Messing With Miss Ordinary

By margarinepuppy

1.8K 455 556

Gabriela Magsaysay, 21, half Filipino half German, napadpad sa Maynila para hanapin ang amang minsang nang iw... More

Author's Note
CAST
MWMO Ranking
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22

Kabanata 12

52 14 2
By margarinepuppy

Gab's POV:

Unti-unting bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Cherry sa'kin. Hindi ko dapat narinig ang mga panghahamak na 'yon galing sa isang taong hindi ko kilala at hindi man lang ako lubusang kilala.

Ang sakit sa dibdib na isang pagpapanggap ang dahilan kong bakit ako nakatanggap ng masasakit na salita.

Pilit kong tinanggap 'yon at nagkunwaring malakas dahil ayokong magmukhang mahina sa harap ng babaeng 'yon. Ayokong bigyan siya ng kasiyahan habang nakikita akong nasasaktan. At lalong hindi ko hahayaang maliitin at tapakan niya ako lalo pero hindi ko na kayang pati sa harap ni Andreas ay magkunwari akong hindi nasasaktan.

Masakit isiping ganun lang kaliit ang tingin sa'kin ng babaeng 'yon.

''What's the problem, Gabriella? Tell me! May ginawa ba si Cherry sayo? May sinabi ba siyang hindi mo nagustuhan?'' lakas-loob na tanong ni Andreas habang rumihistro sa buong mukha niya ang galit.

''Mali 'yong ginawa mong pagpapakilala sa'kin bilang girlfriend mo. At lalong mali 'yong pag sang-ayon ko sa pagpapanggap na 'to. Kaya please, itigil na natin 'to. Gusto ko nang umuwi.'' pinahid ko ang mga butil ng luha sa aking pisngi gamit ang likod ng kamay ko.

''I'm sorry! I'm really sorry, Gabriella!'' paghingi niya ng paumanhin pero imbes na maibsan ang sakit na nararamdaman ko ay mas lalong umigting ito.

''Please uuwi na'ko. May trabaho pa ako mamaya. . . Sir.'' nag-aatubili akong tingnan siya sa mukha. Hindi ko kaya ang bigat ng mga titig niya.

Rumihistro ang lungkot sa mukha niya. Siguro dahil hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko. Hindi siya nagsalita. Halos bumaon 'yong kamay niya sa pagkakahawak sa likod ng isang upuan sa veranda.

Dali-dali akong tumalikod para pumasok sa bahay nang bigla siyang magsalita.

''I'll make everything right. P-please stay, Gabriella.'' pagmamakaawa niya na naging dahilan para mapahinto ako sa paghakbang.

Tama ba 'tong naririnig ko? Gusto niya akong manatili dito? Kasama siya? Pero bakit? Para ano pa?

''Bigyan mo 'ko ng isang dahilan para manatili dito.'' lakas-loob na tanong ko pagkalingon ko sa kaniya.

Nakita ko ang kalituhan sa mukha niya. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon? Sino ba ako para hanapan ng dahilan ang isang Andreas Montiero para lang manatili ako dito?

Naghahanap lang siya ng makakausap kaya ka niya pinagtitiyagaang makasama, Gabriella. Sundot ng utak ko.

Inisang hakbang niya ang pagitan namin at sa bilis ng pangyayari ay naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

Banayad na pagdampi ng mga labi niya nag nagpatigil ng mundo ko.

😘😘😘😘😘😘😘

Andreas' POV:

Kung may isang rason man akong pwedeng ibigay sa kaniya sa mga oras na 'to, iyon ay ang gusto ko siya. Inaamin ko na sobrang gustong-gusto ko na siya na hindi ko alam kung kailan nagsimula.

Walang pag-aalinlangan kong sinakop ang mga labi ni Gabriella. Naramdaman kong napatigil siya.

I wish she'll respond to my kiss.

Dahan-dahan kong ginalaw ang mga labi ko sa pag-asang gumanti siya sa mga halik ko.

God knows how I stop myself from kissing her lips!

Isang magaang kagat at pagsipsip ang ginawa ko sa ibabang labi niya para kusa niyang ibuka ang mga 'yon na hindi naman ako nabigo. I kiss her gently dahil ayokong makaramdam siya ng takot at baka ipagtulukan pa niya ako.

Nakaalalay ang isang kamay ko sa likod niya samantalang ang isa sa likod ng ulo niya.

Ipinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagganti niya sa mga halik ko.

Damn! She responded to my kiss!

Napuno ng tuwa ang dibdib ko sa ginawa niya kahit halatang hindi pa siya marunong humalik. I nibbled her lower lip again hanggang sa makarinig ako ng ungol galing sa kaniya.

I let my tongue invade her mouth na kusang sinalubong ng dila niya. Sinisip ko 'yon ng mahuli ko na kusa niya namang ipinaubaya.

Biglang nag-init ang pakiramdam ko lalo na nung maramdaman ko ang mga palad niya na lumapat sa dibdib ko.

Thanks God! She's enjoying my kiss!

Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtulak sa dibdib ko hudyat na kailangan ko nang bumitiw para makasagap siya ng hangin.

Nakapikit pa rin siya ng bitawan ko ang mga labi niya habang habol ang paghinga.

I kiss her forehead, her eyes down to the tip of her nose.

''I love you, Gabriella!'' pahayag ko sa kaniya habang dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

At last naamin ko din sa sarili ko na mahal ko na siya.

Sinalubong ko ang kaniyang mga titig pagmulat niya ng kaniyang mga mata habang tahimik na nagdadasal na sana ay bigyan niya ako ng chance na itama ang lahat.

Pero wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Hindi niya ba ako gusto? Hindi man lang ba siya nakaramdam ng kilig at saya sa sinabi ko?

''I said I love you, Gabriella! Please say a word!'' pakiusap ko sa kaniya ngunit iniiwas niya ang kanyang tingin sa'kin at kumawala sa mga braso kong nakaalalay parin sa likod niya.

''Hindi! Hindi totoo 'to. May nobya ka na. Wala akong planong manira ng relasyon.'' wika niya na puno ng pag-aalinlangan sa mukha.

Lumabas siya ng veranda at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Girlfriend? Where did you get that news?" inis na tanong ko. Wala namang ibang babae na nalilink sa akin ngayon kundi siya. Kahit pa pinipigilan ko ang ibang scope tungkol sa amin para hindi siya malagay sa alanganin.

"Yong ano. . .ahm. .sa ano. . . sa ospital. " putol-putol niyang sagot na halatang hidni sigurado kung sasagutin ang tanong ko. Hindi niya pa rin ako tinitingnan.

''Hindi ko girlfriend si Amara. She's my sister and for God's sake Gabriella, will you look at me while talking?''

Nakita kong natigilan siya ng marinig ang sinabi ko. I know she didn't expect the truth. At least now she knows and she has no reason para hindi tanggapin ang damdamin ko para sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Nakatanaw lang siya sa dagat habang nakatukod ang dalawang kamay sa railings ng veranda.

''Hi-hindi ako bagay sa'yo at kailanman ay hindi ako babagay sa'yo.'' wika niya ng makaharap sa'kin.

''Iyan ba ang isiniksik ni Cherry sa utak mo? Na hindi ka bagay sa'kin? Tell me, Gabriella!'' gustong-gusto kong magwala habang tinatanong ang mga 'yon.

Iyong ba ang pinag-usapan nila kanina sa beach? So hindi totoo 'yong mga sinabi ni Cherry na inimbita niya si Gab sa resort nila. Kaya pala nakaramdam ako ng pag-aalinlangan sa mukha ni Gab kanina nung lapitan ko sila.

Damn it! Parang mas lalong bumaba ang self-confidence ni Gab ngayon. Damn you, Cherry!

''Hindi! Iyan ang alam ko at kahit sino pang tanungin mo ay 'yan din ang sasabihin sa'yo. Kaya please, itigil na natin 'to. Hayaan mo na akong umuwi.''

It's killing me hearing all those words from her. Ganun na ba talaga ka imposibleng magkagusto sa isang katulad niya? Ganoon ba talaga kalayo ang agwat namin? Hindi na ba talaga pwedeng magmahal ng isang ordinaryong babae ang tulad ko?

''Please. . . give me a chance, Gab. Hayaan mong patunayan ko ang hangarin ko sa'yo. Hayaan mong ipakita kong tama 'tong nararamdaman ko para sayo.'' ito ang unang beses na nagmakaawa ako na bigyan ng chance sa nararamdaman ko sa isang babae.

Tsk! Ano bang ginagawa mo sa'kin Gabriella?

''Tapos ano? Pag-uusapan ka ng lahat? Pagpipyestahan ka sa pahayagan? Ayoko ng ganun, Andreas! Hindi mo pa ako lubusang kilala! Hindi ako ang babaeng karapat-dapat sa'yo.''

"At sinong nakakaalam kung sinong karapat-dapat sa'kin, Gab? Ang mga taong puro sosyalan at katanyagan ang iniisip? Ikaw ang gusto ko, mahirap bang tanggapin 'yon?"

"Gulo lang ang ibibigay ko sa buhay mo.  Iba nalang. Huwag na ako, Andreas." parang punyal na tumarak sa puso ko ang mga salitang binitiwan ni Gab. Wala pa man kaming pagkakaunawaan pero ipinagtatabuyan na niya ako sa iba.

May nagmamay-ari na ba ng puso niya?  May iba ba siyang gusto?

''Iyan ba talaga ang dahilan mo o dahil may iba nang nagmamay-ari ng puso mo? Iyong bartender ba na naghahatid sayo pauwi araw-araw? Siya ba ang dahilan, Gab? Tell me!'' hindi ko na napigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses. Gusto kong magwala sa galit at sakit na nararamdaman ko ngayong tinatanggihan niya ang inihahayag kong damdamin sa kaniya.

"Huwag mong idamay si Max dito. Wala siyang kinalaman sa desisyon ko."

"Then give me an answer! Gusto ko nang sagot!"

''Hindi ko alam kung paano magmahal, Andreas!" parang bomba sa pandinig ko ang sinabi niya.

The hell! Paanong hindi marunong magmahal? Bato ba ang puso niya?

"Hindi ko alam kung paano suklian ang nararamdaman mo. Hindi buo ang pagkatao ko at hindi ko alam kong may kakayahan ba akong magmahal ng isang lalaki sa buhay ko. Masaya ka na ba? Masaya ka na bang marinig ang sagot ko?'' patuloy niya habang dumadaloy ang mga luha sa kaniyang pisngi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko sa kaniya habang unti-unting pinipiga ang puso ko sa nakikitang pait sa mukha niya.

Ito ba ang epekto ng ginawang pag-iwan ng ama niya noong bata pa siya?

Ikinulong ko siya sa mga bisig ko at masuyong hinalikan sa ulo niya sa pag-asang maibsan kahit kunti ang sakit na nararamdaman niya.

''I'm sorry, Gabriella!''

💘💘💘💘💘💘💘💘

Maikling update lang 'to. Naging excited kasi masyado ako. Pagpasensiyahan nyo na po.

Sana magustuhan niyo.

Huwag kalimutang iboto at mag-iwan ng comment.

Salamat sa inyong sumusubaybay kung meron man.

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

110K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
3.8M 92.1K 54
Noreen Lorelai Mendiola a high profile socialite model who admires by everyone. She can make any man kneeled by just doing a stare. Her name always r...
12.2M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...