I am Underdosed (MingKit Fanf...

By kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit More

Prologue
Chapter 1: Hydroxyethylrutoside
Chapter 2: Loperamide
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 5: Aripiprazole
Chapter 6: Risperidone
Chapter 7: Midazolam
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 9: Methylphenidate
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 14: Sildenafil
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 20: Amphetamine
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 10: Mefenamic Acid

189 18 8
By kellskellay

Vocabulary!!!

Mefenamic Acid - Pain reliever or Analgesic.

•••

Naging maayos naman ang buong linggo ko. Buong linggo ko kasing ipinagdasal ang kapalaran ni Felina kasama ang bagong lalaki niya.

Sa totoo lang, halos pareho lang ang istorya ko sa istorya ni kuya Forth. Iniwan din naman siya noon ng girlfriend niya at si kuya Beam ang tumulong sa kanya para maka-move on. At yun na nga, naging sila na hanggang ngayon.

Ako naman ay si Ming naman ang… teka ibang usapan na 'yan. Kaibigan ko lang si Ming. Tsaka natural lang na tulungan niya ang kaibigan niya sa pagmo-move on.

Inuulit ko, kaibigan ko lang si Ming.

Sunday ngayon. Obviously, walang pasok. Mamaya ko nalang aasikasuhin yung mga lab papers at assignments ko.

Bumangon na ako para mag-almusal. Masarap kasi ang almusal namin tuwing sunday. A typical American slash Grecian kind of breakfast. Nandiyan ang Caesar's Salad, pancakes, California maki, at kung ano pa mang pagkain na maiisip mo kapag nasa US ka or Greece.

"Good morning my dear Phana! Happy birthday! So, what's your plan for today?"

Dinig ko na agad ang boses ni kuya Beam kahit na nasa hagdan palang ako pababa. Kausap niya siguro ngayon yung pamangkin niya.

Currently nasa states ang kapatid ni kuya Beam na si kuya Marvin. Doon kasi siya nakilala bilang doktor several years back. Eleven years old palang ako noon nang maibalita na isang pinoy ang nag excel sa medical practice at si kuya Marvin nga iyon.

"I don't have any plans for today tito. Wala din naman sina mommy at daddy kaya hindi din ako makakapag celebrate ng birthday ko." Sagot ni Phana sa videocall.

(A/N: Ayan na ang clue kung sino si Phana ha? Hahahahaha!)

"Hindi bale Phana, why don't you just celebrate your birthday with your friends?" Sabi ni kuya Beam.

"Hmm… I dunno. I might call them tomorrow. Bukas pa naman ang birthday ko."

"Okay. Your lolo and lola are going to visit us today here. You might want to drop a call later. Call us if you have time okay?"

"Okay tito."

"Ilang taon ka na pala ngayon?"

"13 na po ako bukas tito."

"Hmm… sige. That's it for today. Bye Phana!"

"Bye tito. Paki kamusta mo nalang ako kay tito Forth."

"Sure. Bye"

Call ended.

"Sino yun kuya?" Tanong ko.

"Pamangkin ko. Bingi ka ba?"

"Wala akong pake."

"Walang kayo."

"Last week pa."

Surprising ba? Hindi na kasi masakit kaya nagagawa ko nalang na gawing biro yung ex ko. Parang ininuman ko lang ng Mefenamic acid then the pain is gone.

Actually ang ex girlfriend ko ay isang malaking biro sa buhay ko. Yung tipong isa siyang havey na joke ng isang stand-up comedian at susuko ka nalang dahil sa sakit ng tiyan mo kakatawa.

"Good morning!" Bati ng isang matandang babae.

"Good morning mommy!" Sabi ni kuya Beam. Mukhang nandito na nga ang sinasabi ni kuya Beam na mga bisita.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi pa kami nagkakaroon ng ganitong klase ng almusal. May mga dala din kasing pagkain ang mga bisita namin.

As usual ako naman ang chief taga-ligpit ng mga dishes.

Bumalik na ako sa kwarto ko nang matapos ko na ang paghuhugas ng mga plato.

Tinapos ko na din ang mga assignments at lab papers ko. Ano na bang dapat kong gawin ngayon?

Matext nga si Ming.

"Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong ko.

"Mangangalakal kami ngayon ni mama." Reply niya.

Nangangalakal parin pala sila.

"Bunso! Pakisabi pala kay Ming na may hiring sa kumpanya. Baka gusto ng mga magulang niya." Sabi ni kuya Forth. Binuksan niya nalang yung at tsaka umalis din agad.

Agad ko namang tinext kay Ming ang magandang balita.

"Huwag na daw kayong mangalakal kasi hiring daw sa kumpanya namin." Text ko ulit kay Ming.

"Totoo?!" Mabilis magreply si Ming. Doon tayo sa mabilis magreply. Dejoke! Kaibigan ko nga lang si Ming diba?

"Oo kaya nga 'wag na daw kayong mangalakal."

"Bunso magbihis ka at pupunta tayo sa Enchanted Kingdom." Sabi ulit ni kuya Forth.

Naligo at nagbihis din naman ako agad. Kaso lang parang kulang kung kami lang.

Agad kong pinuntahan si kuya Forth sa kwarto niya.

"Kuya pwede ko bang isama si Ming?" Tanong ko.

"Pwede naman. Isama mo na din ang mga magulang niya. Ikaw nalang ang sumundo sa kanila. Gamitin mo yung isang sasakyan."

Binigay na sa akin ni kuya yung susi ng isa pa naming sasakyan. Lisensyado naman na ako at marunong na magdrive.

Tinawagan ko agad si Ming at sinabing susunduin ko sila.

Nauna nang umalis sila kuya gamit yung Hi-ace van. Sumunod naman ako gamit yung Fortuner at pumunta sa lugar ni Ming.

Inabangan na ako nina Ming sa kanto ng lugar nila kaya mabilis din naman kaming naka-alis.

"Salamat hijo kasi sinama mo kami ngayon. Hindi pa kasi kami nakakapunta sa ganoong klase ng lugar. Kahit si Ming ay hindi pa nakakapunta sa ganoong klase ng lugar." Sabi ng mama ni Ming.

"Walang anuman po tita. Basta po pagpunta natin doon, wala po kayong ibang gagawin kung hindi ang magsaya lang."

Tumingin ako kay Ming at ngumiti naman siya sa akin.

Hindi naman traffic dahil weekend ngayon. Service road din naman ang ginamit namin para makapunta sa Enchanted Kingdom. One hour and a half lang naman ang ibinyahe namin at nakarating na din kami dito sa Enchanted Kingdom.

Naghiwa-hiwalay na ang lahat nang makabili na ng ticket. Siyempre ang kasama ko ay si Ming.

"Ito po ang pocket money tita. Kung nagugutom po kayo ni tito bumili lang po kayo ng pagkain."

Inabot ko ang pera na iniwan sa akin ni kuya.

"Hay naku hijo! Masyadong malaki ang isang libo."

"Tita kulang pa po 'yan kung tutuusin. Tanggapin niyo na po. Magkita nalang po tayo dito mamayang alas-otso. Mag enjoy po kayo dito."

Humiwalay na kami ni Ming at sumakay na din kami sa ibang ride. Nahilo naman si Ming sa Space Shuttle at Magic Disc.

Mabilis lumipas ang oras at malapit nang gumabi. Stuck parin kami ni Ming dito sa pila sa Ferris Wheel. Malapit na din siguro magsimula ang fireworks display dahil nagsisimula na ding sumayaw ang mga performers ng bawat attraction.

Sawakas at makakasakay na din kami ni Ming sa Ferris Wheel. Teka? Bakit nga ba dito namin napili ni Ming sumakay? Takot ako sa heights.

Huli na ang lahat dahil nakasakay na kami ni Ming.

Hindi pa naman gaanong mataas kung nasaan kami ngayon. Alam niyo naman siguro yung pakiramdam kapag nasa taas na kayo ng Ferris Wheel habang nagsasakay pa sa ibang cell.

Nasa kalagitnaan na kami. Pwede pa bang bumaba? Please?

Pumikit nalang ako at yumuko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ming.

"Hindi." Sagot ko.

"Ikaw ang nag-aya na dito tayo sumakay diba?"

"Takot ako sa mataas na lugar."

Alam kong confused kayo. Magkaiba yung stationary na rides sa extreme rides. Sarili kong classification lang ng rides 'yan. Stationary ride ang Ferris Wheel kaya medyo takot ako.

"Sino bang hindi takot sa mataas na lugar? Ako din naman takot." Sabi ni Ming.

Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin kay Ming.

"Hindi na ako takot kasi may kailangan akong protektahan dito." Dagdag niya.

"Ha?"

"Uy tignan mo! Fireworks!"

Narinig ko naman talaga yung sinabi ni Ming. Hindi ko lang talaga naintindihan kung ano bang ibig niyang sabihin.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa fireworks display.

Hindi na bago sa akin ang fireworks display.

Pero may bago sa pakiramdam ko ngayon.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ming. Nakangiti siya at masaya. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya.

Nawala yung takot ko kahit na nasa tuktok na kami mismo. Suddenly, I felt happiness.

Masaya akong kasama si Ming.

Continue Reading

You'll Also Like

332K 7.5K 33
Bored ako
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
9.1K 471 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
100K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...