Stanford University [COMPLETE...

By AliceChuaIsNotMyName

93.5K 2.1K 66

WELCOME Date Created: November 17, 2017 Date End: February 19, 2019 ~ Hello Guys im just one of the small au... More

Pink
Boy Character Profile
Girl & Other Character Profile
PROLOGUE
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Stanford University
Chapter 4: Hot war of Bitches
Chapter 5: Charm's Lucky day
Chapter 6: The Transfer Students
Chapter 7: Mark of the Devil
Chapter 8: School Clinic
Chapter 9: Guilt
Chapter 10: Encounter
Chapter 11: Lucia Joaquin
Chapter 12: Rumors
Chapter 13: She's Back
Chapter 14: 7 vs Female Dogs
Chapter 15: Punishment
Chapter 16: Black box
Chapter 17: Pool
Chapter 18: Letter
Chapter 19: Blood
Chapter 20: Medicine
Chapter 21: Rank One
Chapter 22: Confession
Chapter 23: Confession pt. 2
Chapter 24: The Demon Inside Him
Chapter 25: Confession pt. 3
Chapter 26: Tournament D1
Chapter 27: Tournament D2
Chapter 28: Tournament D3
Chapter 29: His Past
Chapter 30: The Day
Chapter 31: Havoc
Chapter 32: Burden
Chapter 33: Miracle
Chapter 34: Dying
Chapter 35: Do I Know You?
EPILOGUE
Pink Note: Gomawo

Chapter 3: They're back

2.2K 58 0
By AliceChuaIsNotMyName

MAAGA palang ay nasa school na ang karamihan sa mga estudyante ng Stanford. Maya't maya ang datingan ng mga magagarbong sasakyan at kaagad na umaalis din. Mas marami ang pumasok ngayon kaysa kahapon at karamihan sa pumasok ngayon ay ang mga sikat sa Stanford. Isa na rito si Valeen Morrison ang may pinaka maraming admirer sa Stanford.

Maya't maya ang sigawan ng mga babaeng nag aabang sa main gate ng Stanford dahil nag dadatingan na ang mga sikat nilang schoolmate may mga media rin dito para kunan ang mga famous students na naglalakad sa red carpet, ang mga media na ito ang nag lalagay ng bagong pag uusapan sa website ng Stanford. Karamihan ng estudyante ay nasa lugar na ito para abangan ang kanilang mga hinahangaan. Ngunit mas marami sa kanila ang nag aabang sa pag dating ng Luminaries at Madblack.




















SAMANTALA hindi na kumain ng breakfast si Charm at pinalagay na lang niya ito sa lunch box para baunin. Hindi na rin niya nadatnan ang kuya niya sa bahay pero nabasa nito ang note na nakadikit sa pinto niya.

' I need to go to school. Don't be late. Use the back gate of Stanford. '

Sinunod din niya ang sinabi sa kanya ni Bella na sa back gate ng Stanford sila dadaan at mag kikita para maka iwas sa siksikan. Dahil kakaunti palang ang nakakaalam na pwede itong daanan, dahil ang alam ng karamihan ay pinasara ito dahil dito dumadaan ang mga estudyanteng nag ka cutting.

Nagpaalam na si Charm kay aling Violy, nagmamadali siya dahil baka malate siya sa klase at madamay pa si Bella dahil mag aantayan sila.

Magpapahatid sana siya sa driver nila ng makita niya ang regalo sa kanya ng kanyang abeoji. Isang kulay nude pink na bike na may basket sa unahan. Napangiti si Charm at naisip niya na ito na lang ang kanyang gagamitin papunta sa school.
















MULING nabuhayan ng loob sila Chasten,Jiro,Kierre,Zacc at Shawn dahil sa wakas ay kasama na nila si Dwight ngayon. Nasa loob na sila ng kanilang sasakyan papunta sa kanilang school. Nalaman nilang lahat kung anong nangyari kay Dwight nung mga panahong umalis ito sa Stanford at sa South Korea ito tumira. Inaakusahan si Dwight na siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang babaeng estudyante sa Stanford kaya ito pinaalis sa Stanford at dawit sa kasong yon si Zeb. Malaking palaisipan sa kanila kung papaano nangyari yon. At kung papaanong napag bintangan si Dwight. Malakas ang kutob nilang si Zeb ang may pakana nito para tuluyang mawalan ng posisyon si Dwight sa paaralan ngunit bigo pa rin ito.

Kilala nila si Zeb na di ito titigil hangga't di nito napapabagsak si Dwight sa pagiging Superior nito. Kaya naman binalaan sila ni Dwight na mag ingat sa bawat pag kilos at maging alisto sa lahat.

Tahimik ang lahat sa pag byahe nila at malapit na rin sila sa Stanford ng biglang magsalita si Zacc "Sigurado ba kayo na tamang si Shawn ang pag drive-in natin?" medyo kabadong tanong ni Zacc sa lahat.

"HOOYYY ZACC I CAN HEAR YOU!" sigaw naman ni Shawn na nasa driver seat. "Mag ingat ka shawn sayo nakasalalay buhay namen" ani Jiro habang nakatuon sa binabasa nito. Si Kierre naman ay busy sa pakikinig ng music naka earphone at nag ge-games lang, si Chasten at Zacc naman ay naglalaro ng mobile legends habang si Dwight ay nakasandal ang ulo at naka pikit lang.

"GUYSS MADAMING MEDIA AT TAO SA MAIN GATE!" sigaw ni Shawn na nasa driver seat "Backgate!" tipid na sabi ni Dwight at pinaharurot agad ni Shawn ang sasakyan.

Tahimik ang lahat at halos malapit na sila sa backgate ng biglang tumigil ang kanilang sasakyan.





MALAPIT na sa back gate si Charm ng muntikan na siyang mahagingan ng isang magarang luxury bus sa itsura palang nito ay mukha na itong mamahalin ngunit muntik na siyang masaktan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng bus.

*

Hinayaan na muna niyang makapag parking ng maayos ang luxury bus, nakita na rin ni Charm si Bella na nag iintay, pinark niya ang kaniyang bike at saka hinila si Bella papalapit sa luxury bus.

Nanlaki ang mga mata ni Bella dahil parang pamilyar sa kanya ang sasakyang yon ngunit galit ang nangingibabaw kay Charm kaya naman malakas na kinalampag niya ang pintuan ng luxury bus at maya-maya lang ay bumukas ito.

Bumungad kay Charm at Bella si Shawn na may halong kaba sa ekspresyon ng mukha dahil kilala na niya si Charm.

"IKAW NA NAMAN??" sigaw ni Charm kay Shawn. "A-ako na naman?" nauutal na sabi ni Shawn habang naka turo sa sarili niya. Napaatras naman si Bella ng namewang na si Charm "Gusto mo talagang masaktan eh no?" nanghahamon na tono ni Charm.

Bigla naman bumaba ng luxury bus si Zacc para tingnan kung sino ang babaeng kanina pa sigaw ng sigaw. Napahawak naman si Bella sa braso ni Charm para pigilan ito dahil Luminaries na ang binabangga ni Charm.

Samantala biglang umiral ang pagka playboy ni Zacc ng makita nitong maganda pala ang kaaway ni Shawn.

Hahawakan sana niya si Charm sa pisngi ng biglang pilipitin ni Charm ang kanyang kanang kamay. Napasigaw naman ng malakas si Zacc dahilan para bumaba ng luxury bus sila Dwight, Jiro, Kierre. Si Chasten naman ay hiniram ang earphone ni Kierre at ang libro ni Jiro kaya di nito rinig ang nang yayari sa labas.

Halos mamutla si Bella ng makita niyang sunod sunod na lumabas ang iba pang myembro ng Luminaries, napahawak na siya ng madiin sa braso ni Charm at hinihila na niya ito paalis pero pumiglas pa rin si Charm.

"Nagtawag ka pa ng ka grupo mo ha!" anito kay Zacc at saka binitawan ang kamay.

"It's her again!" mahinang bulong ni Kierre pero rinig ito ni Dwight at Jiro.

"What's with her?" tanong ni Jiro habang nakatingin silang tatlo sa nag aaway na si Charm at Zacc. "Siya yung pumilipit sa braso ni Shawn kahapon" natatawang kwento ni Kierre at natawa naman si Jiro habang si Dwight ay walang pakealam sa nangyayari.

"Let's go!" ani Dwight at saka naglakad na palayo tinapik nito si Zacc sa balikat at saka binangga ng marahan si Charm sa balikat. Napaatras naman si Zacc at nilapitan siya ni Shawn.

Nanggalaiti naman sa inis si Charm, bumaling ang galit nito kay Dwight na naglalakad na di kalayuan sa kanila.

"AISH SHIBAL!! YAH MICHIN NOM!! NEO PABO~YA??!!" sigaw ni Charm na sapat na para marinig ng lahat at biglang napatigil si Dwight sa narinig mula kay Charm. Nagkatingin naman sina Jiro, kierre, zacc at shawn dahil di nila naintindihan ang sinabi ni Charm habang si Bella naman ay napa face palm sa sinabi ni Charm. Nakakaintindi ng korean language si Bella dahil si Charm mismo ang nag nagtuturo sa kanya.

Di nila namalayan na bumalik si Dwight at tumigil ito sa tapat mismo ni Charm "What did you just say?" direktang tanong ni Dwight at nakatingin sa mga mata ni Charm. Hindi naman nagpatinag si Charm at inulit ang kanyang sinabi "Bingi ka ba? Sabi ko 'Aish shibal! Yah michin nom! Neo paboya?" ani Charm na ginaya ang reaksyon niya kanina. Samantala natawa ang ibang myembro ng Luminaries dahil sa cute na reaksyon ni Charm.

Mataman na tiningnan lang ni Dwight si Charm sa mga mata nito inirapan lang ni Charm si Dwight.

Hinipan ni Dwight ang kanyang mga buhok na humaharang sa kanyang mga mata. Kinuha nito ang red stamp nito sa kanyang bulsa at hinawakan ng mahigpit ang wrist ni Charm at saka tinatakan sa likod ng kamay si Charm.

Napailing iling naman sila Shawn at Zacc habang bakas ang pag aalala sa mukha ni Jiro at Kierre.

"Get out of my sight!" walang emosyong pagkakasabi ni Dwight kay Charm at Bella. Iimik pa sana si Charm ng biglang hinila na siya ni Bella paalis sa lugar na yon.

Mabilis na nawala sa paningin ng Luminaries sila Charm at Bella.

"Anong nangyari dito bakit ganyan itsura niyo?" tanong ni Chasten dahil kakababa lang nito sa Luxury Bus binigay nito ang ear phone kay Kierre at isinauli rin ang libro kay Jiro.

"Meron agad makakatikim ng parusa kay Dwight" ani Shawn. "I feel bad for her" sabi naman ni Kierre. "Her? Sinong babae yon?" tanong ni Chasten, nag umpisa ng maglakad si Dwight at sinundan naman ito ng kagrupo. "I think she's a newbie. She didn't know about us!" sagot ni Jiro kay Chasten.











HALOS mabaliw kakaisip si Bella sa mga nangyari kanina. Nasa classroom na silang dalawa ngayon at nag iintay nalang ng professor, unti unti na rin napupuno ang mga bakanteng upuan pwera nalang sa apat na upuan na parang iniiwasan ng bawat estudyante ang pwestong ito ay malapit sa bintana at sulok ng classroom. Malapit sa pwestong yon si Charm at sa unahan ni Charm ay si Bella.

"Twin, para saan ba tong tatak na to?" tanong ni Charm at iniharap sa tapat mismo ng mukha ni Bella ang kamay niyang may tatak na kulay pulang letter S at trident.

Agad namang inilayo ni Bella ang kamay ni Charm at tumingin sa paligid, nang makita niya na walang nakapansin sa ginawa ni Charm ay hinampas nito ng mahina si Charm sa braso.

"Yah pabo ka talaga! Pasalamat ka red mark lang yan ibig sabihin minor violation lang ang ipaparusa sayo." halos pabulong na sabi ni Bella, kumunot naman ang noo ni Charm dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari.

"Twin!! Muntik na kong mabangga ng bus na yun kanina tapos ako pa yung mapaparusahan? Aish jeongmal" reklamo ni Charm kay Bella.

Pinitik naman ni Bella sa noo si Charm "Celestine Charm Heizer..baka natatandaan mo kung ano yung sinabi mo sa kanya kanina? Naintindihan yon ni Spiro kanina kaya ka niya nilagyan ng red mark." paliwanag ni Bella at napatahimik naman si Charm.

Maya-maya lang ay biglang dumating ang Prof. nila na si Mr. Tajima. Umupo na sa kani-kanilang upuan ang ilan sa estudyante ng Golden Section samantalang ang karamihan ay patuloy pa rin sa kani-kanilang gawain.

"Go back to your proper sit!" mahinahong saway ng ni Mr. Tajima pero parang walang narinig ang ibang estudyante "Students please listen. Go back to your proper sit." Ulit muli ni Mr. Tajima pero ganun pa rin ang mga estudyante.

Tumayo si Nazia at hinampas ang kanyang desk. Sa pagkakataong yon ay tumahimik ang ilan pero ang iba ay patuloy pa rin sa ginagawa nila. Napahawak nalang sa kanyang sentido ang mabait na Professor at biglang umingay ang klase.

Bigla namang bumukas ang pinto ng Golden Section at unang pumasok dito si Zacc na sinundan naman ni Kierre at nang makita ng lahat ang huling pumasok na si Dwight ay biglang tumahimik ang buong klase, nagsibalikan din ang ibang estudyante sa kani-kanilang upuan.

Napatingin si Dwight kay Mr. Tajima at sinenyasan ito na umpisahan na ang pagtuturo.

Umupo ang tatlo sa bakanteng upuan sa dulo ng classroom. Umupo si Dwight pinaka huling upuan malapit sa bintana at sa unahan naman ni Dwight umupo si Kierre habang sa kabilang huling raw ng upuan si Zacc at nanatiling bakante ang upuan sa likod ni Charm.

Dahil sa pag dating ng Luminaries ay maayos na nakapag turo si Mr. Tajima buong klase rin naging tahimik ang mga estudyante ng Golden Section, hindi naman makapag focus sa lecture si Charm dahil hindi siya komportable sa mga tao sa likod niya.












LUNCH BREAK na at nagkayayaan ang dalawa na sa school cafeteria nalang sila kumain. Umorder ng spicy chicken si Bella at bumili ng dalawang honey lemon juice saka nagpunta sa table nila kung saan nag aantay si Charm.

Nilabas naman ni Bella ang lunch box niyang kulay pink na may strawberry design. Natawa naman si Bella dahil sa mukhang pambatang lunch box ni Charm.

Nasa kalagitnaan na ng pagkain ang dalawa ng biglang tumigil si Charm sa pagkain. Napansin naman ito ni Bella at napatigil na din siya sa pagkain.

"Ayaw mo na ba?" Tanong ni bella. Umiling naman si Charm, lumapit siya kay Bella at saka bumulong "Twin.. Sabihin mo nga.. Masyado bang pambata ang lunch box ko o may dumi ako sa mukha?" tanong ni Charm at saka tumingin sa paligid ng cafeteria. Napatingin din si Bella sa tinitingnan ni Charm at dun niya narealize na sa kanila na pala nakatingin ang mga tao sa cafeteria, ang iba ay nagbubulungan habang nakatingin sa kanila.

Biglang pumasok sa isip ni Bella ang tatak ni Charm sa kamay nito. Alam niya na ito ang dahilan kung bakit sila pinagtitinginan ng mga estudyante sa cafeteria kaya naman niyaya na niya si Charm na umalis na sila sa cafeteria.




Naglalakad ang dalawa ng biglang makasalubong nila si Mr. Tajima "Ms. Heizer pinapatawag ka sa SSC office.. Goodluck!" ani Mr. Tajima at saka umalis.

Napakamot naman si Bella sa kanyang ulo, hinila nito si Charm para maglakad papunta sa SSC office "Saan yung SSC office twin? At saka ano yun?" Inosenteng tanong ni Charm.

Pinitik ulit ni Bella sa noo si Charm "SSC... Sovereign Student Council.. Sila yung may pinaka mataas na katungkulan sa school bukod kay prof. Kang..siya ang head master sa school na to, pero kay Superior niya pinapaubaya ang pamamalakad sa school kaya at yan" turo ni Bella sa may tatak na kamay ni Charm "yang Letter S at Trident na yan ang simbolo ni Superior. Siya rin ang nag dedecide ng mga parusa hindi mo magugustuhan ang parusa pag siya na ang nag bigay..maswerte ka twin kung si president ang magpaparusa sayo kasi mabait pa yon." nasapo ni Charm ang kanyang noo ng mapagtanto niya na Superior na pala ng school nila ang kinakalaban niya. Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Chasten.

"Ibig sabihin yung limang lalaki kanina na nakaaway ko ay member ng SSC?" kabadong tanong ni Charm. Tumango naman si Bella "Yup. Member sila ng SSC pero mas kilala sila bilang Luminaries.. Actually 7 sila..anim palang sila ngayon pero balita ko malapit na daw sila makumpleto." kwento ni Bella tumigil ito at saka tumingin sa nasa tapat nilang may kalakihang office at may naka ukit na SSC at trident sa pintuan nito.

Kumatok si Charm sa pintuan at umalis na si Bella nag usap sila na magkikita na lang sila mamaya pag awas.

Biglang bumukas ang pintuan, pumasok si Charm at nakita niya ang ubod ng gandang office. Mayroon itong anim kulay puting table at swivel chair sa gitna nito ay ang isang kulay itim na table at mas magandang swivel chair. Sa tingin ni Charm ay sa superior nila yon dahil may tatak ng trident ang table nito.

Akala ni Charm ay walang tao sa SSC office nang umikot bigla ang isang swivel chair sa kaliwang table ng Superior at ito ay ang table ng President. Nakita niya si Kierre na nakangiti sa kanya. Nakahinga naman ng maluwag si Charm dahil naalala niya ang sinabi ni Bellatrix.

Pinalapit siya ni Kierre sa table nito at lumapit naman si Charm "Superior told me to punish you so.." ani Kierre na pakamot sa ulo at nag iisip ng pwedeng iparusa kay Charm. "Hmm..." kinakabahan at nag aantay si Charm sa sasabihin ni Kierre "Clean the school garden tomorrow morning. Okay?" sabi ng nakangiting si Kierre kay Charm tumango nalang si Charm at nagpasalamat kay Kierre. Buti nalang at yun lang parusang napapunta sa kanya.

Nagpaalam na siya kay Kierre at aalis na sana ng biglang mapansin niya ang isang handkerchief na nakapatong sa table ni Dwight.

Biglang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo si Charm at napaluhod sa sahig. Nag aalalang lumapit si Kierre kay Charm na ngayon ay umiiyak na sa sobrang sakit ng ulo, "Charm!" tawag ni Kierre pero biglang nawalan ng malay si Charm.

At dali-daling binuhat ni Kierre si Charm papunta sa school clinic...

~
Ito yung meaning ng sinabi ni Charm kay Dwight kanina kaya siya natatakan ng red mark hahahaha.

"AISH SHIBAL! YAH MICHIN NOM! NEO PABOYA?"

"AISH FUCK! HEY CRAZY BASTARD! ARE YOU STUPID?"

Jeongmal-Really

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
273K 8.7K 70
Pano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan...
58K 3K 134
Hindi alam ni Ashley Zai Atienza ang kaniyang gagawin nang mailipat siya sa Section na pinaka ayaw niya. Nang dahil sa spoiled brat na kaaway niya at...
953K 30.6K 43
Sobra ang pagkainis ni Trey sa bestfriend ng kapatid niya na si Smoke Ash dahil sa pambubully nito sa kanya noon. But all of a sudden, nagbago ang pa...