PVP2: Playing The Battle

By BobYeah

6.8K 202 19

(Playboy Vs. Playgirl 2) Playboy's Mission is to find his One Last Love. Playgirl's Mission is to hide from h... More

PVP2: Playing The Battle
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chaptet 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Spongebob's Note

Chapter 4

364 11 0
By BobYeah

Chapter 4: Simon

Hindi pa din nakapaniwala si Marae sa nakikita.

Si Shatri may tama sa braso. Nasaksak siya ng MANNB.

Lumapit siya kay Shatri na patuloy ang pag agos ng dugo sa braso.

Pero muli siyang napaatras nang may makita siyang litrato na sumabit sa MANNB at nakadikit sa braso ni Shatri.

Hindi niya masyadong makita ang litrato dahil sa pulang likido na dumadaloy dito. Pero alam niya na dalawang tao ang nandun at isa na si Marae doon.

Parang bumalik lang si Marae sa kanyang sarili nang makita niya si Shatri na buhat buhat ng isang lalaki. Si Matt.

Sumama siya kay Matt na dalhin si Shatri sa clinic.

Pero mukhan busy ang clinic dahil sa mga studyante-- mga nursing students-- na ini-interview ang mga nurse.

"Anong nangyari sa kanya?" nagulat si Marae sa biglaan pagsulpot ni Cath na isa sa mga studyanteng nag iinterview sa mga nurse.

Saka lang nasagot ni Cath ang kanyang tanong nang pinagmasdan niya ang braso ni Shatri.

"Naku! Ideretso niyo na sa ospital yan. Hindi siya maasikaso dito." sabi ni Cath kaya agad naman silang lumabas ng clinic at pumuntang parking lot.

Sasakyan ni Marae ang kanilang ginamit patungong ospital.

Agad namang nabigyan ng pansin si Shatri kaya dinala na siyang emergency room.

Naghintay silang tatlo sa labas nang may dumating na mga lalaki. Grupo ni Matt. Pero wala si M.

"Tol, okay lang ba siya?" tanong ni Jonas kay Matt.

"Alam ko ok lang siya."

Hindi naging komportable ang pakiramdam ni Marae dahil nanjan ang grupo ni M. Kaya naisipan niyang mag paalam.

"Ah, Matt, una na ako. Itext mo na lang ako" Aalis na sana siya nang magsalita si Matt.

"Teka lang Marae." Nilingon niya ang binata na naglalakad palapit sa kanya.

"Ano kasi. Alam ko, matagal na dapat naming ginawa to. Pero, gusto lang naming mag sorry sa'yo. Sa inyo ni Klever. Pinagsisihan na namin ang ginawa namin sa inyo." sabi ni Matt sa ka ding lumapit ang ibang lalaki para humingi ng tawad kay Marae

Nginitian naman sila ni Marae at sinabing okay lang yun.

"Ano, Marae. Pwede bang magpakilala ulit sa iyo ng pormal? Yung bagong kami na ang makikilala mo." sabi ni Matt kaya nag ayos ang mga lalaki ng kanilang sarili saka sila isa osang nagpakilala.

Nakipag kamay naman isa isa si Marae kina Jl, Jonas at Paul nang magpakilala sila.

Pero nang si Matt na ang mag pakilala, medyo nakaramdam siya ng gulat sa narinig.

"Ako nga pala si Matteo Oliver Nicholas. Girlfriend ni Shatri." sabi nito at naglahad ng kamay kay Marae.

"Girlfriend mo si Shatri?!" hindi makapaniwalang tanong ni Marae.

"Oo. Hahaha. Bakit? Nag bagong buhay na ako." sabi ni Matt saka kumindat. Isa kasi si Matt sa mga naka date niya kaya medyo nabigla siya nang malamang may sineseryoso na ito.

Nagkibit balikat na lang si Marae saka tinanggap ang kamay ni Matt.

"Nice meeting you."

Pagkasabi ni Marae dun, nag fake cough si Cath kaya naman napatingin sila sa kanya na tinuturo ang gawi ng doktor.

"Ligtas na ang pasyente. Mabuti na lang at hindi masyadong malalim ang kanyang sugat. Kakausapin ko na lang ang pamilya niya tungkol sa kondisyon ng pasyente." sabi ng doktor saka may kinuha sa kanyang bulsa. "May nakita nga pala kaming litrato. Mukang sa inyo ito." sabi ng doktor at iniabot iyon kay Marae.

Napatigil si Marae sa nakitang litrato. Litrato iyon ni Marae na kasama si Cath.

"Ganda ko jan ah." Hindi pinansin ni Marae ang sinabi ni Cath. Imbes, nagpaalam siya sa mga lalaki atsaka umalis kasama si Cath papunta sa kanyang sasakyan.

Hindi alam ni Cath na galing iyon sa MANNB. Wala siyang alam. Kaya hindi siya kinakabahan di tulad ni Marae na nanginginig ang kamay habang kinukuha niya ang susi ng kanyang sasakyan.

Nakapasok na si Cath sa loob, tabi ng driver's seat nang magring ang phone ni Marae

"Anong ginawa mo kay Shatri?!" Bungad ni Marae sa kabilang linya.

[Be sport Marae. Naglalaro lang tayo.] Natatawang sambit ni Simon.

"Pwes ayaw ko ang laro mo. Ayaw ko nang makipaglaro sayo." parang gusto nang masira ang phone ni Marae dahil sa higpit ng hawak niya dito.

[Gusto mo bang ma-out? Kung ako sa'yo, galingan mo na lang sa paglalaro. Lalo ka lang mahihirapan kung magpapa out ka. Hahaha.]

"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?"

[Hindi mo nga makuha ang gustong ipahiwatig sa yo nng kapatid ko. Hahaha.]

"Sino ba yang kapatid mo? Ano bang gusto niyo?"

[aww. Kinalimutan mo na nga talaga siya. Kaya sobrang galit siya sa'yo eh. Sa inyo!]

"Sagutin mo na lang ang tanong ko."

[Ikaw ang sumagot jan sa tanong mo. Hanapin mo ang sagot.]

"Papano?"

[Makipag laro ka ng maayos. Manalo, matalo, malalaman mo lahat. Ang pinag kaiba nga lang, kung matalo ka man, pasensiyahan na lang tayo.]

"Mukang mas madali ang magsumbong ako sa pulis."

[Okay. Subukan mo. Lahat ng makaalam ng laro natin, mapapasali sa laro. Tandaan mo yan. Kaya kung ayaw mong mapahamak ang mga mahal mo, tikom mo yang bibig mo.]

"Weh? Eh bakit kanina. Hindi ko pa nga binubuksan bibig ko, napahamak na si Shatri eh."

[Hahaha. Iba ang meaning ng pahamak sa amin. Ang salitang pahamak na alam mo, ay katumbas pa ng salitang ligtas sa amin.]

"Wag mong sabihing, papatayin mo sila?!"

[Depende kung bubuka yang bibig mo. Tsk. Napapatagal na itong usapan natin. Kaya lang ako tumawag dahil maglalaro tayo ngayon. Yang kasama mo sa litrato ang sali pusa.]

Magsasalita pa sana si Marae nang maputol na ang linya.

"Tsk! Alam mo ba ang salitang bye ha? Bwisit. Bastus! Bv talaga!"

Padabog na pumasok si Marae sa kanyang sasakyan. Tumungo na siya sa Yes Name University.

Nang makarating na sila sa Parking Lot, tinignan niya si Cath na nakasapo ang baba gamit ang kanyang palad at mukang walang balak na bumaba.

Nagkibit balikat na lang si Marae saka binuksan ang kanyang pintuan. Pero nagulat na lamang siya nang may bumulagang isang lalaki sa tabi ng sasakyan niya.

Binigyan siya nito ng isang piraso ng bulaklak tulad ng natanggap niya kanina.

Tulad ng iba, mabilis pa sa hinahabol na magnanakaw na nakaalis ang lalaki.

Nakaramdam ng kaba si Marae. Alam niya na magsisimula na ang laro. Hinanap niya ang note saka ito binasa:

Love is an open door. But love hurts. So close your door and just open your window. YOUR CHOICE.

Muli, hindi niya naintindihan ang sinabi ni Simon. Pero gayunpaman, sinara niya ang kanyang pinto dahil sa nabasang 'love Hurts'.

Pero saktong kasara ng kanyang pinto, may mabilis na bagay ang dumaan sa kanyang bintana papasok sa kanyang sasakyan.

Napatingin siya kay Cath na sumigaw.

Sobrang bilis ng pintig ng puso niya sa kaba. Sobrang nanlaki ang kanyang mga mata.

May matulis at nakamamatay na bagay sa kamay-- sa likod ng palad ni Cath. At tulad ng iba, may litrato ulit dito.

*****

Klever's POV

"Mauna na ako. Pupuntahan ko sila Karl. Kailangan na naming puntahan si Paul." Sabi ko kay Cath saka na ako bumaba ng hagdan.

Kailangan ko nang makausap si M. Hindi ko alam kung kilala niya ba yung Simon at kailangan kong malaman yun. Isa siya sa mga pwedeng makatulong sa amin.

"Teka lang, Klever!" hinawakan niya ang braso ko nang makababa ako ng hagdan. "Sasama ako."

"Wag na Cath. Gumagabi na. Hindi dapat nagpapagabi kayong babae." Sabi ko at inalis ang kamay niya sa braso ko.

Lumabas na ako ng bahay nila pero nakasunod pa din si Cath.

"Sige na, Klever. Sasama ako." pangungulit ni Cath.

"Okay. Pero magjacket ka. Ayaw kong alalahanin kita mamayang malamig." sabi ko at agad namang sumunod si Cath. Pumasok siya sa kanilang bahay para mag jacket.

Mabilis naman akong pumunta sa sasakyan ko. Akmang bubuksan ko na ito nang may tumama sa ulo ko.

Pinulot ko iyon at isa siyang kwintas. Letter A ang pendant niya at sira ang lock.

Tinignan ko ang itaas ko kung saan nahulog ang kwintas. Mukang nanggaling ito sa puno.

Narinig kong nagbukas ang pintuan nila Cath kaya tinago ko na ang kwintas sa bulsa ko at agad pumasok ng sasakyan at iniwan si Cath.

Ayoko kasing magkaroon ng responsibilidad. Baka madamay siya dito.

Agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko kasama si Karl. Sinabi kong magkita kami sa POP.

"Puntahan na natin si Paul." sabi ko nang makumpleto na kami.

"Akala ko ba bukas na lang?" tanong ni Jef.

"Nawawala ang mga gamit ni Marae sa bag ni Cath. May kumuha ng mga gamit niya kanina lang. At nakita namin ito sa bag niya." sabi ko at pinakita ang rosas.

"Sino naman ang gagawa niyan?" tanong ni Karl.

"Mamaya na natin pag usapan. Tara na, puntahan na natin si Paul." sabi ko. Pumasok na kami sa sarili naming mga sasakyan at sinundan si Karl papuntang bahay nila Paul.

Apartment pala tinutuluyan ni Paul.

Kumatok kami sa kanyang pinto at agad naman itong nagbukas na parang may hinihintay talagang bisita.

Mukang nagulat siya nang makita kami.

"Sumama ka sa amin."

Hindi siya nanlaban pa. Mukang alam naman niya na wala siyang laban sa amin.

Isinakay na namin siya sa sasakyan ko. Iisang sasakyan nalang ang ginamit namin para makapag usap kami.

"Ituro mo sa amin ang bahay ni M." sabi ni Karl habang nakatingin sa kalsada. Siya na lang daw magmamaneho. Di ko alam kung bakit. Sabi niya eh. Tinatamad na din naman ako magdrive.

Tumangao naman si Paul na nasa likod.

"May nadagdag ba sa grupo niyo, Paul?" Tanong ko.

"Wala. Pero may nabawas. Si Karl." sagot naman niya.

Walang nadagdag? Pero wala naman akong kilalang Simon sa kanila?

"Ahh. May kilala ka bang Simon?" tanong ko.

Bigla naman napapreno si Karl at napatingin sa akin.

"Fck men. Namumulikat ka ba?" inis na saad ni Ken sa likod.

"Bakit mo naman natanong si Simon?" Tanong ni Karl sa akin.

"May natanggap din kasing rosas ang ate ni Cath. At ang sabi niya, si Simon daw ang nagbigay sa kanya nun. Bakit kilala mo ba siya?" Tanong ko. Pero pinaandar na niya ang sasakyan saka tumingin sa may salamin. Sinubukan kong tignan ang tinitignan niya at mukang si Paul ang katitigan niya.

Ilang minuto ang dumaang katahimikan bago ulit magsalita si Karl.

"Si M."

"Papanong si M. ay si Simon? Diba Mauricio Nicholas lang ang pangalan niya?" tanong ni Nathan. "Ang baduy na nga, dadagdagan pa ng Simon? Tss. Anyare? Natae?"

"Simon ang madalas na gamiting alyas ni M." sabi ni Paul.

"Huh? Akala ko M. alyas niya." saad ni Ken.

"Palayaw niya yun. Hindi alyas. Simon ang madalas na ginagamit ni M. kapag ayaw niyang magpakilala sa kalaban niya." paliwanag ni Paul.

Si M. nga. Pero bakit? Hindi pa talaga siya tapos sa amin? Ganun ba kalaki ang galit niya sa amin, lalo na kay Marae? At kailangan, paslangin niya ito?

"Itigil mo na. Yang pangalawa ang bahay nila." saad ni Paul kaya tinigil na ni Karl ang sasakyan.

Agad naman kaming bumaba lahat ng sasakyan at tinungo ang bahay ni M.

Mayaman sila. Halata mo ito sa bahay nila.

Nagdoor bell kami at may lumabas naman na katulong nila.

"Sino sila?"

"Manang Kang, ako po ito si Paul. Kasama ko po mga kaibigan ko. Nanjan po ba si M.?"

"Oo, nandito siya. Hali kayo, pasok."

Pumasok naman kami sa gate nila. Napansin ko dito ang napakalawak nilang hardin. Nahagilap din ng mga mata ko sa isang tabi ang mga rosas na kulay Dark Red. Katulad ng natanggap ni Cath at ni Marae.

Naabutan namin si M. sa sala na nanunuod ng TV.

"M."

Napatingin siya sa gawi namin saka napangiti.

"Ow. Naligaw kayo? Buti nandito ka, Klever?" tss. Bitter? Tsk. "Maupo kayo.." sabi niya saka tinuro ang sofa. "Manang! Meryenda." utos niya.

Agad namang tumalima sa sinabi ni M.

"Oh buti napadalaw kayo?" tanong muli ni M.

Pa inosente pa to. Alam naman niya ang pinunta namin dito eh.

Nilapag ko ang rosas na binigay niya kay Cath sa lamesa.

"Dahil dito."

Napatingin siya sa center table nila saka nagsalubong ang kanyang kilay.

"Pumitas ka ba sa mga bulaklak ko?" inis na tanong niya na nakapag pakunot ng noo ko.

"Anong sinasabi mo? Hindi ba, ikaw ang nagbigay kay Cath niyan?" tanong ko.

Kumalma ang mukha ni M. saka ngumiti.

"Oww, so, ito pala yun." bulong niya.

"Buti naman at hindi mo idedeny." Parang nagulat siya sa sinabi ko.

"No, Klever. Hindi ako ang nagpapadala ng mga bulaklak na iyan."

"Anong hindi? Diba ikaw si Simon?" Bagya siyang natahimik sa sinabi ko. Tss. Siya nga si Simon.

"Papano mo nalaman ang pen name ko? Oo, ako si Simon pero, hindi talaga ako ang nagbibigay ng bulaklak na iyan." tumahimik siya saka napangiti. "In fact, mukang kilala ko kung sino. Hahaha. Gaya gaya ng alyas. Haha. Ginaya pa niya kung paano ko nakuha ang Simon bilang Alyas ko."

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

May ibang Simon na nagbibigay nito? Pero, dapat ba akong maniwala sa kanya?

"Hoy! Diba pananim mo yang bulaklak na yan? Edi, galing nga yan sayo!" sabi ni Nathan.

"Oo, galing nga yan sa akin. Pero may isa pang tao ang humawak jan bago nakarating sa inyo. At yun ay yung lalaking bumili ng mga rosas ko. At siya din ang gumaya sa alyas kong Simon. At ang Simon na yun ang nagbigay sa inyo ng bulaklak." Sabi ni M.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Kasi ang alam ko, malaki ang galit niya kay Marae at kaya niyang gawin ang nangyari kay Marae.

"Kung ganon, sino yung lalaking yun. Ha?" biglang tanong ni Ken.

"Bakit hindi niyo itanong kay Karl." Sabi niya saka tumingin kay Karl. Napatingin din kami kay Karl na nakataas ang kilay. "Alam niya ang pangalan ng bawat myembro ng grupo." saad niya pa.

"Sige na. Kailangan ko nang mag beauty rest." Sabi ni M. saka tumayo.

"Teka lang M." pigil ko sa kanya saka din tumayo. "Ikaw din ba ang nag bigay ng mga MANNB sa akin?" tanong ko.

"Hindi. Baka yung isang Simon. At matutulungan kayo ni Karl tungkol jan." Sabi ni M. at umakyat na siya.

Lumabas na kaming bahay nila M. nang...

"Tinatraydor mo kami Karl?" seryosong tanong ni Nathan kay Karl

"Ano bang sinasabi mo? Hindi. Bakit ko naman gagawin yun, lalo na kay Marae?" sabi naman ni Karl na kaharap ngayon si Nathan.

"Eh diba, ikaw si Simon?!" galit na sabi ni Nathan.

Magsasalita na sana si Karl nang tumunog ang phone ko. Kaya kinuha ko ito saka sinagot ang tawag ni Cath.

"Hello, Cath?"

[Klever, nakita ko na ang mga gamit ni Marae. Kilala ko na din kung sino kumuha ng laman ng bag ko't naglagay ng rosas.] sabi ni Cath sa kabilang linya.

"Okay. Papunta na kami jan." sabi ko. Agad ko naman sinenyasan ang mga kaibigan ko na pumasok sa sasakyan at tumungo na sa bahay ni Cath

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
660K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...