My Psycho Girl [COMPLETED]

Galing kay marielicious

9.7M 218K 21.5K

X10 Series: Derrick Monteverde Spin-off story of Married To A Retard Higit pa

My Psycho Girl (Sequel to Married To A Retard)
[1] Heartbroken
[2] One Hot Night
[3] Forget it And Move On
[4] Two Red Lines
[5] The Psycho And The Moron
[6] Grounded
[7] Marriage Is No Joke
[8] The Sin City
[9] Not-A-Typical-Wedding
[10] Marriage Agreement
[11] Temptation
[12] My Wife is Pregnant
[13] Umuwi Ka Na, Baby
[14] Reminiscing
[15] Caught In The Act
[16] Affected, Aren't We?
[17] His Absence Makes Me What?
[18] Sudden Thought
[19] Set-up
[20] Three Red Roses
[21] Those Three Words
[22] Girl Or Boy?
[23] Relationship Status
[24] Slip Of The Tongue
[25] True Feelings
[26] Reunited
[27] His Dirty Secret
[28] Talk About Stress
[29] Suspicious Husband
[30] One Click To Go
[31] Please
[32] Talk To Me
[33] Leave Me Alone
[35] Dude
[36] Unexpected
[37] Longing
[38] Finally
[39] Apology
[40] Getting Better
[41] Playmates
[42] Out Of Town
[43] Inspired
[44] Blame
[45] Daddy
[Epilogue]

[34] 5 Months Old

132K 3.7K 175
Galing kay marielicious

[34] 5 MONTHS OLD


DERRICK'S POV

Lumipas ang ilang buwan— March, April, May, June at July. Pero wala pa rin ang taong hinihintay kong bumalik. Five months old na si Erick at sa five months na nakalipas, ni anino ni Lyza ay wala akong nakita.

"Happy Christening, baby Erick! Sa wakas, nabinyagan ka na," nginitian ko lang si Jena nung nilaro niya ang kamay ni Erick. Papunta na kami sa reception. Ngayon kasi ginanap ang binyag ng anak ko.

Minsan nga, napapaisip ako. Talaga bang walang alam ang mga magulang at kaibigan ni Lyza sa biglaang pag-alis niya? First 3 weeks nung nawala si Lyza, tumigil na agad sila sa paghahanap. Naalala ko pa nga ang sinabi ni Jena noon...

'Let her be, Derrick. Babalik siya. Sinabi niya naman yun sa sulat, hindi ba?'

Pumikit ako ng mariin nang bumalik na naman sa isip ko ang sinabi niyang yun. Sinulyapan ko siya sa kaliwa ko. Busyng-busy siya sa paglilibang kay Erick. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin pero hindi na katulad noon. Tama nga sila. Malaki na si Lyza. I know she'll come back... maybe not for me, but for Erick.

Pagkarating namin sa reception, kapansin-pansin ang pagsasaya ng lahat. Kasama ang X8, ilan sa kaibigan ni Lyza pati na rin ang mga parents namin. Ipinaubaya ko muna sa na-hire kong babysitter si Erick para makalayo muna ako ng panandalian sa mga tao. Pumunta ako sa pinakasulok na lamesa at dun kumain. Maya-maya lang ay may tumapik sa balikat ko mula sa likuran.

"Derrick."

Boses pa lang ay kilala ko na 'to. Mabilis kong nilingon si Theo at nginitian. Umupo naman siya sa kaliwa ko.

"Kamusta, Pre?" he asked enthusiastically.

Nagkibit-balikat lang ako at uminom ng tubig. Alam naman nilang hindi ako magiging okay hangga't hindi pa bumabalik ang asawa ko. Hindi ba sila magsasawa na tanungin ako?

"Buti naisipan mong pabinyagan na ang anak mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

Ngumiti lang ako nang dumapo ang paningin ko kay Erick na buhat-buhat na ngayon ni Wayne sa harapan. "Tama sina Mama. Hindi ko na dapat hintayin na bumalik si Lyza para pabinyagan si Erick."

Gusto ko sanang sa pagbalik nalang ni Lyza binyagan ang anak namin. But my mom insisted not to wait for Lyza. Hindi mabuting patagalin pa ang binyag.

"Babalik ang asawa mo, Derrick."

Napatingin ako sa kanya. He was seriously looking at me as though he has something else in his mind.

"You should be thankful that Erick's with you. Babalikan niya kayo," aniya.

Matiim ko siyang tinitigan. Gusto ko siyang pigain kung may nalalaman ba siya o wala. Kasabay ng pagkawala ni Lyza 5 months ago ay ang pagbabakasyon niya sa Guam. Masama bang isipin ko na posibleng sumama sa kanya ang asawa ko?

"Theo, I don't mean anything harm but I've been wanting to ask you this..." Huminto ako saglit at tumingin sa ibang direksyon. "May kinalaman ka ba sa pagkawala ng asawa ko?"

"Huh? Pa'no mo naman nasabi yan?" Bakas sa boses niya ang pagkagulat sa itinanong ko, kaya napailing nalang ako at ininom ang tubig sa basong hawak ko. Bul-ls-hit. Bakit parang pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng mga tao sa paligid ko?

"Alam niyo kung gaano kahirap ang dinanas ko nung nawala si Lyza. Kaya kung may alam ka, sabihin mo nalang sa akin."

Hindi siya nakakibo agad kaya tumingin na ako sa kanya. I could see how tensed he is as he was pushing his tongue inside his mouth sideways.

"Theo, sabihin mo sa akin alang-alang kay Erick. Sa inaanak mo..."

Huminga siya ng malalim kasabay ng pag-iling niya. "Alam ko ang plano niyang pag-alis. Humingi pa nga siya ng tulong sa akin."

"Fuck," bulong ko at napatayo. Akmang hahablutin ko ang kwelyo niya nang kabigin niya ang kamay ko.

"Sa labas tayo mag-usap. Hindi mo naman siguro gustong sirain ang okasyon na 'to," saka siya tumayo at naglakad na palabas.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa likurang bahagi ng function hall.

"Nasaan ba ang asawa ko, Theo? 'Wag mo naman akong gaguhin!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko. Huminto siya at hinarap ako. T-angin-a! Inuubos niya ang pasensya ko.

"Oo, humingi siya sa akin ng tulong. Kinukulit niya ako ng paulit-ulit kaya napilitan akong tulungan siya."

Tuluyan ng uminit ang ulo ko kaya hinablot ko ang kwelyo niya at itinapat sa mukha niya ang aking kamao. "Gago ka! Kaibigan ka ba talaga? Sh-t ka! Ginulo-gulo mo lalo ang buhay namin!"

Tinulak niya ako ng malakas at inayos ang sarili niya. Sa mga kilos niya, hindi ko alam kung maniniwala ba ako na bakla siya o hindi.

"May gusto ka ba sa asawa ko?"

Ngumisi siya at umiling. "Alam niyang gusto ko siya, pero alam mo naman kung ano ako diba? Pero hindi ko alam... Nagbabago rin naman ang isip ng tao."

"Fuck shit ka!" Sinugod ko siya at inambangan ng suntok sa mukha. Unang atake pa lang ay bumagsak na siya sa semento. Walang tao sa bahagi ng lugar na ito kaya walang nakapansin.

Lalo akong nainis nang ngumisi lang siya habang pinapahiran ang dugo sa labi. "Fine, I'll admit it anyway," tumayo siya habang umiiling pa. "Tinulungan ko siyang makaalis sa bahay niyo dahil naaawa ako sa kanya."

Napatiim-bagang ako sa sinabi niya, kasabay ng paghigpit ng mga kamao ko. Pinagkatiwalaan ko siya pero isa rin pala siya sa tumatraydor sa akin.

"Alam din ni Jena ang tungkol dito. Pero Derrick, humingi lang siya sa amin ng isang Linggo. Nangako siya na pagkatapos ng isang Linggo ay babalik na siya sayo. Gusto niya lang na makapag-isip-isip. Hindi talaga ako sa Guam nagpunta, kundi sa probinsya namin..."

Napakunot ang noo ko. Isang Linggo? Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?

"Nasaan na siya? Bakit wala pa rin siya? Damn it, 'wag mo akong niloloko!"

Huminga siya ng malalim at napasuklay sa buhok gamit ang mga daliri niya. "Tinakasan niya rin kami. Nag-iwan siya ng sulat sa amin. Nagpasalamat siya. Yun lang yun."

Damn it! Lyza, saan ka ba nagpunta??

"Sina Mama... May alam ba sila tungkol dito?"

Bumuntong-hininga siya saka umiling. "Wala. Wala silang alam na kahit ano."

"Derrick!!"

Napalingon ako sa sumigaw. Nakita ko si Wayne na mabilis na tumatakbo sa direksyon ko. Halata sa kanya ang pagkataranta.

"Anong nangyari, Wayne?"

Napansin ko rin na nagkakagulo na sa labas. Hindi ko na hinintay na sumagot si Wayne, at agad-agad akong pumunta sa labas kasunod sina Theo at Wayne.

"Derrick, si Erick..." Natatarantang sabi ni Wayne sa akin habang palabas kami.

Nagpanting ang tenga ko pagkabanggit niya sa pangalan ng anak ko. "Napaano si Erick?!" Nakarating na kami sa lobby at kapansin-pansin ang mga taong natataranta rin. "Nasaan ang anak ko?!"

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala si Erick. Shit.

"Derrick..." Nilapitan na ako ni Mama at hinawakan ako sa braso. "Kumalma ka muna."

"Nasaan si Erick, Ma?"

Maluha-luha na si Mama kaya dumoble na ang kaba sa dibdib ko. "Nawawala si Erick."

"Ano?!" Kinabig ko ang kamay ni Mama at hinanap ng paningin ko ang babysitter ni Erick. Nakaupo siya sa hagdan at humahagulhol. Sa sobrang tension ko ay nilapitan ko siya at hinablot ang braso niya patayo.

"Derrick, kumalma ka nga!" Narinig ko na ang ilan sa X8 na pinipigilan ako pero hindi ko sila pinakinggan.

"Nasaan si Erick?!"

"S...Sir... May babae pong kumuha sa kanya," panay ang hagulhol niya habang nagpapaliwanag. Babae? Sinong babae? "Nagpakilala pong nanay niya. Siya... siya po yung babae sa picture sa kwarto niyo. Yung asawa mo po."

Pigil ang hininga kong binitawan ang braso niya. Si Lyza. That must be my wife!

"Ano'ng nangyari? Nasaan siya? Tell me!" Bulyaw ko. Napapikit siya ng mga mata.

Hinawakan ako ni Alex sa kaliwang braso at ni Jake sa balikat ko para pigilan ako. May mga pulis na ring dumating. Damn it, where's my wife?!

"Sumakay po siya sa taxi kasama si Erick. Sir, pinigilan ko po sila pero masyado pong mabilis ang mga pangyayari..."

Napasabunot ako sa buhok ko. Una si Lyza, pati ba naman si Erick iiwan ako?

"Bullshit!!" sigaw ko.

"Derrick, calm down..."

Naagaw ng atensyon ng lahat ang malakas na pagtunog ng cellphone ng mother in law ko. She was crying silently as she took up the call.

Nagising ang diwa ko nang lumabas sa bibig niya ang pangalan niya.

"Lyza??"

Mabilis ko akong lumapit sa kanya. Hindi ko man marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya ay nararamdaman ko na ang asawa ko ang kausap niya.

"Lyza, don't do this," mahinang sabi ni Mama sa kausap. Kinakapusan na ako ng hininga. Gusto ko siyang makausap.

"Ma, let me talk to her," I pleaded.

Without second thoughts, she handed her phone to me. As soon as I placed it on my ear, I heard her crying voice after five long months.

["... Ma, I'm sorry. Gusto ko lang kunin ang anak ko. I miss him already."]

Nag-init na ang sulok ng mga mata ko. Hindi niya na ba ako kayang patawarin kaya pati anak ko ay inilalayo niya na rin sa akin?

"Lyza, please... 'Wag namang ganito. Nagmamakaawa ako," my voice cracked.

Narinig ko ang malakas na pag-iyak ni Erick sa kabilang linya. Ang anak ko...

"Lyza, don't do this to me. Mag-usap tayo!"

I was expecting to hear her voice, but all I heard was the dial tone.

Napaupo nalang ako sa sahig nang babaan niya ako ng tawag. D-amn it, Lyza. Hanggang kailan mo ba ako papahirapan?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

613K 22.2K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
472K 9.8K 52
UNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have bee...
676K 10.6K 40
"Love knows no boundaries." Book 2 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. Hindi inakala ni Cassidy na tuluyan na ngang mahuhulog ang loob niya sa lalaki...