An Orphan's First Love: Love...

By JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION More

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 15.2 ] The Wall
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.2 ] Betrayal
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 30 ] Suspicious
[ 31 ] Effect
[ 32 ] Is This The End?
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 40 ] Winner and Loser
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 47 ] Dinner
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 51 ] New Year
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 52 ] Warning

42.1K 629 54
By JeraldineTanL

CHAPTER 52: Warning

Mag-isa lang na naglalakad papasok si Steffi sa school. Masyado siyang nilalamon ng kung ano mang gumugulo sa isipan niya kaya naman hindi niya napansin ang lalaki na naglalakad sa harapan niya at nabangga niya ito.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ng lalaki.

"Paharang harang ka kasi sa dinadaanan ko, eh!" sagot ni Steffi.

"Ako pa ang mali ngayon? Malakas lang naman ang loob mo dahil kay ZAC, eh," asar na asar na sinabi ng lalaki.

Biglang napaatras at nawala ang tapang ng lalaki nang makita si Kurt na papalapit sa kanila. Ng oras na makarating si Kurt doon ay inakbayan na nito si Steffi.

"May problema ba dito, pare?" tanong ni Kurt sa lalaki.

"Wala. Sige, aalis na 'ko. Sorry, Steffi," sagot ng lalaki at madaling umalis.

Nagsimula nang maglakad si Kurt at hinihila si Steffi sa pagkaka-akbay nito sa kanya. Dinala lang nito si Steffi hanggang sa makalayo doon at makapasok sila sa loob ng school.

"Hindi mo pa rin ba tatanggalin 'yan?" tanong ni Steffi dito.

"Naaasar ka na ba? Pasalamat ka nga at pinagtanggol pa kita kahit ikaw ang mali, eh. Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo pero ikaw pa 'tong nagalit sa lalaki kanina."

Tiningnan ng masama ni Steffi si Kurt. Alam niya na may punto ito pero ipinapamukha pa nito sa kanya ang ginawa. Syempre, kahit naman ganoon ang nangyari eh hindi siya mababangga sa lalaki kung umiwas din ito sa kanya.

"Ako pala ang mali, eh. Bakit mo pa 'ko tinulungan do'n? Kaya ko naman ang sarili ko,"

"That's what you always say, Steffi. Hindi mo rin naman napapanagutan. Kaibigan kita kaya kita tinutulungan. Kung iniwan kita do'n, kawawa ka na naman ngayon. Marami ka pa namang haters sa school na 'to."

Sinuntok niya ang tagiliran nito para mapahiwalay ito sa kanya. "Ewan ko sa 'yo. Wala ako sa mood kaya maghanap ka ng iba mong pagtitripan."

"Nandito talaga ako dahil gusto ko na sumama ka sa 'kin. May kailangan tayong pag-usapan ngayon din," pagpapaliwanag nito ng tunay na intensyon.

"Bakit hindi mo na lang sabihin dito? O kaya doon sa rooftop kung ayaw mo na may ibang makarinig?" nagtatakang tanong niya.

"Importante 'to at mas lalong confidential kaya hindi ko pwedeng sabihin dito. Tungkol sa 'yo ang lahat ng sasabihin ko. Tara?"

"Kailangan kong pumasok at hindi ako sasama sa 'yo. Male-late na 'ko."

"Okay, fine. I'm sure na magiging curious ka din naman sa sasabihin ko, eh. Just in case na magbago ang isip mo, puntahan mo lang ako sa unit ko. Hihintayin kita."

Naglakad siya palayo kay Kurt at nang lumingon siya, nakita niya na nakatingin pa rin ito sa kanya. Kakaiba ang nararamdaman niya sa mga sinabi ni Kurt. Para bang kailangan niyang malaman ang mga sasabihin nito pero kasabay nito, parang mas maganda kung hindi niya na malalaman pa 'yon.

No, Steffi. The last time na nangyari ang ganito, si Jico ang nakaalam ng sikreto mo. Hindi ako pupunta kahit na anong mangyari. Mas mabuti na hindi ko na lang malaman.

***

Nasa labas lang ng condominium building kung saan nakatira si Kurt si Steffi at naglalakad pabalik-balik doon. Pinag-iisipan niya pa rin kung dapat niya ba itong puntahan o hindi. Sa huli, napapunta pa rin siya doon. Pagkabukas ng elevator door ay si Kurt kaagad ang bumungad sa kanya. Halata na may lakad ito kaya naman nagulat na rin ito na nandoon si Steffi. Hindi nito akalain na magpapakita pa siya dahil late na pero patuloy pa rin naman ito na umaasa na pupunta ito. Sa pagkakaalam niya sa ugali ni Steffi, alam nito na pupunta siya out of curiosity na lang rin.

"Sabi ko na nga ba at pupunta ka din dito para alamin ang dapat kong sabihin," nakangiting sinabi ni Kurt nang makita niya ito.

"Tatayo lang ba tayo dito? Gusto ko ng malaman 'yong sasabihin mo."

Sumenyas lang si Kurt na sumunod siya sa kanya at pumasok sila sa loob ng unit nito. Diretso lang sila na umupo sa sofa at nanahimik lang sila doon. Ilang minuto ring tahimik bago nagsalita si Kurt.

"Binabalaan kita, Steffi," panimula ni Kurt na agad na nakakuha ng atensyon niya. "Itigil mo na kung ano man ang mga binabalak mo at baka masaktan ka lang sa huli."

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Agad siyang nagkaroon ng ideya sa kung ano ang sinasabi nito pero kailangan niyang magpanggap na walang alam.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan. I-explain mo nga sa 'kin ng maayos," pagpapanggap niya.

"Stop pretending, Steffi. Alam ko na alam mo ang sinasabi ko. Dederetsahin na ba kita? Ano ang namamagitan sa inyo ni Jico?"

Hindi mapigilan ni Steffi ang mga naiisip niya at bumakas na sa mukha niya ang pagka-balisa nang marinig ang pangalan ni Jico. Ito na siguro ang isa pa sa mga kinatatakutan niya... ang malaman nila ang pakikipagkita niya kay Jico. Unti-unti na siyang nabubuking ni Kurt.

"Wala. Hindi nga kami nagkikita no'n," pagsisinungaling niya kahit na alam niyang nabuking na siya.

"Tama na ang pagsisinungaling mo sa 'kin, Steffi. 'Wag mo akong niloloko dahil nahuli na kita at alam ko na ang lahat," naaasar na sagot ni Kurt. Pinipilit nito na maging kalmado kahit na gusto na nitong sigawan si Steffi.

"Bakit tinatanong mo pa kung alam mo na pala?!"

"Nagbabakasakali lang ako na aamin ka sa 'kin dahil kaibigan mo ako pero hindi pala."

Napayukom ang kamao nito. Kahit papano, sumama ang pakiramdam nito sa pagsisinungaling kay Kurt.

I'm sorry, Kurt. Kaibigan kita pero hindi lahat ng bagay, pwedeng sabihin sa kaibigan. Some things are better be kept as a secret.

Sumeryoso na ang mukha niya. Nagkahulihan na lang naman, 'di niya na kailangan pang magpanggap na wala pa rin siyang ideya sa mga sinasabi nito.

"Hanggang sa'n ang nalalaman mo?"

"May mga kalokohan kayong ginagawa ni Jico at lahat ng 'yon ay para sa paghihiganti mo kay ZAC or should I say, sa pamilya niya. Am I right?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Kurt at hindi siya makapagsalita. Ang sikreto na matagal niyang tinago ay alam na nito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Kinakabahan, natatakot at gulat na gulat siya sa narinig. Hindi niya maintindihan kung paano nito nalaman ang lahat. Ang alam niya, naging maingat naman sila ni Jico.

"Nagulat ka ba? Curious ka ba kung pa'no ko nalaman? Binabalaan kita, for the second time. Itigil mo na kung ano man ang mga binabalak mo dahil kung hindi ka pa rin titigil, ako na mismo ang magsasabi kay ZAC ng lahat ng alam ko. Pinapangako ko sa 'yo, kapag itinigil mo ang kalokohang 'to, wala siyang malalaman. In fact, tutulungan pa kita na makalayo at magtago ng kung ano man ang alam ko."

Tiningnan siya ni Steffi ng diretso sa mga mata. Naiiyak na siya sa sobrang galit sa sarili. Isang bagay lamang ang sinisiguro niya... siya rin ang may kasalanan kaya nito nalaman. Hindi siya naging maingat.

"No. This is my business and not yours. Pwede ba na 'wag mo na lang akong pakialaman? Hindi ko kailangan ng tulong mo dahil alam ko ang ginagawa ko," pagmamatigas niya.

"Hindi mo alam ang ginagawa mo, Steffi. Hindi mo alam kung ano ang mga kaya nilang gawin sa 'yo kapag nalaman nila 'to. Nalaman na ni Jico at ginamit niya 'yon laban sa 'yo para mapaikot ka niya at ngayon, alam ko na rin. Hihintayin mo pa ba na malaman nila?"

"Bakit? Papatayin nila ako? What difference will it make kung gawin nila sa 'kin 'yon at mamatay ako dahil sa sakit ko? In the end, mamamatay pa rin ako, 'di ba? Hindi mo alam kung bakit ko 'to ginagawa, Kurt! Hindi mo ako maiintindihan because you've never been there! Ito na lang... ito na lang ang isang bagay na gusto kong gawin bago ako mamatay. Parang awa mo na, hayaan mo na lang ako at 'wag mo na akong pakialaman."

Niyakap siya ni Kurt. Pakiramdam niya ay bibigay na siya. Hirap na hirap na rin naman siya, eh. Pero kasi, ang ugali niya ay minsan na simulan niya, tatapusin niya kaya hindi siya titigil hanggang sa hindi niya nakakamit ang mithiin niya.

"Alam ko na gusto mo talagang gawin 'yon pero ayoko lang rin na mapahamak ka dahil dito, Steffi. I'm begging you, stop this while it's not too late for you to do so."

Tinulak siya ni Steffi palayo at tumayo siya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to, ha? Binabalaan mo 'ko? Tinatakot mo 'ko? Fine! Kung gusto mong sabihin sa kanila, edi sabihin mo! Hindi kita pipigilan, okay? Gusto mo ako pa ang tumawag kay ZAC at ikaw ang kumausap para sabihin sa kanya, eh."

Tumayo si Kurt at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Gusto kitang protektahan sa kanila at ayaw na ayaw ko na nakikita ka na nasasaktan. Manhid ka ba talaga, Steffi? Ah, shit!" napasabunot ito sa buhok nito. "Gusto kita at kaya kong iwan ang 11SG para lang ilayo ka sa kanila at hindi ka masaktan. I will do everything just to keep you safe kaya sana naman, makinig ka sa 'kin."

Tahimik lang na nakatingin si Steffi kay Kurt. Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na sa lahat ng tao, si Kurt pa.

"Wala na akong sasabihin, pwede ka na umalis," sabi nito sabay talikod sa kanya at naglakad papunta sa kwarto nito.

"Kurt, teka lang—"

"Pag-isipan mo ng mabuti ang sinabi ko. Hindi mo kailangan na tumigil dahil sa gusto ko o dahil sa inutos ko 'yon. Sana gawin mo 'yon para din sa sarili mo. Umalis ka na, Steffi."

Hindi na humirit pa si Steffi at tahimik na lang na umalis. Tulala siya habang naglalakad palayo doon. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya mula kay Kurt sa gabing iyon. Bukod sa alam na nito ang sikreto niya, mas nagulat siya sa naging pag-amin nito sa kanya ng nararamdaman nito. Alam niya na bawal itong magkagusto sa kanya pero hindi pa rin nito itinago ang nararamdaman at inamin pa nito sa kanya. Lalo pang gumulo sa kanya ang sinabi nito na kaya nitong iwan ang 11SG para lang sa kanya.

Umiling na lamang ito para mawala na sa isipan niya ang mga iniisip niya.

No, Steffi. Alam mo ang kailangan mong gawin. Hindi ka pwedeng magpaapekto sa mga nalaman mo. He wants to protect me? Then I'm sure, hindi niya sasabihin iyon kay ZAC.

Makikipaglaro na lang siya. Gagamitin niya rin ang nalaman niya laban kay Kurt kagaya ng ginawa ni Jico sa kanya nang malaman nito ang paghihiganti niya. Gagamitin niya rin ang nararamdaman ni Kurt sa kanya para itago nito ang sikreto niya.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 89.6K 43
FIXED MARRIAGE. Uso pa ba yun? Eh paano kung yung campus hearthrob na super cold ang nakatakda mong pakasalan? Aatras ka ba o papayag ka? (Published...
3.3K 1.5K 34
What's inside your mind?
Limerence By Aira

Teen Fiction

3.4M 48.4K 45
"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A crush is for a short duration of time, w...
4.1M 65.4K 63
SELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner...