BOSS Series 1: My boss, His d...

By imikkim21

4M 33.7K 821

Hindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at n... More

BOSS • 1
BOSS • 2
BOSS • 3
BOSS • 4
BOSS • 5
BOSS • 6
BOSS • 7
BOSS • 8
BOSS • 9
BOSS • 10
BOSS • 11
BOSS • 12
BOSS • 13
BOSS • 14
BOSS • 15
BOSS • 17
BOSS • 18
BOSS • 19
BOSS • 20
📌 ANNOUNCEMENT 📌

BOSS • 16

86.4K 1.3K 13
By imikkim21

Hindi niya alam kung paano siya napa-oo ni Liam pero nakita na lamang ni Alisson ang sarili na sumasakay sa kotse nito kasama si Blue papunta sa Malabrigo.

Hanggang ngayon ay labag pa rin sa kanya ang ideya ng pagsama nito sa kanila. Sigurado siya na sandamakmak na pagkahiya at katanungan ang aabutin niya sa oras na dumating sila roon lalo pa at kasama nila si Blue.

Tiyak na magtataka ang mag-asawang Stanfield kung sino ito.

Nakatanaw siya sa labas ng bintana ng marinig niya ang pagtikhim ni Liam. She curiously look at him to find out why. Liam looks like he has something to tell her but he is hesitating. Bahagya pa nitong binasa ang labi saka muling tumikhim at bahagyang sumulyap sa kanya.

Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo dito. Bakit bigla na lamang itong umakto ng ganoon? Mukha itong hindi mapakali.

"May problema ba?" She bothered to ask after some minutes passed by.

Umiling lamang ito sa kanya pero dahil hindi siya kumbinsido ay kinulit niya ito ng kinulit hanggang sa sabihin na nito ang dahilan ng pag-akto nito ng ganoon, na sana ay hindi na lamang pala niya ginawa.

"I told mom and dad that I am courting you."

Nanlaki ang mga mata niya roon. Nanlamig rin ang kanyang mga palad.

No, he didn't!

"I know I should've asked your permission first before telling them. Kaya lang masyado nila akong kinulit noong huli akong umuwi sa bahay. May nabanggit rin kasi si Angie sa kanila tungkol sa atin. And they knew that you're living in my property."

She gulped on that.

Isipin pa lamang niya kung anong naging reaksyon ng mga ito ay parang gusto na niyang lumubog dahil sa kahihiyan. Ano na lamang ang sasabihin ng mga ito sa kanya? Ano na lamang ang iisipin ng mga ito?

"Pakitigil ng sasakyan, Liam. Bababa na kami ni Blue."

Ayaw na niya.

Hindi niya kayang harapin ang mga magulang nito o kung sino pang kapamilya nito sa kahihiyan. Hindi niya kayang harapin ang galit ng mga ito sa kanya. Hindi niya kayang makita ang panghuhusga sa mata ng mga ito.

Kaagad na naalarma si Liam sa turan na iyon ni Alisson. "Wha—what? Why? No!" Matigas nitong pagtanggi sa gusto niyang mangyari.

"Sige na, please? Hindi na kami sasama. Pasensya na sir, pero hindi ko yata kayang harapin ang mommy at daddy niyo ngayon na alam na nila ang tungkol sa atin."

Lumalim ang pagkakakunot ng noo ng binata sa ikinatuwiran niyang iyon.

Tama lang naman siguro ang gagawin niya. Ayaw niyang dagdagan pa ang masamang isipin ng mga ito sa kanya na wala siyang delikadesa at nagawa pa niyang sumama sa lalaki, sa okasyon na para lamang sa kanilang pamilya.

Mabilis nitong itinigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Akala niya ay makakahinga na siya ng maluwag dahil sa ginawa nitong pagtigil pero nagkamali siya dahil mabilis nitong ini-lock ang mga pinto ng sasakyan saka siya hinarap.

Irritation was written all over his face. Kailan niya ba huling nakitang galit ng ganito ang kanyang boss? Kailan nga ba ito huling humarap sa kanya na galit ito?

Sa pagkakatanda niya kasi, siya palagi ang nagagalit dito. Siya ang unang naiirita sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila, kahit pa sa loob ng opisina. Siya ang palaging nagwo-walk out kapag nagkakasagutan sila tungkol sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan mapatrabaho man o personal.

Well, he can't blame her. Madalas naman kasi ay basta na lamang itong mag-aaktong animo'y immature na teenager na nagka-tantrums kaya madalas na sumasama ang timpla niya rito at naiinis siya.

Who would have thought that this man beside her can be so childish too? Parang ang hirap paniwalaan pero totoo. He's immature at times.

"What's wrong with you, Alisson?" Mahina man ang pagkakatanong nito na iyon pero ramdam niya ang tinitimpi nitong pagsambulat ng galit. "Ilang beses ko bang dapat ipaintindi sayo na hindi ka na iba sa amin at hindi ganoong klase ng mga taong iniisip mo ang mga magulang ko?"

Napaiwas siya ng tingin sa lalaki.

Masisisi mo ba siya kung iyon ang nararamdaman niya? Iyon ang pilit na nagsusumiksik sa kanyang utak?

"I can't believe you. Alam mo na hindi ganoon sina mom at dad. They were the kindest living creature here on Earth yet you think they won't like the idea of us being together in the future. Bakit? Kasi iniisip mo na magkaiba tayo ng estado sa buhay? Dahil ba sa ako ang boss mo kaya ayaw mong kung anong isipin nila? Iyon ba?"

She bit her lower lip on that.

Balot ng paghihinakit ang boses ni Liam dahil sa mga sinabi nito na pawang puro katotohanan.

Hearing him say all those things makes her heart shattered into pieces. Hindi naman niya gusto na ganoon ang maramdaman pero wala e, sadyang lumalabas kapag naiisip niya na magkaiba sila ng mundong ginagalawan ng lalaking ngayon ay aaminjn niyang unti-unti na niyang nagugustuhan.

"Fine. If you really don't wanna come, then let's just not go there. Hindi na rin ako pupunta."

Kaagad siyang naalarma sa sinabi nito na marahas siyang nagbaling rito ng tingin at nakitang muli na nitong papaandarin ang sasakyan.

Kilala niya ang binata. Once he said it, he really mean it. Gagawin talaga nito na hindi na sila pupunta. Ano na lang ang iisipin ng ama at ina nito sa kanya? Na pinipigilan at binabawalan na niyang pumunta si Liam sa mga ito? No! She can't let that happen.

Sa mga sinabi ni Liam ay natauhan siya. Tama ito. Hindi mapanghusgang mga tao ang pamilya Stanfield. Hindi tumitingin ang mga ito sa estado ng buhay ng isang tao para pakisamahan ng maayos. Siya ang mali. Siya ang may problema. Masyadong malaki ang inferiority complex niya sa katawan.

"No, no, no." Halos magpanic niyang saad. Hinawakan niya ito sa braso para pigilan ang tangka nitong gagawin. Kunot noo naman siya nitong muling tiningnan. "I'm sorry. I was wrong. I should'nt think that way in the first place. Hindi ko naman sinasadya. Na—nabigla lang ako. Natakot. Pero 'yun lang 'yon."

She looked at him. Pleading.

Alam niya na nagtatampo ito sa kanya sa mga oras na ito. Hindi pa rin kasi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. And he seems cold for she does surely know the reason.

"Tuloy na tayo. Let's go there."

Walang imik na nagbaling ng tingin sa unahan si Liam kasabay ng isang beses na pagtango bago muling ipinagpatuloy ang naudlot na pagmamaneho.

Hanggang sa makarating yata sila sa Malabrigo, ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hindi na rin naman nag-abalang magsalita pa si Alisson dahil alam niya na hindi siya kakausapin ng lalaki.

Baka kapag pinilit niya na naman itong kausapin ay mas lumala ang gulo sa pagitan nilang dalawa.

Sisiguraduhin na lamang niya na makausap ito ng masinsinan mamaya at humingi ng tawad dito. Sa maling pag-iisip niya tungkol sa mga magulang nito.

Saglit niyang nakalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya at ang hindi pamamansin sa kanya ni Liam ng makita niya kung gaano kaganda ang beach house at private beach na pagmamay-ari ng pamilya nito dito sa Malabrigo.

The white sand is shouting its purity and finest. The aquamarine color of the ocean, the calm waves of the ocean and the fresh breeze of the air. It made her relaxed for a while.

Inilibot niya ang kanyang paningin.

Maraming puno ng niyog ang nakatanim sa paligid kaya't hindi gaanong mainit ang lalakaran nila. Mayroon ding isang diretsong daan na ang sapantaha niyang tinutumbok ay ang beach house ng mga ito. At hindi nga siya nagkamali dahil makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay nakarating sila sa isang simple at modernong beach house na nakatayo paharap sa dalampasigan.

Likod pa lamang ng bahay ang nakikita niya pero hangang-hanga na siya. Paano pa kaya kapag iyong harap na mismo ang nasilayan niya?

Hindi iyon gaanong kalakihan pero nagsusumigaw iyon sa ganda. It looks so inviting to stay here forever because of the calmness it could bring in her. Pakiramdam niya, sa oras na makatapak siya sa loob ng kabahayan ay hindi na niya nanaisin pang lumabas.

She always love the idea of living around the coastal area where she can easily go and see the beauty of the ocean, it's morning sunrise and it's sunset. Kung papipiliin siya ng magiging buhay sa hinaharap, she'll probably choose living in this kind of place and leave the noisy and polluted urban life.

Tumigil siya sa paglalakad ng makita ang pagtigil rin ni Liam na nasa kanyang unahan.

Humarap ito sa kanya. At dahil sa nakasuot ito ng shades ay hindi niya makita kung kagaya pa rin ba nang kanina ang tingin nito sa kanya.

"Mauna na kayo ni Blue. Nasa labas naman sina mom. Makikita mo kaagad sila. I'll just get our things in the car."

Hindi pa man siya lubusang nakakatango ay naglakad na ito at nilagpasan siya.

She sighed on that.

Ayaw man niya, hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng sakit doon. Para bang bigla ay nabago ang pakikitungo nito sa kanya. Para bang bigla ay nagkaroon ng lamat sa pagitan nilang dalawa. Nasasaktan siya sa pagiging malamig ng pakikitungo nito sa kanya. Nasasaktan siya kasi alam niya sa sarili niya na nasaktan niya ang lalaki. Pero wala siyang magagawa. Kasalanan naman niya kung bakit nagkakaganoon ngayon ang lalaki.

Hindi man nito direktang sabihin pero alam niya na na-offend ito sa mga nasabi niya kanina at sa mga naisip niya tungkol sa mga magulang nito.

Isang beses pa siyang bumuntong-hininga bago ipinagpatuloy ang naudlot na paglalakad.

"Alisson!"

She smiled upon hearing the voice of Mrs. Wiliana. Kaagad itong lumapit sa kanya at bineso siya.

"Ang ganda mo na lalo, hija. It's been what since I last saw you? Two months? How are you? Hindi ba pinapasakit ni Liam ang ulo mo? Sa trabaho? Hindi ka ba niya palaging sinusungitan?"

Bahagya siyang napatawa doon kasabay ng marahang pag-iling. "Hindi naman po, Ma'am. He's been good to me since his first day."

Ako pa nga po yata ang nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo. She silently utter to herself.

"Tita na lang kasi, Alisson. Don't ma'am me anymore. Ikaw naman. Hindi ka na iba sa pamilya." Hinaplos nito ang kanyang braso. "Mas better nga kung mom na lang ang itawag mo sa akin." Ngumiti pa ito na para bang tinutukso siya.

Her cheeks flushed red on what she heard. Bigla ay nahiya na naman siya sa sinabi nitong iyon.

"Just kidding, Ali. Tita is fine with me. We'll soon come to that point of you calling me mom. Call me tita, okay? No more ma'am."

"Si—sige po, tita."

The lady smiled as if she's satisfied on what she has heard.

At iyong inaasahan niya na pagtatanong nito tungkol kay Blue ay hindi nangyari. Tila ba hindi ito nagulat na may dala siyang bata.

Nandoon rin sina Weigan at Vanessa kasama ang pamilya ng mga ito at ilan pang kamag-anakan nina Liam na hindi niya kilala.

Ilang minuto na ang nakalipas simula ng pumasok silang mag-ina sa loob ng bahay pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Liam. Hindi naman ganoon karami ang dala nilang gamit pero bakit mukhang natatagalan ito sa pagkuha?

Maingat niyang inilapag sa sofa si Blie na mahimbing na namang natutulog. Tumanaw siya sa labas ng bintana kung saan kitang-kita ang malawak at napakagandang view ng karagatan.

She closed her eyes and feel the breeze of the fresh wind coming inside the house. Kailan ba siya huling nakapagrelax ng ganito? O nakapagrelax na nga ba siya ng kagaya nito? Parang hindi pa yata. Ngayon pa lang yata.

She's been working her ass out for the past years of her life yet she doesn't feel contented. Para bang may kulang pa rin kahit gaano siya magtrabaho. May hinahanap ang pagkatao niya na hanggang ngayon ay hindi niya malaman kung ano.

Nagmulat siya ng mata, saktong kapapasok lamang ni Liam sa loob ng bahay. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata pero ito ang unang nag-iwas ng tingin kapagkuwan ay nagdiretso paakyat sa hagdan ng wala man lang salitang lumabas sa bibig nito.

Para bang nakita nga siya nito pero wala lang. It's like he doesn't seem to recognize her at all. Daig niya pa ang multo rito.

Ganoon pala ang pakiramdam ng mabalewala. Masakit.

She sighed.

Pang-ilan na ba ngayong araw na ito? Hindi na niya mabilang.

Alam niya na dapat siyang mag-sorry sa lalaki dahil sa iniasal niya kanina pero paano? Ni ayaw nga yata siya nitong kausapin at tingnan man lang. Paano siya hihingi na paumanhin kung ito mismo ay umiiwas sa kanya?

"LQ?"

Napatingin siya sa may pinto. She saw Weigan there, leaning on the door's jamb, while both hand's are on his pocket.

Umiling siya dito saka bahagyang ngumiti pero halatang hindi ito kumbinsido. Nagsimula itong lumapit sa kinatatayuan niya at nang mapansin nito ang batang tahimik na natutulog sa sofa ay kaagad na kumunot ang noo nito na para bang may nakitang kung ano kay Blue.

O baka nagtaka lang ito kung bakit mayroon siyang kasamang bata? Sabagay, hindi nga pala nito alam na may anak siya.

"Sabi nina Ate Van, samahan daw muna kita dito. Angie will come here soon. May dinaanan lang yata sila 'nung boyfriend niyang hilaw."

Bahagyang napataas ang kilay niya roon.

Why does she sense some sarcasm and bitterness over that one?

Tiningnan niya ito at ganoon na lang ang pagpipigil niyang mapangiti ng makitang nakabusangot na ito dahil sa sinabi. So, may gusto siya kay Angie? And he doesn't like the idea of Angie having a boyfriend? Iyon ba o magaling lang talaga siyang mag-isip ng kung anu-ano?

They talked there. Hindi na nga niya alam kung anong pinag-uusapan nila dahil sa dami nitong sinasabi pero kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya sa pambabalewala ni Liam.

"Maiba tayo, Ali. Kayo na ba 'nung pinsan kong daig pa ang babae kung magtampo?"

She slightly giggled on that. He hitted the bull's eye.

"Hindi pa."

The man's eyebrow raised. "Hindi pa? So may pag-asa nga sayo ang bugok na 'yon? Tunay?" Animo'y hindi nito makapaniwalang turan.

Bakit naman kasi hindi, 'di ba? She's admitting it now. Kaya siya nasasaktan sa pambabalewala ni Liam dahil gusto na niya ito. May nararamdaman na siya para dito. Hindi pa man niya masabi na mahal na nga niya ito pero alam niya na darating rin sa puntong iyon.

Bakit niya pa itatanggi? Hindi naman siya maaapektuhan ng ganoon kung wala pa siyang gusto sa lalaki.

"He's one of a heck lucky guy. Ang arte masyado. May patampo-tampo pang nalalaman. Mag-usap kayong dalawa mamaya. Kami na ni Angie ang bahala sa anak niyo."

She don't want to argue about that. Kakausapin niya talaga ito mamaya. She'll say sorry. And maybe, she'll tell him what she feels too.

Continue Reading

You'll Also Like

227K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
356K 13.1K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...
382K 20.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.5K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...