I am Underdosed (MingKit Fanf...

By kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit More

Prologue
Chapter 1: Hydroxyethylrutoside
Chapter 2: Loperamide
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 5: Aripiprazole
Chapter 6: Risperidone
Chapter 7: Midazolam
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 9: Methylphenidate
Chapter 10: Mefenamic Acid
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 20: Amphetamine
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 14: Sildenafil

167 19 18
By kellskellay

Vocabulary!!!

Sildenafil - PDE-5 Inhibitor or Phosphodiesterase-5 inhibitor. Para sa mga matatandang lalaki na mayroong Erectile Dysfunction. Sikat na brand name nito ay ang Viagra.

•••

Nagsimula na ang summer pero wala kaming vacation. Meron pa kasi kaming internship sa community set up ng Pharmacy.

Bale ang nahiwalay lang sa batch namin ay si Kairah dahil natuloy siya sa drug store na una niyang inapplyan ng internship.

Kaming mga natira ay magsisimula na sa internship namin sa 2 Moons Pharmakon.

Hindi ko nga lang alam kung maganda ang kalalabasan ng internship namin. Alam niyo naman na si Kuya Beam ang may-ari ng drugstore na ito.

Idagdag mo pa na ang Head Pharmacist at Store Merchandiser ng branch kung saan kami mag iintern ay mga ninong at ninang ko pa!

"Good morning po! Intern po kami..."

Hindi ko na pinatapos magsalita si Ming at hinila na siya papunta sa loob. Kilala naman na ako ng guard na kinausap ni Ming kaya walang problema.

"Hello po Ninang Hannah!" Bati ko nang  makapasok na kami sa personnel's lounge.

"So, tatlo pala kayong intern ngayon?" Sabi ni Ninang.

Kasama kasi namin si Marianne sa branch na 'to. Kaya tatlo kaming intern ngayon.

"Sige. Magsimula na kayo. Mag bless ka muna sa Ninong mo sa taas."

Sinamahan na ni Ninang Hannah sina Marianne at Ming papunta sa Rx section. At ako naman at umakyat para puntahan naman ang ninong ko.

"Good morning po Ninong!" Bati ko.

"Oh?! Buti naman at dito ka mag-iintern. Nasabi na sa amin ng kuya Beam mo na ito daw ang napili mo." Sabi ni Ninong.

"Oo nga po Ninong! Para malapit na din po sa bahay. Hindi rin po hassle sa pag-uwi."

"Sige na. Bumalik ka na sa baba. Tulungan mo ako mamaya na magcheck ng mga stocks sa mga gondola."

"Okay po Ninong."

Bumaba na ako at dumiretso sa Rx.

"Ikaw Kit, alam mo naman na lahat dito di'ba? Mamaya kung gusto mong mag cashier sabihin mo lang. Ituro mo na din sa kanila kung paano gamitin ang take order sa computer at pagsusulat sa prescription book."

"Noted po Ninang."

Pumasok na ako sa Rx at tinuro sa dalawa kung paano gamitin ang take order sa computer.

May mga ospital kasing tumatawag dito at umoorder ng mga gamot. Pinag-aagawan pa nga ng mga Pharmacy assistants yung ganung klase ng tawag dahil umaabot ng 10k ang order ng mga ospital sa drugstore na 'to. Minimum palang 'yan.

Ang pinakamahal na order ng ospital na nakita ko so far ay 50k pesos. Sa sobrang mahal ba naman ng mga gamot, aabutin talaga ng ganyang halaga ang order.

Itinuro ko pa sa kanila kung saan nakalagay ang mga dangerous drug. Pati ang reconstitution ng mga suspension ay tinuro ko na din.

Madali lang naman ang trabaho dito sa Rx. Mga prescription drugs at repacking lang naman ang nandito. Kapag kailangan sa order ng gamot na nandito sa Rx, tsaka palang kami puwedeng mag dispense.

"So ganun lang naman ang gagawin dito. Ako nalang muna ang magdi-dispense ngayong araw." Sabi ko.

Masyado akong focused sa internship ko ngayon.

Ilang buwan na ding nanliligaw si Ming sa akin. Hindi ko na siya nae-entertain. Sa totoo lang, handa naman na akong sagutin si Ming. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang kahihinatnan ng relasyon namin kung sakali.

"Kit! May order na! Saan ba nakalagay 'tong Sildenafil?" Sabi ni Marianne. Kanina pa pala ako nakatulala.

"Ayun sa taas."

Kinuha na ni Marianne yung Sildenafil at siya nalang ang nagdispense.

"Bakit ba parang tulala ka ngayon Kit?" Tanong ni Marianne.

"Wala naman. Kulang lang siguro ako sa tulog." Sagot ko.

"Maaga ka namang natulog sa bahay kagabi diba?" Sabad ni Ming. Mukhang busted ako dun.

Tumawa nalang ako para naman hindi awkward.

Maya maya ay dumating na yung PA (Pharmacy Assistant) na ka-close ko. Si Kuya Joey.

"Uy batang cute! Start na pala ng intern mo." Sabi ni kuya Joey. Batang cute talaga ang tawag niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba ganyan ang tawag niya sa akin.

"Hello po Kuya!" Bati ko.

"Galingan mo! Magtatrabaho na ako."

Iba din talaga si Kuya Joey. Siya na siguro ang pinaka cool na lalaking nakilala ko. Madalas ko siyang kausap noon kapag nandito ako sa branch. Tumutulong din ako sa pag dispense ng gamot dati kaya alam ko na kung paano ang mga ginagawa dito.

Si Kuya Joey din ang nagturo sa akin ng mga gawain dito bukod kay Ninang Hannah.

"Saan ba nakalagay 'tong Inderal?!" Sabi ni Ming. Bakit naman parang galit siya?

"Nandito sa lower shelf." Sagot ko. Siya na yung nag dispense ng gamot.

Bumalik si kuya Joey sa Rx section.

"Ito pala yung prescription. 16 paper tabs. Pakitignan nalang kung ilang mg ang kailangan batang cute." Sabi ni kuya Joey. Inabot niya sa akin yung prescription at binasa ko yun.

Tama naman yung nailabas ni Ming na tablet ng Inderal. Kanino ko ba dapat ituro ang compounding?

Kay Ming nalang siguro.

"Ming, halika dito. Ikaw nalang ang mag compound nito." Sabi ko.

Nagawa na namin 'to sa isang subject namin. Kaso lang may pagkakaiba ngayon dahil powdered na yung ginamit namin noon sa laboratory.

Kailangan pa kasing balatan yung tablet. May mga coating kasi ang karamihan sa mga tablet. Kaya dapat balatan muna ang tablet bago durugin.

Nabalatan na ni Ming at nag triturate na ng tablet.

Gumawa na siya ng bulk powder at hinati sa 16 bulk powders at tsaka niya inilagay sa wax papers.

Sa totoo lang, ayaw na ayaw kong gawin itong compounding dahil nakakangawit sa batok.

Ang tagal matapos ng duty hours namin. Ganito talaga sa community setup sa pharmacy. Nasa Rx lang ang mga estudyante. Boring kasi bihira lang ang bumibili ng mga gamot na nasa Rx section. Sa ibang drugstore naman ay hinahayaan nilang intern nila ang mag cashier okaya mag dispense ng gamot.

Pero dito sa drugstore ni kuya Beam, kapag nakumpleto na namin ang first 100 hours of internship namin dito, puwede na kaming mag dispense ng gamot directly sa customer.

Lunch time na at nagpunta na kami sa pantry.

Nagpa-deliver ako ng pizza. Yung trendy na pizza ngayon yung inorder ko. Yung sobrang laking pizza para lahat ng empleyado dito sa branch ay makakain.

"Salamat dito batang cute!" Sabi ni kuya Joey habang nginunguya yung kinain niyang pizza slice.

"You're welcome po." Sabi ko. Sinamahan ko ng ngiti dahil sabay sabay nagpapasalamat yung mga empleyado dito sa pantry.

Hindi ako kinakausap ni Ming simula pa kanina. Madalas naman niya akong kinukulit at kinakausap pero iba ngayon. Tahimik lang siya. Maski si Marianne ay hindi niya rin pinapansin.

Bumalik na kami sa Rx after ng lunch.

Nagcheck na si Ninong Brham ng mga stocks sa retail section. Siyempre tumulong ako. Mga packed stocks lang naman ang chineck namin.

Tumulong si Marianne sa pagcheck ng mga stocks sa BioRef. Si Ming naman ay sa Rx. Ako naman sa buong retail section.

Magandang pamatay oras din ang pegcheck ng mga stock. Gaya nga ng sabi ko, boring sa first 100 hours ng internship dito.

Finally, 5 pm na at uwian na!

"Time out mo na batang cute!" Sabi ni kuya Joey.

"Mauna na po kami kuya Joey." Paalam ko.

"Sige. Ingat ka batang cute!"

Lumabas na kami ng drugstore. Nakasalubong naman namin si Tito Ricardo. Ang tatay ni Ming.

Nag bless kamong tatlo kay tito at pumasok na siya sa drugstore. Gabi siguro ang oras ng trabaho niya ngayon.

"Mauna na akong umuwi ah! May kailangan pa akong gawin eh." Sabi ni Marianne. Umalis na siya at iniwan niya na kami ni Ming.

"Uhm... Ming? Saan ka matutulog ngayong gabi?" Tanong ko.

"Sa bahay." Sagot niya. Kanina pa siya nakabusangot at parang galit pa kung sumagot. May problema ba 'tong lalaking 'to?

"Sige. Sa inyo nalang ako matutulog." Sabi ko.

"Hindi muna siguro ngayon."

"Ha?"

"Ihahatid nalang kita sa bahay niyo. Tsaka na tayo magkita at mag-usap."

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
58.8K 2.7K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
295K 2.1K 22
Ako si Paolo, 29 years old may asawa at isang anak. 3 years na kaming kasal ng aking asawa. I work as a programmer sa isang IT Company sa may Mandalu...
805K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...