Messing With Miss Ordinary

By margarinepuppy

1.8K 455 556

Gabriela Magsaysay, 21, half Filipino half German, napadpad sa Maynila para hanapin ang amang minsang nang iw... More

Author's Note
CAST
MWMO Ranking
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22

Kabanata 15

39 10 1
By margarinepuppy

Maximus' POV:

"Bakit mo 'ko pinasusundan?" galit na tanong ko sa babaeng nakaupo sa dining table habang nakaharap sa mga nakahaing pagkain.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng sulyap habang sinisipsip ang laman ng puswelong hawak niya.

"Did you hear me?" ulit ko saka lang niya inilapag ang puswelo at tumingin sa'kin.

"Good morning,  Son! Join me for breakfast." bati niya na parang hindi naririnig ang tanong ko.

"Cut the crap, Ma. Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit ako sinusundan ni Fred?" umakyat na sa ulo ang lahat ng dugo ko.

"So, nahuli mo na pala ang bobong 'yon. Sinasabi ko na nga ba eh. Wala talaga akong maaasahan sa taong 'yon." komento niya.

"So totoo ngang ikaw ang nag-utos sa kaniya na sundan ako kahit saan. Bakit, Ma? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmamando mo sa buhay ko?"

"Stop it, Maximus! Don't ruin my morning." angil niya kasabay ng isang matalim na titig.

"I'm warning you, Ma. Don't you ever do anything stupid. At wag na wag kang gagawa ng mga bagay na ikasisira ng natitirang respeto ko para sayo."

"Are your really serious with your plan with that woman? You know I don't like her. I don't want her." tanong niya sa'kin.

"You can't stop me, Ma. I will bring her home and no one can stop me from doing that. Not even you." wika ko sa kaniya habang sinasalubong ang bagsik ng mga titig niya sa akin.

Hinding-hindi niya ako mapipigilan sa mga plano ko. Ang tagal-tagal nang inasam ni Papa na iuwi ang anak niya sa kaniyang pamamahay pero hindi nangyari dahil binawian siya ng buhay.

Ito na lang ang tangi kong magagawa para matupad ang pangarap niyang 'yon. At hindi ko hahayaang sirain ng sarili kong ina ang mga plano ko.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at iniwan sa kinauupuan niya. Wala akong balak magtagal sa lugar na 'yon. Lumiliit ang mundo ko habang kasama siya sa isang lugar.

"Maximus! Come back here! Hindi pa tayo tapos mag-usap, anak." tawag niya sa akin pero kahit lingon ay hindi ko ginawa.

Hindi ako babalik sa bahay na 'to hangga't hindi ko natutupad ang pangako ko kay Papa. Iuuwi ko ang anak niya sa bahay na dapat ay para sa kaniya.

Dumiretso ako sa condo ko pagkagaling ng bahay. Nagbabad ako sa shower habang ninanamnan ng bawat buhos ng tubig at ang pagdaloy nito sa buo kong katawan.

Naaalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nagdesisyong umalis sa bahay na 'yon.

"Ma, I have good news for you. I found her!  Alam ko na kung nasaan siya." todo ngiti kong balita sa kaniya habang abala siya sa pagbabasa ng magazine sa veranda.

Tinapunan lang niya ako isang sulyap saka ibinalik ang atensiyon sa binabasa. Wala man lang reaksiyon ang mukha niya sa ibinalita ko sa kaniya.

"Hey!  Aren't you happy?  I found her, Ma. Matutupad na natin ang pangako natin kay Papa na iuwi ang anak niya dito."

"Pangako MO, Maximus! I never promised that to him. You know na ayokong tumuntong dito ang babaeng 'yon. Ano siya sinuswerteTatanggap siya ng pera at ari-ariang hindi niya pinaghirapan? Wala siyang karapatan kahit isang kusing sa mga iniwan ng Papa mo dahil tayo ang naghirap na palaguin ang lahat nang 'yon."

"Enough, Ma! I didn't expect that from you. You know how Papa suffered until his last breath, siya at siya pa rin ang hinahanap niya. Tapos ito ang sasabihin mo? Pera lang ba talaga ang mahalaga sayo? Ganiyan ka na ba kabulag dahil sa pera?" hindi ko matanggap ang lahat ng mga sinabi niya.

Feeling ko tuloy ngayon ay hindi siya naging totoo kay Papa. Hindi ko akalaing naging ganun siya mag-isip dahil sa kayamanang iniwan ni Papa.

"Iyon nga ang masakit eh. Kahit sa huling hininga niya, siya pa rin ang hinahanap niya. Alam mo ba kung gaano kasakit sa'kin 'yon? Ako na naging kasama niya sa halos buong buhay niya ay parang hindi niya lang nakikita at iyon ay dahil sa babaeng 'yon. Kaya huwag na huwag makatuntong yag babaeng 'yan dito. Ako mismo ang kakaladkad sa kaniya sa labas." mas lalong naningkit ang mga mata niya sa galit habang binitiwan niya ang lahat ng mga salitang 'yon.

Siya ba talaga ang ina kong nag-aruga at nagmahal sa akin mula pagkabataSiya ba talaga ang babaeng naging pinakaimportante para sa akin?  Parang hindi siya ang kaharap ko ngayon.

"No, Ma!  She has the right. All the rights dahil anak din siya ni Papa. At darating ang time na iuuwi ko siya dito. Sa ayaw at sa gusto niyo."

"Sige, pairalin mo ang katigasan ng ulo mo. Mas mabuti pang lumayas ka dito kung hindi mo ko susundin, Maximus."

"Fine! Aalis ako. I'm not going to let you win this time. Iuuwi ko siya sa tamang panahon."

"Huwag na huwag mo akong gagalitin, Maximus. Hindi mo magugustuhan kapag sinagad mo ang pasensiya ko. Baka magsisisi kang sinuway mo ang kagustuhan ko." may pagbabanta sa boses niya pero hindi ako nagpatinag.

"Don't you dare do anything stupid, Ma. Ako ang makakalaban mo. Hindi ko hahayaang malaman mo kung sino siya. At lalong hindi ko hahayaang matunton mo siya. Never!"

I can't still believe na nasabi ni Mama sa akin ang lahat ng iyon. She's being irrational and dangerous.

Almost two years ko na siyang tinutulungan at pinoprotektahan laban sa sarili kong ina. Kahit pa gustong-gusto ko nang sabihin sa kaniya kung sino ako. Pilit kong pinipigalan ang sarili ko na gawin 'yon dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Ayokong ilagay siya sa kapahamakan kaya I chose to keep everything hidden. Hindi ko masabi sa kaniya na siya ang hinahanap ko nang napakatagal nang panahon. But until when? Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kayang itago nang hindi niya alam.

I can't even stay very close to her kasi ayokong magkaroon ng pagkakataon si Mama na malaman ang totoo and that's the last thing I want to happen. There's no way I'll let her find out kung nasaan si Bree. Hindi ko hahayaang masira ang pagkakataong matupad ko ang pangako ko kay Papa.

Napapikit ako ng mariin habang iniisip ang nangyayari ngayon. Hindi pa rin tumitigil si Mama na maghanap ng paraan para malaman 'yong tinatago ko sa kaniya. And I can't believe she's being desperate because of money.

Pera lang ba talaga ang naging mahalaga sa kaniya? Siya na ang isa sa mga tinitingalang businesswoman sa bansa pero hindi pa rin siya makuntento. Hindi ko akalaing ito ang kahahantungan niya mula ng mamatay si Papa.

After that shower,  I decided to put on some decent clothes. I'm going to pay someone a visit.

                👥👥👥👥👥👥👥👥👥

First POV na ginawa ko for Maximus. May important role siya sa kwento so I decided to do this.

Sana mabasa niyo guys.

Salamat in advance sa pagbabasa, pagvote at pagshare.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 106K 75
Simula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-su...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)