EXO: Twelve Princes โœ”๏ธ

By SnowSparksJoviie

301K 7.2K 874

One tragic day. One magical world. One girl with great responsibilities. It happens in a blink of an eye. She... More

EXO: Twelve Prince [Revised]
Prologo
I.
II.
III.
IV
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
SHORT NOTE
XI.
XII
XIII
XIV
XV.
XVI.
XVII.
XVIII
XIX.
XX.
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
Twelve Prince Gallery
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
Revised Ending Teaser
XLIII
XLIV
XLV
Ending
Writer's Note

XXI.

5.6K 153 15
By SnowSparksJoviie

KABANATA XXI

I

Dinig na rinig ni Louise ang tunog ng mga nagkakantahang ibon sa labas. Naaninag niya ang nakakasilaw na liwanang na nagmumula sa gilid na bahagi ng kanyang paningin. Dahan-dahan niyang imunulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang mabigat na kung ano sa kanyang kamay na kanya namang nilingon. Hindi niya malaman kung ngingiti ba siya o hindi matapos makita ang binatang si Xiumin na natutulog sa kanyang tabi.

Iginala niya ang kanyang paningin, napag-alaman niyang nasa School clinic siya kung saan niya nakita ang pag-aayos ng school nurse sa ilang mga gamot. Pansin niyang nagliliwanag ang ilang bahagi ng kanyang katawan kung saan lumilibot ang maliliit na diwata.

"Gising na siya." Ani ng isang maliit na tinig.

Nakita niya ang paglingon ng nurse sa kanya habang patuloy na nagliliparan ang ilang diwata sa paligid. batid niyang iyon ang katulong ng School nurse para makapanggamot sa mga estudyanteng may sugat o karamdaman. Kitang-kita niya rin ang mahabang tainga nito na katulad ng sa isang Elf.

"Kanina pa siya naghihintay sa 'yo. Aalis muna ako sandali ha? Kukuha lang ako ng iba pang mga halamang gamot para gawing gamot." Tumango siya bilang pagtugon sa Nurse.

Sumunod doon ang mga diwata hanggang sa lumiban sila sa silid. Sinubukan niyang tumayo, sa kanyang paggalaw ay naalimpungatan ang natutulog na binata sa kanyang tabi. Pareho pa silang nagulat dahil sa biglaang pagpitlag nito habang pinandidilatan siya ng mata.

"Bakit tumayo ka na agad?" Asik nito habang pinipilit siyang humiga muli.

"Xiu! Hindi ako nakatayo. H'wag mo nga akong itulak pabalik!"

Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. marahan niyang pinitik ang noo ng binata bago muling umupo sa kama.

"Maayos na nga ako," ginalaw-galaw niya ang mga braso't-balikat. "Wala nang masakit sa akin. Pinagaling na ako ng healing fairies kanina."

Nakita niyang huminga ng malalim ang binata bago muling ihiga ang ulo nito sa kamang kinauupuan niya. Nakabusangot ito habang nakatitig sa puting unan sa kanyang gilid.

"Kinabahan lang ako sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong sapak ng principal para gawin 'yon. Gustong-gusto ko siyang sapakin sa mga oras na 'yon pero siguradong ipapasok nila ako sa detention room pagkatapos." Naramdaman niyang hinawakan ng binata ang kanyang kamay habang nakadayukdok ito sa kama. "I don't want to hurt you. Gusto kong itama ang mga maling ginawa ko sa 'yo. Masyado akong naging rude, 'di ko inisip ang nararamdaman mo. Natatakot lang akong pagtrayduran ng mga taong pinagkakatiwalaan ko..." anito.

Marahan siyang ngumiti at sinulkay ang buhok ng binata. Ni hindi nito makuhang lumingon sa kanya. bahagya rin siyang natawa nang makita niyang namumula ang tainga nito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararadaman niya sa kanyang puso.

Sa tingin niya, nakita't nahawakan na niya ang matigas na puso ng binata. At ang kamay niya ang tumunaw sa makapal na yelong nakapalibot dito. Finally, she reached his frozen heart. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay. Bumuntong hininga siya't pinakiramdaman ang mainit na palad nito sa kanyang balat.

Sadyang napakabilis ng oras, napakabilis ng panahon, tila ba kahapon lang ang lahat. Isang kahapon kung saan nararanasan niya ang pagtataboy sa kanya ng binata, ang pagsimangot nito't pagtulak sa kanya papalayo.

"Thank you for staying by myside. Kahit na... naging masama ako sa 'yo, naging harsh, naging suplado. Nanatili ka pa rin sa tabi ko para makipagkaibigan, para lang alalahanin ako." Mahinang bulong nito. "Thank you."

Marahan siyan ngumiti sa narinig. Unang kita pa lang niya kay Xiumin ay hindi 'di niya aakalaing gano'n kasungit ang binata. Hindi kasi ito bagay sa malambing na mukha nito, baby face para sa isang supladong tulad nito.

Ini-angat ng binata ang ulo nito at tiningnan siya. Halos kumabog naman nang pagkalakas-lakas ang kanyang puso. Parang mayroong kung ano na nais kumawala rito nang magtama ang kanilang paningin. Kulang na lang eh manlamig ang kanyang mga kamay at mangatog. Napakaseryoso ng binata, nakita niya ang malalim na paglunok nito naging ang pagtaas-baba ng adams apple nito.

Kulang na lang bumalibag ang pinto ng clinic nang ito'y bumukas. Naudlot ang pagtititigan nilang nilang dalaga at napalitan ng gulat. Nakita niyang pumasok doon ang ngiting-ngiting si Chen habang nakataas pa ang dalawang kamay sa hangin.

"The force may be with you!"

"Magbigay galang para sa pagdating ng nakakataas!" pagsigaw naman ni Chanyeol sa loob.

Kunot-noo siyang bumaling sa pintuan, nakita niya ro'n ang ilan pang mga binata na nakangiti sa kanya. bahagyang kumaway sa kanya si Kyungsoo samantalang ilag naman ang tingin sa kanya ni Luhan –bagay na kanyang ipinagtaka.

"Ano bang ginagawa niyo rito? Bakit kailangan niyo bang ihampas ang pinto r'yan!" asik ni Xiumin.

Pumlakda si Chen sa dulo ng kamang hinihigaan niya, Dumagan naman roon si Chanyeol at ginawang higaan ang kawawang si Chen. "Chill ka lang, gusto mo ba ng malupit kong apoy para naman mahimasmasan ka?" panunudyo nito kay Xiumin.

"Gusto mo bang ipanguya ko sa 'yo itong mga yelo ko?"

Marahan siyang napailing. Kaya nararapat na 'di pinagtatabi ang dalawang to dahil masyadong malakas ang epekto ng kapangyarihan nila sa isa't-isa. Sadyang magkasalungat at 'di talaga magkasundo.

"Louise, kailangan mo nang tumayo sa kamang 'yan." Tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Kai.

Sa itsura ng mga binatang nakatayo sa pintuan ay nababakas ang pagkasabik. Parang mga batang pinayagan ng mga magulang na sumama sa field trip, parang mga teenagers na nakahawak ng malaking pera.

"Okay, Compress tayo guys!" ngiting sambit ni Kai.

Mabilis na nagtungo ang mga 'yon sa tabi ni Kai, ang lahat ay nakahawak sa kanya-kanyang balikat. Humawak naman sa paa ko sina Chanyeol at Chen habang ngiting demonyo. Inilagay naman ni Kai ang kamay ko sa kamay ni Xiumin na ikinagulat ko. Hindi ko pa man iyon naalis eh kaagad naman no'ng inilagay ang braso ko sa leeg ng binata.

"Ano bang nangyayari, Kai?" gulong-gulong sambit ni Xiumin.

"Buhatin mo si Louise," sinunod naman nito ang sinabi ni Kai. "Magfi-field trip tayo."

II

"Buong buhay ko pakiramdam ko hindi ako natanggap ng mga taong minahal ko, hindi ako tinanggap ng buo ng mga kaibigan ko, iniwan ako ng mga taong inaasahang kong nasa tabi ko. Bakit nga ba napakasama ng mundo sa akin? Hindi kaya ako ang naging masama sa mundo" Naging mabagal ang lahat para sa kanya. Ang mabilis niyang pagtakbo'y tila naging mabagal, ang pagkahulog ng mga dahon sa paligid, maging ang pagpatak ng kanyang luha.

Nabigla siya sa nakita't napatigil matapos marinig ang alon sa hindi kalayuan. Lumingon siya sa ibabang bahagi kung saan niya nakita't natanaw ang mataas na bangin na kanyang kinatatayuan. "Sumuko ka nalang sa amin" hingal na wika ng mga pulis sa kanyang likuran. Humabol rin sa pagtakbo ang kanyang tita na bakas pa rin ang pagka-inis.

"Kahit na tumakbo ka makukulong at makukulong ka pa rin kaya sumuko ka na magnanakaw ka" Kaagad siyang umatras nang humakbang papalapit ang isang pulis sa kanya. Sumulyap siya sa bangin sa kanyang ilalim at napakagat ng ibabang labi.

"Kung makukulong ako anong magiging buhay ko roon? Siguradong habang buhay akong hindi tatantanan ni Tita kung hindi man ako makulong. Wala namang may gusto sa akin, walang tumatanggap sa akin" Wika niya sa kanyang isip.

"Bakit hindi na lang mamatay?" Nagulat ang lahat sa kanyang ginawa. Kaagad siyang tumalon papatalikod mula sa bangin na nasa kanyang likuran. Itinapon niya ang katawan niya tulad na lang nang pagtapon niya sa buhay niya patungo sa kamatayan. Para sa kanya'y wala nang saysay ang kanyang buhay kaya't mas mabuti na lang na tapusin niya ito. Ngunit, sa gitna ng nakakabiglang pangyayari. Kahit isang anino ng bangkay ng dalaga'y hindi na nila nasilayan pa nang sila'y sumulyap sa ibabang bahagi ng bangin.

Mahigpit ang pagkakayakap ni Louise kay Xiumin, nanginginig at parang isang batang mayroong kinatatakutan. Pare-parehong lumingon ang mga binata sa takot na imahe ng dalaga. Nababakas ang pag-aalala sa mukha ng binata.

"Anong nangyayari sa 'yo, Louise?"

Pumitlag ang dalaga dala ng pagkagulat. Kaagad niyang nilingon ang mga kasama sa paligid, lahat ay nakatingin sa kanya, lahat ay nag-aalala. Pinagmasdan niya ang kinaroroonan nila, marahan siyang ibinaba ni Xiumin mula sa pagkakabuhat.

Ang buong kapaligiran, ang lugar na kanilang kinatatayuan, ang pamilyar na daan. Ang lahat ng iyon ay tandang-tanda pa niya. Hindi na niya matandaan kung ilang buwan na siyang nawawala sa mundong iyon –sa mundo ng mga tao.

"Hindi ko aakalaing makakabalik pa ako sa mundong 'to." mahinang bulong niya. "It's been a while since I left this world.."

"Hindi mo ba gustong bumalik sa mundong ito?" takang tanong ni Kai. "Kung gusto mo, bumalik na lang tayo sa Saint Havens."

Mabilis siyang umiling. "H-hindi sa hindi ko gusto, nagulat lang ako na pupunta pala tayo rito." Pansin niyang nakahinga ng maluwag ang lahat sa kanyang sinabi. "Palagi ba kayong pumupunta rito?"

Pare-pareho silang umiling. "This is our first time in this world. Marami kaming naririnig na may ilang nakakatuwang lugar dito kaya sinubukan naming pumunta." Paliwanag ni Suho. "Besides, 18 years old na kami. Hindi naman kami papagilitan ng mga magulang naming kung magliliwaliw kami sa ibang mundo."

"Well, this is my second time to be here." Bumaling siya ng tingin kay Xiumin. Mabilis itong kinuyog ng kanyang mga kaibigan at pinagkukutusan, nangunguna roon si Chen na panay ang hila sa buhok nito.

"Bakit hindi mo kami sinama. Napakadaya mo! Akala ko ba tropa tayo?" reklamo nito.

"Tropa ba tayo?"

"Teka, hindi ko matandaan."

Parang mga batang nag-aaway sa lollipop ang dalawa sa kanyang harapan. Idagdag mo na ang pakikisali nina Chanyeol at Tao na abala naman sa pagtulak sa dalawang nagrarambulan. Jusme. Parang mga bagong takas sa mental hospital!

"Kaylan mo pa ako pinagtataksilan!"

"What the heck, Chen!"

Hindi niya maiwasang matawa sa nakita. Halos matumba na ang apat sa kanilang paghaharutan samantalang nadaganan pa ng mga 'yon si Tao na hirap na hirap sa kakatawa.

"Okay kids, umayos na kayong lahat kung ayaw niyong samain kayo sa akin." parang hangin lang na dumaan ang mga salita ni Suho sa kanila. Narinig niya ang pagpipigil ng tawa ni Kai sa gilid, marahil natawa ito dahil walang nakikinig sa kanilang leader.

"I SAID CUT IT OUT!"

"What the heck!" bulyaw ni Xiumin matapos bumuhos sa kanila ang tubig ni Suho.

Sa gulat ng binata'y namuo ang yelo sa tubig. Mabilis na nanigas ang katawan ni Tao at Chen dahil sa lamig samantalang petiks lang na tinutunaw ni Chanyeol ang yelo sa katawan nito.

"Ang haharot niyo ang haharot niyo!"

Matapos mag-alburoto ni Suho ay kaagad itong lumapit sa kanya.

"Louise, saan ba tayo pwedeng magpunta? Hindi ko kasi alam ang lugar na ito at kung saan tayo pwedeng magsaya."

Bahagya siyang napaisip, una niyang naalala ang lugar na kahit na kailan ay 'di pa niya napupuntahan. Malawak ang ngiti niya bago pa man sumagot sa binata.

"Amusement park."



REVISED***
Sorry sa mahabang delays, nagrevise rin kasi ako ng forbidden fate: Prince of darkness. Maari niyo iyong basahin habang naghihintay ng updates nito. At complete na rin siya. So, maraming salamat sa paghihintay!

facebook.com/snowsparksjoviie 



Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 481K 74
โ—ค SEMIDEUS SAGA #03 โ—ข Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
248K 8.8K 31
If they stand behind you, give them protection. If they stand beside you, give them respect. If they stand against you... no mercy. Kill them and sh...
79.6K 4K 54
โin which seungkwan thinks nothing is really perfect about his relationship with hansolโž -bxb series #2. all rights reserved 2016.