Just Like Before

Av moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. Mer

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 25: Parents

2.7K 45 2
Av moisel

Chapter 25

 

 

 

Tumitingin ako sa paligid habang naglalakad palayo. Nasa paligid ba siya? Nakita niya ba na kasama ko si kuya Dino? Oh, geez! Bakit natatakot ako? Dapat under siya ha?

 

“Oops.” Iyon ang huling narinig ko bago ko naramdaman ang malamig na semento. Naramdaman ko rin ang matinding kirot sa paa ko. Napapikit ako dahil sa sakit. “Sorry, Miss.”

 

Yun lang at umalis na siya. Napatingin ako sa likod niya habang papalayo siya. Ni hindi man lang ako tinulungan? Kapal ng mukha ng lalaking yon!

Dahan-dahan akong tumayo. Muntik na kong matumba ulit nang maramdaman ko ang sakit sa paa ko mabuti nalang at nabalance ko ang sarili ko. Paika-ika akong naglakad hanggang sa makarating ako sa room. Sumandal ako sandali sa pader para ipahinga ang paa ko. Napabuga nalang ako ng hangin ng makitang sobrang pula na nito.

 

“Anyare, friend?” Tanong ni Gina nung makita akong nasa labas ng room namin. Marami siyang dalang folders, mukhang nagpapaka-President na naman ‘tong si Gina.

“Ano ‘yan?” Tanong ko.

“Checklist natin. Ia-update daw natin.”

“Bakit ngayon lang?”

“Alam mo naman ang school.” Tumawa siya. “Kapag may time lang naga-update syempre damay na rin ang estudyante.” Kumunot ang noo niya. “Ano bang hinihintay mo dyan? O sino? Yiee! Pero infairness, para kang model ng pader.”

 

Halos hambalusin ko siya ng bag ko kung hindi lang siya nakapasok agad sa room. Tumatawa pa siya habang pumapasok. Tumayo ako ng maayos pero napabalik sa pagsandal nung sumakit na naman ang paa ko. Damn.

Iika-ika ulit akong pumasok ng room. Sa pinakadulo nalang na upuan ako pumwesto para hindi na ko mahirapan. Good thing walang arrangement kapag college na.

 

“Bakit andyan ka, Hailey? Dito ka sa tabi namin!” Narinig kong sigaw ni Nami nang mapansin ako sa dulo. Umiling lang ako bago tumingin sa paligid. Nung makita ko si Dana ay agad ko siyang tinawag.

 

Tumingin siya sa’kin bago ngumiti. Hindi naman siya nagdalawang isip na tumabi sa’kin.

 

“Bakit nandito ka sa dulo?” Tanong niya pagkalapag niya ng bag niya sa arm ng armchair namin.

“Wala lang. Para maiba naman.” Ngumiti ako sa kanya. “Nag-usap kayo ng Mama mo?”

“Yes.” Ngumiti siya ng sobrang laki. “Sabi niya nag-usap na ulit sila ni Papa. Mukhang nagkaayos na naman sila. Hindi daw kasi nila kaya kapag pati kami ay naaapektuhan na.”

“Good news!” Niyakap ko siya ng mahigpit. Natatawa rin siyang yumakap sa’kin pabalik. Nung humiwalay ako sa kanya ay nakangiti pa rin siya.

 

My best friend’s back! Pati ako nahawa na sa saya kahit na alam kong lagot na naman ako mamaya.

Nang dumating ang ala-una ng hapon, nagstart na ulit ang klase. Hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil sa sakit ng paa ko. Napansin na yon mga kaklase ko dahil pagkatapos ng klase namin dito sa Room 204 ay lilipat na kami sa third floor.

 

“Gosh, Hailey! Yan naman pala ang rason kung bakit nagpapaka-model ka kanina sa labas. Nagpunta ka na ba sa infirmary?”

 

Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Gina.

 

“Ano ba kasing nangyari sa’yo?”

“Nabangga ako nung lalaki kanina habang naglalakad ako papunta dito sa COM.”

“At hindi ka manlang tinulungan o hindi man lang nag-offer na pumuntang infirmary?” Sabat ni Nami. Umiling ako. “Kapal huh! Ituro mo sa’kin kung sino yan at maparusahan sa ngalan ng buwan!”

 

Napailing ako. Pumasok kami sa loob ng room namin para sa last class. Medyo sa gitna na ko pumwesto. Inikot-ikot ko ang paa ko para mawala ng kaunti ang sakit pero hindi naman nakatulong. Hot compress nalang siguro mamaya.

 

“Oh my gosh!” Tinakpan ko ang tenga ko sa biglang pagtili ni Nami at ng iba kong kaklase.

 

Lahat sila nakatingin sa pinto kaya napatingin din ako. Halos manlaki ang mata ko nang makita kung sino ang kapapasok palang. Naka-earphone siya at parang walang pakialam sa paligid niya. Naka-civilian din katulad namin pero temporary ID lang ang gamit.

 

“Bakit ang gwapo?! Oh, gosh! Pero loyal pa rin ako kay Papa Royce kahit may Hailey na siya!”

 

Kumunot ang noo ko habang tinititigan siya. Umupo siya sa pinakadulo. Siya rin yung lalaking bumunggo sa’kin. Ang dahilan kung bakit masakit ang paa ko!

 

“Ang gwapo niya.” Naririnig kong sabi ng mga kaklase ko. Sumimangot ako. Gwapo nga, masama naman ugali. Tss.

 

Dahil likas na ‘friendly’ ang mga kaklase ko ay hindi na sila nahiya na lumapit dito. Ngumiti naman agad yung lalaki. Napailing ako. At least hindi naman siya kasing sama katulad ng nasa isip ko.

 

“Transferee yata?” Bulong ni Dana sa’kin. Tumango-tango lang ako. Hindi naman ako interesado. “Anyways, san ka galing kanina? Kanina pa kita hinahanap eh.”

 

Binale-wala ko ang tawanan sa likuran. Mukhang nakakasundo naman nila yung transferee eh.

 

“Hinanap kita kay Kuya Dino—”

“Kay Kuya Dino?!” Tumahimik sandali dahil sa ingay ni Dana. Humingi siya ng sorry bago tumingin ulit sa’kin. Umingay ulit sa likuran. “Iba na yan, best. Nilalapitan mo na si Kuya.”

“Ano ka ba naman, Dana, magkaibigan lang kami ng kuya mo. At isa pa, ikaw naman ang dahilan kung bakit ako lumalapit sa kanya.”

“Grabe, best. Hirap sa’yo masyado kang manhid eh. Hindi mo alam kung ano na yung nararamdaman sa’yo ng ibang tao.”

“Naku! Edi ikaw na! Lahat na alam mo.” Tumawa ako. Inirapan niya ko bago hinampas sa braso.

“Isaiah Levi.” Sabay kaming napatingin ni Dana kay Nami. Tumabi siya sa’min. “Ang gwapo ng pangalan.”

 

Napailing ulit ako. Lakas talaga ng tama nitong si Nami sa mga gwapo.

 

“Oy, Hailey, wag mo kong isusumbong kay Papa Royce ah? Syempre siya pa rin ang first crush ko. Second lang si Levi.”

“Wow, Levi ah?” Asar ni Dana. “Close kayo?”

“OF COURSE!” Ngumisi si Nami at mukhang natuwa sa idea na close sila nung transferee.

 

Panay pa rin ang daldal ni Nami kahit may professor na kami. Panay ang kwento niya tungkol dun sa transferee.

Natapos na ang klase namin. Masakit pa rin ang paa ko pero hindi ko nalang pinansin. Tapos na naman ang klase kaya pwedeng sa bahay ko nalang ito gamutin.

 

“Nasa labas na si first crush, Hailey.” Tumataas taas ang kilay ni Nami sa’kin. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Hindi pa nababanggit ang pangalan niya pero ganito na agad ang epekto sa’kin. Nakakaasar!

 

Naglakad ako palabas. Nauna na ko sa mga kaklase ko dahil lahat sila ay nag-aayos pa. Nakita ko agad ang tingin sa’kin nung transferee. Hindi niya iniwas ang tingin niya hanggang sa makarating ako sa may pinto.

 

“Ayos ka lang?” Narinig kong sabi niya. Napatigil agad ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. Tumango ako sa kanya kahit hindi naman talaga. Ikaw kaya ang may kasalanan nito. Tss.

 

Lumabas na agad ako ng room. Nakita ko siyang nakasandal sa pader habang ang nakapamulsa. Gamit niya yung gym bag niya. Grabe! Parang lahat ng ginagawa niya lalong nakakagwapo sa kanya. Unfair!

Sumimangot siya nung makita ako. Lumapit lang siya sa’kin para kunin ang bag ko tapos naglakad na rin paalis. Ang arte!

 

“Haruuu, may tampuhan?” Niloko na ko ng mga kaklase ko. Sinimangutan ko lang sila. Nagpaalam lang ako kay na Dana bago sinundan si Royce. Kelangan kong sumabay sa kanya dahil nasa kanya ang bag ko. So temaarts, Royce Blaiden.

 

Paika-ika pa rin akong naglalakad habang sinusundan si Royce na medyo malayo na sa pwesto ko. Pinagtitinginan na ko ng ibang estudyante dahil sa paraan ko ng paglalakad.

Hindi ko nalang sila pinansin. Mas maarte talaga sa’kin si Royce kapag ganitong galit siya sa’kin. Daig pa ang babaeng may monthly period! Sarap tapalan ng napkin eh!

 

“Ayos ka lang, Hailey?” Tanong ng mga kilala kong nakakasalubong ko. Tumango lang ako sa kanila. Balak pa nila akong ihatid sa pupuntahan ko pero sinabi kong wag na. Ayokong makaabala pa.

“Salamat nalang, guys.” Ngumiti ako bago kumaway sa kanila. Yun ang naabutan ni Royce nung chineck niya ko. Umirap ulit siya bago naglakad papunta sa gate 1.

 

Sinundan ko na ulit siya. Pero hindi pa ko nakakalayo nung biglang kumirot na naman. Sumandal nalang ako sa gilid. Mabuti nalang may railings. Tss.

Kinuha ko ang cellphone ko. Tinawagan ko agad si Royce na halos natatakpan na ng estudyante na naunahan na ko sa paglalakad.

 

“Royce, ‘wag mo nalang akong ihatid. Ibalik mo nalang sa’kin yung bag ko.” Umpisa ko. Hindi siya sumagot. So maarte talaga! “Royce!”

“Edi kunin mo sa’kin ‘tong bag mo. Bakit may ibang maghahatid sa’yo kaya ayaw mong magpahatid sa’kin?”

 

Napairap ako bago huminga ng malalim. Iba talaga ang saltik ng lalaking ‘to.

 

“Royce, kung labag naman sa loob mo na ihatid ako—”

“Kung labag man sa loob mong ihatid ka, wala ka nang magagawa.”

 

Yun lang at binabaan niya na ko ng tawag. Halos malaglag ang panga ko. Ang sungit sungit sungit! Tinawagan ko ulit siya. Nakita ko sa malayo na nilagay niya ang cellphone niya sa tenga niya. Pinagtitinginan siya ng ibang estudyanteng nakakasalubong niya.

 

“Okay, fine! Ihatid mo ko! Hintayin mo ko sa Gate 1. Mga 6 pm siguro nandyan na ‘ko.” Yun lang bago ko binaba ang phone ko. Nakita ko ang dahan dahan niyang pagtalikod para makita ako. Kahit nasa malayo, alam kong nakataas na ang kilay niya.

 

Umirap ako bago tumayo ng maayos. Kumunot ang noo niya nung makitang paika-ika ako sa paglalakad. Nakakailang irap na kaya ako!? Kasalanan niya talaga ‘to eh!

Hindi pa ko tapos sa pagmumukmok ng biglang nasa harapan ko na siya.

 

“What the fuck, Hailey?” Mabilis niya kong sinandal sa railings. Umupo siya sa harap ko. Humawak agad ako dito nung tinaas niya ang paa ko. Medyo nahiya ako dahil sa ibang estudyanteng nakakakita sa’min.

“A-aray!” Diniin niya ang hawak sa paa ko. Halos mapaiyak na naman ako sa sakit. “Wag mo ngang hawakan. Masakit na nga.”

“Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin?”

“Eh pa’no ko sasabihin sa’yo eh pinapangunahan ka ng kaartehan mo.”

“Kaartehan? Are you kidding me, Skyla Hailey?”

“Like duh!” Sinamaan niya ko ng tingin.

“Sa tingin mo pagkatapos kang yakapin ng lalaking yon eh matutuwa ako? Then, you’re wrong.” Inirapan ko siya. “Wait for me here, kukunin ko ang sasakyan ko. Fuck! Galit pa rin ako sa’yo, Hailey.”

 

Yun lang bago mabilis na nilampasan ang ilang estudyanteng naglalakad din sa pathway para makarating agad sa Gate 1. Hindi naman nagtagal ay nasa gilid ko na agad ang sasakyan niya. Mabilis siyang bumaba dito tapos binuhat ako papasok sa sasakyan niya! BINUHAT PAPASOK SA SASAKYAN NIYA!

 

“Royce!”

“Shh!” Dahan-dahan niya kong inupo sa front seat. Ingat na ingat siya sa’kin. Nilagyan niya ko ng seatbelt bago pumwesto sa driver seat. Nasa backseat na rin ang gamit namin.

 

Hindi niya ko kinakausap habang nasa byahe. Halatang galit pa rin sa’kin. Nagreact lang ako nung makitang iba na ang dinaraanan namin.

 

“Royce, hindi ‘to papunta sa bahay.”

 

Hindi niya ko pinansin. Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang private hospital. Nanlaki ang mata ko. May nakaabang na agad na wheel chair sa labas.

 

“Hindi ko na kelangang pumunta dito, Royce. Hot compress lang ang kailangan ko—”

 

Hindi pa ko tapos magsalita, nakalabas na agad siya sa sasakyan niya. Pinagbuksan ako ng pintuan bago inalalayan bumaba. May balak pa siyang buhatin ako pero pinigilan ko na siya. Mabilis niya kong inupo sa wheel chair. Dinala agad ako sa emergency room. Seriously?!

May lumapit agad na doctor sa’min. Mukhang kilala siya ni Royce.

 

“Anong nangyari sa’yo, hija?”

“Natumba po kasi ako kanina—”

“Ayaw kasing mag-iingat.” Side comment ni Royce. Sinamaan ko siya ng tingin.

 

Binigyan ako ng compress ng nurse na nagbabantay din sa’kin. For pain reliever din ang binigay sa’king gamot. Hindi naman malala yung nangyari sa paa ko.

Naka-wheel chair pa rin ako nung pabalik na kami sa sasakyan niya. Napailing nalang ako habang pinapanood siyang umiikot papunta sa driver seat. Hindi niya na ulit ako kinausap. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Napaayos ako ng upo nung makitang nilampasan namin ang subdivision namin.

 

“Hey, san mo ko dadalhin?” Seryoso pa rin siya sa pagda-drive. Hinampas ko na ang braso niya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. “Gosh, Royce! Hindi ka naman obligado na ihatid ako. Kung galit ka, fine! Ihatid mo nalang ako sa’min! Nakakaasar ka na ha.”

“Whatever, Hailey.”

 

Pinasok niya ang sasakyan niya sa loob ng village nila. Sumaludo pa sa kanya yung mga guard. Tinigil niya yung sasakyan sa harap ng isang napakalaking bahay. Ang mga mayayaman talaga, galit sa space.

 

“Bakit nandito tayo?” Tinanggal niya yung seatbelt niya bago bumaba sa sasakyan. Mabilis siyang umikot sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto. “Hindi ko bahay ‘to. Hindi ako bababa.”

“Sinabi ko bang bumaba ka?” Napatili na ko ng mabilis niya kong binuhat. Napakapit akong mahigpit sa balikat niya. Ano bang ginagawa niya?!

“I can walk, Royce Blaiden!” Mabilis siyang nakapasok sa loob. Namangha agad ako sa design ng bahay nila. Dahan dahan niya kong nilapag sa sofa. Nilibot ko agad ang paningin ko sa paligid. May malaking frame don ng picture niya. Kahit hindi siya nakangiti don, shit, ang gwapo!

 

Tumaas siya sa bonggang bonggang hagdan nila. Pumasok siya sa isa sa mga kwarto. Sa kanya siguro yon. Tumayo ako at nilapitan yung mga nakaframe na pictures na nakapatong sa table. Puro pictures niya lang ang nandon. Siya lang ang tao dito?

Noong kami pa, nakita ko na ang parents niya. Napakilala na rin niya ko sa kanila. Kahit ramdam kong hindi ako gusto ng Mommy niya para kay Royce ay hindi na siya nagsalita. Hindi rin sila dito nakatira.

 

“Bakit ka tumayo? Bumalik ka nga sa pwesto mo.” Napatingin ako sa kanya habang pababa siya ng hagdan.

“Wala kang kasama dito?”

“Nandito ka, di ba?”

“Bakit walang ibang tao?” Binalewala ko ulit ang pagtataray niya.

“Wala akong kasama dito.”

 

Tumitig ako sa kanya. Hinawakan niya ang balikat ko para sapilitiang iupo ulit sa sofa. Umupo siya sa lamesa na nasa tapat ko. Mabilis niyang tinaas ang paa ko at nilagay sa hita niya. Nilagyan niya ‘to ng compress.

 

“Na’san ang parents mo?” Tanong ko. Sumulyap lang siya sandali sa’kin bago binalik ang tingin sa paa ko.

“Europe? America? I dunno.”

“Hindi mo alam?”

“Yes.”

“Hmm?” Naabutan niya kong nakatitig sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. I swear, he blushed! “Galit pa ko, Hailey. Wag kang magpa-cute dyan.”

Sinipa ko siya ng mahina gamit ang isa kong paa. “Hindi ako nagpapa-cute, sira ulo ka!” Inirapan ko ulit siya. Sumimangot siya. “Ano ba kasing kinakagalit mo? Wala nga akong ginagawang masama eh.”

“Skyla Hailey, mainit pa ang ulo ko. Kapag naaalala ko ang ginawa mo, lalo akong sasabog kaya…” Nilagay niya ang daliri niya sa labi ko. “Shhh.”

Hinampas ko ang kamay niya. “Alin? Yung niyakap ko si Kuya Dino—”

“Shhhhh!” Gamit ang buong kamay niya, tinakpan niya ang bibig ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Alright, Skyla Hailey! Wag mo nang ulit-ulitin, okay?!”

“Alin?” Sabi ko nung matanggal ko ang kamay niya. “Yung niyakap ko si Kuya Dino? Niyakap ko siya dahil gusto kong pagaanin ang loob niya. Hindi ko alam kung bakit ine-explain ko sa’yo ‘to.”

“Masama rin ang loob ko, bakit hindi mo ko yakapin?”

“Ano namang problema mo?”

“Niyakap mo yung lalaking yon!”

“A-aray ko naman, Royce. Lalo mong babaliin ang paa ko.” Namutla siya nung makitang nasaktan ako. Tinignan niya agad ang paa ko. Napangiti ako. Madaling madistract talaga. Tss. “Bakit hindi mo alam kung na’san ang parents mo? Kasama mo naman sila dati ah?” Pagbabalik ko sa topic.

“Naghiwalay na sila.” Napatitig ako sa kanya. Hindi niya magawang tignan ako pabalik.

“K-kelan pa?”

“Year after nating maghiwalay.”

“B-bakit?”

“I dunno. Maybe because… I don’t know.”

“Royce…”

“Alam ko na eh. Hindi sila nagkakasundo non pero binalewala ko, problema na nila yon, bakit mangingialam pa’ko?” Kinagat niya ang labi niya. “Pero ang sakit pala. Nawala ka sa’kin… naghiwalay pa sila.”

Fortsett å les

You'll Also Like

1.4M 53.9K 71
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
Brave Hearts Av HN🥀

Ungdomsfiksjon

1.9M 93.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
643K 14.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...