Stanford University [COMPLETE...

By AliceChuaIsNotMyName

93.5K 2.1K 66

WELCOME Date Created: November 17, 2017 Date End: February 19, 2019 ~ Hello Guys im just one of the small au... More

Pink
Boy Character Profile
Girl & Other Character Profile
PROLOGUE
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Stanford University
Chapter 3: They're back
Chapter 4: Hot war of Bitches
Chapter 6: The Transfer Students
Chapter 7: Mark of the Devil
Chapter 8: School Clinic
Chapter 9: Guilt
Chapter 10: Encounter
Chapter 11: Lucia Joaquin
Chapter 12: Rumors
Chapter 13: She's Back
Chapter 14: 7 vs Female Dogs
Chapter 15: Punishment
Chapter 16: Black box
Chapter 17: Pool
Chapter 18: Letter
Chapter 19: Blood
Chapter 20: Medicine
Chapter 21: Rank One
Chapter 22: Confession
Chapter 23: Confession pt. 2
Chapter 24: The Demon Inside Him
Chapter 25: Confession pt. 3
Chapter 26: Tournament D1
Chapter 27: Tournament D2
Chapter 28: Tournament D3
Chapter 29: His Past
Chapter 30: The Day
Chapter 31: Havoc
Chapter 32: Burden
Chapter 33: Miracle
Chapter 34: Dying
Chapter 35: Do I Know You?
EPILOGUE
Pink Note: Gomawo

Chapter 5: Charm's Lucky day

1.9K 47 0
By AliceChuaIsNotMyName

  


MAAGA palang ay nag aantay na sa main gate ng Stanford si Zaney. Friday ngayon at alam niya na hindi gamit ng Luminaries ang Luxury Bus nila. Gamit ng mga ito ang kani-kanilang mga sasakyan.

Naka-upo siya sa isa sa mga bench na malapit kung saan nagpapark ng kanilang sasakyan ang luminaries. Tiningnan niya kung nandon na ba ang sasakyan ni Chasten ngunit wala pa ito doon. Ang nandoon palang ay ang Gold Ascari car ni Dwight, Yellow ascari car ni Shawn, Silver ascari car ni Kierre, Red ascari car ni Zacc at ang rose gold na ascari car ni Jiro.

Maya maya lang ay napatingin siya sa paparating na white ascari car. Sa tingin niya ay ito na ang sasakyan ni Chasten.

Tumayo na siya at inantay na makapag park ng maayos ang sasakyan nito. Kinuha niya ang handkerchief ni Chasten sa kanyang bag para isauli. Napangiti siya ng makita niyang bumaba ng kotse si Chasten. Tatawagin sana niya ito ng makita niya na umikot si Chasten papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto.

Ang kaninang ngiti ni Zaney ay napalitan ng masamang tingin ng makita niya na bumaba si Charm mula passenger seat ng sasakyan ni Chasten.

Napaatras siya at napatago sa isang puno ng makita niya na sabay na naglalakad sina Chasten at Charm. Masayang nag kukwentuhan ang dalawa at nagtatawanan pa.

Napahawak ng mahigpit si Zaney sa handkerchief ni Chasten ng makita niya na tumigil ang dalawa at biglang hinalikan ni Charm sa pisngi si Chasten, ginulo naman ni Chasten ang buhok ni Charm at nag wave pa si Charm kay Chasten saka nanakbo papunta sa kanilang classroom.

Nagtungo naman si Chasten papunta sa SSC Office.

'You're getting in to my nerve Charm!'
aniya sa kanyang isipan at ibinalik sa kanyang bag ang handkerchief ni Chasten .












"WHERE is she?" maarteng tanong ni Tyree sa nagbabasang si Nazia.

Nasa classroom na sila at wala pa rin si Zaney nagtataka si Tyree dahil malapit ng mag bell ay wala pa rin ang kanilang leader.

"Try mo kayang tawagan diba?" sarcastic na pagkakasabi ni Nazia at saka muling nagbasa.

Napairap nalang si Tyree kay Nazia at saka tiningnan ang nail art niya.
  

Naagaw ng atensyon ni Tyree ang kakapasok lang sa kanilang classroom na si Charm. Sinalubong ito ni Bella at saka sabay na naglakad papunta sa kanilang upuan.

"Hey! Naz, have you heard the rumors about that girl?" turo nito kay Charm pero di siya pinansin ni Nazia.

"Ugh! This bitch!" reklamo nito kay Nazia saka muling inirapan. "I can't believe that Pres is dating her." anito at saka humalumbaba sa kanyang desk.

Bigla naman napatigil sa kanyang pagbabasa si Nazia matapos marinig ang salitang Pres.

"Who is it?" tarantang tanong niya kay Tyree.

"That girl with bellatrix!" turo ni Tyree at saka muling chineck ang kanyang nail art.

"Pano mo naman nalaman na nagdedate sila ni Kierre?" usisang tanong ni Nazia.

"How did you call him like that? You're rude!" maarteng pagkakasabi ni Tyree kay Nazia.

"Sagutin mo nalang kasi ako!" ani Nazia.

"Fine! Someone saw that Prez is carrying her like a bride when they go to clinic. Then... Other students saw that prez is holding her hands when they go to SSC Office." Kwento ni Tyree.

"Oh! I see. Pero siya yung bali-balitang nanakit kay Shawn ah!?" ani Nazia.

"You mean Shawn Sendo?" gulat na tanong ni Tyree.

Tumango tango naman si Nazia.

"Ugh! That girl!" masamang napatingin si Tyree kay Charm.

'True...that girl'
Pinagpatuloy nalang ni Nazia ang kanyang pagbabasa.

Malakas na kalabog ang nakapukaw sa atensyon ng Golden section ng biglang pumasok si Zaney.

Napatingin ang lahat sa kanya dahil sa lakas ng pagkakasara nito sa sliding door ng classroom nila.

"WHAT THE FUCK ARE YOU LOOKING AT?" sigaw nito sa buong klase at bigla naman nagsibalikan ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa. Ang iba naman ay nag bubulungan.

Sinundan naman ng tingin nila Nazia at Tyree ang papalapit sa kanilang pwesto na si Zaney. Sa tingin nila ay mukhang mainit ang ulo nito.

Padabog na naupo si Zaney sa kanyang upuan at iniharap ni Tyree ang kanyang upuan para makichismis kay Zaney.

"What's with that face?" usisa ni Nazia.

Hindi naman umimik si Zaney.

"Oo nga, mukhang badtrip ka?" Dagdag ni Tyree.

Umiling lang si Zaney sa dalawa at saka ngumiti ng pilit sa mga kaibigan.

"Oh! By the way Zan, i think Valene is lying becoz the rumor is about Charm and Prez." Umpisang pag kukwento nito kay Zaney.

Inutusan kasi siya ni Zaney na alamin ang rumors kay Charm kung may nakakadate ba itong isa sa member ng Luminaries.

Napatingin si Zaney kay Tyree dahil sa narinig niya.

"What do you mean Charm and Prez? I know the truth." anito kay Tyree.

"They're dating..may nakakita kay prez na buhat buhat niya si Charm na parang bride habang papunta sila sa clinic...then some students saw that prez is holding her hand while they're going to SSC Office." kwento ulit ni Tyree.

Napatingin si Zaney kay Nazia dahil sa narinig niya at napaiwas naman ng tingin si Nazia kay Zaney.

"But...i think valene is telling the truth...." biniting saglit ni Zaney ang kanyang sasabihin.

"What do you mean?" sabay na tanong ng dalawa.

"I just saw her at the parking lot..she's with Chasten and guess what? She kissed him in the cheek!" napa crossed arm si Zaney at napasandal sa kanyang upuan.

"That bitch!" Gigil na sabi ni Nazia.

"True! Ang landi niya..Pinagsasabay niya si Prez at Chasten? Ugh!" maarteng pagkakasabi ni Tyree.

"Teka bakit ka ba nagagalit?" Puna ni Nazia kay Tyree.

"Err! She hurts my Sendo! Remember what you said?" sagot niya kay Nazia.

"I have a plan!" naniningkit ang mga matang sabi ni Zaney at napa smirk ito.












NAGLALAKAD sila Charm at Bella papunta sa classroom nila ng harangin silang dalawa ng grupo ni Zaney.

"Charm! May nagpapatawag sayo sa Silver Building now na. At sabi ikaw lang daw ang pumunta." Ani Tyree kay Charm at saka nginitian ng plastik si Bella.

"So Bella! Go to our classroom." utos ni Zaney kay Bella.

Wala namang nagawa si Bella kaya nagpaalam ito kay Charm "Twin..kita nalang tayo sa room ha?" paalam ni Bella kay Charm at saka tiningnan niya ng masama sila Zaney, Tyree at Nazia.

"Let's go!" ani Zaney saka naglakad na rin ang tatlo papunta sa kanilang classroom.

"Are you sure mag wo-work tong plano mo?" Tanong ni Tyree.

"Yeah! Sa building na yon nag sstart mag check ng nasa labas na student ang MBG and she have 5mins para makapunta don. 5mins nalang at time na. Pwedeng Luminaries ang makasalubong niya at matatakan siya ng red mark" nakangiting kwento ni Zaney.













NASA silver building na si Charm at halos lahat ng estudyante ay nagsisipasukan na sa kanikanilang classroom, ang iba rin ay nagtatakbuhan na.

"Ano bang meron sa mga 'to?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya ang pinagkakaguluhan ng ibang babaeng estudyante, nasa loob ng classroom ang mga ito at rinig na rinig pa rin ang sigawan ng mga ito.

"YAAAAAHHHHH!!! ZEB!!!"

"OMG MY DAMOOON!"

"ANDITO NA ULIT SILAAA!"

"ANG GWAPO NI JB!"

Anang ibang babae na malalakas ang mga sigaw.

Halos wala ng nakikitang estudyante si Charm sa labas kundi siya lang at ang grupo ng mga lalaking papalapit sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya ng tumigil ang mga ito sa mismong harapan niya.

"N-nuguseyo?" wala sa sariling naitanong niya sa grupo ng mga lalaki.

"Ano daw?" ani Jb at nagtawanan ang mga ito maliban sa dalawang ka grupo nila na si Zeb at Damon.

"S-sino kayo?" kabadong tanong ni Charm.

"Wag kang kabahan miss..mababait kami!" ani Brandon na may nakakamanyak na tingin kay Charm.

"Tumigil nga kayo!" suway ng leader nilang si Zeb.

Lumapit si Zeb at tumigil sa tapat ni Charm.

"What are you doing here?" seryosong tanong nito at tiningnan sa mga mata si Charm.

Bigla naman nakaramdam ng takot si Charm ng tingnan niya ang mga mata ni Zeb. Pakiramdam niya ay nakita na niya ang mga yon.

"Answer me!" may kalakasang sigaw nito.

Samantala isinantabi ni Charm ang takot niya sa mga lalaking ito. Marami na siyang napagdaanan at hindi siya magpapatinag sa mga lalaking ito.

"Miss pinapasagot ka ng boss namin!" ani Zhao at akmang hahawakan si Charm pero mabilis niyang naipilipit ang kamay nito gaya ng ginagawa niya kay Zacc at Shawn ngunit doble ang sakit na ginawa niya rito.

Binitawan din niya agad yon ng makita niyang susugod na si Dyson inunahan niya ito ng pag pilipit sa kamay at saka sinipa ang tuhod nito para mapaluhod dobleng sakit din ang ginawa niya dito.

Nakita niyang susugod mula sa likod niya si JB at sa harapan niya naman si Clin, mabilis siyang naka ilag kaya nagsalpukan ang dalawa.

Halos hindi na makabangon sila Zhao, Dyson, JB at Clin. Si Brandon, Zeb at Damon nalang ang natitira at handa ng sumugod si Brandon kay Charm.

Nagsisigawan ang ibang mga estudyante mula sa classroom nila nakasilip ang mga ito sa bintana ng classroom.

"Di ko akalaing may ibubuga ka pala miss!" ani brandon at saka sumugod kay charm.

Nahawakan niya ang dalawang kamay ni Charm at napahiga si Charm habang nasa ibabaw niya si Brandon.

"Shibal! Yah! Bitawan mo ko!" sigaw nito kay Brandon.

"Hindi ka na makakatakas!" ani Brandon.

Bigla naman ini-angat ni Charm ang tuhod niya at tinaman ang pagkalalaki ni Brandon.

Nabitawan agad ni Brandon si Charm dahil sa sakit na ibinigay nito sa kanya.

Mabilis na tumayo si Charm at pumorma ng fighting position sa dalawang nakatayo sa harap niya na si Zeb at Damon.

"Hoy! Ikaw panget na leader? Wala kang respeto sa babae pati ang mga panget na to!" Turo ni Charm kila Zhao, Brandon, Dyson, Jb at Clin.

"Hindi ako natatakot sa inyo!" sigaw niya sa MBG.

Napaatras at napalunok si Charm ng makita niya na nakakabangon na ang lima.

Ang kaninang matapang na reaskyon nito ay agad na napalitan ng taranta. Napangiti naman si Damon sa reaksyon ni Charm.

Naamaze siya sa ginawa ni Charm dahil ngayon lang siya naka encounter ng babaeng lumaban sa grupo nila at nilait ang leader nila pati na rin ang mga kagrupo niya.

Tiningnan ni Charm ng masama ang singkit na mga mata ni Zeb. Napatingin ito sa likod ni Zeb at nakita niya na seryoso ang mga mukha ng MBG.

'Hana.......' (1)

'Dul......' (2)

'Set.' (3)

Bilang ni Charm sa kanyang isip at saka mabilis na kumaripas ng takbo para takasan ang MBG.
 

Mabilis naman na nagsitakbuhan sina Zhao, JB at Clin habang iika-ikang nanakbo si Brandon at Dyson.

Nanakbo naman sa ibang dereksyon si Damon habang naiwan sa kanyang pwesto si Zeb.

"She's insane!" nasabi nalang ni Zeb kay Charm at napa-smirk ito.










NANANAKBO ng mabilis si Charm at nadaanan niya ang Weightlifting Department.

Tumingin siya sa likod niya at nakita niyang medyo malayo na ang agwat niya sa humahabol sa kanya.

"HOY!! HARANGAN NIYO SIYA!" sigaw ni Dyson sa mga taong nadadaanan ni Charm.

"Tabiiii!! Excuse me! Ay! Sorry!" ani Charm sa mga taong nadadaanan niya.

Halos palampas na si Charm sa Weightlifting Department ng mabangga niya ang kakalabas lang sa locker area na si Zacc napaupo si Charm sa hagdan malapit sa pinto ng Locker Area.

"Hala! Sorry Jack!" ani Charm kay Zacc ng makita niya ito. Dali-dali siyang tumayo at  saka tumingin sa likod at nanakbo ulit.

"H-hey--" tatawagin sana siya ni Zacc para linawin ang pangalan niya pero malayo na si Charm.

Maya-maya lang ay nakita niyang nanakbo ang ilan sa myembro ng MBG. Napatago siya sa isang puno at narinig ang pinag uusapan ng MBG.

"Natakasan na yata tayo ng babaeng yon!" ani Clin.

"Hanapin niyo lagot satin yon" utos naman ni Brandon.

"Pinilipit niya yung braso ko magbabayad ang babaeng yon." gigil na sabi ni Zhao.

"Ipahanap niyo yung name at section niya, tanda niyo ba itsura?" sabi naman ni Dyson.

At saka nagtakbuhan ulit ang mga myembro ng MBG sa direksyon kung saan nanakbo si Charm.

Napaisip si Zacc na maaaring si Charm ang tinutukoy nila dahil sa narinig niyang may pinilipit na naman ito.

"She's in trouble!" napapa-iling nalang si Zacc sa sitwasyon ni Charm.





NAGTATAGO si Charm sa school garden ng makita niyang nakita siya ni Brandon. No choice si Charm kundi ang pumasok siya sa hanggang dibdib na maze ng school garden nila.

Naghabulan at nag taguan sa maze ang MBG at si Charm ng sa wakas ay makalabas na si Charm sa maze at nanakbo ulit to papunta sa gymnasium ng school nila. Walang katao tao sa basketball department at medyo madilim din sa gymnasium. Nakarinig ng mga yabag si Charm kaya naman dali dali siyang naghanap ng mapagtataguan.

Natataranta na siya dahil papalapit na ng papalapit ang mga yabag ng mapadaan siya sa isang pinto na biglang bumukas at may humila sa kanya papasok dito.
 
Tinakpan ng taong yon ang bibig niya at saka inilock ang pinto.

Biglang binitawan ng lalaki ang pagkakatakip niya sa bibig ni Charm ng sa tingin niya ay kumalma na si Charm.

Dahan-dahan na nilingon ni Charm ang nasa likod niya.

Napatakip siya ng bibig ng makitang si Damon ang lalaking nagligtas sa kanya.

"I-ikaw?" nanlalaki ang mga singkit na mata ni Charm ng itanong niya ito kay Damon.

"S-shsshhh!!" biglang nayapos mula sa likod ni Damon si Charm at takip takip ang bibig nito.

Nakarinig kasi sila ng mga yabag ng nagtatakbuhan na sa tingin nila ay ang MBG.

Inalis din agad ni Damon ang pagkakatakip niya sa bibig ni Charm ng sa tingin niya ay wala na ang mga kagrupo niya.

Sinilip ni Damon ang gymnasium at pinalabas na niya si Charm ng makitang wala ng tao sa lugar.

Naupo muna sila sa isang bench dahil nakaramdam na ng pagod si Charm.

"Salamat ha?" ani Charm kay damon.

"Wala yon!" Sagot ni Damon.

"Pero! Bakit mo ko niligtas? Di ba kagrupo mo sila?" takang tanong ni Charm.

"Kilala ko sila at wala silang pinaliligtas kahit babae!" paliwanag ni Damon.

"Ano nga palang pangalan mo?" nakangiting tanong ni Charm.

"I'm Damon. And you're?" nakangiting inilahad ni Damon ang kamay niya kay Charm.

"Charm ang pangalan ko!" sagot naman ni Charm at saka kinamayan si Damon.

"Pretty name just like you!" sabi nito at ginulo ni Damon ang buhok ni Charm.

"By the way charm! Wag mo na ulit gagawin yung ginawa mo kanina. Kung sakaling naabutan ka nila baka kung ano ng nangyari sayo." may halong pag aalalang sabi ni Damon at saka tiningnan sa mga mata si Charm.

Nginitian lang siya ni Charm "Kaya ko naman silang takasan e." palusot nito.

"I told you! Starting from this day magiging miserable na ang buhay mo dahil alam kong di sila titigil hanggat di ka nila nahahanap." paalala ni Damon kay Charm.

"Nanjan ka naman Demon e para iligtas ako." seryosong pagkakasabi ni Charm.

Natawa naman si Damon sa sinabi ni Charm "It's Damon not Demon. Tsss. I'm not demon. Kaw talaga." ani Damon at ginulo ulit ang buhok ni Charm. "I can't promise you na maiiligtas or matutulungan kita. You know they're my gang mates." paliwanag ulit nito.

Nalungkot naman si Charm sa huling sinabi ni Damon. Dahil aminado siya na natatakot na siya na baka mahuli siya ng isa sa myembro ng MBG.
 

Sa unang pagkakakilala palang ni Charm at Damon ay palagay na agad ang loob nila sa isa't-isa. Marami na agad napag usapan ang dalawa habang nakaupo sila sa gymnasium.

Nagtatawanan ang dalawa ng biglang nagring ang cellphone ni Damon.

Lumayo ito di kalayuan kay Charm at saka sinagot ang tawag.
 

Maya-maya lang ay bumalik na agad si Damon at mukhang nagmamadali ito.

"Charm i need to go!" anito kay charm.

Kitang-kita naman ni Damon kung paano nalungkot ang mukha ni Charm.

"Magkikita pa rin naman tayo!" ani Damon na hinawakan sa magkabilang pisngi si Charm.

Tumango nalang si Charm bilang sagot.

 

Naglakad na ang dalawa palabas ng gymnasium, biglang tumigil sa paglalakad si Damon ng maka labas na silang dalawa at hinarap nito si Charm.

"Friends?" nakangiting sabi ni Damon at inilahad ang kanyang kamay.

Inabot naman ito ni Charm at nakipag shake hands kay Damon.

"Friends." ani Charm at nakangiting nagpaalam na sa kanya si Damon.

Napahawak bigla si Charm sa kanyang pisngi matapos makita ang sweet na mga ngiti ni Damon.

~
Get ready for the next chapter. Makukumpleto na finally ang Luminaries. Oops spoiler. Hehe mianhae.

Nuguseyo?- Who are you?

Continue Reading

You'll Also Like

28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.1M 26.1K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
102K 3.8K 53
-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenten...
29.4K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...