Lipstick Lullaby

Por RainbowColoredMind

25.2M 744K 350K

Miguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect caree... Mais

Saskia
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty - Final Chapter
Epilogue
Cordova Brothers Bundle (Self-publishing details)

Chapter Twenty Nine

393K 12.4K 3.8K
Por RainbowColoredMind

"Nakaisip ka na ba ng pangalan para kay baby?" Tanong niya sa akin habang nakapulupot ang mga bisig niya sa akin at nakadantay ang likod ko sa dibdib niya habang nakahiga kami sa kama. Nagiging normal na kay Migs na dito siya natutulog, lalo na kapag ginagabi na siya. Nasasanay na din akong magkatabi kaming natutulog at kapag wala siya hinahanap-hanap ko ang init ng katawan niya sa gabi. Lalo na kapag malamig. Pero walang ibang kahulugan yun ah, minsan lang yung nangyari sa amin na yun. Hindi pa siya nauulit uli. Ginagalang niya ako bilang babae at anak ng ina niya. Hindi katulad ng sabi ni Ninang na parausan niya lang ako.

"Mmm..." Nag-isip ako sandali. "Gusto ko pag lalaki, kapangalan mo. Miguel din."

"Are you sure about that?" Tanong niya.

Pinihit ko ang ulo ko para tignan siya. "Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Naisip ko lang, ilang generation na ang napagdaanan ng pangalan na yan. Do you know that I was named after my grandfather?" Tumawa siya ng mahina.

"Eh di mas maganda. Pangatlong Miguel na pala si Baby Miguel natin." Humagikgik ako.

"Talagang Miguel na?" Rinig ko ang ngiti sa boses niya. "Paano pag babae? Should we name the baby Saskia?"

"Ayoko nun." Nalukot ang mukha ko. "Gusto ko yung sosyal. Yung tunog mayaman.""

"I think Saskia's a beautiful and unique name. I like it." 

"Ah, basta. Ayoko. Parang panlasing na Sasha yung pangalan ko. Siguro nga nung tinatanong si mammy kung ano ipapangalan sa akin, akala niya pangalan niya tinatanong sa kanya tapos sabog pa siya sa gamot." 

"What should we name the baby if it's a girl, then?" 

"Tulungan mo naman ako mag-isip ng pangalan. Yung maganda saka sosyal." 

"How 'bout Savina?" Sabi niya.

"Savina." Ulit ko at tumango-tango ako. "Gusto ko yan, ah. Tunog Alta talaga. Savina Cordova."

"I like it." 

"Ano'ng gusto mo talaga, Migs? Lalaki o babae? Bawal yung kahit ano. Isa lang dun. Yung hinihiling mo talaga."

"I want a boy. Dad used to tell me that its more stressful to raise a daughter. He worries more about my sisters dating, getting pregnant young,or being used and hurt. At yung nangyari pa ky Audrey noon..." Bigla siyang tumahimik.

"Sino nga ulit si Audrey? Nabanggit mo na siya dati pero hindi ko maalala. Ano'ng nangyari sa kanya?" Usisa ko.

"Si Drey ang kambal ni Coco. May nangyaring masama kasi kay Audrey noon." Bumuntong-hininga siya na para bang hirap na hirap siyang ilabas kung anuman ang gusto niyang sabihin. "Basta kung anuman ang baby natin, mamahalin at poprotektahan ko siya higit pa sa buhay ko, Saskia."

"Alam ko naman yun. Magiging mabuti kang ama sa baby natin. Hindi pa nga siya naipapanganak, binubusog na siya ng pagmamahal ng daddy niya." 

Hinaplos ni Migs ang umbok ng tiyan ko at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. "I know you'll be a good mom, too."

"Sana nga, Migs. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin sigurado yung kapasidad ko maging ina. Paano kung magkamali ako sa pagpapalaki sa kanya? Paano kung pintasan siya ng mga tao kasi galing sa ninuno ng mga pokpok ang nanay niya? Paano kung malaman niyang agogo dancer lang ako noong nagkakilala tayo at nabuo siya dahil inakit kita sa stag party mo?"

"Don't think about all those. Hindi mahalaga ang mga pagkakamaling nagawa mo... natin. Our baby will see you as you really are. Siya lang ang kaisa-isang taong nakakarinig ng pintig ng puso mo mula sa loob mo. Siya ang higit na nakakakilala sa'yo. Alam niyang na sa kabila ng lahat ng pagkakamaling nagawa natin ay malinis pa rin ang puso mo. Iisipin niyang maswerte siya dahil may ina siyang kayang  gawin ang lahat para sa kanya at mahal na mahal siya. Saskia, hindi lang ikaw ang nagkamali. Ako din. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil pareho natin ginusto iyon. Hindi mo ako inakit. I wanted it as much as you did, maybe even more. I shouldn't have touched you but I wanted you so bad." Nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga, ramdam ko ang hininga niya sa sensitibong parte ng leeg ko. "Please don't look down on yourself like that."

"Migs, salamat dahil sa kabila ng lahat nang nangyari hindi mo kami iniwan ni baby."

"Saskia, you don't have to thank me for anything."

"Bakit hindi? Eh kung tutuusin madali lang para sa'yo na talikuran itong baby natin pero hindi mo ginawa iyon. Mas pinili mong manatili sa tabi namin kahit nasira ko ang relasyon niyo ng dapat na magiging asawa mo."

"Ako ang sumira nun, hindi ikaw. You were not at fault. Not you or the baby. It was me who ruined everything between Hazel and I. You and the baby brought nothing but joy and happiness in my life." Naramdaman kong gumapang ang ilong niya mula sa leeg ko hanggang sa balikat ko. Dinapian niya iyon ng isang marahang halik at wala na akong nagawa kung hindi mapapikit na lang ang namnamin ang halik na iyon. "Thank you, Saskia. Everything just feels right with you and the baby. Mas nagiging totoo ako, lalong-lalo na sa sarili ko kapag ikaw ang kasama ko."

Parang tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko sa sinabi niya. Pinihit ko ang ulo ko para tignan siya at sinalubong niya ako ng halik sa labi. Tinugon ko ang halik niya nang kasing init at kasing pusok. Maya-maya ay humiwalay ang mga labi niya mula sa ulo ko at idinantay ang noo niya sa noo ko.

"God... What are you doing to me, Saskia?" Mahinang buntong-hininga niya. "I'll be away on the weekend. Mamimiss ko kayo ni baby."

"Saan ka naman pupunta?" Umayos ako ng higa para magkaharap kami.

"Dad and I will be going to London for a business trip. Ayaw ko sana kayong iwan ni baby kaso emergency. May konting problema lang na kailangan ayusin."

"Ano ka ba? Okay lang kami. Nandito lang naman kami ni baby, hindi naman kami aalis. Maghihintay kami sa'yo." Sabi ko.

"Why is it so hard to leave you two? Kung hindi lang ako kailangan ni Dad, hindi ako sasama." 


"Kailan ka aalis, Migs?" Tanong ni Mammy habang nag-aalmusal kami. Medyo nasanay na ang pamilya kong na dito nagpapalipas ng gabi at kung minsan sumasabay pa siya sa amin mag-almusal, lalo na kapag wala naman siyang maagang meeting sa opisina. Kapag naman medyo maaga ang alis niya ay gumigising din akong maaga para magluto ng almusal niya at maghanda ng baon niya. Si Ninang minsan inookray pa rin kami pero keri lang naman. Medyo palagay na din ang loob niya kay Migs dahil nakikita niya naman na hindi pinababayaan ni Migs ang baby namin. 

"Tomorrow morning po, Monday na po ang uwi namin." Sagot niya.

"Ah, bukas na pala." Tumang-tango si Mammy.

"Pasalubong, Kuya ah! Gusto ko yung mamahalin na pabango na naamoy ko sa kaklase ko noong nagpunta sila ng abroad. Yung Viktor and Rolf tapos pink yung bote niya. Gusto ko nun, Kuya Migs." Sabi ni Yuka.

"Bakit? May patago ka? Kapalmuks ka." Sita ko sa kanya habang niluluto ko ang almusal namin. 

"Eh mag-aabroad din naman siya. Baka lang naman may makita siya dun. Wala akong mahanap ng jafake sa divi." 

"Paghahanapin mo pa ang Kuya Migs mo. Hindi ka na nahiya." Umiling ako.

"It's alright. Baka may makakita ako sa airport stores nun." Sabi ni Migs bago lumingon kay Cosme at malambing na ginulo ang buhok nit o. "Ikaw? Ano'ng gusto mo?"

"Kitkat, Kuya Migs." Sagot ni Cosme.

"Yun lang?" 

Tumango si Cosme. "Yun lang, Kuya."

"Ano pang chocolate ang gusto mo?"

"Hay nako, 'di naman yan mahilig sa mga imported. Kung ano ang kinapasosyal niyang si Yuka, ganon din ang kina-jologs nitong Cosme namin. Yung limang pisong chocolate na Lala lang masaya na yan." Sabi ni Ninang. 

Isinalin ko na ang corn beef sa plato mula sa lutuan at lumapit ako sa mesa. Nang mailapag ko ang plato doon ay pumulupot naman ang mga bisig ni Migs sa tiyan ko. "Ano'ng gustong pasalubong ng baby natin?"

"Umuwi lang daw na ligtas ang daddy niya, masaya na siya." Bumaba ang tingin ko sa kanya habang nakahilig ang ulo niya sa tiyan ko.

"Of course, uuwi si daddy ng ligtas para sa'yo." Kinausap niya ang tiyan ko. "Be a good kid, okay? Don't give your mommy a hard time."

"Behave yan si Baby Migs." 

"Baby Migs? May pangalan na si baby, Ate?" Tanong ni Yuka.

"Ay oo! Kagabi lang namin napag-usapan. Gusto namin paglalaki, Miguel Jr. siya. Pag babae, Savina naman. O di ba, ang sosyal?" Pagmamalaki ko.

"Migs, baka makita mo ang tatay ni Saskia doon. Naalala ko Briton yun." Sabi ni Mammy.

"Ay oo nga. Di ba My, sa liver spread siya nakatira?" Tanong ko.

"Gaga! Ano'ng liver spread? Palaman yun! Liverpool! Kaya siguro hindi ka sinasagot ng tatay mo. Yun ba ang nilalagay mo sa address ng mga sulat na pinadadala mo? Baka sa factory ng Reno napupunta lahat yun!" Nanlaki ang mga mata ni Ninang.

"Di naman, Nang. Basta yung address na binigay niyo sa akin, kinokopya ko yun tuwing magpapadala ako ng sulat. Nagkamali lang ako ng sabi." 

"Give me his address and I'll try to somehow keep in touch with him." Sabi ni Migs.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Liverpool is just two hours away from London so I might as well try." Kibit-balikat na sabi niya.

"Thank you, Migs!" Tuwang-tuwang niyakap ko siya. "Salamat talaga, hulog ka talaga ng langit. Papadala ko sa'yo yung mga pictures ko noong bata ako saka yung mga litrator niya na natago ni Mammy."


"Saskia, I'll call every now and then, okay?" Sabi niya habang palabas ng bahay. Sa condo niya na siya didiretso mamayang gabi dahil may inaayos pa siya sa trabaho niya na dadalhin para sa meeting nila sa London. 

"Sige, Migs. Mag-ingat ka, ha?" Naramdaman kong nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko.

"O, bakit umiiyak ka?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi, no!" Nag-iwas ako ng tingin.

"Ano'ng hindi?" Ikinulong niya ang mukha ko sa magkabilang palad niya at pinunasan ng hinlalaki niya ang gilid ng mga mata ko. "Ano'ng tawag mo dito?"

"Ang init kasi. Nagpapawis ako." Dahilan ko bago pilit na pinihit ang ulo ko.

"Saskia, I'll be here on Monday. I promise. Ikaw ang unang pupuntahan ko pagkagaling ko sa airport." Malumanay na sabi niya.

"Hindi naman kasi ako umiiyak." Basag ang boses na sabi ko.

Natatawang pinunasan niya ang luha ko at hinatak ako palapit sa kanya. Dumampi ang mga labi niya sa noo ko at matagal akong nanatili sa mga bisig niya. Ilang araw lang siyang mawawala pero pakiramdam ko taon ang bibilangin ko bago kami magkita ulit. Ganon ko siya mamimiss. 

"I'm going to miss you." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Ako din..." Mahinang sabi ko. "Saka syempre si baby."

Tumawa siya ng bahagya bago inilayo ang katawan niya sa akin pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ko. 

"Baby Migs or Sav, ikaw muna ang bahala kay Mommy habang wala ako. I love you so much and I'll miss you." Hinalikan niya ang umbok ng tiyan ko at napapikit na lang ako at napakapit sa ulo niya.

"Sige na, umalis ka na. Baka malate ka pa sa trabaho mo." Pigil ang luhang sabi ko. Para rin makaiyak na ako, ang sakit kaya sa lalamunan magpigil ng luha.

Muling tumayo si Migs at bumaba ang ulo niya sa mukha ko. Naramdaman ko na naman ang mainit na labi na sumakop sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinagot ko ang halik niya. Nagpaalam na siya sa akin at hinatid ko siya papunta sa nakaparadang kotse niya.

Kinawayan ko siya at pinanood habang paalis na ang kotse na sinasakyan niya. Napabuntong-hininga na lang ako nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan at pumasok na ako sa loob.


"Ate, may bisita ka..." Dumungaw ang ulo ni Yuka mula sa pinto ng kwarto ko habang nagbabasa ako ng english book na iniwan sa akin ni Migs. Kaninang umaga ay tumawag sa akin si Migs at sinabi niyang nasa airport na daw siya at paalis na sila. Ito naman ako, naghihintay ulit sa tawag niya dahil sabi niya ngayong hapon tatawag ulit siya.

"Sino?" Kunot-noong tanong ko.

Sandaling hindi nakakibo si Yuka.

"Hoy, Yuka! Sino?" Ulit ko.

"Baba ka na lang daw sabi ni Mammy." Mahinang sabi niya.

Lalong lumalim ang kunot ng noo ko pero nilapag ko na lang ang librong hawak ko at bumaba sa kama. Sumunod ako kay Yuka pababa at nasa hagdan pa lang ako nang makita ko ang isang babaeng nakaupo sa salas.

Para akong binuhusan nang yelo ng makita ko siya. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o tatakbo ako pabalik ng kwarto. Humugot ako ng malalim na hininga bago pinilit ang sarili kong bumaba at harapin siya. 

Agad nagtama ang mga mata namin nang nasa paanan na ako ng hagdan. 

Binigyan niya ako ng isang ngiti bago tumayo sa kinauupuan niya.

"Why, hello. I've wanted to introduce myself for quite sometime now."

"H-hi." Pumiyok ang boses ko. 

"I'm Hazel Belarmino." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Bumaba ang mga mata ko doon at nagdadalawang-isip kung dapat ko bang tanggapin iyon o hindi. Hiniling ko na sana kainin na lang ako ng lupa ngayong kaharap ko ang dapat na magiging asawa ni Migs. Kung hindi dahil sa akin hindi masisira ang relasyon nila.

Sa huli ay mas pinili kong tanggapin na lang ang kamay niya. "Ako... ako nga pala si Saskia."

"I already know about you." 

"Ganon ba?" Nagbaba ako ng tingin. "Hazel... sorry, ha? Sorry sa nagawa ko sa inyo ni Migs."

Hindi agad siya nakakibo at narinig ko ang mahinang paghugot ng hininga niya. "Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nandito pero hindi ako nandito para awayin o sugurin ka. We have never met or spoken before but I feel like I already know you. I thought a bout you a lot. Matagal kong inisip kung ano'ng meron sa'yo na wala sa akin. Kung mas maganda ka ba kaysa sa akin, kung mas malambing ka, mas maasikaso. Because I thought Migs and I were perfect. He and I had the same values, beliefs, goals. We spent years of being friends before we even considered dating. We were obnoxiously perfect for each other... on paper."

Wala akong maisip na sabihin sa kanya at parang nablanko ang isip ko. 

"I noticed the difference when we were together and when you entered his life. He was never really himself when he was with me. We supported each other through everything You know, I realized that I just spent two years with a person that didn't really exist. With or without you, we were eventually going to fail. It could've happened five years from now when we're already married. It was only a matter of time. You showed me what I needed to see."

Bigla akong napaigti at napahawak sa tiyan ko nang makaramdam ako ng nanunuot na sakit mula sa parteng iyon.

"Saskia!" Tumakbo palapit sa akin si Mammy. "Hoy, ano'ng nangyari sa'yo?"

"My, ang sakit ng tiyan ko. My, yung baby ko!" 

Continuar a ler

Também vai Gostar

13.2M 434K 90
Fourth The mischievous man who's always pretending. SPG | R-18
619K 6.8K 6
Blood is always thicker than water. Family comes before love. Parents are always right. Dawnirey Faith Del Guerio lives a luxurious life. She couldn'...
1.1M 52.6K 27
Known for his short temper, Atty. Kylo Villaraza gets the biggest twist in his life as he unexpectedly falls for his secretary, Amara Jean Abella. Bu...
1M 28.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...