Intricate

By NnahJanexz

57.6K 1.3K 160

HIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely D... More

NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaper 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 7

1.4K 36 1
By NnahJanexz

Nabitin

Chriscely's POV:

"Ok ka lang ba talaga?" tanong sa akin ni Steven.

Hindi ko alam kung pang-ilan na niyang tanong yan sa akin. Nakaupo kami ngayon sa bench ng field. Kung saan yung araw din na hinila niya ako galing sa pagkakasabunot sa akin ng impaktang Bianca.

"I'm okay Steven." mahina kong sabi. Pakiramdam ko, wala akong lakas. Nanghihina parin ako hanggang ngayon. Hindi parin nagsisink in ss utak ko na pati ang dalawang inosenteng tao ang target nila.

Is it all your plans Centhia? Simula nang maging asawa siya ni Dad, nag iba na ang takbo ng lahat. Ng organisasyon na pinapatakbo ng aking ama. Alam kong binibilog niya si Dad. Sa lahat ng desisyon nito. And I know, she really hates me much. Very very much. Si Jessica naman, I know that she's angry of because she's just afraid for me. Takot siya sa kaligtasan ko. Takot siyang may magawang hindi maganda sa akin si Dad. I know na kakampi ko siya. Sadyang hindi talaga siya yung kaibigan na nagtotolerate sa lahat ng desisyon ko dahil alam niya ang tama. She just want me to be safe.

"Hey.. Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" si Steven na winasak ang pag-eemote ko. Ngumiti ako sa kaniya.

"Wala to. Tara? Pasok tayong next class!" masigla kong sabi. Kailangan kong pasiglahin ang sarili ko. Dahil alam kong sa mga oras na ito, may nagmamanman sa bawat galaw ko. Ang mga tauhan ni Dad. Ayokong ipakitang nanghihina ako at naapektuhan. Hindi ko na gagawin ang bagay noon na hanggang ngayon ay pinagsisihan ko parin.

Dumiretso kami ni Steven sa classroom. Pagkadating namin doon ay nakita ko kaagad si Stanley na mag-isang nakaupo sa seat niya. Wala ang bruha. Natamaan naman ako ni Stanley kaya ngumiti siya. Pero agad ding napalitan nang makita niya Steven sa tabi ko.

Nag-iwas ako ng tingin. Naaalala ko nanaman kasi yung abs niya! Shet! Naglakad na ako papunta sa seat ko. Habang si Steven naman ay umupo narin sa upuan niya malayo layo sa akin. Habang si Stanley naman ay nasa kabilang row sa kanan ko nakaupo at magkaline talaga kami. Kaya di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Pero taga gagawin ko 'yon, umiiwas siya.

EDI UMIWAS SIYA! KAINIS TO!

"Girl.. War ba kayo ni Girl Jess?" Napalingon ako kay Pepay na katabi ko ngayon. Nasa kaliwa ko naman si Jessica na ngayon ay tahimik lang.

"Oo." diretsahan kong sagot.

"Dahil nanaman ba sa kailangan niyong gawin na yan?" napataas ang kilay ni Pepay sa akin. Napabuntong hininga naman ako.

"Oo eh.. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko."

"Gawin mo ang inuutos sayo. Yan. Alam mo na ang gagawin mo." biglang sabi naman ni Jessica na ngayon ay tumayo na para batiin ang kakadating naming professor.

Nagsimula ang klase na puro problema ang iniisip ko. Ni hindi ko na nasundan kung ano ang dinadaldal ng professor namin sa P.E. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga.

"Yan lang ba ang maisasagot mo sakin Ms. Dizon?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabing yun ni Mr. Trinidad. Ang bakla naming Professor.

"P-po sir?"

Napairap si Sir Trinidad sa akin.

"Hay naku Ms. Dizon! Kanina pa ako nagtatanong dito kung ok lang ba na kapartner mo si Mr. Javier?"

Ngayon mas lalong napalaki ng husto ang mga mata ko. Napalingon naman ako kay Stanley and now his grinning at me. Tapos kay Steven na nakatingin din sa akin.

Sinong Javier?!

"Sinong Javier Sir?" tanong ko.

"Aba! Si Stanley Dizon! Diba siya naman mahal mo? Mahal tawagan niyo diba?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Mr. Trininad. Napatingin ako kay Stanley.

"Peace Mahal." sinabi niya yan with his matching pamatay ngiti at peace sign.

What the hell?!

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil napuno na ng tuksohan ang classroom namin.

"Ayiiiieeeeeee!"

Napayuko ako feeling ko namumula ang mukha ko ngayon.

"Is it okay Ms. Dizon?" Mr. Trinidad ask me habang nakataas ang isang kilay niya sakin. Taray ni Sir!

"Y-yes sir." Napahiyaw ang lahat sa sagot ko. Napayuko ulit ako.

"Tss." parinig ni Jessica. Pero hindi ko nalang pinansin.

"Good! Bagay naman kayo." then Mr. Trinidad wink at me tapos nagpacute siya kay Stanley.

What the hell?! Nilingon ko naman si Stanley and then he mouthed: "I like you Mahal!"

Anak ng daster talaga! At paano kami magbabagay eh, Basura ako at Rich Kid siya? Tsaka binayaran ba ni Stanley yung mga kaklase namin para lang humiyaw para samin kunwari? Pati si Mr. Trinidad?

"Para po sa ano sir?" tanong ko kay Mr. Trinidad. Mr. Trinidad roll his eyes on me tsaka ngumiwi pa.

"Hindi ka nga nakikinig. Para sa Prom ng school."

"Ano po?!" napasigaw ako.

*•*•*•*

Napatingin ulit ako kay Stanley. He's smiling like an idiot! I roll my eyes at him.

"Bakit? Ayaw mo?" masungit na tanong sa akin ni Mr. Trinidad.

"Aysus! Ikaw talaga mahal! Naku sir! Pagpasensyahan niyo na po tong si Chriscely! Pakipot to masyado eh! Gustong gusto niya po! Ako na ang nagsasabi."

WHAT THE PAKING TAPE?! Bago pa ko makaangal at sumabog dahil sa inis ay hinatak nako ng walang hiyang Stanley! Pero agad kong hinablot ang kamay ko sa kanya.

"Ano yung sinabi mo don ha?! Bakit yun ang sinabi mo?! Pakipot ako?!" sunod sunod kong sabi sa kanya. Agad niya naman akong inakbayan ng mahigpit.

"You know what mahal? Pakipot kanaman talaga eh. Pero siyempre hindi ako susuko sayo."

Biglang naumid ang dila ko sa sinabi niya. Para akong namumula dahil ang init ng mukha ko.

"Alam mo mahal, sumama ka sakin."

"Saan?" tanong ko.

"Basta." Then hinila nanaman niya ako. Sabay kaming naglakad. Maya maya ay huminto rin kami. Sa tapat ng music room.

"Anong ginagawa natin dito?" mataray at takang tanong ko sa kanya.

"Basta." tapos hinila nanaman niya ako.

Teka! Uso ba hila ngayong araw? Dumiretso siya sa may guitar side. Kumunot ang noo ko. Kakanta ba to?! At bakit dinala niya pa ko dito?! Ano akala niya sakin? Fan niya?!

"Upo ka lang dyan Mahal. Watch me." then he wink at me.

Anak ng---! Kainis talaga siya! Maya maya lang ay nagstrum na siya. At intro palang niya ay sobrang familiar na ng kanta.

"Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing that I know"

I stared at him. Ang ganda ng boses niya. I never knew na marunong siyang kumanta at tumugtog ng gitara. Nagawa na niya ba to? Maybe hindi pa? Wala pa dito sa school eh. Or sa exes niya? At ewan! Paki ko ba?! Ang seryoso niyang tignan. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. His eyes were full of emotions.

Ang gwapo niya leche!

"So you can keep me

Inside the pocket of your rip jins

Holding me closer till our eyes meet

It won't ever be alone

Wait for me to come home"

Habang binibigkas niya yun ay nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. His looking at me intently. Para akong matutunaw! I never felt this way before. Lalo na kay Steven na alam kong crush ko. Pero bakit kapag kay Stanley iba't ibang pakiramdam ang nararamdaman ko? Sobrang weird talaga para sakin!

"Mahal.." he said nang makalapit na siya sakin. Hindi parin matigil sa malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Leche!

"I really really really like you Chriscely Dizon.." he said at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin.

Oh no! Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Bakit?!

"Can I kiss you?" mahina niyang tanong sakin.

Ramdam ko na talaga ang hininga niya sa mukha ko. Itutulak ko ba siya?! Hindi ako makasagot sa tanong niya! Basta ang alam ko lang ay pumikit nako! Oh my god! Help me! Hahalikan niya ko! First kiss ko siya pagkatapos! My god! My gosh!

"Papa Stan! Chris! May practice--- Ops! May Milagro awiieeee!"

WHAT THE PAKING TAPE TALAGA PEPAY! NAUDLOT! BITIN AKO!

Napamulat kaagad ako at nakita ko si Stanley na sobrang pula ang mukha! Gusto kong matawa pero alam kong kahit ako ay paniguradong namumula rin.

"Tara? Practice daw eh." hindi makatingin sakin si Stanley.

"S-Sige.." Tapos hinila na niya ako.

ANO BA YAN! NABITIN AKO LECHE! KAINIS! TEKA--- AM I FALLING NOW?! REALLY?!


----

A/N: Nabitin ang ating bida readers! Pati ako parang nabitin din! Haha.

-NnahJanexz

Continue Reading

You'll Also Like

84K 4.1K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
26.3K 459 40
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...