng maramdaman parin ang titig ni Shiki saken. Sinulyapan ko siya. Ngumuso siya at nilaro ang labi niya.

"I thought you want some juice?"

"Nawalan na ako ng gana." Umirap ako.

Natapos ang movie at hindi parin lumalabas si Zero sa kwarto. Dinampot ko na ang bag ko at nilabas ang notebook ko. Diretso ang lakad ko sa kwarto ni Zero. Kumatok ako pero walang sumagot kaya nagpasya akong buksan nalang yun since maraming beses na naman akong pumasok sa kwarto niya.

Ngumuso ako nang wala siya sa loob. Maybe he's in the shower? Umupo ako sa king size bed niya at sinuyod ng tingin ang buong kwarto. Nothing really change. Tanaw parin dito ang mailaw at napakalaking syudad dahil sa dingding na gawa sa salamin. Sa study table naman niya ay nandun parin at nakahilera ang mga pictures niya at ng barkada. Napawi ang ngisi ko ng makita ang mga nakatawang mukha ni Zero at ang mga masasaya niyang pose kasama sina Shiki at ng buong grupo. That smile, those happy moments, that was all in the past. Kinurot ang puso ko habang naiisip na hindi na ulit siya ngumiti ng ganon pagkatapos nang lahat ng nangyari samen. I felt really, really bad.

Bumaling ako sa side table na nasa tabi ng bed niya. Kinagat ko ang labi ko ng makitang wala ang isang picture frame doon na kahit kelan ay hindi naman inalis ni Zero.

Binuksan ko ang drawer ng table and that's where I find the photo frame. Bakit nakatago? Dinampot ko yun at maiging pinakatitigan. Grade 5 kami ni Zero nang kinuha ni Zekki ang shot na 'to. Eto yung first time na nanalo ang ORE sa isang battle of the bands. Umaliwalas ang mukha ko habang tinitignan ang sarili kong nakabuhat sa likod ni Zero habang tinataas ko sa ere ang napanalunan nilang trophy. Pumungay ang mga mata ko sa napakagandang ngisi ni Zero at sa mukha kong nakatawa habang bitbit ang trophy niya. Natawa ako sa gusgusin kong itsura. Ang itim ko dito at ang ikli-ikli pa ng buhok ko. Ang pangit ko samantalang napaka gwapo ng kasama ko. Gwapo na si Zero at maporma kahit nung mga bata palang kami, hindi tulad ko na walang ayos, parang tomboy at one of the boys. Natuto lang naman akong magpaganda dahil gusto kong mapansin ako ni Zed pero si Zero ang nakapansin saken. Si Zero na saksakan sa gwapo at pantasya ng lahat ay gusto ako kahit na anong itsura ko. Maging gusgusin man ako ay hindi niya ako tinatantanan. Hindi ko rin maintindihan kung ano bang nagustuhan niya saken at binabalewala niya lang ang mga magagandang babaeng nagkakagusto sakanya. Aniyay maganda daw ako sa lahat.

We were so close back then. Those were the days.

Bumukas ang pintuan at lumabas si Zero na naka itim na boxer shorts lang. Humalimuyak kaagad ang bango ng shower gel niya. Nakasabit sa balikat niya ang twalya niya habang lumalandas naman ang tubig sa bawat hibla ng buhok niya.

Natigilan siya at bumaling saken. Walang bakas na pagkagulat sa mukha niya. Bumaba ang titig niya sa photo frame na hawak ko. Nag-iwas siya ng tingin at binuksan ang walk-in closet niya.

"I' am sorry I barged in. And sorry, for ugh, touching your things."

Pinanood ko siyang pinili ang isang superman tshirt saka mabilis na isinuot yun. "Why are you here?"

Hindi agad ako nakasagot dahil sa tono ng tanong niya. "I-I just want to congratulate you. You did well kanina. Pinanood kita and you were amazing. That game was really cool."

Hinarapan niya ako at tinitigan. "Jhoey, why are you here?" Mabigat ang titig niya kaya bigla akong kinabahan.

"And, ugh, I-I just want to give you this." Dinampot ko ang lecture note ko. "I' ve heard wala kang lecture and the examination is almost coming. So, you better have one." Pinilit kong ngumiti.

"Why are you doing this?" Kumuyom ang panga niya. "Why don't you just stay the fuck away?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang galit sa mga titig niya. "A-are you okay?" nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya pero hinawi niya yun. Nalaglag ang panga ko. Ngaun ko lang ulit siya nakitang galit saken. At natatakot ako sakanya kapag ganyan siya.

"Jhoey, stop being sweet." Malamig niyang sinabi.

Umiling ako. "I' am not being sweet-"

"Then stop being nice!" Sigaw niya. "If you want me to be happy, you stay out of my life! You're fucking torturing me!" Pinasadahan niya sa palad ang basa niyang buhok. "You know we can never be friends, so stop it. You're killing me."

Nalaglag ang panga ko. "W-why not?" Nanginig ang boses ko. "Okay naman tayo deba? We were cool, we were friends. You're getting over me. Nakaka move-on kana, I can see that!"

"Move-on my ass." Umiling siya at natawa pero bakas parin sa mga mata niya ang pagka irita. "Go away and I'll move-on."

"Zero, hindi pwede yang gusto mo. We're in the same school, we're in the same circle of friends. I can't just stay away!" Pumiyok ang boses ko.

"You think we're cool? Hell no! So, stop talking to me, stop being good, stop doing all this shit and just pretend you don't know me." Malamig ang titig niya habang sinasabi ito. "I want you out of my life."

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

Umiling ako. "No, Zero. Galit ka lang. Nabibigla ka lang sa mga sinasabi mo." Napasinghap ako at umiling ulit. "Si Shiki ba? Sakanya ba desisyon 'to? Inutusan kaba niyang gawin 'to? Damn it Zero, don't listen to him! Don't do this, please!"

"Why not? Shiki's right. I' am wasting almost half of my life for this unrequited love. I look pathetic. I look stupid. I had enough!" Sigaw niya.

"And what do you think you're doing right now? Iiwasan mo ako para makalimot? That's crazy!" Singhal ko.

"I' am dating someone." Tumitig siya sa labas. "I' am dating Macah, officially today."

Kinagat ko ang labi ko at hindi nakapagsalita. Lumipad ang titig niya saken at alam kong mariin niyang sinusuri ang reaksyon ko.

"Do... you like her?"

Sandali siyang natulala sa tanong ko.  "Nakikita ko ang sarili ko sakanya."

Nanlaki ang mga mata ko. I exactly know what he means. Kahit anong tulak ni Zero paalis kay Macah ay hindi siya natitinag.  Ganun si Zero saken, noon.

"Zero, you're talking bullshits! Hindi dahil nakikita mo ang-"

"Nakakalimutan kita kapag kasama ko siya." Natahimik ako sa isinagot niya. "Nagiging masaya ako kapag kasama ko siya." Dinilaan niya ang labi niya at bumaling sa labas. "Naiinis ako kapag... kapag may kasama siyang iba." Umiling siya at parang natatawa. "Maybe, maybe I like her?"

Nagulantang ako pero hindi ko pinahalata kay Zero yun. Hindi nalang ako kumibo kahit na ang totoo ay gulat na gulat ako sa mga narinig kong nanggaling mismo sa bibig niya.

"Is she's just a rebound?" Kinagat ko ang labi ko. Kilala ko si Zero, he doesn't really care hurting someone like her. She's nice and she doesn't deserve that!

"She's too good to be a rebound."

Dahan-dahang akong tumango at ngumiti na rin. "That's... well, that's nice."

"Are you happy, for me?" Nag-angat ako ng tingin sakanya. Nakatitig siya saken. Hindi ako makasagot sa tanong niya. I' am not even happy! He's asking me to stay away. How can I be happy? Importante para saken si Zero at ngaung hinihingi niyang iwan ko siya, parang hindi ko kayang maging masaya.

"Eto ang gusto mo deba? You want me to leave you alone, so you'll be happy with Zed. Now, finally, I' am letting you go. Let's be strangers, let's be happy." Nag iwas siya ng tingin saka kinuha ang photo frame na nakalatag sa kama.

"There's no room for friendship here. No room, Jhoey." Nakatitig siya sa frame habang sinasabi iyon. Pinanood ko siyang ihagis ang frame sa loob ng trash bin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay kasabay kong nabasag ang salamin ng frame.

"You stay out of my life, and I'll stay the hell out of your life."

Tadaa! Finish! Guys, chapter 2-4 new revisions is now publish. No need to read the chapter 3, b'cos it's originally the chapter 4 before na ni move ko lang sa 3. Go on and check it out. Be sure to read these revisions before proceeding to the next sequel Dating Zero Cross. Thatsall! Thanks lot! Jey_ell all the way. ♥

Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
32.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...